CHAPTER 15

709 Words
"Leaf." Naramdaman kong may tumapik sa akin. Napamulat ako at tinignan si Dom. "May kaylangan kaba?" Agad kong tanong bagong inayos ang aking sarili. "Pasensya na nakatulog ako." "Leaf alas otso na nang gabi." Nakapamulsang sabi ni Dom na ikinagulat ko. "Bakit hindi mo ako ginising kanina?!" Napatayo ako at agad na dinampot ang gamit ko. "Pwede mo naman akong gisingin." "Antok na antok ka at sobrang lakas ng hilik mo. Ayaw kong istorbohin ka dahil baka puyat ka." Simpleng paliwanag pa ni Dom. Napabuntong hininga ako. "Napupuyat lang naman ako kapag gusto mong makipag ano." Naiiling kong sabi bago lumabas na sa office. May guard naman na nag ro-ronda sa building at nag ba-bantay kaya kampante si Dom na hindi na ikandado ang office. Habang nasa byahe kami pauwi ay nakaramdam ako nang gutom. "Pwede bang kumain nalang muna tayo?" Pakiusap ko. "Parang gusto kong kumain nang manggang puro sili." Natatakam ko pang sabi. "Gabi na, you need to eat proper meal." Napaiwas ako ng tingin at napansin ko nalang na umiiyak na pala ako. Para akong timang na singhot ng singhot dahil kakaiyak ko ng palihim sinipon ako. "Umiiyak ka?" Hindi ako sumagot. "Ano bang problema?" Pag pipilit niyang tanong. "Gusto ko kasi nang mangga na maraming sili yung sawsawan." Umiiyak kong sagot. "Required bang umiyak?" Naiiling na tanong ni Dom na ikinataas ng kilay ko. "Oo kasi gusto ko iyon pero napakakill joy mo!" Sigaw ko sa sobrang inis. Maging ako ay nagulat sa inasta ko habang si Dom ay natigilan sa pagmamaneho sa sobrang gulat. Ito ang unang beses na nagawa ko siyang sigawan. "Fine papakainin kita ng gusto mo wag kalang Parang dragon diyan." Wika ni Dom kaya napangiti ako. "Thank you Dom." Mahinahon kong sabi habang malawak ang ngiti. "Wierd." Rinig ko pang bulong ni Dom na hindi ko na lamang pinansin. Hinanap n'ya ako ng restaurant na nag se-serve nang mangga. Nahirapan kaming humanap at balak nalang sana niyang mamili pero napunta kami sa kaybigan niya na may ari ng restaurant. "Hi." Nahihiyang bati ko. "My name is Marco." Pakilala nito. "Enjoy your food." Napatango ako bago nag umpisang kumain. Habang si Dom ay nag paalam lang na kakausapin lang ang kaybigan. Kaya naman ako masayang-masaya akong kumain at walang hiyang nararamdaman. Maya-maya pa ay bumalik na si Dom at naupo paharap sa akin. "Huwag kang masobrahan sa mangga." Saway niya na hindi ko nalang pinansin. "Naubos mo lahat nang pagkain?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dom habang sinusuri ang mga walang laman na mangkok at plato. "Nagutom kasi ako." Sabi ko lang bago tumayo na. "Busog na ako uwi na tayo." Bulong ko pa. "Mauna kana sa kotse." Utos niya kaya naman nauna na ako. Naupo ako at isinandal ang likod ko sa upuan. "Nagugutom pa pala ako." Bulong ko bago napabuntong hininga. Ano bang nangyayari sa akin bakit ako nag takaw bigla? "Anong problema?" Tanong ni Dom ng mapansing kunot ang nuo ko. Umiling lang ako at ipinikit ang mata ko. Walang traffic kaya kalahating oras lang nakauwi na kami sa bahay ni Dom. Agad akong dumiretso sa silid dahil antok na antok na ako. Hindi ko na nagawang mag shower o kahit mag palit lamang. "Leaf." Tinapik ako ni Dom. "Hmmmm?" "Mag palit ka." Utos niya na inilingan ko lang. Narinig ko nalang na napabuntong hininga siya bago ako sinimulang alisan nang saplot. Napamulat ako at nakatitig kay Dom. Pumunta siya sa banyo na may dalang bimpo palagay ko'y babasain n'ya iyon. Pag balik niya ay agad akong pumikit. Pinunasan n'ya ang mukha ko at leeg, pati ang kamay ko. Matapos ay naramdaman kong sinusuotan n'ya ako. Inaasikaso ako ni Dom. Nagagawa kaya n'ya ito sa asawa niya? Hindi ko maiwasang kiligin sa ginagawa ni Dom. Naramdaman kong tumabi na siya sa akin at niyakap ako. Nag mulat ako nang mata ko. "Pasensya na kung nagiging malakas loob ko at pasaway ako." Nahihiyang sabi ko habang nakatitig lang sa kisame. "Matulog kana." Tanging sagot lang niya. "Paano kung biglang malaman ni Veron ititigil mo na ba?" Bigla ko lang naitanong. Napatitig siya sa akin. "Hindi n'ya malalaman." Ito ang pinapangako ni Dom. Sa tingin ko malalaman ni Veron. Walang lihim ang hindi nabubunyag, pero sana handa ako sa sasapitin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD