Mahimbing na ang tulog ni Dom ngunit hindi man lang ako madalaw ng antok. Ilang beses kong sinubukang mag paantok pero wala talaga. Napabuntong hininga na lamang ako at umalis sa pagkakahiga.
Mag ti-timpal nalang ako ng gatas. Wala rin naman parang ayaw akong patulugin ngayong gabi. Palabas na sana ako ng makita kong nag bukas ang phone ni Dom. Hindi naman ako pakilamera pero na i-intriga talaga ako. Agad ko itong madahan na kinuha. Dahil finger print ang locked nito ay kinaylangan ko pang hanapin kung saang daliri ni Dom ang pang unlock. Madahan na madahan ako sa kilos ko dahil maari siyang magising.
Agad akong lumabas ng makita ko ang text ni Veron. Alam na pala niyang ako ang ibinabahay ni Dom? Sumikip ang dibdib ko. Nabasa kong gumawa ng kasunduan si Veron na mas nakapag palungkot sa akin.
Tanggap niya kung maanakan ako ni Dom at pati ang bata ituturing niyang anak.
Totoo ngang itatapon nalang ako ni Dom sa basura. Napangisi ako habang umiibis ang mga luha ko. Agad kong ibinalik ang phone ni Dom sa side table at nag mamadali akong gumayak. Tinawagan ko si Draco upang tulungan akong makaalis ng hindi alam ni Dom.
"Pasensya na sumuway ako, pero Dom kapag handa kanang itama ang lahat baka sakaling pwede na." Hinagkan ko siya sa forehead bago tuluyang umalis.
"Bakit biglang kang nag desisyon? Sa pagkakakilala ko sayo hindi ka mabilis mag bago ng desisyon."
Nakasandal ang ulo ko at pasimple lang akong lumuluha. "Naawa na kasi ako sa sarili ko."
"Sa pagmamahal kasi Leaf mag ti-tira ka sa sarili mo."
"Naging komportable ako sa piling n'ya. Ang mali ko lang umasa akong ako at itong dinadala kong bata ang pipiliin n'ya, pero never kong inisip na oo nga pala hindi mangyayari iyon." Pagak akong tumawa. "Bakit ako aasa e, kabit nga pala ako?"
"Duwag ang lalaking iyon." Madiing wika ni Draco.
"Kapag handa na s'ya Draco handa rin naman akong bigyan siya ng chance. Nag iwan nalang ako ng mensahe para humingi ng tawad at nag pasalamat."
"Naisend ko na yung pera sa bank account niya wala kanang dapat i-worry."
"Babayaran kita Draco."
"Isipin mong tulong ko iyon."
"Sa panahon ngayon wala nang libre Draco." Pag pupumilit ko.
"Sige isang daan sa isang taon payag ako." Iritadong sabi nito na ikinailing ko na lamang. "May vacation house ako may kalayuan sa lugar ni Dom and sure ko na hindi ka n'ya mahahanap agad. Pinatrabaho ko na yung CCTV kaya wala siyang makikitang ebedensya na pumasok ako at lumabas na kasama ka."
"Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Ikwekwento kita sa anak ko." Nakangiting wika ko.
"Hanggat ayaw niyang magpaka ama sa anak mo Leaf ako muna."
Ipinikit ko na ang aking mata hanggang sa dalawin ako ng antok. Nakarating kami sa lugar na sinasabi ni Draco. Maayos ang bahay at malapit ito sa dagat kaya nakakarelax nga, pero hindi ko maiwasang mangamba.
"Hindi ako makakapanatili dito dahil makakahalata si Dom, pero ibinilin kita kay Manang para may kasama ka."
"Magiging maayos lang ako. Pakisabihan nalang ang mga magulang ko na ayos lang ako kung sakaling mag ta-tanong sila. Pakisabing hiwalay na kami ni Dom at ayaw kong kausapin nila ito." Bilin ko.
"Ako na bahala sa lahat Leaf. Lahat ng kaylangan mo ipatawag mo kay Manang, ok? Kapag may problema pupunta agad ako."
Tumango ako bago nag paalam na kay Draco. Umalis na ito kaya naman nag pahinga na muna ako dahil ngayon ko pa lamang nararamdaman na antok na pala ako.
Nakabawi ako sa tulog ng ilang oras. Nagising ako na may gumagalaw sa kitchen kaya agad akong bumaba. "Kayo po pala." Nahihiyang wika ko.
"Nagising ba kita? Pasensya na, tanghali na kasi iniisip ko gutom kana pag gising mo. Sabi ni Draco bawal kang malipasan. Kaya heto nag luto ako ng ginataang alimasag na may kalabasa at ito ampalayang ginisa."
"Salamat po Manang. Sumabay na po kayo sa akin hindi po ako sanay walang kasabay." Alok ko sa may edad na babae na mukang matagal ng katiwala ni Draco.
"Sige at ako'y gutom narin."
Magana akong kumain para sa anak ko. Matapos naming kumain ay tutulungan ko sana si Manang ngunit hindi ito pumayag. Sinabi niyang mag libot muna ako upang makalanghap ng sariwang hangin.
Napahimas na lamang ako sa aking tiyan habang nakatanaw sa dagat. "Kamusta na kaya ang Daddy mo?" Malungkot akong napangiti. "Kakayanin ko anak aalagaan kita."