Napayuko ako bago sumagot kay Dom. "Opo sir nakilala ko po accidentally si Mr. Terron."
Hindi na kumibo pa si Dom. Naupo na ito matapos makipag kamay kay Draco. Napangiti ako ng pasimple bago tahimik na nakinig sa usapan nila. Kaylangan ko kasing ilista ang ilang bagay at tandaan. Sana lang pumayag talaga si Mr. Terron na ibenta ang lupang binibili ni Dom.
"Siguro naman naipaliwanag na ng secretary mo ang na i-offer namin?" Si Dom ang nag tanong.
"I don't have secretary, baka may ire-recommend ka? Gusto ko nga sana si Leaf eh."
"Shut up Draco." Tumalim ang titig ni Dom kay Mr. Terron kaya nabahala ako.
"I'm just kidding, chill. Don't worry ibebenta ko naman sainyo iyon dahil ayaw kong mahirapan ang bestfriend ko." Ngumiti sa akin si Draco ngumit seryoso lang ako.
Ayaw kong madagdagan ang inis ni Dom at baka sa akin pa ibunton lahat.
"You know what," tumayo si Dom. "I don't need your property. Huwag mo din lalandiin ang employee ko."
Nauna nang lumabas si Dom habang ako ay hindi parin makapaniwala. Napatayo ako at agad na humingi ng pasensya kay Draco. "Pasensya na talaga medyo masungit talaga siya at maiinitin ang ulo. Draco—este Mr. Terron sorry talaga. Sana maayos pa natin 'to? Reschedule? Please, sana maayos pa." Pakiusap ko.
"Hindi mo kaylangan makiusap sa akin Leaf. Give me the papers para mapirmahan ko na." Nakangiting sagot ni Draco na ikinaluwag ng paghinga ko. "Totoo ngang antipatiko't mayabang ang lalaking iyon. Akala ko talaga chismis lang," naiiling na bulong pa ni Draco.
"Hindi kasi s'ya nakikipag biruan talaga pasensya na ulit. Babawi nalang ako sayo hehe."
"Give me your number."
Inabot na ni Draco ang papers sa akin matapos niyang mapirmahan. Agad ko namang ibinigay ang company number namin.
"No this, I mean your personal number Leaf. BFF mo naman na ako. Are you scared?" Nakakalokong tanong ni Draco.
"Bakit ako matatakot? Hindi ka kaya mukang CEO." Pagbibiro ko. "Mas mukha kang kengkoy." Kinuha ko ang phone n'ya at tinipa ang number ko. "Ayan na bawi na ako sayo ha."
"Yup, thank you! Take care Leaf, baka saktan ka ng monster mong kasama."
Hindi na ako sumagot at mabilis na akong lumabas. Pag pasok ko sa kotse ay napasulyap ako kay Dom na walang imik. Parang mas lumala lang s'ya ngayon kaysa kanina.
"Enjoy ka talagang kinausap ang bastos na iyon?"
"Hindi naman bastos si Mr. Terron," pasimpleng depensa ko. "Bibo lang s'ya at palabiro."
"Ako ang amo mo at sa akin ka, pero bakit s'ya kinakampihan mo?"
"Hindi naman po—" Hindi na ako nakatapos sa dapat na ipapaliwanag ko.
"Shut up!" Malakas niyang sigaw bago sunod-sunod na napamura. "Ayaw kong ginagawang landian o joke time ang working ours gets mo!?"
Maluha-luha akong tumango bago pinilit na ipaalam ang naging pag payag ni Mr. Terron na ibenta ang property. "Napirmahan na ni Mr. Terron ang papers."
"I said i don't need it Leaf."
"Pero sayang naman kasi ito Dom."
Hindi na n'ya ako kinibo. Hanggang sa makauwi kami ay walang imik si Dom. Ayaw ko naman na pangunahan siya, tsaka nararamdaman kong ayaw n'ya akong kausapin.
Pabor narin sa akin dahil wala pang mangyayari sa amin ngayong gabi tulad ng napag usapan kaninang umaga. Ako na ang kusang gumalaw sa kusina habang nasa shower si Dom. Tumingin ako ng maaring iluto para sa dinner. Naisip ko lang rin na hindi ba siya uuwi sa asawa niya?
Dalawang araw na siyang dito umuuwi sa akin. Palagay ko'y nagtataka na iyon kung nasaan siya.
Sana lang talaga alam ni Dom ang ginagawa niya.
Napabuntong hininga na lamang ako bago nag focus sa pagluluto. Matapos kong mailuto ay nag hain na ako upang pag labas niya ay nakahanda na ang dinner.
Maging sa pagkain ay tahimik si Dom. Ewan ko kung bakit ako nadamay sa galit niya kay Draco kahit wala naman akong ginagawang masama. Hindi pa ba s'ya masaya na nakuha namin ang property na isang buwan na niyang pinaghahandaan?
Nag paalam lang ako na mag sho-shower pero wala lang siyang response. Para lang akong hangin na hindi niya nakikita kaya hinayaan ko nalang siya. Nasa kwarto kasi siya ngayon palagay ko'y itutuloy parin niya kahit masama ang timpla niya.