Nakatahimik lang ako at hindi mapakali habang si Dom ay kinakausap si Manang. Hindi alam ni Draco na nandito si Dominick upang kuhanin ako.
Hindi ko na kayang manahimik nalang!
"Ibinigay na sayo ang isang milyon natanggap mo ba?" Tanong ko kaya naman natiligilan sila sa pag u-usap ni Manang.
Lumapit siya sa akin habang nakatitig. "Oo, pero sino nag sabing tatanggapin ko iyon? Leaf wala iyon sa kasunduan."
Sabi na nga ba hindi s'ya papayag eh.
"Alam ni Veron na ako ang babae mo. Bakit hindi n'ya ako sinugod?" May hinanakit na tanong ko habang pigil na pigil ang aking luha. "Ayos lang naman eh. Tatanggapin ko lahat ng galit n'ya dahil malaki naman talaga kamalian ko."
"Nangako akong hindi ka n'ya masasaktan."
"Wala akong pake Dom! Tapos na ang kontrata at naibalik na ang isang milyon mo. Ngayon wala kanang obligasyon pa sa aming mag i-ina. Kaya kong palakihin at alagaan ang triplets." Matapang kong paliwanag habang sinasalubong ang matalim na titig ni Dom.
"Triplets 'yang pinag bu-buntis mo?" Bahagya pa itong nagulat.
"Oo at wala kanang pake doon. Bumalik kana sa asawa mo piliin mo na s'ya." Pigil na pigil ang pag agos ng aking luha. "Si Draco ang tumutulong sa amin ngayon, at wala akong nais na hinging tulong sa isang duwag na gaya mo." Madiing wika ko. "Tapos na 'to Dom. Ayaw kong ibigay sayo ang mga anak ko. Ilalaban ko sila ng p*****n hindi mo lang sila makuha sa akin."
"Leaf.."
"Dom tama na! Mas lalo lang ako umaasa at nasasaktan sa mga ginagawa mo eh. Gusto kong lumayo at mag panibagong buhay, kung saan malayo sayo at wala ka."
"Pwedeng hayaan mo akong mag explain?"
"Paraa saan pa? Malinaw na sa aking ginagamit mo lang ako. Hindi naman ako dapat umangal dahil iyon naman talaga ang napag usapan. Bawal nga akong mainlove sayo eh." Pagak akong tumawa. "Kaya lang hirap pigilan lalo na pag pinapakitaan ka ng kabaitan at ipinaparamdam sayo na mahalaga ka." Umiwas ako ng tingin dahil napapasok ako sa mga titig ni Dom. "Parang awa mo na hayaan mo 'kong ayusin buhay ko kasama ang mga anak ko." Hindi ko na talaga kinaya at nag unahan na sa pag bagsak ang luha ko.
"Kung kaylan ok na ang lahat. Akala ko magiging maayos na kapag tapos na ang problema ko kay Veron. Pinirmahan na n'ya ang annulment at inaayos na ito sa ngayon. Kaya nga masasabi kong malaya na ako kasi legal narin kaming hiwalay sa mga magulang namin." Paliwanag ni Dom habang naiiling. "Leaf hindi mo na ba talaga ako nais na makasama? Ayaw mo na bang umuwi? Paninindigan na kita. Ayaw kong maging duwag tulad ng sinasabi mo."
"Ano bang—" Hindi n'ya ako hinayaang makapag salita.
"Pinaparamdam kong mahalaga ka kasi mahalaga ka naman talaga sa akin. Mahal na kita Leaf. Hindi ko lang maamin dahil ayaw kong sumabay sa problemang hindi ko maayos-ayos. Pinag tapat ko lahat sakanila ang tungkol sa atin. Akala ko masaya akong gi-gising nang umaga na iyon kasi finally pumayag na si Veron na tanggaping wala na talaga. Kaya lang nawala ka na parang bula. Ang last text ni Veron na iyon ay ang pagmamakaawa n'ya sa huling pagkakataon, pero Leaf. Leaf tinanggihan ko iyon dahil kayo ang pinili ko." Napasulyap si Dom sa aking tiyan. "Hinding-hindi na ako magiging duwag. Inayos ko muna lahat kaya natagalan ako. Kasi gusto kong may mukha akong ihaharap kapag nag harap tayong muli."
"Hindi mo alam 'yung lungkot ko Dom. Iyong pangamba at takot ko na baka kuhanin mo ang mga anak ko at ibasura na lamang ako." Pag amin ko.
"Bakit kita ibabasura? Kahit kaylan hindi naging basura ang tingin ko sayo Leaf. Handa akong humarap sa mga magulang mo at mag paliwanag. Pakiusap umuwi na tayo Leaf, at ako na ang bahalang mag sabi kay Draco na inuwi na kita. Alam mo bang gustong-gusto kang makita ni Mommy. Hindi ko mapigilan ang sarili ko mag wala nang malaman kong nag da-dalang tao kana noong umalis ka."
"Ginawa ko lang naman iyon dahil ayaw kong kuhanin ang ang mga bata sa akin." Napayukong wika ko habang lumuluha parin. "Hindi mo na ba sila kukuhanin Dom?" Paninigurado ko pa.
"Sa isang kundisyon."
"A-Ano?" Nauutal kong tanong.
"Pakasalan mo ako Leaf."
Lumuluha akong tumango bago siya niyakap ng mahigpit.