CHAPTER 8

723 Words
Napabuntong hininga na lamang ako. "Sayang naman itong pagkain kung 'di s'ya uuwi. Sana sinabi nalang di'ba?" Para akong timang na kinakausap ang aking sarili. Nakaligpit na ang pagkain at papasok na sana ako sa silid ng makarinig ako ng lagabog. Agad akong lumabas upang tignan kung si Dom ba ito. Hindi nga ako nag kamali, si Dom nga pero lasing s'ya. Sa amoy palang at galaw alam kong madami ang nainom n'ya. "Hi." Bati niya habang pinipilit na tumayo. Agad ko siyang tinulungan at inalalayan. "Lasing na lasing ka mukang nag kasiyahan ah?" Pasimpleng tanong ko bago siya inupo sa sofa. Halos pumikit na si Dom ngunit ang cute talaga n'ya lalo na nang ngumiti siya. "Yup, I'm drunk." Pag amin niya bago pasuray-suray ang mata na tumitig sa akin. "You're pretty Leaf." "Thank you." Nakangiting sagot ko bago akmang iiwan muna sana siya para kumuha ng maligamgam na tubig at towel. "Why are you leaving me? Everybody's leaving," pagak na tumawa si Dom. "Kukuha lang sana ako ipamumunas sayo para mahimasmasan ka. Hindi kita iiwan Dom." Paliwanag ko habang masuyong nakatitig sa mga mata niyang kitang-kita ko ang kalungkutan. "Talaga? Sinabi narin n'ya sa akin iyan eh. But the funny thing is she was cheating on me the whole time." Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Alam kong asawa ni Dom ang tinutukoy niya, at wala akong alam doon kaya ayaw kong makisali. Iniwan ko muna siya at ginayak ang mga kaylangan ko. Pag balik ko ay tahimik lang si Dom na nakaupo at mukang malalim ang iniisip. "Ititimpla kitang kape pagka tapos." Basag ko sa katahimikan. Napabaling siya sa akin at nagulat nalang ako ng haplusin niya ang buhok ko. "Dom lasing ka ipahinga mo iyan." Simpleng wika ko. "Even if I'm drunk Leaf, you're still gorgeous. I mean lagi naman kahit nakasimangot ka o kahit galit ka. Sayang lang dahil late na kitang nakilala. Siguro kung ikaw iyong unang ibinigay sa akin ng tadhana, baka hindi miserable buhay ko. Kasi ikaw simpleng buhay lang kontento kana, unlike Veron my ex-wife." "Minahal mo kasi kaya nasasaktan ka." "Yes you're right, Leaf. Kapag mahal ko ibinibigay ko lahat kahit maubos pa ako. Bakit ba s'ya pilit na bumabalik? Ayaw ko na nga eh. Ayaw ko na Leaf. I want a new life with my child." Ang sakit lang marinig na inaako n'ya iyong magiging anak n'ya sa akin na para bang sakaniya lang iyon. Which is, iyon naman talaga ang usapan. "Bigyan mo lang s'ya ng time Dom susuko din si Veron. Sa ngayon kasi pilit pa niyang inilalaban, at kung mabubuo pa bakit hindi mo subukan?" "I'm not out of my mind Leaf." Hindi na ako kumibo at pinag patuloy ang pag punas ng maligamgam na tubig sakaniyang mukha, leeg at braso. Hindi ko s'ya nagawang ipag timpla ng kape dahil hindi naman na niya maiinom. Antok na antok na si Dom kaya naman inaya ko na siya sa kwarto upang makapag pahinga siya ng maayos. Mabuti nalang at humilom na kahit paano ang kipay ko. Nakakakilos na ako ng maayos kaya naasikaso ko na s'ya. Paano nalang pala kung wala na ako? Sino na mag aasikaso sakaniya? Bigla tuloy akong nakadama ng awa para kay Dom. Kaya ba n'ya gusto ng anak kasi nalulungkot talaga siyang mag isa? Ngayon mas na i-intindihan ko na ang sitwasyon n'ya. Madahan ko siyang kinumutan bago ako tumibi. Hindi ko sana siya didikitan pero bigla na lamang niya akong niyakap. Hindi ako gumalaw upang hindi siya magising pa. Hinayaan ko na lamang siya at pinilit kong makatulog. Kinabukasan ay naramdaman ko nalang na wala na akong katabi. Nasa akin narin ang kumot na mukang si Dom ang nag ayos. Napangiti ako bago bumangon. Ng inat muna ako bago ko napag pasyahan na mag tungo na sa kusina. Inabot ko si Dom na may iniinit na pagkain. Gusto kong tumili sa tuwa kasi iyong niluto ko pala kagabi ang iniinit niya. "Morning." Bati n'ya. "Sa susunod wag mo akong hihintayin kung hindi ako makakauwi." "Hindi kasi ako sanay na walang kasama inaatake ako ng takot ko." Pag amin ko bago napayuko. "Pasensya na kung lumalagpas ako sa napag usapan." Nakayuko parin ako. "Pipilitin kong umuwi kahit anong mangyari para hindi ka natatakot." Napangiti ako sa sinabi ni Dom bago nag simulang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD