"D-Dom.. Honey don't leave m-me..." Nahihirapan mag salita si Veron. "I can't live without you Dominick."
"Shut up Veron." Napairap na lamang ako bago napabuga NV hangin. "Sino bang nag sabing mag tangka kang wakasan buhay mo? We're done Veron, so signed the papers and enjoy your new life."
"Pero ikaw ang buhay ko."
Kalokohan!
Kung ako ang buhay n'ya bakit kaylangan n'ya akong lokohin na ako lang ang lalaki sa buhay n'ya? She cheated on me noong mga panahong baliw na baliw ako sakaniya, tapos para lang mag stay ako ginawa n'ya lahat. She faked her pregnancy just to make me stay and be a responsible husband. Ginawa ko, naging mabuti akong asawa sakaniya pero sinagad n'ya ako and now I'm done.
"Hindi na kita mahal ilang beses ko paulit-ulit na ipapamukha saiyo iyan? I have plans Veron, and it's none of your business kung ano man iyon. Wala kanang pake sa ginagawa ko. All you need to do is signed the papers to end this toxic marriage."
Napahagulhol si Veron. "Stop crying! Tama na pag papalabas sa mga magulang natin na you're the victim! Kasi kapag sinabi ko at isinawalat ang scandal video mo with my f*cking bestfriend, masisira lalo lahat. Mawawala lahat sayo Veron so, don't your dare try me cause I can Veron. Kayang-kaya kong gawin iyon ng walang pag aalinlangan."
"Pinagsisihan ko na Dom! I'm so sorry, so please forgive me. Ginawa ko naman lahat ah? Parusa na nga sa akin na baog ako di'ba? Hindi kita kayang bigyan ng anak oo tanggap ko na iyon. Kaya lang iyong mawawala ka sa akin hinding-hindi ko iyon kayang tanggapin Dom. Pinipilit mo sa akin ang lintik na annulment na iyan! Ayaw ko nga eh! Ayaw kong pakawalan ka kasi right now you're the one that I have."
Sawang-sawa na ako sa drama n'ya.
Siguro naman may karapatan akong maging ganito? Dahil sa tatlong taon na pagiging mag asawa namin tatlong taon din nakikihati ang kaybigang ko. Tatlong taon akong namanipula at naging gago.
"Tinawagan ko na ang parents mo they're coming." Walang emosyong wika ko bago tumalikod.
"May iba kana ba? May kabit kaba? Sana makonsensya s'ya, at sana lang danasin n'ya ang sakit na dinaranas ko."
"Iyang sakit na dinaranas mo Veron ikaw lang din ang may kagagawan niyan".
Palabas na sana ako ng humabol si Veron at hawakan ang braso ko upang pigilan. "Please don't leave me. Dom, ok lang kahit dalawa kami makikihati ako ok lang. Wala akong angal. Tatanggapin ko siya mag sama-sama tayo sa bahay basta sa akin ka parin uuwi."
Napapalatak ako sa inis bago inalis ang kamay ni Veron sa braso ko. "Huwag mong pahirapan pa sarili mo. Hindi ko na kaya Veron, tapos na akong maging uto-uto. Hihintayin ko pirma mo para maiayos ko na ang annulment. Ako na bahalang mag paliwanag sa mga magulang natin, and you have nothing to worry dahil ako sasalo ng lahat. Hindi kita ilalaglag." Ito nalang ang maipapangako ko kay Veron.
"Ayaw ko aalamin ko kung sino s'ya, and believe me or not hindi mo magugustuhan gagawin ko sa babae mo." Pagbabanta ni Veron.
"Bahala ka sa buhay mo." Tanging sagot ko bago lalabas na sana ng s'ya namang pasok ng parents ni Veron.
"Oh? Ano bang nangyari bakit na hospital ang asawa mo?" Ito ang bungad ng ama niya.
"Baka naman buntis na." Natutuwa pa ang Ina ni Veron.
Kaya napagtanto kong wala parin palang inaamin si Veron sa mga magulang niya. Lihim akong napangisi bago nanatili upang paggalang sa parents niya.
"Are you ok Veron?" Humahangos pa si Ian.
Ian si my bestfriend, pero noon iyon. Iba na ang sitwasyon naming tatlo simula ng patulan n'ya ang ex-wife ko.
"Nandito pala si Ian eh." Ama ni Veron ang nag salita. "Ok naman na si Veron salamat sa pag-aalala Ian maasahan ka talagang kaybigan ni Veron at Dom."
"Dom." Baling ni Ian sa akin.
Hindi ko ito kinibo. "Mauna na po ako." Paalam ko bago lumabas ng hindi tinatapunan ng tingin si Veron.
"Gago ka Dom!" Isang malakas na boses ang nakapag patigil sa akin sa paglalakad sa parking lot.
Hinarap ko si Ian. "Hindi ako salamin Ian." Pasimpleng sagot ko. "Bumalik ka doon at i-comfort mo ang ex-wife ko, pwede na kayo." Sarkastikang wika ko pa bago napangisi.