Ilang araw na ang nakakaraan ng mag punta kami kila Mama. Ngayon ay back to work na, at normal na araw nalang ulit. Sa office ay secretary n'ya ako at boss ko s'ya habang sa bahay ay panay n'ya akong ginagalaw. Mukang minamadali na n'ya akong mabuntis. Hindi rin n'ya ako kinakausap dahil sa naging palitan namin ng salita sa bahay.
Apat na araw na siyang wala sa mood at laging masungit. Habang ako ay hinahayaan na lamang siya dahil ayaw ko rin namang ako ang sumuko. S'ya ang nag umpisa at alam ko sa sarili kong wala akong ginawang masama sakaniya.
"Leaf timpla mo 'ko nang kape." Utos niya na agad ko namang sinunod.
Ngunit pag balik ko sa office ay nadatnan kong kausap ni Dom ang kaniyang Ina. Agad akong bumati bago inilapag ang kape na ipinatimpla ni Dom.
"Pag bigyan mo naman si Veron."
Sa nakikinita ko parang nakikiusap pa ang Ina ni Dom pra lang siputin ni Dom ang asawa niya.
"Busy ako."
"Asawa mo s'ya."
"Alam mong nanlalamig na ako." Pag amin ni Dom.
"Why?"
"Hindi ko masasabi ang dahilan."
Napayuko ako dahil biglang tumingin sa akin ang ina ni Dom. Mamaya isipin pa nitong nakikichismis ako kaya nag kunware nalang akong busy ako sa trabaho ko.
"Mas madalas mo pang kasama secretary mo kaysa sa asawa mo."
Napalunok ako sa kaba.
"Ano bang gusto mo Mom?" Ibinaba na ni Dom ang hawak niyang ballpen at hinarap ang kaniyang Ina. "Sige sasabihin ko na ang totoo." Napahilot pa sa sentido si Dom. "Nag file na ako ng annulment at pirma nalang ni Veron ang kulang."
Gulat na gulat ang Ina ni Dom. "What?! At hindi ninyo ito sinasabi sa amin? Anak naman bakit mo 'to ginagawa sa asawa mo?"
"Si Veron makakasagot niyan."
"Fine, pero sana naman kung may ganitong issue pala kayo. Sana man lang sinabihan nyo kami hindi 'yung mukha kaming baliw na nag aalala sa marriage nyo."
"Sorry Mom."
"Kung saan ka masaya alam mo namang suportado ko di'ba? Ang gusto ko lang anak maayos mo siyang kausapin." Pakiusap ng Ina ni Dom.
Tama nga naman, baka kulang lang talaga si Dom sa pakikipag usap ng maayos.
"Mag papaset ako sa secretary mo nang schedule para makapag usap kayo, ok?" Hindi kumibo si Dom. Bumaling naman sa akin ang Ina niya na may ngiti. "Leaf pwede bang ireserve mo sila sa isang expensive restaurant? Gusto ko tomorrow kaya ba?"
Agad akong tumango bago sumagot. "Aasikasuhin ko po agad ma'am."
"Thank you."
"Dom sumama kana sa akin may dinner tayo with Veron." Aya ng Ina ni Dom.
Agad akong tumango ng pasimple upang pumayag. Uuwi na lamang ako sa bahay para hindi ako matakot kung sa bahay ako ni Dom.
"Babawi na lamang ako Mom." Sagot ni Dom na hindi ko inaasahan. Akala ko kasi ay hindi siya tatanggi sa Ina niya.
"Dahil ba kay Veron kaya ayaw mong pumunta?"
"Yes." Tipid na sagot ni Dom.
Hindi na nag pumilit pa ang Ina niya. Umalis na ito kaya nakahinga na ako ng maayos. Kanina pakiramdam ko kinakatay ako habang kasama ko sa i-isang lugar ang Ina ni Dom. Akala ko nga masungit ito pero hindi naman pala.
Mabait ito at na i-intindihan ang anak niya. Ganito din si Mama sa akin kahit na napakastrikto niya. Miss ko na agad si Mama kahit kakadalaw lang namin.
"Bakit hindi ka pumayag sa gusto ni Mommy mo?" Pasimpleng tanong ko. "Ok lang naman ako kila Mama nalang muna ako."
"Feeling mo ikaw dahilan?"
Napairap ako ng pasimple. "Wala akong sinabi Dom."
"Draco." Bigla niyang sambit na ikinakunot ng nuo ko. "Gwapo si Draco pero paluluhain ka lamang n'ya. Kung ako sayo ay pumili ka ng maayos para naman hindi masira ang buhay mo."
Hindi ko alam kung nag pa-payo ba si Dom o nang-aasar lang.
Sa sinasabi n'ya parang hindi sira buhay ko sa ginagawa n'ya eh. Napailing na lamang ako bago bumuntong hininga.
"Pwede na po bang kumain?" Tanong ko habang sibangot.
"Mauna kana."
Ngunit bigla akong tinamad. "Mamaya nalang pala." Napahikab ako bago muling tumutok sa tablet. Hindi naman ako puyat pero bigla akong nanibago sa sarili ko. "Pwede bang matulog?" Bigla nalang lumakas ang loob ko.
Napakunot na lamang ang nuo ni Dom at napatitig sa akin ngunit pumikit na lamang ako.