CHAPTER 13

729 Words
Inasikaso ko na si Dom dahil lasing na lasing ito. Matapos ko siyang mapunasan upang kahit paano ay bumaba ang tama ng alak ay natulog na ako sa tabi niya. Ngunit hindi ko magawang madalaw ng antok dahil sa nakita kong sunod-sunod na text ni Veron. Matapos ang text ay tumawag pa ito na hindi ko tinangkang sagutin. Mabuti nalang nga at hindi ako nabosesan ni Veron noong tumawag ako kay Dominick. Kaylangan kong mag ingat ng husto. Ayaw kong madamay ang pamilya ko sa gulong pinapasok ko. Napabuntong hininga ako bago pumikit. Pinilit kong makagawa ng tulog kahit idlip lang. Ngunit dumadagdag rin kasi ang mga isipin na ibinibigay ni Dom sa akin. Tulad nalang ng sinabi niya kanina habang lasing na lasing siya. Isinama n'ya ang kaniyang apelyido sa akin. Leaf Alcantara? Hindi ito mawala sa isipan ko. Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Isang oras nga lang ang naitulog ko pero ayos na ito kahit paano nakaidlip naman ako. Panay nga lang talaga ang hikab ko at mukang napapansin iyon ni Mama. "Ingat ka, mahirap mabuntis agad nang walang ipon." Payo ni Mama habang patuloy lang sa pagluluto ng almusal. "Opo alam ko po." Sagot ko na lamang upang hindi na mag tanong pa si Mama. "Si Papa po pala?" Tanong ko upang maiiwas siya sa pag ta-tanong. "Tulog pa ang ama mo, sa dami ba naman ng nilaklak niya kagabi." "Si Dom nga din po eh." "Mabisyo ba s'ya?" Tanong ni Mama habang sa niluluto lang nakatutok. "Wala po, Ma." Agad kong sagot. "Si Dom po may maayos po siyang trabaho at alam po niya ang responsibilidad niya." "Mabuti naman kaysa naman sa tambay kalang mapunta." Iba talaga pagiging stirkta ni Mama. Kaya nga nahirapan talaga akong mag boyfriend dahil sakaniya, mas mahigpit pa siya kay Papa. "Gising na pala s'ya." Bulong ni Mama kaya agad akong napabaling kay Dom na kagigising lang. "Good morning." Bati ko. "Maupo kana paluto na almusal, tsaka may gamot akong binili para sa hangover mo." "Salamat." Ngumiti lang ako bago bumalik kay Mama upang alamin kung luto na ang sopas. Agad akong kumuha ng mangkok at sinandukan si Dom. Inilapag ko ito kasama ng spoon, bago kumuha ng baso upang lagyan ng tubig. Uupo na sana ako sa tabi ni Dom ng marinig kong tumunog ang phone ko. Agad akong nag paalam na sasagutin lamang. Patungo na sana ako sa labas dahil si Draco ang tumatawag. "Stay." Walang emosyong utos niya. Mahinahon lamang iyon at hindi narinig ni Mama. Napatingin ako sa phone ko bago naupo na sa tabi niya. "Sagutin mo." Utos pa niya habang nakatingin sa phone ko. Tumango ako bago sinagot ang tawag. "Leaf busy ka?" Ito ang bungad na tanong ni Draco. "Medyo, bakit?" "Papatulong sana ako para mamili ng pwedeng gifts kay Mom." Napatingin ako kay Dom na nakatitig sa akin habang 'yung hawak niya sa spoon sobrang higpit. "Sabihin mo kasama mo boyfriend mo." Utos ni Dom na hindi ko alam kung sasabihin ko ba. "Do it Leaf." Madiin ngunit mahina lamang ang boses niya. "Kasama ko boss ko." Agad kong sabi. "Mag te-text na lamang ako kapag pwede na Draco." Agad kong ibinaba ang tawag habang si Dom naman ay matalim ang titig sa akin. Hindi niya tinapos ang pagkain niya at agad na nag tungo pabalik sa silid. Napabuntong hininga na lamang ako bago siya sinundan. Hindi naman kasi n'ya na ge-gets bakit kinaylangan kong sabihin iyon. "Go away Leaf." "Ipapaliwanag ko." Pilit ko bago isinara ang pinto. "Alam ni Draco na kasal ka at may asawa kang tao. Anong gusto mong isipin niya kapag nalaman niyang ikaw ang boyfriend na tinutukoy ko? Mas mahihirapan kalang." Paliwanag ko. "Pag sinabi ko susundin mo Leaf." Agad n'ya akong isinandal sa pader. "Tumitigas ulo mo." Walang emosyong sabi pa n'ya. "Kung baliw lang ako nahuli kana sana ng asawa mo." Matapang kong sagot habang sinasalubong ang titig niya. "Alam ko parin ang trabaho ko e, ikaw?" Binitiwan n'ya ako at tinalikuran. "Iyon parin ang plano Leaf." Napangisi ako bago napailing. Iyon parin naman pala ang plano pero kung umasta s'ya kala mo naman totoong may relasyon kami? "Sa lahat ng ayaw ko ay ang dinidiktahan ako kung sinong magugustuhan ko. Tutuparin ko yung napag usapan, pero hindi mo 'ko pwedeng pigilan kung may magustuhan akong iba." Matapang kong sabi bago s'ya iniwan sa silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD