Naramdaman ko nalang na lumuluha na pala ako habang yakap ang sarili ko. "Lilipas din ang gabi liliwanag din." Pagpapalakas ko sa aking loob.
Isang oras na akong ganito. Alisto ako at bawat kaluskos o kahit mahinang tunog gusto kong bantayan.
Narinig kong may kotse, at alam kong kay Dom iyon.
Pag pasok palang ni Dom ay napahagulhol na ako ng malakas dahil kanina pa talaga ako kabang-kaba.
"Ssssh, you're safe now. I'm here." Hinagod ni Dom ang likod ko ngunit sobrang higpit talaga ng yakap ko sakaniya at wala akong pake kung anong sabihin niya.
"Pakiramdam ko kasi may taong nakamasid sa akin. Paranoid ako masyado, takot na takot ako. Naistorbo pa kita sorry talaga hindi ko na kasi alam gagawin ko." Pinapaliwanag ko ang sarili ko dahil ayaw kong isipin niya na nag iinarte lang ako.
"Umuwi agad ako ng makita kong may text ka. Naipit kasi ako dahil nag drama na naman si Veron sa parents ko." Sinusubukan niyang ipaliwanag pero pinutol ko na siya dahil gusto ko na talagang ipahinga itong sama ko nang loob.
"Inaantok na talaga ako." Pasimpleng sabi ko.
"Ok, sleep." Kinumutan ako ni Dom. "Pasensya na ulit."
Hindi ako kumibo at nakapikit lang ako habang lumuluha.
Kinabukasan ay wala akong imik. Dinatnan ko s'yang iniinit na naman ang pagkain na inihanda ko kagabi. "Malapit na itong matapos maupo kana."
"Tubig lang ako busog pa ako. Huwag mo na iinit iyan hindi naman masarap." Wika ko pa. "Sa susunod o-order nalang pala dapat." Dagdag na sabi ko pa.
"Galit ka sa akin?" Biglang tanong ni Dom.
"May sinasabi ka Dom?" Maang-maangan ko. "Kung wala sa kwarto muna ako papahinga lang." Paalam ko pa bago bagsak ang balikat na pumasok sa silid.
Agad akong nag talukbong ng kumot at wala na talagang balak na lumabas pa. Naiinis kasi ako! Naiinis ako na pinapaasa ako e, uto-uto pa naman ako. Sana hindi nalang n'ya sinabing uuwi s'ya o ano pa man para 'di ako mukang tanga di'ba?
Naramdaman kong pumasok si Dom sa kwarto ngunit nag kunwari akong tulog.
"Galit ka nga." Napabuntong hininga pa ito. "Hindi kasi ako makauwi agad dahil—" Hindi ko na s'ya pinatapos.
Ito na naman kasi s'ya sa pag papaliwanag niya. "Wala ka ngang dapat ipaliwanag!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko ngunit agad ko itong binawi. "Pasensya na."
Naramdaman ko ang kamay ni Dom sa bewang ko. "Babawi ako." Mahinahon ang boses ni Dom na talaga namang nakakapanibago lalo na ang pagiging mapag pasensya niya.
"Pagalingin mo muna kipay ko." Pasimpleng wika ko dahil ramdam kong gumagapang na ang kamay niya sa maselang parte ko.
"Magaling na Leaf, we should try again para makabuo."
Hindi na ako kumibo at pinaubaya na ang aking sarili. Hindi ako pwedeng tumanggi dahil bayad ako. Ito ang dapat kong gawin kaya wala akong karapatan.
**
Matapos ang nakakahingal na ginawa namin ay naramdaman ko na ang sarap. Totoong hindi na masakit sa pangalawa, pero ayaw kong hanap-hanapin ang ganito. Ayaw kong may maramdaman para kay Dom dahil sa huli alam kong ako lang rin ang masasaktan. Mabuti na 'tong si Dom ang palaging may gusto, at ako? Susunod lang ako sa mga nais niya hanggang sa ipagbuntis ko ang anak na hinahangad niya.
"Dadalaw tayo sa parents mo."
Nasuot na niya ang kaniyang boxer.
"Sasamahan mo 'ko?" Hindi ako makapaniwala.
"Ayaw mo? Bakit sino bang gusto mong kasama? Baka naman si Mr. Terron huh?"
Napakunot ang nuo ko. "Nasali na naman si Draco? Mabait si Draco wag mo siyang pinag i-isipan, tsaka wala siyang iniisip na masama saiyo kundi ikaw lang. Kaybigan ko s'ya." Paliwanag ko. "Tumutupad ako sa nais mo pero sana wag mong ipagkait na magkaroon ako ng kaybigan—" Pinutol ako ni Dom.
"Pero lalaki s'ya. Anyways 'di naman kaylangan pag talunan pa 'to. Mag bihis kana at doon na tayo manananghalian." Putol niya sa namumuong inis ko na naman.
Liit-liit kasi na bagay prinoproblema pa parang timang lang. Gwapo nga sobrang strikto naman. Kaya nga siguro nagawa ni Veron na—
Sinabunutan ko ng mahina ang sarili ko. Hindi dapat ako nag i-isip ng ganito kay Dom. Kahit anong rason pa iyon 'di parin tama na manloko.
"Hurry up Leaf!"
"Naneto!" Sigaw ko dahil sa gulat.
"What did you say woman?" Nakataas ang kaniyang kilay.
Pagak akong tumawa. "Sabi ko ito na hehehehe." Agad akong umalis sa kama at dumiretso sa shower room, pero akmang isasara ko palang ang pinto ay pumasok na si Dom. "Aano ka?" Gulat kong tanong.
"Iisa pa." Deretsahan niyang sagot bago ako siniil ng halik.