Chapter 9

2087 Words
Saglit akong tinitigan ni Jag na tila ba sinusubukang unawain ang sinabi ko. Naka-kunot ang kanyang noo at tila ba naguguluhan. “Do you mind if I ask, what do you mean?” Nagkibit ako ng balikat at tipid na ngumiti. “I took up tourism because I have always wanted to become a flight attendant, you know, I love to travel. This isn’t really the life that I want. But when my mother passed away, no one would take over, so, that left me no choice but to handle the business.” Nakita kong napa-awang ang bibig niya sa narinig, saglit siyang natahimik na tila ba iniisip ang susunod na sasabihin. “I’m sorry to hear about that.” Sa katunayan ay hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa paghingi niya ng sorry o maiinis. He sounded sincere but part of me is saying that he’s sorry because they took the opportunity for my mother to be happy, that he’s sorry because he took my part on my very own father’s life. Nagtiim ako ng bagang pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya, marahan pa akong tumango at pekeng ngumiti. “It’s fine, I mean, it’s been ages…” No! It’s not freaking fine. Kasi sa tuwing naaalala ko ang lahat ay naaalala ko rin kung paano ko nakita ang sakit sa mga mata ng Mama ko. She was the only one I had, and she died without even moving on from pain! “I want you to pursue your dream. I want you to be happy.” Pagak akong natawa sa sinabi niya at umiling. “It’s okay. It’s too late for that. Somehow, I managed to find happiness doing this job, so…” “It was never too late for your dream, gummybear. You mention that you only wanted to become a flight attendant because you love to travel, right?” Kumunot ang noo ko pero marahan namang tumango. “Then travel with me. Let’s go to all the places that you wanted to visit. I want to be a part of your dream.” Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Literal akong natigilan at hindi ko alam ang sasabihin. Part of me is saying that I also want him to be a part of me, but part of me is also contradicting it. This shouldn’t happen! I can never forget the one and only reason why I’m here. At isa pa, I just can’t freaking date my step brother. No! Not in hell. Darating ang araw at makikilala nila kung sino talaga ako, kapag nangyari iyon, ang gusto ko ay manuot sa kanila ang sakit at bumalik sa kanila ang bangungot na sinimulan nila sa Mama ko. Sa bawat sakit na idinulot nila sa Mama ko ay dobleng pasakit ang ibibigay ko sa kanila, sa bawat luha na pumatak sa mga mata niya, dudurugin ko sila ng tagos sa kaluluwa. Kapag dumating ang araw na nagpakilala na ako sa kanila, gusto kong makita ang luha sa mga mata nila. Gusto kong pagsisihan nila ang lahat ng kawalang hiyaang ginawa nila at sisiguraduhin ko na araw araw silang dadalawin ng bangungot na sa kanila rin nanggaling. I will shatter their heart into millions of pieces. I will ruin their lives and make it a living hell. I’ll do it to the point wherein they’ll even regret they have lived their lives on earth. “You can’t be part of my dream…” bigla kong naibulalas. “What? Why not?” pakiramdam ko ay bigla akong bumalik sa reyalidad sa tanong niya, saka ko lang din napansin na sobrang higpit na pala ng hawak ko sa ballpen dahil sa galit at kagustuhang maisagawa ang lahat ng plano ko rito. “I mean, not yet…” bumuntong hininga ako at kinalma ko ang sarili ko. “I’m not even sure if you’re really serious about me, it’s been what? Just two weeks, Jaggy. We still need a lot of time to get to know each other more.” Tumango tango naman siya sa sinabi ko at malambing na ngumiti. Pinanuod ko siya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo tapos ay lumapit sa akin. I was taken aback when he suddenly wrapped me with his warm embrace, he even planted a soft kiss on my forehead. Naghuramentado na naman ang taksil kong puso dahil doon. “We may not know each other well just yet but I know that you’ve already been through a lot. Whatever it is, know that I’m proud of you. This time, I promise to be with you no matter what.” Bulong pa niya. No… this shouldn’t be happening! Hindi ko maintindihan pero naluluha ako sa sinabi niya. I’m not even sure if he’s sincere but it felt so true. Never once in my life I have heard of that. Hindi iyon sinabi sa akin ni Mama, kahit sina Rae at Art ay hindi sinabi sa akin na proud sila sa akin, na kahit anong mangyari, simula ngayon ay sasamahan na nila ako. My friends and family may not have said it but they made me feel it. Pero iba pa rin pala kapag lumabas na iyon sa mismong bibig ng isang tao. Nakakagaan ng loob. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang luha pero mas lalo lang itong tumulo nang maramdaman ang paghigpit ng yakap ni Jag sa akin. “J-Jag, I can’t breathe…” pagdadahilan ko kunware. Niluwagan naman niya ang yakap at ngumiti sa akin. Pinakawalan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay, tapos ay marahan niyang pinunasan ang mga luhang pumapatak pa rin mula sa mata ko. “Why are you crying?” malambing na tanong niya. “It’s just that…. I miss my mom. It’s been quite some times when someone actually told me that they’re proud of me.” I lied. No one ever said that they were proud of me. “I don’t like it when you cry.” Bulong niya, nagulat pa ako nang dinampihan niya ng marahang halik ang kaliwang pisngi ko, kung saan lumandas ang huling patak ng luha. “Ikaw kasi e, pinaiyak mo ko.” Tumawa ako kunware na sinabayan naman niya. Mayamaya lang ay bumalik na siya sa pwesto niya at malawak ang ngiting tinignan ako. “Are you about to finish work?” Sumulyap siya sa wall clock. “It’s five.” “Medyo marami pa. But I can actually do it tomorrow. Hindi naman nagmamadali ang mga ito. Why, are you bored?” ngumiti ako. “I’ll never grow tired just looking at your beautiful face, gummybear.” Napangiwi ako sa sinabi niya. Saka ko lang napansin na napapadalas na pala ang pagtawag niya sa akin ng gummybear simula noong marinig niya si Art na tinatawag ako nitong ganun. “I thought you don’t like calling me gummybear?” kunot noong tanong ko sa kanya. “I don’t like it when other guys call you names. I actually asked Art why he’s calling you that. Sabi niya sa akin, gummybear is a sweet candy, at sweet ka raw sa kanila dahil tinuturing mo silang kuya mo kaya iyon ang tawag niya sa ‘yo.” “I’m not sweet!” Depensa ko naman. They used to bully me. I was actually trying to be sweet, pero lagi nilang sinasabi na hindi ko raw bagay at pagtatawanan lang nila ako. At ayokong balikan ang mga nakakapikong alaala na iyon kung saan lagi nila akong pinapaiyak. “You’re sweet.” Namula ako sa sinabi niya, agad akong napalingon sa kanya at nakita ko siyang nakangisi. “I actually liked the taste…” dagdag pa niya at marahang kinagat ang ibabang labi. Oh no! Don’t start, Jag! Don’t tempt me. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at bumigay na ako ng tuluyan sa ‘yo. “Don’t start, Jag. I don’t like where this conversation is going.” Banta ko na tinawanan lang niya. Nagkibit pa siya ng balikat na tila nagsasabing ‘sinasabi ko lang ang alam at natikman ko na’. Mariin akong pumikit dahil sa sariling ideya. Goodness, Jona. Even your choices of words are gross. Like, seriously? Natikman? I scolded my self. “I’m just saying that truth.” Wala sa sariling dagdag pa niya. “Jag! You’re a maniac!” Saad ko, kunware ay naiirita pero sa totoo lang ay nagiinit na sa mga sinasabi niya. This guy is a freaking walking temptation. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaraming nagpapaloko sa kanya. Even the woman on the coffee shop who happened to remember the size of his manhood. I actually witnessed it when we nearly did it inside his car. Hindi masyadong maliwanag pero nakita ko… naramdaman ko. Muntikan ko na namang sabunutan ang sarili ko sa mga naiisip. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng utak ko dahil sa lalaking ito. Puro na lang kahalayan. “Alright, I’ll just do this work tomorrow when you’re not around. Wala akong natatapos dahil sa kadaldalan mo.” Tumayo na ako at iniligpit ang iiwanan munang trabaho, humalakhak naman siya sa sinabi ko. “We can stay, I mean, don’t you want to stay here alone with me?” he even licked he lower lip as he said that, as if he’s trying to tempt me. Those red lips are kissable, something to die for… he already kissed me, not just a smack kiss but a torrid one, and it’s damn addicting to the point that it made me completely lose my sanity. “The more I don’t want to stay here, Jag. Knowing how perverted you are? Thanks but no thanks!” humalakhak na naman siya at umiling. “I’m just kidding, gummybear. Know that I won’t do it with you if you’re not ready. That’s how I respect you.” “Mabuti na ang malinaw.” Nagsimula na kaming maglakad palabas nang mailigpit ko na ang iniwang trabaho. Pagkalabas namin ng opisina ko ay marami pa ring empleyado ang narito, may iilang nagliligpit na para makauwi, ang ilan naman ay halatang mamaya pa ang labas. Bahagya akong natigilan nang maramdamang hinawakan ni Jag ang kanang kamay ko, ramdam ko ang tingin ng mga empleyado dahil doon. Imbes na makipagtalo pa sa kanya at gumawa ng eksena ay hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ng mga empleyado ko pero hahayaan ko na lang din sila. “Aalis na kayo?” nilingon namin si Rae na kalalabas lang mula sa isang silid, siguro ay tapos na rin siyang kausapin ang Finance at Comp&Ben. “Yep, how’s the talk with them, Rae?” tumango tango naman siya. “It went fine. They are pretty good. Magiingat kayo ha?” tumango naman ako. “Thank you. What about you? Hindi ka pa ba uuwi? You have to rest.” “Pauwi na rin ako, kukunin ko lang iyong bag ko sa office ko.” Saglit siyang natigilan bago ngumisi ng malawak. “I know kakapalan na ng mukha ito pero pwede bang makisabay? Hindi ako sasama, promise. Hatid niyo lang ako sa bahay. Hiniram kasi ni Art iyong kotse ko, may lakad sa Bataan para sa project niya, hindi pa siya nakakapaglabas ng kanya rito sa Pinas.” Parang batang saad niya. “Wait, what? Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Anong ginamit mo kanina papasok?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Commute?” patanong na sagot niya. Nasapo ko naman ang ulo ko. “Rae, if something like this happened, sabihan mo ako agad. Ako na ang susundo sa ‘yo bukas.” Ngumisi naman siya. “You’re the best! Hintayin niyo ko.” patakbo siyang pumasok sa opisina niya para kunin ang kung ano man ang dapat niyang kunin. Lumabas na kami agad ni Jag at nagpasyang hintayin na lang si Rae sa parking lot. Bago pa kami tuluyang makalabas ay napakaraming empleyado ang bumabati sa amin at nagpapaalam na sinusuklian ko naman ng ngiti. Tumayo muna kami sa labas ng kotse nang makarating sa parking lot para hintayin si Rae, baka kasi hindi niya alam kung alin sa napakaraming sasakyan dito ang sasakyan ni Jag. Nang lumabas na sa building si Rae ay napakalawak ng ngiti niya habang papalapit sa amin. “Woah, nice car.” Saad niya at tinapik pa sa balikat si Jag bago makapal ang mukha na nauna pang pumasok sa loob kesa sa mayari. Napailing na lang ako at marahang natawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD