Habang nag si-simula na sa pag i-inom ang dalawa ay nasa kusina naman kami ni Mama. "Sana po wag lasingin ni Papa si Dom." Mahinahong sambit ko.
"Kilala mo ang Papa mo, parang ako lang iyon masyadong mabusisi daig pa imbestigador." Natatawang sagot ni Mama.
Napalinga-linga ako dahil kanina ko pa hindi napapansin ang mga kapatid ko.
"Nasaan po yung tatlong bugok?" Tanong ko.
Triplets kasi iyon. May lahi kaming Triplets kaya nga kinakabahan ako kung mag bu-buntis ako eh. May posibilidad kasi na kambal o Triplets ang ipagbubuntis ko.
Sinabi narin ni Mama sa akin ito. Hanggang sa Lola at mga tiyahin ko kasi may Triplets kami at kambal. Napabuntong hininga na lamang ako. Matagal pa naman siguro akong mabubuntis dahil halos isang linggo palang kaming nag ta-talik ni Dom.
"Iyong boyfriend mo mabait ba?" Biglang tanong ni Mama.
"O-Opo." Nautal pa ako pero nabawi ko naman agad. "Mabait po si Dom palagi po siyang nasa apartment ko." Pagsisinungaling ko pa. Kahit na ang totoo ay kay Dom mismo ako nakatira, at kabit ako.
"Iyan ba kilala mo na talaga? Sa gwapo niyan hindi ako naniniwalang walang mga kausap na iba iyan. Habulin ng babae ang lalaking ginusto mo. Tignan mo ako kay Papa mo. Hindi ako nag base sa itsura kundi sa ugali at sa paninindigan, baka iyang taong iyan ay dadaan lang at aalis din sa buhay mo."
Mga sinasabi ni Mama lahat tunatagos hanggang sa buto ko. "Hindi naman siguro Mama. Mabait naman po si Dom, at malalahanin po s'ya. Nakahanda naman po ako kasi, Ma. Sa love po palaging dapat nasasaktan ka di'ba? Para malaman mo at makita mo kung s'ya ba talaga iyong para sayo." Paliwanag ko.
Hindi ko alam kung saan ko ihinuhugot ito pero dalang-dala ako.
Paano ko ba aaminin kay Mama na pumayag akong maging kabit para lang maisalba bahay namin? Ang hirap.
Pakiramdam ko pahirap na ng pahiram sitwasyong pinasok ko, pero tulad ng ng sinabi ko kaylangan kong maging matatag.
"Puso mo naman iyan. May sarili kana ring desisyon at pag i-isip bahala ka Leaf. Nandito lang naman kaming pamilya mo hindi ka namin tatalikuran."
Niyakap ko si Mama. Ang tagal kong hindi nakakarinig ng payo at paalala mula kay Mama masyado ko itong na miss.
Hinayaan ko lang muna sila Papa mag inom. Lumabas lang muna ako upang mangumusta, at para narin madalaw iyong kababata kong si Melai. Mukang malaki na kasi tampo sa akin ni Melai dahil lagi nalang kaming sa internet nag u-usap.
"Melai!" Natutuwang tawag ko ng makita ko itong nakatambay sa tindahan na madalas naman nating tamabayan noon pa man.
"Sino ka?"
Natawa ako. "Laki ng galit ah? Sorry na."
"Hala! Kilala mo po ako?"
Napasibangot ako. "Melai naman eh. Sorry na nga babawi na nga ako."
"Sus! Leaf kilala ko karakas mo. Alam mo lapit-lapit ng bayan natin hindi mo man lang magawang makipag kita sa akin gaga ka. Palibhasa may jowa na, at balita ko'y gwapo."
Napakunot ang nuo ko. "Bilis naman ng chismis saan mo nasagap iyan?" Takang tanong ko.
"Kanina pa ba? Edi sa Mama mo namili kanina rito."
Napailing na lamang ako. "Sasabihin ko naman dapat sayo naunahan lang ako." Palusot ko.
"Naku! Hindi ko na inaasahan iyon. Bata palang tayo malihim kana, kung ano idinadaldal ng Ina mo s'ya namang ikinatahimik mo." Naiiling na sabi ni Melai na ikinatawa ko.
"Alam mo naman pala eh." Napabuntong hininga ako. "Pero may hindi ka alam."
"Malamang hindi mo naman sinasabi eh." Napairap si Melai kaya naman agad ko itong hinila palayo sa maraming tao. "Mukang big secret mo ito ah? Himala sasabihin mo?"
"Ayaw mo ba?" Napairap ako.
"Sige na, makikinig ako."
Ikwinento ko lahat kay Melai. "Ano?! Bwiset ka kabit ka?!"
"Bunganga mo naman." Luminga-linga ako.
"Anong kabaliwan ang pumasok sa utak mo Leaf?"
"Alam mo namang kaylangan ko ng pera para hindi mabawi yung bahay sa amin." Malungkot kong sabi. "Pumayag akong mag pabuntis para lang sa malaking pera."
"Dugo't laman mo ang binabalak mong ibigay, para mo narin siyang ibinenta."
Napayuko na lamang ako. Matapos naming mag usap ni Melai ay nag paalam na akong uuwi na muna, at nakiusap akong sa amin lang ang mga napag usapan.
Dinatna kong bagsak na si Papa habang si Dom ay lasing narin. Sino bang hindi malalasing sa tatlong empi na silang dalawa lang? Napailing na lamang ako at kinalabit si Dom.
"Pahinga kana, bukas na tayo umuwi." Bulong ko. "Maayos pa naman kwarto ko dito doon na muna tayo."
Tango lang ang isinagot niya. Namumula si Dom sa sobrang daming na inom kaya napapabuntong hininga nalang ako.
"Leaf."
"Hmmm?"
"Si Leaf kaba talaga?" Kinapa-kapa n'ya pa ang mukha ko habang nakangiti.
"Oo ako nga."
"Leaf." Muli niyang tawag.
"Ano nga?" Naiirita na ako.
"Leaf Alcantara..."
Nag loading muna ang utak ko, at ng magets ko ay napaawang ang labi ko.