Chapter 7

2119 Words
I woke up the other day by the sound of my phone’s ringtone. I woke up abruptly and wanting to sleep more. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon at hindi ko rin matandaan kung anong oras ako inihatid ni Jaguar sa bahay ko. Basta ang alam ko lang ay maguumaga na at pasikat na ang araw. Kahit na tinatamad ay pilit kong inabot ang cellphone ko na nasa bedside table at ngayon ay walang hinto sa pagtunog. “What? My goodness, let me sleep!” Iritadong sigaw ko sa kabilang linya. Hindi ko na inisip kung sino man iyon, wala ring ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kung hindi ang kagustuhang matulog pa. Narinig ko naman ang marahang halakhak ng pamilyar na boses sa kabilang linya. “Pinuyat ba kita masyado, misis ko?” kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. “Jag, let me sleep, please…” mahinang bulong ko naman. “It’s past twelve, gummybear. Have you even eaten your lunch? Wake up! I’m outside your house.” Pakiramdam ko naman ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig. He’s outside? Hell, what am I going to do first? How do I look? Mariin akong pumikit nang maalala ng trabaho ko sa opisina. Jona, you b***h! This is not the right time to think about that. You have loads of paper works waiting on your desk, you idiot! “Give me ten minutes, I’ll just freshen up. You’re free to wait in the living room.” Saad ko at nagmamadaling pinatay ang tawag para makapaghilamos na. Hindi naman ako naging matagal sa banyo, pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko si Jaguar sa kusina na naghahanda ng pagkain sa hapag. Napalingon ako sa kaisa-isang katulong ko na ngayon ay laglag pangang nakatingin kay Jaguar at tila ba naglalaway na. “Good morning, misis ko.” malawak ang ngiting bati niya sa akin nang mapansin ako. “You don’t have to do this, Jag.” “I know, but I want to.” Ngumiti ulit siya. Napailing na lang ako at dumiretso sa refrigerator para kumuha ng maiinom, hinahayaan si Jaguar sa kung ano man ang ginagawa niya. “Inday, close your mouth. Papasukan yan ng langaw.” Pangaasar ko pagkatapos uminom ng tubig. “Ay ate, ang pogi pala ng boypren mo.” Malawak naman ang ngiting saad niya, “Naku ate kung ganyan ang makikita ko sa araw araw baka pati bahay ng kapitbahay malinisan ko na!” Napahalakhak naman ako at umiling na lang. Inday is just nineteen, noong nag-apply siya sa akin ay nalaman kong napilitan siyang lumuwas pa-maynila mula sa Pangasinan para magtrabaho dahil hindi siya kayang pag-aralin ng mga magulang niya at kailangan niyang suportahan ang tatlo niyang kapatid na ngayon ay nagaaral. I actually admire her for that, so instead of offering just a basic salary, I added more because I somehow want to help. If I can change someone’s life forever by simple act of kindness, I will do it without any hesitation. “Let’s eat?” nakangiting saad ni Jaguar kaya lumapit na ako sa hapag, siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko, at habang ginagawa niya iyon ay nagpasya akong ilabas ang cellphone ko at tawagan si Rae. “Inday, halika na rito’t sumabay ka sa amin.” Saad ko habang hawak ang cellphone gamit ang kanang kamay at nakatapat sa tenga ko, hinihintay ang sagot ni Rae. Napansin ko na tila ba nahihiya pa si Inday pero tumango lang ako sa kanya at ngumiti kaya lumapit naman siya. Nalagyan na ni Jaguar ng pagkain ang plato ko nang sumagot si Rae. “Yes, miss?” the brute even chuckled as if he’s telling me he knows what happened last night. “You don’t have to worry, the meeting with JAR people went good. And the paper works on your table can wait, I can even read then for you. Wala naman akong ginagawa.” “Yes, please. Thank you, Rae. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Art.” Marahan na naman siyang tumawa. “I’m just being considerate as a friend, sabi kasi ni Jaguar pinuyat ka raw niya kagabi kaya okay lang.” At kahit na hindi ko siya nakikita ay nai-imagine ko ang malawak niyang ngisi na tila ba nangaasar. Halata ito sa boses niya. “It’s not what you think it is, you brute! I have to go. Baka around three na ako makapunta ng office.” Bago ko ibinaba ang tawag ay narinig ko na naman ang nakakaasar niyang halakhak. “Anong sinabi mo kay Rae?” baling ko kay Jag at nagsimula nang kumain, saka ko lang napansin na hindi pa rin nila ginagalaw ni Inday ang pagkain sa plato nila at tila hinihintay ako. “Late ka na makakapasok sa office kasi napuyat tayo.” Sabay kaming napatingin kay Inday dahil hindi niya napigilan ang hagikgik niya. “Ay sori ate at kuya, kinikilig po kasi ako sa inyo.” Humagikgik ulit siya, napangiwi naman ako sa sinabi niya, samantalang si Jaguar at tumawa lang. “Bakit kailangang iyon ang sabihin mo?” lumawak ang ngisi niya sa tanong ko, “Relax, miss. There’s nothing wrong with that. Late na tayo natulog because we watched the city lights all night. Kaya puyat tayo.” Depense naman niya na hindi nawawala ang ngisi, tila ba nage-enjoy sa usapan namin. “Well, I’ll pay a million dollar bill if Rae didn’t take it the wrong way. Knowing how perverted he is, by now, alam kong iba na ang inisiip niya.” Singhal ko naman. Nakita kong mas lumawak ang ngisi ni Jaguar at saglit na tumahimik, ang ngisi niya ay parang nagsasabing ‘may nangyari naman talaga’. And I suddenly remembered how I let him kissed me down there, how I moaned and how I even tweaked on his hair as if I was waiting for more. “Well…” at sa simpleng sagot niya na may kasama pa ring ngisi ay nakumpirma kong iyon nga ang iniisip niya. “Whatever, Jag.” Binalingan ko naman ng tingin si Inday na ngayon ay tahimik na kumakain pero pangiti ngiti pa rin. Hindi ko alam pero naiinis ako sa ideyang nakangiti sila dahil sa nangyari. Hindi ko naman sila masaway dahil magmumukha akong defensive. “Inday ikaw ba walang balak na mag-aral ulit?” Pagiiba ko ng usapan. “Wala na muna ho sa ngayon, ate. Unahin ko na muna po mga kapatid ko.” napatango tango naman ako sa magalang niyang sagot. “Kumusta naman ang pagtatrabaho mo rito?” She’s been working here for almost two weeks now, ever since I came back. Wala naman akong problema sa serbisyo niya, kung tutuusin ay napakasipag niya, umaabot sa puntong wala akong makita ni ultimo katiting na dumi, bukod doon ay masarap pa siya magluto. “Nako ate, hindi mo na itatanong, napakadali ng trabaho, wala naman po masyado ginagawa, tapos kapag hapon nakakapag-zumba pa ako habang nanunuod sa TV niyo po.” Ngiti at pagmamalaki niya, ngumiti naman ako pabalik at marahang tumango. “Well, this weekend you can try to find a University. Kung saan mo gusto, pero tingin ko mas mabuti kung malapit lang dito para hindi ka na mahirapan sa biyahe. Kunin mo ang gusto mong course and I’ll shoulder the expenses for you. Kaya mo naman sigurong mag-aral at the same time ay gawin ang mga gawain dito sa bahay hindi ba?” Nakita kong nalaglag ang mga panga niya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata, tila ba hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Tapos mayamaya lang ay yumuko siya kaya kumunot ang noo ko. Napalingon naman ako kay Jaguar at nakita siyang nakangiti sa akin, ang ngiti niya ay parang sumisigaw ng ‘I’m freaking proud of you’ at hindi ko alam kung bakit. The girl needs help, and I’m just doing what I have to do. Tapos ay narinig ko ang pagsinghot ni Inday habang nakayuko. Teka, why is she crying? “Inday, are you okay?” kinakabahang tanong ko. “Ate, pagaaralin niyo pa rin po ba ako kahit nagnakaw ako?” kumunot ang noo ko sa tanong niya. “H-Ha?” naguguluhang tanong ko pabalik. Nagnakaw? Nagnakaw ng ano? “Kumuha po kasi ako ng cake diyan sa pridyider ng hindi nagpapa-alam.” Pakiramdam ko naman ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. “Inday, you are living here so it’s normal. Kung anong makakain mo diyan sa refrigerator, ayos lang, kainin mo at hindi mo na kailangang magpaalam pa.” Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako. “Nako ate, sabi ko na nga ba tama ang desisyon ko na magtrabaho sa inyo. Napakaganda niyo na napakabait niyo pa.” Marahan na lang akong tumawa at hinintay siya na bumitaw para maipagpatuloy na namin ang pagkain. Habang kumakain ay kinausap ko si Inday tungkol sa balak kong pagpapaaral sa kanya, nalaman ko rin na gusto niyang maging teacher, na siya namang ikinatuwa ko kasi sa edad niyang iyon ay alam na niya kung ano ba talaga ang gusto niya. Sinabi ko ulit sa kanya na maghanap siya ng University ngayong weekend at sabihan ako agad kapag nakahanap na siya nang maasikaso na namin ang dapat asikasuhin. Nang matapos kumain ay hinayaan na namin si Inday na iligpit ang pinagkainan at sabay kaming nagtungo ni Jag sa sala para makapagpahinga. I took a glance at the wall clock and saw that it was just two. So, I still have an hour to stay and rest before going to work. “You’re not just a pretty face, you’re more than that.” Napalingon ako kay Jaguar nang bigla siyang magsalita. “Ha?” Naguguluhang tanong ko. “I mean, hindi mo kailangang gawin pero ginawa mo, and you made the girl happy.” “If I can change her life forever by helping her, I’ll do it. I actually admire her.” Ngumiti ulit siya at tumango. “Damn, this is making me fall hard on you.” Nagulat ako sa sinabi niya, saglit na natigilan bago ngumiti. “Ano ka ba, it’s normal.” Halos sampong minuto din kaming nanatili sa sala at nagkwentuhan bago ako nagpasyang maligo na at magbihis para makapunta na sa trabaho, hindi na sana ako maliligo pa dahil naghilamos naman ako pero pakiramdam ko ay nanlalagkit ako. It took me almost twenty minutes in shower and ten minutes preparing before I went down. So I basically still have twenty minutes, just enough time for a drive to work. “Don’t you have any plans for today, Jag?” tanong ko pagkababa ko, akala ko ay aalis na siya pero nasa sala pa rin siya at hinihintay ako. “I’ll drive you to work.” Sagot naman niya. “I have my own car.” Saad ko naman. “I know, but I want to do this. I took this day as my off and I want date you. But I also can’t ask you not to do your own work just because I want to. So let me just do this, okay?” Hindi na ako nakipagtalo pa. Bumuntong hininga na lang ako at tumango. “Inday, aalis na kami. Ikaw na bahala rito.” Saad ko kay Inday na ngayon ay nakatayo sa may pinto at nakangiti sa amin. “Opo ate at kuya, magiingat po kayo. Ano po pala ang gusto niyong hapunan mamaya nang maipagluto ko kayo?” saglit akong natigilan at nagisip. “Anong oras ka matatapos sa trabaho?” napalingon ako kay Jag. “Not sure, maybe around six or seven?” “Do you have any plans after that?” Umiling naman ako. “Great, I’ll take you out on a date.” Nilingon ko si Inday at nginitian. “Ikaw na ang bahalang magluto ng makakain mo, Inday. Kakain daw kami sa labas. Ikaw ba, may gusto ka ipabili o may kailangan ka ba dito?” umiling naman si Inday. “Naku ate wala po, sige po. Magiingat kayo.” Lumabas na kami ni Jag at sabay na sumakay sa kotse niya. While he’s driving, I can’t help but to think if what we are going to do later tonight. Well, I really do hope that whatever happened inside his car last night won’t happen again. I wish for it to be just a normal date night. Kasi kung sakali mang maulit iyon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan at magtiis, sa tingin ko ay hindi na. Sa tingin ko ay bibigay na ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD