Naalala ko na! Napapikit ako nang mariin dahil naalala kong naiwan ko nga pala ang PT na ginamit ko sa cr sa bahay ni Dom.
Malamang masayang-masaya iyon dahil sa may anak na s'ya, magiging maligaya na s'ya at ako ang mag durusa. Hindi ako papayag. Patuloy akong magtatago kahit saang lupalop ng mundo pa iyan. Hindi ko ibibigay ang anak ko.
**
Dalawang linggo na akong nakabinbin dito sa vacation house nila Draco. Bagot na bagot na ako sa totoo lang, buti nalang at lagi akong sinasamahan ni Manang upang kausapin at samahan sa pamamasyal.
"May schedule na pala sa doctor Leaf. Bilin ni Draco na pumunta ka at wag daw matigas ang ulo mo. Pansin ko masyadong malaki ang tiyan mo para sa isang buwan na pag da-dalang tao Leaf." Nakakunot ang nuo ni Manang habang hinihimas ang tiyan ko.
Ako rin naman nagtataka pero nawawaksi rin sa isipan ko kapag iniisip kong magiging Ina na ako. Naluluha nalang ako bigla kasi hindi ko alam kung paano ba maging isang Ina. Dahil hindi ako handa ay nahihirapan talaga ako.
"Maliligo lang po ako Manang." Paalam ko bago pumasok na sa banyo.
"Samahan na kita at baka madulas ka pa delikado." Pahabol ni Manang kaya naman hindi na ako nakatutol at pinapasok na si Manang. "Huwag kang mahiya sa akin. Ako lang naman 'to si manang mo." Natatawang sabi pa n'ya ng mapansing nahihiya ako.
"Para naman po kasi akong bata na kinakaylangan pang bantayan."
"Sus! Nararapat lang naman dahil ako ang mananagot kapag may nangyari Leaf. Ang laki ng tiyan mo nakakatakot na baka madulas ka. Sigurado kabang isang buwan palang iyan?" Takang-taka si Manang.
"Sa pagkakaalam ko opo. Dalawang linggo na po kasi akong buntis noong umalis ako kay Dom, tapos binilang ko ang pamamalagi ko dito ay dalawang linggo na ako. Kaya kakaisang buwan na po nito sigurado po ako." Paliwanag ko.
"Pero bakit ang laki agad? Sabagay may mga babaeng malaki talaga mag buntis."
"Baka nga po." Sang-ayon ko kahit alangan parin ako.
Matapos maligo at mag bihis ay gumayak na kami ni Manang patungo sa bayan upang puntahan ang doctor na kinuha ni Draco para sa akin. Kasama ko si Manang kaya hindi ako makaramdam ng kaba. Si Manang ang tumatayo kong magulang sa ngayon at nag papasalamat ako ng marami sa pagtitiyaga niya sa akin.
"Good day Leaf." Mahinahong bati ni Dra. Mildred bago napadako ang tingin sa tiyan ko. "Mahiga kana rito para masuri na natin ang heartbeat ni Baby."
Agad akong humiga. "Ilang buwan na po Mommy?"
Napakasarap sa pakiramdam na tawagin akong Mommy. Napangiti ako bago masayang sumagot. "Isang buwan na po nito lang."
"Oh? Masyadong malaki ito para sa isang buwan Mommy." Maging si Dra. Mildred ay nagulat. "Sige tignan po natin Mommy hingang malalim po at relax lang."
Ilang minuto lang niyang sinuri ang tiyan ko. "Congrats po Mommy!" Natutuwa si Dra. Mildred. "Triplets po ang dinadala mo kaya pala ganoon nalang kalaki ang pag bu-buntis mo."
Maging si Manang ay hindi makapaniwala. Napakurap-kurap ako at hindi pa mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Dra. Mildred.
"Triplets p-po?" Pag-uulit ko pa habang nauutal.
"Yes po Mommy."
"Manang tatlong bata." Naluluhang sambit ko.
Kaya ko ba ang tatlo?
Lutang parin ako hanggang sa makauwi na kami ni Manang.
"Sinabi ko na kay Draco at hindi ito makapaniwala. Tuwang-tuwa siya ngunit nag aalala rin siyang baka hindi mo kayanin? Mas kaylangan mong maging maingat at bawal pagutom o stress Leaf. Alalahanin mong tatlong bata ang dinadala mo, at anak mo iyan." Paalala ni Manang na ikinangiti ko.
"Opo aalagaan ko po silang mabuti kahit wala si Dom." Pangako ko. "Magiging matatag po ako para sakanila. "Nandiyan naman po kayo ni Draco, at kapag po kaya ko na nais kong aminin narin po sa mga magulang ko."
"Paniguradong magagalit sila pero mangingibabaw parin ang pagmamahal." Hinaplos ni Manang ang aking buhok. "Tanggapin mo ang sermon nila dahil para rin iyon sayo Leaf."
Tumango ako bago ngumiti. Natigilan lang kaming parehas ni Manang at napatingin sa pinto na sunod-sunod ang katok.
Wala naman kaming inaasahang bisita pero baka sa excited ni Draco ay napapunta ito. Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Dom.
"Tama na ang tagutagaun Leaf." Walang emosyong sabi niya bago napadako sa tiyan ko ang tingin.