CHAPTER 16

719 Words
Pansin yata ni Dom na inaantok ako palagi at tamad na tamad. Ultimo mag almusal hirap na hirap akong gawin dahil ang gusto ko lang ay matulog. "Hindi na muna ako papasok." Napahikab pa ako bago pabagsak na naupo at ipinikit ang aking mata. "Hindi naman tayo nag talik kagabi kaya bakit parang puyat na puyat ka?" Takang tanong ni Dom na ikinamulat ng mata ko. Kaylangan ba para mapuyat laging mag talik? Syempre may iba rin akong ginagawa, tsaka nung isang araw pa weird nararamdaman ko. Gusto ko na ngang isipin na buntis ako. Natigilan ako at napatitig kay Dom. "Why?" Agad niyang tanong. Napakurap-kurap ako bago sunod-sunod na napalunok. Bakit hindi ko agad na posible nga palang buntis ako? "Anong date ngayon?" Agad kong tanong. Hindi pa man din nakakasagot si Dom ay napatayo na ako sa gulat. "Isang linggo na pala!" Napalakas ang boses ko. "Ang ano?" Takang-taka si Dom. Ngunit hindi pa ako sigurado at ayaw kong mag paasa. Agad akong umiling bago sumagot. "Wala naman hehehehe. May nalimutan lang pala ako." Palusot ko. "Pwede bang hindi nalang muna ako pumasok?" Mahinahong pakiusap ko. "Masama ba pakiramdam mo? Dalhin na kita sa hospital para mapatingin problema." Aya ni Dom na agad kong tinanggihan. "Hindi masama pakiramdam ko." Napakamot ako sa batok. "Kasi may usapan pala kami ni Mama na mag ki-kita." Pagsisinungaling ko pa. Dami kong kasalanan sakaniya at kapag nahuli n'ya ako patay ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago pinilit na kumilos kahit tamad na tamad talaga ako. Binabalak kong mamimili ng PT para magamit ko at malaman kung tama ba ang hinala ko o false pregnancy lang 'tong nararanasan ko. Hinintay ko lang umalis si Dom bago ako gumayak paalis. Ako lang talaga at hindi ko naman kakatagpuin si Mama. Kabado akong pumasok sa store bago bumili ng dalawang PT para sure. Hindi ako agad na umuwi dahil nag crave ako kaya naman naisipan kong kumain nalang muna. Papasok palang ako sa Cafe ay nakita ko si Draco. Napasulyap siya sa akin kahit may kinakausap pa siya. Ngumiti siya at ganoon rin ako. Pumasok na ako at naupo hindi kalayuan sakanila. Nag order na ako, at sabi ng waitress ay mga limang minuto pa bago maidala kaya naman matiyaga akong nag hintay. "Hi." Napasulyap ako kay Draco na nasa tabi ko na pala. "Oh? Draco may kausap—" Natigilan ako dahil wala na pala ang kausap niya. "Nakaalis na pala." "Kanina pa naman kasi kami." Nakangiting sagot niya. "Duga mo Leaf hindi ka man lang nag-aaya." May pag ta-tampo sa boses ni Draco. "Pasensya na busy lang kasi talaga ako lately." Palusot ko. Napatango ito bago ngumiti. "Kamusta si Dom bilang boss?" "Ok naman, masungit parin." Simpleng sagot. Agad kong nilantakan ang cake na inorder ko nang mailadala ito ng waitress. "Sarap." Natutuwang bulong ko habang ninanamnam ang masarap na cake. "Nakakataba iyan." Natatawang sabi ni Draco na inirapan ko lang. "I'm just kidding. Wala naman problema kung tumaba ka, maganda ka parin." Nambola pa. Napailing na lamang ako habang nangingiti. "Ano bang kaylangan mo at nambobola ka?" "Wala naman na miss ko lang kaybigan ko." Natatawang sagot ni Draco bago humati sa cake ko. Agad akong napasimangot at napansin n'ya iyon. "Ang sarap nga." Natutuwang sabi pa n'ya bago akmang kukuha ulit ng ilayo ko ang plate ko. "Mag order ka." Bulong ko. "Iisipin kong buntis ka sa sobrang damot mo." Natatawang sabi pa n'ya na ikinatigil ko. Agad kong binitiwan ang spoon ko at inilapit sakaniya ang plate. "Sayo na nga busog na pala ako." Pasimpleng sabi ko. "Wala kabang trabaho?" Tanong ko pa. "Wala kaya sasamahan nalang kita." "Hindi porque boss ka e, malakas na loob mong—" Hindi na ako nakapag patuloy sa sinasabi ko nang subuan n'ya ako ng cake. "Para kang si Mommy." Natatawa sabi pa n'ya. "Pero alam mo may itatanong sana ako eh." Sumeryoso si Draco. "Ano naman? Basta wag lang math." Pagbibiro ko pa. "Leaf may asawa na si Dom di'ba?" Para akong natinik. "Oo naman si ma'am Veron. Ang alam ko nakafile na annulment nila." "Still, may asawa siyang tao." Nakatitig sa akin si Draco. "Ayaw kong mapahamak ka Leaf. Tama na pakikipag relasyon mo kay Dom." Nanlaki ang mata ko dahil alam pala ni Draco ang bagay na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD