"I know everything." Basag ni Draco sa katahimikang namayani sa pagitan namin.
Hindi ako makapagsalita at hindi ko rin naman alam anong gagawin ko, o kung ano bang sasabihin ko. Makakalusot ba ako? Sa expression ni Draco parang inalam n'ya muna lahat bago n'ya ako komprontahin.
"Hindi mo kaylangang mahiya sa akin Leaf. I'm your bestfriend, remember?"
Napatango ako. "Sasabihin ko ba kay Veron na babae ako ni Dominick?" Kinakabahang tanong ko.
"I'm not out of my mind Leaf. Bakit ko naman ipapahamak ang kaybigan ko?"
Para akong nabunutan nang tinik sa lalamunan. "Kung ganun bakit mo—" Hindi na n'ya ako pinatapos.
"Look," napabuntong hininga si Draco habang nakatingin sa akin. "Nag aalala ako na ikaw ang mas madiin sa problemang si Dom ang gumagawa. So what kung baog ang asawa n'ya? Hindi n'ya parin pwedeng lokohin si Veron, ok? And hindi dapat siya nag take advantage sa kalagayan mo."
"Pero Draco ako yung lumapit."
"At ikaw ang nag lagay sa sarili mo sa bangin Leaf. Tandaan mong hindi pa sila annul, and once na makilala ka ni Veron pwede kang makulong lalo't nag sasama kayo sa i-isang bubong."
Napaawang na lamang labi ko. "Kaylan mo pa alam?" Napaiwas ako ng tingin dahil hiyang-hiya ako.
Humaharap ako sakaniya pero s'ya wala man lang siyang ipinahiwatig na alam pala niyang ibinabahay ako ni Dom. Hindi man lang n'ya ako hinusgahan agad na nakikipag relasyon ako sa boss ko.
"Pakilamero na ako oo, pero all I want to do right now is to protect you. Gusto kitang iligtas mula sa duwag na lalaking iyon!"
"Draco huli na." Mapait akong ngumiti. "Hindi na ako pwedeng umatras. I think I'm pregnant."
Mahinang napamura si Draco. "At anong plano n'ya kuhanin yung baby tapos ibabasura ka? Bwiset s'ya."
"Draco hinaan mo lang boses mo." Pakiusap ko. "Naging mabait si Dom sa akin."
"Wait, gusto mo na ba s'ya? Mahal mo na si Dom?"
Hindi ako sumagot at nag iwas lang ako ng tingin. "Ibibigay ko ang baby." Matapang kong sagot.
"Kaya mo? Dugo at laman mo s'ya."
Mariin akong napapikit. "Anong gagawin ko Draco?"
"Ibibigay ko isang milyon n'ya tapos umalis kana sa poder n'ya."
"At bakit mo gagawin iyon para sa isang taong hindi mo pa naman nakikilala ng lubos?" Lumuluhang tanong ko.
"Kasi kaya ko, at gusto ko. Kaybigan mo 'ko Leaf hindi ako yung kaaway mo."
"Pag i-isipan k-ko Draco pero sa ngayon hindi ko pa talaga alam. Pakiusap wag mo itong ipapaalam sa kahit na sino." Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa.
"Kung nakapag desisyon kana alam mo kung paano ako maco-contact." Tumayo na si Draco at iniwan ako.
Ilang minuto pa akong nakaupo dahil sa panghihina. Nakapag desisyon lang akong tumayo nang maikalma ko na ang aking sarili. Agad akong lumabas sa cafe at pumara ng taxi para makauwi.
Isang oras kung inihanda ang sarili ko bago ako nag lakas loob na sumubok. Pumasok ako sa banyo at sinubukan ang dalawang PT upang makasigurado. Ayaw ko pang imulat ang mata ko pero kaylangan. Kabog nalang ng dibdib ko ang tanging naririnig ko habang luhaan, at mas lumakas pa ito ng makita ko ang resulta.
Sa dalawang PT parehas itong positive. Natutop ko ang aking bibig at agad na lumabas sa banyo. Hindi ko alam ang gagawin ko o kung ano bang dapat kong maramdaman.
Akala ko magiging masaya ako kasi kapag buntis na ako maghihintay nalang ako makapanganak tapos pwede na akong mabuhay ulit sa kahit anong gusto ko.
"Hi."
Napasulyap ako kay Dom na kadarating lang. Hapon na siya nakauwi, mas maaga sa inaasahan ko. Nag babalak na nga sana akong pumunta kila Mama kasi akala ko hindi na naman siya makakauwi.
"Gutom kana ba?" Tanong ko nalang bago tumayo. "Ipaghahain na—" Hindi ako nakatapos sa sinasabi ko.
"Ayos kalang? Para kang may sakit sa sobranh tamlay mo."
Pinilit kong ngumiti. "Palagi naman akong ok." Sagot ko.
"May regalo pala ako sayo." May inilabas na kwintas si Dom at isinuot sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumuha. "Why are you crying? May nangyari bang masama sa araw mo?"
"Masaya lang ako." Pagsisinungaling ko.
"Pasensya na kung nahihirapan ka."
"Ginusto ko naman ito." Simpleng sagot ko.
"Makakabawi rin ako Leaf." Isang yakap ang nakapag patigil sa akin sa pag luha.
Naging komportable ako kahit paano sa piling ni Dom.