Chapter 8

2143 Words
Saglit kong tinapunan ng tingin si Jag habang humahanap siya ng pwesto sa parking lot pagkarating namin sa office. Bago pa niya makita ang panakaw kong sulyap sa kanya ay tumingin na ako sa labas at bumuntong hininga na lang. Well, based on the research I have made even before I came back, I honestly thought that it’s going to be hard for me to get close to him. He looks hell of an intimidating person in picture, I guess, faith and destiny is really on my side, huh? Sabay kaming lumabas ng kotse pagkaparada niya. Kumunot ang noo ko dahil akala ko ay aalis na siya pagkatapos akong maihatid. Wait, does it even mean that he’s going to stay inside my office the whole time I’m working? I really hope not. I might not finish anything if he is. “Wala ka bang ibang gagawin sa buong araw kung hindi ang sundan at bantayan ako? I mean, you’re too good to be my personal bodyguard.” As much as possible, I tried hard not to sound sarcastic. Ayoko ko siyang ma-offend. Gusto ko siyang umalis ngayon. Ayoko siyang makita dahil naaalala ko na naman si Mama, pero kailangan kong makisama para sa mga plano ko. Madalas ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. May parte ng utak ko ang nagsasabing gusto ko siyang kasama dahil gusto ko lang, may parte naman ang kumo-kontra rito. Hindi ko na alam. Pero alam ko na delikado ito. Kung ipagpapatuloy ko ang ganung klaseng pagiisip ay alam kong ako ang matatalo sa huli, at hindi dapat mangyari iyon. I just can’t put everything on the wasted. I never came back for nothing. Everything and everyone should fall on their right places. And this is my place, JAR is also my place and I need to kick their asses out of my property! “Well, if being your personal bodyguard is what it takes to be with you, then I’m willing to be one.” He replied without even looking at me. “Jag, come on! Hindi ako mawawala, walang mangyayaring masama sa akin sa office. I’m pretty sure that there are far more important things for you to do rather than being here.” I said, well, partly true. He runs JAR as of the moment, he’s the acting president. That job alone is enough proof to say that he’s busy. And as far as I remember, he told me that he has his own business. I’m not just quite sure what it is. See? I made the research alone and I’m not even good at it. “I told you I took this day off. Come on now, I just want to be with you the whole day, don’t deprive me this.” Bumuntong hininga na lang ako at hindi na nakipagtalo. For almost two weeks that we’ve known each other, there’s one thing I learned about him, and it is not to argue with the things that he like to do. “Fine, whatever, Jag!” Naglakad na ako papasok at napabuntong hininga na lang nang maramdaman ang pagbuntot niya sa akin. “Good afternoon, Miss.” Bati sa akin ng guard pagkapasok ko, ngumiti naman ako at tumango. Halos lahat ng nadaraanan ko ay binabati ako, alam ko na normal iyon bilang may-ari ng kompanya at pagbibigay nila ng respeto, pero nakakatuwa pa rin. “Good afternoon.” Napalingon si Rae sa likuran ko, “Oh, personal bodyguard?” Humalakhak siya at nakipag-kamay kay Jag. “Hey, bro.” bati pa niya. “Well, that’s what she said just a few minutes back.” Sabay pa silang nagtawanan. Hindi ko alam kung paano nangyari na sa loob lang ng ilang araw ay sobrang close na sina Jag, Art at Rae. Sana lang ay hindi dumating ang araw na maging hadlang ang dalawa sa kung ano man ang dapat kong gawin dito. Well, I trust them enough to say that they’re going to stay loyal. They will help me no matter what. “So, I supposed you don’t have a work for today?” narinig kong tanong ni Rae kay Jag habang ako naman ay naglalakad papunta sa mesa ko, agad naman akong umupo sa swivel chair at pinanud at pinakinggan ko muna sila na mag-usap. “I took this day as my off.” Sagot naman ni Jag. “Well, you should be relaxing somewhere. Owning a company as big as JAR is something… I guess, exhausting?” Sabay ulit silang nagtawanan, tumango tango naman si Jag. “I don’t own JAR, it is own by a family friend. Medyo may edad na kasi kaya hindi na kayang i-handle ang stress, so I’m helping. I have my own business, though.” Sabay pa silang umupo sa sofa at tila ba masyado silang nae-engganyo sa usapan nila. Tinignan ko naman ang mesa ko at nakitang naihiwalay na ni Rae ang mga kailangan kong pirmahan sa hindi. Thank God, and this is going to be easy. Kung babasahin ko pa isa isa ang mga ito ay kakain ako ng maraming oras, pero dahil sa ginawa ni Rae ay mabilis akong matatapos sa trabaho. Rae is really something! He’s the best! “Really, what business?” tanong ulit ni Rae. Kumunot ang noo ko at sumulyap sa kanila habang hawak ang ballpen, kuryoso rin sa naging tanong ni Rae. “Well, I’m really into cooking. I own a few branch of a five star restaurant.” Napatango tango si Rae sa narinig. “That’s nice. Ipagdala mo naman kami ni Jona minsan ng lunch, gusto namin matikman luto mo.” Gusto kong sawayin si Rae sa narinig. Ang bwisit na ito, gagamitin at idadahilan pa ako sa kakapalan ng mukha. Pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi magsasalita ng ganito si Rae sa taong hindi niya ka-close. Ni hindi ‘yan magku-kwento at manghihingi kung hindi palagay ang loob niya sa isang tao. I’ve known Rae long enough to know. This only means that he’s comfortable around Jag and he’s sincere. My goodness! “Well, I’m actually planning to take her out on a date later tonight. Dadalhin ko siya sa isang branch, you know, I want her to know me and the things that I do. But I can send you guys lunch tomorrow.” Lumawak ang ngisi ni Rae at tumango tango ulit. Heto na naman ako, naiirita sa klase ng ngisi na nakapaskel sa mukha ni Rae. Ang ngising nangaasar at nais magpahayag ng bagay na hindi kanais nais. “Gusto ko sana sumama pero alam kong kailangan niyo ng quality time together,” ang hayop na ito, diniinan pa ang salitang together. “Magpupuyat ba ulit kayo?” sabay na naman silang nagtawanan sa dagdag pa na tanong ni Rae. Mariin akong napapikit at binato sila ng tissue, napatingin naman sila sa akin na nagtatawanan pa rin. “Will you stop talking as if I’m not here? God, I don’t want to hear your words! Especially you, Rae!” Itinuro ko pa siya, tinawanan lang nila ako. “You mean, watching the city lights all night? Yes, bro. Balak ko nga sana ulit.” Pangaasar pa ni Jag, halatang kinakampihan si Rae sa pangaasar sa akin. Binato ko ulit sila ng tissue. “If you won’t stop talking then you’re busted!” agad naman siyang natahimik mula sa pagtawa at mahinang sinuntok sa braso si Rae na ngayon ay tumatawa pa rin. “Sino ba nagsabing magpupuyat kami? It’s just a simple dinner date. Kakain lang, magkukwentuhan tapos ihahatid ko na siya.” Biglang gusto ko namang humagalpak sa tawa nang biglang magbago ang sinasabi niya. “Ah…” tumango tango ulit si Rae. “Kakain…” dagdag pa niya, may diin na naman ang salita. “Rae!” pagbabawal ko sa kanya, itinaas naman niya ang dalawang kamay, iyong parang sumusuko na tapos ay tumatawa pa ring tumayo. “Alright, I still have works to do.” Nilingon niya si Jag. “Do you need anything, bro?” baling niya kay Jag. “Well, if you could get me a bottle of Gatorade, I would appreciate it.” Tumango naman si Rae at binalingan ako. “What about you, Miss?” “I’m good. Thank you, Rae. Thank you rin sa pag-arrange nito para sa akin.” Itinuro ko ang mga makakapal na papel sa mesa ko. “That’s easy.” Kumindat pa siya kaya natawa naman ako. Well, Rae’s really bully but he knows his limitation. Kahit noong nasa US pa kami, inaasar nila ako lagi ni Art na naging normal na sa akin paglipas ng mga panahon. Pagkalabas ni Rae sa opisina ko ay tumayo naman mula sa sofa si Jaguar at naglakad papuntang mesa ko, umupo siya sa silyang nasa harap nito at mataman akong pinanuod na magtrabaho. “You’re not serious when you said I’ll be busted, right?” saglit ko siyang nilingon at nginisian bago ko ibinalik ang mga mata sa papel na pinipirmahan. “If you won’t stop bullying me, then I might.” Sagot ko. “Alright, I’ll be good then.” Naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko sa lambing ng sagot niya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagpirma at nang mangalay na ang kamay ko ay saglit akong huminto para magpahinga na muna, sakto namang dumating at pumasok ulit si Rae dala ang isang bote ng Gatorade, may dala rin siyang pineapple juice na in-can at inabot iyon sa akin. He knows my favorite. I might say I’m good, but he knows for a fact that I cannot resist a pineapple juice. Agad ko namang tinanggap iyon at nagpasalamat. “Do you still have work to do, Rae? Bakit nandito ka pa?” I took a glance at the wall clock and it’s already four in the afternoon. “I have to talk to the Finance and Comp&Ben team, Miss. I just want to get their commitment and make sure to upload and to file what’s submitted real time. Ayokong maging problema ulit natin ang katamaran ng tao natin back in US.” Humalakhak naman ako at tumango. Well, this is not his job but he’s still doing it. This is actually my job. Wait, did I forget to mention that I gave him and Art a share on this company? That’s actually my sign of gratitude. Kaya rin siguro sobra pa sa sobra kung magtrabaho sila. “Sige, sasama na ako para may kasama ka.” Umamba akong tatayo na pero agad din niya akong pinigilan. “Huwag na, Miss. Pagusapan niyo na lang muna ang pagpupuyat— I mean, dinner date niyo mamaya.” Humalakhak ulit siya sa sinabi. Nilingon ko si Jag at nakita kong nagpipigil siya ng tawa bagay na muntikan ko nang ikinahalakhak. He might have taken the ‘busted’ thing seriously. Bago ko pa masapak si Rae ay humahalakhak na siyang lumabas ng opisina ko. Nasapo ko naman ang ulo ko sa inis. “God, having three boys in my life will be my death.” Bulong ko at umupo ulit para balikan ang naiwanang trabaho. “I’m glad I’m one of them.” Napalingon ulit ako kay Jaguar sa sinabi niya. Wait, did I say three? I said two, right? It should be one and a half since Art is a gay man. Having them two is more than enough stress. I said two, right? Well, I hate to admit it but yeah, he’s the freaking third boy in my life. “Paano mo nasabing ikaw ang isa sa kanila?” kunware ay walang ideyang tanong ko. “You’re not close with anyone aside from Art and Rae. And then there’s me…” ngumisi siya at kinindatan ako. “Oo nga pala, why didn’t you tell me that you’re into cooking? And to top it all, you own chains of restaurants.” Pagiiba ko ng usapan. “I’m planning to tell you, nawawala lang sa isip ko. And then when Rae asked, it automatically slipped out.” “It’s good that you can still do your passion while working and handling a huge company.” Tipid akong ngumiti. As I have said, I have always wanted to become a flight attendant, I even finished tourism. But I guess, it’s not for me. “Why, are you not happy with what you are doing right now? I mean, you’ve come a long way already, made your own name. You’re now sitting at the throne of your own success because of hard work.” “This isn’t what I really wanted, this is the job my mother left me so I don’t any other choice but to set aside what I want and do this for her. I’ll do everything for her… everything.” Sagot ko, binibigyang diin ang huling salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD