"Dapat yata hindi kita pwinersa agad."
Hindi ako makapaniwala sa biglang pag hinahon ni Dom, bigla yatang tinablan ng konsensya? Mayroon pala s'ya noon? Napailing ako at hindi nalang sumagot.
"Hindi ka papasok hanggat hindi iyan nag hi-hilom."
"Hindi ko rin naman kaya pa Dom." Pag amin ko. "Hindi naman sa nag i-inarte ako na sobrang sakit, pero hindi lang din kasi ako makakafocus." Paliwanag ko.
"I know."
Napabuntong hininga ako. "Balak ko pa naman sanang dalawin sila Mama mamaya."
"Pag gumaling kana."
Ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa, tsaka pag hindi ako pinayagan ni Dom wala akong magagawa. Para akong tuta na kaylangan lang nakasunod sa mga nais n'ya. Wala akong sariling desisyon.
At ang pinakamahigpit na bilin ni Dom sa akin ay ang wag na wag akong palihim na gagamit ng pills or contraceptives para lang makaiwas sa pag bu-buntis.
Baliw din eh. Bakit ko naman gagawin iyon, aber? Gusto ko ngang makalaya na sakaniya tapos gagawa pa ako paraan para mag tagal dito? Ayaw kong maging kabit ng matagal.
Araw-araw nakokonsensya ako at naawa para sa asawa niyang walang kaalam alam. Babae din ako, at na i-intindihan ko kung magagalit sa akin asawa niya.
Lumabas na si Dom sa silid. Wala naman kasi kaming dapat pag usapan pa, at hindi rin naman madaldal si Dom. Mas nais niyang mag basa ng libro kaysa makipag daldalan ng walang kwentang bagay sa akin. Umayos naman na pakiramdam ko isang oras lang ang nakalipas kaya naman lumabas na ako sa silid. Inabot ko si Dom na nasa sofa at prenteng nakaupo habang sumisimsim ng alak sakaniyang baso.
"Feeling better?" Agad niyang tanong na agad kong tinanguan.
"Mas ok na ako." Sagot ko.
"Good."
Napaupo ako sa tabi niya bago tumitig sakaniya. "Gusto ko lang iklaro." Panimula ko. "Hindi kaba uuwi sa asawa mo?"
"Sinabi ko bang mag tanong ka about my personal life?" Imbis na sumagot ay tanong din ang ibinalik niya sa akin na ikipinahiya ko pa.
"Sabi ko nga hindi." Napaiwas ako ng tingin at sinubukang i-focus sa tv ang mata ko. Sakto movie ang pinapanuod niya kaya malilibang ako.
Napukaw lang ang atensyon ko ng may tumawag kay Dom. Nakamasid lang ako habang may kausap siya.
"What?"
"Umuwi kana Sir!" Rinig ko ang nanginginig na boses ng isang babae. "Si Ma'am po kasi nakita namin sa silid niya na walang malay!"
"Hindi ako ang gumawa sakaniya niyan kundi siya mismo. At bakit ako ang tinatawagan ninyo mga stupida! Hindi ako ang ambulansya!"
"Ikaw po ang kaylanga ni Ma'am ikaw ang nais niya."
Napasulyap si Dom sa akin. "I can't leave, busy ako." Wala parin itong emosyon kaya naman hindi ko na kaya, sobrang awang-awa na ako sa asawa niya.
"Please puntahan mo na asawa mo." Nakikiusap kong bulong habang sinasalubong ang titig ni Dom.
Kung inaalala n'ya ako ok lang naman ako. Kaya kong kumilos mag isa hindi naman ako baldado.
"Magiging ok lang ako. Nakokonsensya ako Dom, please lang maawa ka naman sakaniya." Pakiusap ko pa.
"Fine." Napairap ito bago dinampot ang jacket n'ya. "Stay here, order food if you want. Here's my card use it." Inilapag niya sa hita ko ang black card. Napanganga ako dahil alam ko kung ano ito. Ito yung walang limit at kahit ano mabibili!
Napatitig ako dito at hindi ko alam kong dadamputin ko ba ito o hindi. "Dalhin mo na ito." Agad ko itong dinampot at ibinalik sakaniya. "Dito lang ako sa bahay."
"I said use it." Walang emosyong wika ni Dom bago dumiretso palabas sa bahay.
Napabuntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Naligo ako upang maging presko ang aking pakiramdam. Matapos maligo ay nag desisyon akong lumabas sandali upang mamili ng makakain at stock narin for one week. Pansin kong paubos na ang pagkain namin kaya ako na gagawa ng grocery para kay Dom tutal wala naman itong time.
Komportable kong binili ang lahat ng kakaylanganin, at matapos mamili ay umuwi na ako. Hindi ako pwedeng abutan ni Dom na nasa labas dahil tiyak na mag ta-tanong na naman iyon at pag i-initan na naman ako.
Ilang oras na ay wala parin si Dom hanggang sa inabot na ako ng gabi. Natapos na akong mag luto wala paring Dom na dumarating. Inaasahan ko pa namang may kasama ako ngayong gabi. Dahil ayaw ko sa lahat ay ang walang kasama sa gabi. Pakiramdam ko may mananakit sa akin pag mag isa lang ako.
Pero hindi ko pwedeng piliting pauwiin si Dom dahil unang-una asawa n'ya iyon, at ako? Isa lang akong kasangkapan para maanakan. Kaylangan kong tanggapin iyon at makasanayan. In the end of the day kaylangan kong maging matatag sa mga mangyayari.