Iisa pa s'ya? Kamuntik pa akong masamid. Paano ba naman kasi ay katatapos lang namin, tsaka pupunta pa kami kina Mama at Papa. Tatanghaliin pakami nito eh.
Nag simula akong halikan ni Dom. Aminin ko man o hindi ay gusto ko ang romansa ni Dom. Muli ay naganap ang pag i-isa naming dalawa. Sabay narin kaming naligo at kapwa kami hindi na nahihiya.
Ilang beses na namin itong ginagawa mahihiya pa ba ako? S'ya nga ay hindi na nahihiya pa.
"Dumaan muna tayo sa store para mapasalubungan sila." Basag ni Dom sa katahimikang namayani.
Wala kasi akong imik dahil iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag kila Mama kung sino si Dom. Hindi ko naman maipakiusap kay Dom dahil kinakain ako ng kahihiyan.
"Pansin ko kanina ka pa tahimik."
Napayuko ako bago sumagot. "Hindi ko kasi alam paano ipapaliwanag kina Mama at Papa." Pag amin ko.
Magagalit kaya s'ya?
"Sabihin mo boyfriend mo 'ko para mabilis nilang matatanggap kapag nabuntis ka." Deretsahang sabi ni Dom na ikinagulat ko. Lumikot ang mata ko bago nag da-dalawang isip na sumagot.
"Hindi kaya mas mahirapan tayo o ako kung iyon ang sasabihin ko? Paano kung tapos na kontrata? Paano ko—" Hindi na ako nakapag patuloy sa sinasabi ko.
"Matagal pa 'yon. Sabihin mo nalang sinabi ko para hindi sila mag isip ng kung ano, para maiwas ka narin sa mga tanong nila." Paliwanag niya na ikinatango ko na lamang.
Nakarating na kami sa bahay. Simple lang naman ang bahay namin, may kaliitan.
"Pasensya kana kung magulo bahay namin." Nahihiyang bulong ko. "Hindi kasi ako nag sabi na dadalaw ako." Dagdag na wika ko pa.
"It's fine." Tanging sagot ni Dom bago naupo sa luma na naming sofa.
"Anak!" Agad akong niyakap ni Mama. "Ano kaba namang bata ka wala ka man lamang pasabi!"
"Pasensya na biglaan lang po." Napakamot na lamang ako sa batok. "May dala nga po pala kami ni Dom." Napalingon ako kay Dom na nakatayo na pala. "Ma, si Papa po? May sasabihin po kasi ako eh."
"Si Papa po may binili lang sa labas. May kainuman kasi s'ya," napasulyap si Mama kay Dom. "Sino nga pala ang kasama mo?"
"Magandang araw po." Bati ni Dom na ikinangiti ko.
Nagulat lang ako na marunong pala siyang makisama sa ibang tao lalo na sa magulang ko. At least ngayon kahit paano ay kontento na at hindi ako kakabahan.
"Magandang araw hijo." Bati ni Mama. "Mukha kang mayaman sa porma mo. Boss kaba ng anak ko?" Deretsuhang tanong ni Mama. Si Mama talaga lakas makatunog, pero bawal akong pahalata.
"Hindi po Mama, pero hintayin ko na po si Papa para mapakilala ko po si Dom." Paliwanag ko.
Napatango lang si Mama pero sa expression n'ya alam kong alam na n'ya. Strikta si Mama at mabusisi kahit ganito s'ya pero mabait si Mama.
"Oh? Nandito pala ang anak kong maganda." Bungad ni Papa na may bitbit ngang alak. Nambola na naman s'ya. "Sino ba itong gwapong kasama mo?" Agad na tanong ni Papa.
"Si Dom po."
"Kanina ka pa hinihintay ng anak mo at may sasabihin daw." Si Mama ang nag salita.
"Buntis ka?" Ito agad ang tanong ni Papa. "Siguraduhin mo lang na pananagutan ka kahahasa ko lang ng itak ko Leaf." Banta ni Papa.
Napangiwi ako ng mapasulyap kay Dom. "Hindi po ako buntis, Pa. Si Dom po pala," pakilala ko. "Boyfriend ko po." Pinilit kong ngumiti.
"Magandang araw po." Bati ni Dom bago inabot ang kamay kay Papa na agad namang tinaggap ni Papa upang makipag kamay.
Ang isa sa mga maipagmamalaki ko sa mga magulang ko ay hindi sila bastos sa tao. Ayaw man o gusto nila wala silang ipinapakitang masama.
"Kaylan pa kayo ng anak ko?" Tanong ni Papa habang inilalabas ang alak. "Umiinom kaba?"
"Opo." Tipid na sagot ni Dom.
"Ilang buwan narin po kami, Pa." Ako na ang sumagot. "Hindi ko lang po nasabi pasensya na." Palusot ko pa.
"Kayo ba ay seryoso sa relasyon nyo o masyado lang kayong nadadala?" Paninigurado pa ni Papa.
"Sigurado na pp ako sa anak nyo." Si Dom ang sumagot. Pakiramdam ko totoo ang sagot n'ya kaya naman hindi ko maiwasang mapatitig sakaniya.
Nahihibang na ako.
Dinama ko ang puso kong mabilis ang t***k. Tama, nahihibang na nga ako.