CHAPTER 9

748 Words
Alam kong masakit ulo n'ya kaya naman agad akong kumuha ng gamit para sa hangover. "Inumin mo pagka tapos nating mag almusal." Pasimpleng inilapag ko ang gamot. "Thank you Leaf." "Welcome." Nakangiting sagot ko. "Papasok kaba sa trabaho?" Tanong ko habang patuloy ako sa pagkain. "Pwede na akong pumasok ok na ako." "I'm not going to work now. I have to meet my parents," simpleng sagot niya na ikinatango ko. Maiiwan na naman pala ako? "Ako nalang papasok. Ayaw kong matambakan ng trabaho. Maganda iyan may time ka for family." Nakangiting sabi ko bago uminom ng tubig. "Huwag kana lang pumasok." "Ayos lang naman ako kahit wala ka. Ayaw ko lang kasi na magtaka sila. Wala kana nga e, wala pa ang secretary." Paliwanag ko. "Bahala ka." Hindi na nya ako kinontra. Matapos mag shower ni Dom ay nag paalam na siya. Sinabi niyang gagabihin siya ngunit uuwi parin siya. Doon ay napanatag ako na may kasama ako mamayang gabi. Pinauna ko na siyang umalis bago ako nag gayak upang pumasok naman. Pinilit kong wag na niya akong ihatid dahil baka may makakita lang sa amin, o baka nag uumpisa na ang asawa niyang mag pa imbestiga. Ganoon naman kasi ang mayayaman di'ba? Kaya nilang gawin lahat ng naisin nila. Siksikan sa bus hindi ako makasingit. Ito hirap kapag tinatanghali ako eh. Sinusubukan kong pumara ng taxi pero maging sa taxi ay pahirapan. Natigil ako sa pagmamasid ng masasakyan dahil sa pag tawag ni Draco. "Hello? Draco sensya na nasa waiting area pa kasi ako kausapin nalang kita pag nasa building na ako." Mabilis kong bungad at palaliwanag upang maintindihan niya. "Stay there I'll pick you up Leaf." Bilin ni Draco na ikinakunot ng nuo ko. Tulad ng inutos niya ay hindi nga ako umalis. Ilang minuto lang ay natanaw ko na si Draco. Kakapalan ko na ang mukha ko at hindi na ako aangal pa. "Salamat ha! Hulog ka ng langit ikaw ang superhero ko ngayon." Natutuwang sabi ko. "Ay—dapat pala Mr. Terron ang tawag sayo." Pagbibiro ko pa. "Hey, stop." Maging si Draco ay natatawa. "Just call me Draco, or you can call me babe." Napangiwi ako. "Baduy mo haha." "Baduy ba? Kala ko ito type ng babae medyo jologs." "Basta simple lang at mabait ok na kami, at syempre may pangarap sa buhay. Mahirap rin sobrang gwapo kasi lapitin ng magagandang babae." "Buti nalang average lang ako." Proud pa si Draco kaya naman napailing ako. "Anong average ka diyan? Gwapo mo kaya tapos ang yaman mo pa." "Lakas mo mang uto Leaf." Napahalakhak si Draco. Ihinatid n'ya ako hanggang sa building. Agad akong nag pasalamat at nag paalam bago nagmamadaling pumasok sa building. Hindi na ako kumatok sa office dahil alam kong wala naman si Dom, pero nabulaga ako dahil nabungaran ko ang asawa niyang si Veron. "Bakit late ka? Ang secretary dapat maaga gets mo? Muntik pa kitang pag bintangan na kabit ka ni Dom buti nalang pumasok ka." "Pasensya na po." Napakayukong sagot ko. "Where's my husband? Ano schedule niya ngayon?" "Ma'am hindi po papasok si sir kakatext lang po." Palusot ko. "Ito po schedule niya." Agad kong kinuha ang iPad kay Veron upang ipakita ang schedule. "Bakit hindi ko alam na makikita meet siya sa parents n'ya? Bwiset na lalaking iyon! Baka naman ipapakilala na n'ya iyong malandi niyang babae?" "Hindi naman po siguro." Pasimpleng sagot ko. "Anong hindi?! May alam kaba?" Mataray nitong tanong. "Hinihiwalayan n'ya ako dahil sa babae n'ya. Hindi ako papayag at aalamin ko kung sino ang mapanirang malandi na iyon!" Lumabas na si Veron kaya naman nakahinga na ako ng maayos. Hindi ako makahinga ng maayos habang kaharap ko siya. Mariin akong napapikit bago napadukdok sa table. Inagahan ko na lamang umuwi dahil wala naman si Dom. Agad akong nag luto ng dinner para iinitin na lamang kapag umuwi na siya. Tinignan ko ang orasan. Nakatulog na pala ako sa sofa kakahintay. Naalimpungatan lamang ako kaya ako nagising, at nang magising ako takot agad ang unang pumasok sa akin. Wala pala akong kasama kanina pa. Agad akong nag tipa upang itext si Dom. Ngunit ilang minuto na wala siyang reply kaya naman naisipan kong tawagan na lamang siya. "Pasensya na talaga kung tumawag ako pero kasi natatakot na —" Naputol ako. "Who's this?" Mataray ang boses ng babae at alam kong si Veron iyon. "Sorry wrong call po." Agad kong bawi bago pinatay ang tawag at niyakap ang sarili ko habang nanginginig sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD