ILANG ARAW PALANG ANG IPINAMAMALAGI KO SA VACRION HOUSE NI DRACO. Hindi ko mapigilang malungkot at umiyak gabi-gabi habang iniisip kung ano na ang mangyayari sa amin ng anak ko. Sino na magiging ama n'ya? At paano ko ipapaliwanag na naging kabit ako upang ipagbuntis s'ya at pagkatapos ay ibigay lang sakaniyang amang si Dom?
Masasaktan ang anak ko.
Totoo nga na kapag nararamdaman mo na s'ya hindi mo na makakayanan na mawalay pa sa iyong anak. Akala ko noong una wala lang sa akin. Iniisip ko kasi na madali lang akong makakagawa ng buhay kung maipanganak ko na s'ya. Akala ko kasi madali ko lang malilimot itong letseng pangyayari na 'to, pero lahat iyon ay isang malaking akala.
Hindi pala ganoon kadali ang lahat! Ang tanga ko talaga eh! Hindi ako nag i-isip at pabigla-bigla na lamang ako sa desisyon ko. Kaya kapag na i-ipit ako ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang umiyak.
Napabuntong hininga na lamang ako bago pinahid ang luhang dumadaloy pababa sa aking pisnge.
"Hija, pumasok kana dahil pasilim na. Hindi maaring mahamugan ang buntis." Paalala ni Manang na ikinatango ko bago sumunod na sakaniya papasok sa bahay.
"Tumawag pala si Draco nangangamusta. Gusto mo daw bang dalawin ka n'ya o nais mo parin na mapag isa?" Tanong pa ni Manang habang may pag aalala.
"Malungkot ang mag isa sa totoo lang po, pero mukang iyon ang kaylangan ko upang makapag isip-isip. Pakisabi po na maayos lang naman ako at ang baby kaya hindi niya kaylangang mag alala. Pakisabi rin na mag focus na lamang siya sa mga ginagawa niya dahil ayos lang ako."
"Ang tatay ba ng anak mo hindi mo kakamustahin?" Tanong pa ni Manang. "Pasensya kana masyado akong madaldal hindi ko dapat iyon itinanong." Agad na bawi ni Manang ng mapansing umiba ang expression ko.
"Ayos lang po." Pinilit kong ngumiti. "Gusto ko man alamin kalagayan n'ya e, wala naman akong alam na paraan kung paano." Malungkot kong sagot.
"Nasabi sa akin ni Draco na may asawa pala s'ya."
Napayuko ako sa kahihiyan. "Alam kong nakakahiya po iyon sobra. Hindi naman po ako proud sa ginawa ko, at kahit anong reason pa 'di parin valid iyon para maging kabit ako ni Dominick."
"Pero minahal mo s'ya ng higit pa sa pagmamahal na hindi maibigay ng asawa niya. Nauna naman palang magloko ang asawa niya. Ganoon talaga nasa huli ang pagsisisi, tsaka lang natin malalaman na mali kapag huli na. Ngunit sa umpisa habang nasisiyahan tayo ay nawawala ito sa ating isipan. Sana naging matapang s'ya kung may pagmamahal din s'ya sayo. Maari naman niyang idaan sa legal ang lahat bago ka n'ya—" Hindi na itinuloy ni Manang. "Sabagay kanikaniyang pag i-isip. Hindi madidiktahan ang pusong may galit at hinanakit pa. Gagawin n'ya ang gusto n'ya makapag higanti lang. Palagay ko'y ganoon si Dominick. Ginantihan niya ang asawa niya ngunit hindi niya napag handaang mahuhulog pala siya sa sarili niyang bitag."
Hindi ako makapag salita. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Manang habang nakayuko. Ano pa nga bang sasabihin ko?
"Ihanda mo nalang ang sarili mo kung sino ang pipiliin ni Dom. Alam mo mabait si Draco at nakikinita ko na mahal ka n'ya. Ayaw lang niyang sumabay at pwersahin ka."
"Mabait po si Draco kaya hindi ko po kayang samantalahin iyon o gawin siyang panakip butas. Tama na ho itong pag tulong niya. Hindi ko na nga po alam kung paano ko siya mapapasalamatan eh. Kaybigan ko po si Draco at hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay." Paliwanag ko.
"Mahal mo talaga si Dom." Nakangiting wika pa ni Manang. "Sana lang ganoon din s'ya sayo Leaf."
"Sana nga po Manang. Naawa po kasi ako sa anak ko na kinakaylangan ko pa siyang itago o ilayo kung sakaling hindi mag babago ang isip ng ama n'ya at ilalayo parin s'ya sa akin."
"Sinabi sa akin ni Draco na inaayos ni Dom ang annulment kasabay ay ang paghahanap nito sainyong mag ina."
Napakunot ang aking nuo. "Alam po niyang buntis ako? Pero wala akong sinabi sakaniya na—" Hindi na ako nakatapos.
"Baka inamin ni Draco." Hindi rin sigurado si Manang.
Paanong si Draco? Ayaw nga nitong ipaalam muna lalo na ang pag bu-buntis ko.