CHAPTER 3

731 Words
Patuloy lang na umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi ni Dom. Para akong timang na lutang habang lumalakad ngayon. Gusto kong malusaw o kaya'y kainin ng daan para matapos na lahat ng ito. Mag hahanda na akong ibigay ang bayad kong puri at pagkatao. Napabuntong hininga ako, bigla tuloy akong nawalan ng ganang pumasok ngayon tutal si Dom lang naman dib makakasama ko. Wala akong takas sa halimaw na iyon. Wala siyang emosyon sa trabahon at ganoon parin sa bahay tapos hanggang sa makabayad ako sakaniya at matapos ang kontrata namin kinakaylangan kong maging matiyaga at ngayon palang kinakaylangan kong masanay. Paniguradong s'ya ang magiging kamukha ng batang ipagbubuntis ko. S'ya ba naman makita ko sa araw-araw eh. Dahil sa kalutangan ko ay may nabangga pa akong tao. "Pasensya na po." Agad kong hingi ng tawad. Agad kong pinulot ang bulaklak na nahulog, at ang ibang bulaklak ay nasira o nalagas. Malakas kasi ang bagsak kaya naman hiyang-hiya ako. "Pasensya na talaga! Papalitan ko nalang." "No need tulungan mo nalang akong mamili ng bago." Nakangiti ito sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Impyernes gwapo s'ya pero hindi masungit, 'di tulad ni Dom na daig pa ang babaeng may regla. "Sige, pasensya na ulit." "Ayos lang sign din siguro iyan na hindi maganda napili kong bulaklak." Sinuri ko ito ng tingin. Nakaformal suit ito na animo'y may importanteng meeting. "Sige dalian na natin baka mahuli ka pa." Aya ko bago kami nag tungo sa flower shop na hindi naman kalayuan dito sa terminal. Balak kong mag bus pero baka mag taxi nalang ako dahil pahinto-hinto ang bus mahuhuli ako lalo. "Ikaw ba baka mahuli ka rin? Ako ok lang first day ko sa work." Napakamot pa ito sa batok na ikinakunot ng nuo ko. "First day mo sa work tapos mahuhuli ka? Hindi pwede baka pagalitan ka. Wait, para kanino ba ito?" Tanong ko upang malaman ko kung anong bulaklak ang pwede kong mapili. "Sa boss ko." Nakangiting sagot nito. "Lagi kang nakangiti para kang walang problema." "Kasi mas pogi daw ako pag nakangiti." Natawa ako. "Pogi kana pero wag kanang mahangin." Naiiling kong sabi. "Ito pwede na itong bulaklak na ito." Lalabas na sana ako matapos kong ituro ng pigilan niya ako. "Sandali anong pangalan mo?" "Leaf." Sagot ko. "As in dahon?" Napasibangot ako. "Oo pero yung fresh na dahon." Sagot ko. "Ikaw si?" "Draco," sabay lahat niya ng kamay na agad kong inabot. "Thanks for the help. Hmm, late kana ba? Pwede kitang ihatid kasi actually mamaya pa talaga pasok ko." "Hindi na salamat nalang Draco. Good for you, Goodluck sa first day!" Kumaway ako at agad na nagmamadaling pumara ng taxi. "Manong sa Alcantara Building po tayo." Malapit lang naman iyon dito kaya lang ay madalas traffic. "Late ka." Masama yata ang timpla ni Dom. "Traffic." Palusot ko na lamang bago naupo na sa pwesto ko. "Pasensya na sir." Hindi na ito sumagot pa. Agad kong sinabi ang mga schedule namin at ang meeting niya after lunch. Mabilis lang ang oras. Wala akong inaksayang oras puro lang ako trabaho at sagot ng tawag para sa mga nag papaschedule kay Dom. "Kumain na tayo." "Busog pa naman ako sir." Mabilis kong sagot. "Ako hindi." Walang emosyong sabi nito kaya tumayo na ako at agad na sumunod. Dinala ko na ang mga kaylangan ko dahil mukang deretso na kami sa meeting after niyang makapag lunch. Gusto kasi ni Dom ng paspasan at ayaw niya ng mabagal sa trabaho. "Kumain ka Leaf." "Ok sir." Agad kong ginalaw ang pagkain na inorder niya dahil baka maging halimaw na naman ito pag hindi nasunod ang gusto. Matapos ang pananghalian ay agad kaming nag tungo sa meeting place. Saglit lang daw kasi si Mr. Terron kaya naman hindi na namin siya makakasamang kumain kaya nag lunch na talaga kami. Hinanap ko ng mata ko ang table. Ngunit ang nakita ko doon ay si Draco na kanina ko lang nakilala. "Anong ginagawa mo dito? Boss mo ba si Mr. Terron? Nagustuhan ba n'ya ang bulaklak?" Nakangiting tanong ko. "Leaf ako si Mr. Terron hehe." Napakamot sa ulo si Draco habang ako ay nakakunot ang kilay. "Nahihiya kasi akong sabihin sayo kasi baka ma offend ka or layuan mo ako pag nalaman mong CEO ako, basta friends na tayo." "Kilala mo na si Mr. Terron?" Walang emosyong tanong ni Dom na kanina pa pala nakikinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD