CHAPTER 2

782 Words
"Bakit gising ka pa?" Kamuntik na akong mapasigaw sa gulat. Iinom lang naman sana akong tubug tapos nakita ko si Dom na nasa kusina umiinom din pala, pero hindi nga lang tubig. Alak ang iniinom n'ya. Anong oras na ba? Napatingin ako sa relo ko. "Madaling araw na gising ka pa?" Takang tanong ko. Tsaka namamahay pa pala ako dito kaya lang kahit paano nakaidlip naman ako. "None of your business I'm the one who's asking you Leaf." Malamig niyang sagot bago napatitig sa akin. "Hindi ka makatulog?" Tanong pa niya na agad kong sinagot. "Nakaidlip naman ako sadyang hindi palang ako sanay at hindi parin makapaniwala." Napaiwas ako ng tingin. "Iinom lang ako tubig pwede ba?" Tanong ko pa na inirapan lang n'ya. Napairap din ako ngunit pasimple lang. Hindi ako pwedeng komontra sakaniya baka bigla n'ya akong sumbatan o kaya ay kuhanin n'ya ang pera na ibinigay na niya. Mas lalo akong mamomroblema pag nangyari iyon. Kaya nga kaylangan kong makisama kahit anong manyari. Kaylanga kong tiisin mga sinasabi n'ya at mga pag su-sungit niya. Wala bang mga magulang si Dom? Iniisip ko lang kung paano ba n'ya nagagawa ang ganitong mga bagay ng hindi nalalaman ng mga magulang niya? For sure hindi papayag ang mga iyon sa kalokohang ginagawa ni Dom. Lalo't may asawa itong tao at mukang sakanilang dalawa ng asawa niya ay s'ya lang ang nais makipag hiwalay. Dahil lang sa hindi siya nito mabiyayaan ng anak? Napailing na lamang ako bago inubos na ang tubig na sinalin ko sa aking baso. Napasulyap pa ako ng pasimple sakaniya bago akmang lalakad na sana palabas sa kusina ng pigilan n'ya ako. "Natatakot kaba sa akin?" Ewan ko kung iyon ba nakikita n'ya kaya naitanong niya ito o maging s'ya pansin niya ang ugali niya. "Ano po ba sa tingin mo ang isasagot ko?" Imbis na sumagot agad ay nag tanong ako. "Kung natatakot ka wala ka ngayon sa pamamahay ko." "Baka nakakalimutan mong napilitan lang akong gawin ito Mr. Alcantara." Madiing wika ko. "Hindi ko pinangarap maging kabit o mag pabuntis sa taong kasal na dahil alam ko sa sarili kong napakalaking kasalanan noon." Paliwanag ko. "Wala akong pake sa reasons mo." "At wala din po akong pake sa reasons mo sir pero isa lang ang malinaw sa akin." Matapang kong sinalubong ang mga titig ni Dom. "Isa kang gago." Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Dom dahil bumalik na ako sa silid ko. Sa sobrang kaba ko sa mga sinabi ko kay Dom ay nasabunutan ko na lamang ang sarili ko, para akong nakipag sagutan kay satanas dahil sa ginawa ko. Kung tutuusin kaya n'ya akong saktan o ipasalvage dahil maimpluwensiya siyang tao. Isang bilyonaryo ang kalaban ko sino bang hindi kakabahan? Nasira ko iyong pangako ko na dapat akong makisama sakaniya at maging mabait. Nakakabwiset naman kasi! Hindi na ako nakatulog dahil sa takot ko na baka bigla niya akong pasukin sa kwarto at kung anong gawin niya. Bumangon ako ng alam kong maliwanag na, akala ko ay mauunahan ko siya ngunit bago pa ako lumabas ay nasa kusina na siya nag lu-luto. Marunong siyang mag luto? Napakibit balikat ako bago pasimpleng sumilip. "Maupo kana." Lakas talaga maging pakiramdam n'ya. Napailing na lamang ako bago naupo. "Good morning pala." Bati ko bilang pagbibigay naman ng respeto sakaniya. At ang malikot kong isipan ay pinasukan na naman ng kabaliwan. Naisip ko lang na s'ya pala ang nag lu-luto, baka lang linagyan n'ya ito ng lason? Hindi naman siguro. Mahina kong sinampal ang sarili ko. Kapag kasi pinatay n'ya ako edi wala na siyang aanakan di'ba? Edi thank you nalang iyong isang milyon na paunang ibinayad niya sa akin. "Stop thinking stupid and eat." Natigilan ako sa malalim na pag i-isip dahil sa sinabi ni Dom. Napatango ako bago tinitigan ang pagkain na nilagay niya sa plate ko. "Walang lason yan." "Hindi ko naman iniisip na gagawin mo iyon." Palusot ko bago nag simulang kumain. "Hindi ka sasabay pumasok sa akin dahil ayaw kong may maging issue. Hindi pa ok ang annulment kaya kapag nahuli ka ng asawa ko malaking problema pa. Tandaan mong kahit pinaghihinalaan ka n'ya wag na wag kang aamin, understand?" Tumango ako. Hindi ako na informed na kaylangan pala magaling sa taguan. "I'll protect you no matter what happens so stop over thinking. Bibili ako ng kotse para sayo para hindi ka mahirapan mag commute." "Hindi na ok na ako sa commute." Mabilis kong tanggi. "Hindi rin kasi ako marunong mag drive pa." "Fine." "Pwede ba akong dumalaw sa pamilya ko?" Takang tanong ko. "Ok." Tipid niyang sagot. "Be ready tonight cause we're start doing it." Nasamid ako ngunit agad din namang nakabawi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD