“He cheated on me and leaving him is the only choice left!” I closed my eyes real hard as I heard my mom’s voice at the back of my head. It’s been ages.
Pagmamahal… sa tingin ko ay isa ito sa mga bagay na hindi dapat natin minamadali. Kusa itong darating at ang kailangan lang nating gawin ay maghintay sa tamang panahon. Pero kailan nga ba ang tamang panahon? Kailan natin masasabi o pwedeng sabihin na tama lang ang pagmamahal na ibinigay natin?
Love for someone special, love for family and love for friends… what’s the difference? They are all true love. Obviously, the difference is you don’t love your parents romantically, right? But… why do we need to fall in love?
Magulo, ‘no? Magulo.
Most of the times the definition of love is kind of incoherent but no matter how messy this thing is, the questions will always play still… why do we need to fall in love and when is the right time for it?
Paano kung akala mo ay tama na ang oras at ibinigay mo ang lahat pero sa huli ay niloko ka pa rin at ipinagpalit sa iba? Paano kung iniwanan ka? Hindi ko pa naranasang magmahal higit sa pagmamahal na meron ako kay Mama kaya hindi ko alam ang sagot.
I won’t blame those who are ending their lives because of heartbreak… love won’t kill us, yes, but loneliness will. That won’t happen to me and that’s for certain. My mom’s name was Aika. Was… she passed away almost two years ago. My dad’s name is Random… well, that’s what I know. I didn’t know much about him. I came from a broken family.
Klaro sa alaala ko kung paano nagmakaawa si Papa noon kay Mama na huwag namin siyang iwan. If I am not mistaken, I was just seven by then. Lumuhod siya. Umiyak. Humihingi ng tawad. Pero umalis pa rin kami ni Mama. Sabi ni Mama ay pinagpalit siya ni Papa sa matalik nitong kaibigan kaya wala nang ibang nagawa si Mama kung hindi ang iwanan si Papa at isama ako.
Mom also said that Papa’s act was all just for a show.
Sabi nila ay walang magulang na matitiis ang kanilang mga anak pero parang hindi naman totoo… Noong una ay umasa ako na totoo iyon… naghintay ako… umasa… pero madalas ay hindi pala dapat. Kapag tinatanong ko si Mama tungkol sa nangyari ay pinapagalitan niya ako at ang tanging sagot na nakukuha ko ay pinagpalit na kami ni Papa kaya tatahimik na lang ako.
“He let his mistress’ son handle the company! Go back and get what’s rightfully yours! Make them pay!”
I can still remember her dying wish. Mom died because of Neuroblastoma… I actually didn’t know much about it but as of the doctor, it’s a kind of tumor. I thought he got over everything but as I saw the pain in her eyes while asking me that… I knew that she was hurting.
Si Mama lang ang nakasama ko sa buong buhay ko. My grandparents died when I was young, that left Mom no choice but to handle their company, the Silva Constructions. Sabi pa ni Mama ay ayaw raw ng mga magulang niya dati kay Papa pero pinaglaban niya ito, at iyon daw ang isang bagay na pinagsisisihan niya. Malaking pera ang ginastos niya sa kumpanya ni Papa pero nagawa nitong balewalain ang lahat ng sakripisyo niya at nangaliwa pa.
I was just twenty-two when Mom died. She’s been fighting over her disease for two-long years. Ang mga Tito at Tita ko ay may kanya-kanya ring buhay at pamilya. They were willing to take over the position my Mom left because I am still young. Pero ayaw ni Mama. Iba raw ang ugali ng mga tao pagdating sa kapangyarihan. Kapag hinayaan ko raw na hawakan nila ang kompanya ay wala na akong makukuha.
Kaya sa loob ng halos dalawang taon ay wala akong ginawa kung hindi ibaon ang sarili ko sa trabahong iniwan sa akin ni Mama. Our company has been in shamble the moment Mom found out that she’s suffering on a Neuroblastoma, in hopes of surviving the disease, she tried to fight. Halos lumubog kami sa utang at wala ni isa sa mga kamag-anak namin sa Ohio ang tumulong.
Pinagtatawanan nila ako dahil ayaw kong ipahawak sa kanila ang trabahong iniwanan ni Mama at nagtaka sila dahil sa loob lang ng isang taon ay mabilis akong nakabawi. Hindi madali pero sa tingin ko ay sanay na ako. Sa totoo lang ay ayos na ang buhay ko sa Ohio. Pero nagpasya akong umuwi sa Pilipinas dahil sa hiling ni Mama. May mga kamag-anak ako pero pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako.
Nagdesisyon akong umuwi sa Pilipinas para gawin ang gusto ni Mama, ang pabayarin ang lahat ng nanakit sa kanya. Kung tutuusin ay pwede namang kalimutan ko na ang lahat at magpatuloy na lang sa buhay ko mag-isa pero hindi, hanggang ngayon, sa tuwing naalala ko ang sakit sa ekspresyon ni Mama ay nasasaktan ako. At desidido ako na saktan ang lahat ng tao na may koneksiyon sa lahat ng sakit na naramdaman niya.
Mataman kong pinagmasdan ang larawan ng isa sa mga taong pagbabayarin ko sa screen ng laptop ko. Random Pascual. He’s smiling at this picture like he hasn’t done anything. I wonder how his conscience let him sleep after all the terrible things that he did. Well, that was ages ago.
Siguro ang akala nila ay panalo na sila. Hindi. Nagtiim ako ng bagang at mariing hinawakan ang ballpen dahil sa galit. I clicked the next button and it led me to his mistress’ picture. Salve Montealegre. Pagak akong natawa dahil sa apelyido nito.
Buti hindi pa niya pinapapalitan ang apelyido niya? Hindi ba sila kinasal? Kung tama ang pagkakaalala ko, ang sinabi ni Mama ay may iniwanan siyang annulment papers noon. At isa pa, wala na rin naman si Mama. Hindi pa ba sila nagpapakasal? Inilipat ko ang larawan at nakita ang picture ng anak ni Salve. Jaguar Montealegre.
He’s not smiling and he looks damn fierce at his serious facial expression. I heard he’s been dating tons of models from the agency owned by his friend. Hindi na ako magtataka kung naikama na nila ang halos lahat ng mga modelo sa agency na iyon.
Mabilis kong sinara ang laptop ko nang makarinig ng katok mula sa pinto ng opisina ko. Bago ako bumalik dito sa pilipinas ay pinaayos ko na ang lahat sa mga taong hawak ko, maging ang gusaling pagtatayuan ng opisina namin.
“Come in.” Saad ko.
Bumukas ang pinto at iniluwan nito si Alrae Vega, ang isa sa dalawang kaibigan ko na hindi ako iniwanan. “Good morning, Miss. I’ve heard that JAR Group is planning to open a beach resort somewhere in Pangasinan. Malaking proyekto ito kung sakali, Miss. Jaguar Montealegre, the president of JAR will be the one to handle this. Kapag nakuha natin ang bid, makikilala na tayo agad.”
“We don’t need that company to be on top, Rae. We are powerful enough. Alam mo na may kailangan lang akong gawin kaya gusto kong maging parte ng kompanyang ‘yan.”
Tumango naman si Alrae at agad na umupo sa silyang nasa harap ng office table ko. “Point taken, Miss. Pero paano kung… misunderstanding lang pala iyon sa part ng Mama mo? Don’t take this the wrong way, okay? Pero hindi mo ba naisip ang ibang anggulo ng kwento?”
Saglit akong natahimik. Sa totoo lang ay naisip ko na rin iyon. Pero sa tuwing naalala ko ang sakit na pinagdaanan ni Mama ay wala akong ibang maramdaman kung hindi ang kagustuhang makaganti sa kanila.
“My Mom won’t create stories, Rae. It won’t benefit her.”
“Sabi mo e,” ngumisi siya, “are you sure that we’ll offer them half of the cheaper bid? Baka magtaka sila. Another thing, it won’t benefit our company.”
Binato ko siya ng tissue kaya marahan siyang humalakhak. “Just do as I say. Ang dami mong tanong.”
“Whatever, old woman.” Aniya at tumayo na. “I really think you should get yourself a boyfriend.” Bulong pa niya bago lumabas.
“Rae!”
Humalakhak lang siya at hindi na ako pinakinggan. Napailing na lang ako at nagpasyang tumayo na para lumabas at magliwaliw. I’ve been abroad for seventeen years and I am not familiar here. I was fifteen years old when I met Alrae and Art Vega, my friends.
Parehong unibersidad ang pinasukan namin ni Alrae at walang kwento ng buhay ko ang hindi niya alam. Sa totoo lang ay may mga offer si Rae sa ibang kompanya na mas magandang posisyon dahil bukod sa matalino siya ay masipag pa, pero ang sabi niya ay okay na siya sa tabi ko para hindi ko raw maisip na nagiisa ako. Tama naman siya. Kasi iyon ang nararamdaman ko kahit na may kaibigan ako. Iyon ang lagi kong sinasabi sa kanya.
I took up Tourism because I have always wanted to become a flight attendant but obviously, it didn’t happen. Masaya naman ako sa kung ano ang meron ako ngayon. I never had a boyfriend. May mga nanliligaw pero ayoko.
Ayokong umasa na darating ang ‘tamang panahon’ para sa akin dahil ayokong magaya kay Mama. I’m fine with myself alone. Maybe I’ll just write on my last will to give all my money to some of the orphanage. Or if by any chance Rae will get married, I’ll ask him to let his children handle the company. Hell, what am I thinking? I must be out of my mind.
Umupo ako sa isang swing sa playground kung saan ako dinala ng mga paa ko, ang preskong hangin ay hinahawi ang suot kong bestida na pinaghalong itim at berde, nililipad din nito ang buhok ko na hanggang bewang ang haba. Marahan akong sumipa sa lapag para iduyan ang sarili at pagkatapos ay pumikit para mas damhin ang hangin.
“Mom, I’m here now. Trying to work on what you asked me to do. I’ll be fine, Mom. I hope you’re fine as well.”
Binuksan ko ang mga mata ko at tumingala. Mapait akong napangiti nang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Sa loob ng mahigit dalawang taon na wala si Mama sa tabi ko ay nasasaktan pa rin ako. Ang dami kong panghihinayang.
Sana noong buhay pa siya ay nanatili ako sa tabi niya kesa gumagala kasama ang mga kaibigan ko. Sana tumabi ako sa kanya sa tuwing nanunuod siya ng paborito niyang drama. Sana… niyakap ko siya ng pahigpit noong mga panahong pakiramdam niya ay nagiisa siya.
Bahagya akong nagulat nang maramdaman ang malambot na tela na humaplos sa pisngi ko. Ibinaba ko ang tingin at mas nagulat nang makita ang isang lalake na preskong nakatayo sa harap ko at nakatingin sa akin na may halong pagaalala.
“Maganda ka kapag umiiyak. Pero hindi ibig sabihin ay dapat kang umiyak. I think you’re prettier when you’re smiling.” He smiled.
Jaguar Montealegre…
“E-Excuse me, do you know me?” tanong ko. Hindi ko dapat itanong kung kilala ko siya dahil alam ko ang sagot.
“Jag,” pagpapakilala niya at inabot pa ang kanang kamay, “Jaguar Montealegre.” Ngiti pa niya.
“Nice to meet you.” Sagot ko at tumayo na.
Siya ang anak ng kabit ni Papa at isa siya sa mga pagbabayarin ko. Ibinigay sa kanya ni Papa ang kompanya na dapat ay sa amin ng Mama ko.
“I want to say it’s nice meeting you too but you haven’t told me your name yet.”
Napahinto ako sa paglalakad. Bakit nga ba iiwasan ko siya? It seems to me that fate and destiny are on my side. It’s easy to play with them and make them pay if I have their trust. Ngumiti ako at nilingon siya. “Jona Silva.” Saad ko. Ako naman ang naglahad ng kamay sa kanya na agad niyang tinanggap. “It seems like you’re used to wiping woman’s tears, Mr. Montealegre.” Ngisi ko.
“I don’t make woman cry if that’s what you’re trying to say.” Halakhak niya tapos ay nagkibit balikat. “You must be a witch.” Nagulat ako sa idinagdag niya.
“W-What?”
“I was wondering if what kind of potion or spell you used against me. I feel like I’m hypnotized. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lumapit sa ‘yo at punasan ang luha mo.”
Marahan akong humalakhak kunware sa sinabi niya. Act well, Jona. Gain his trust. “Oh, I think I’ve heard that line from one of my suitors. But anyways, would you mind having a coffee with me?”
“Well, I’m actually a busy man.” Tumango-tango pa siya. “But who am I to refuse a gorgeous woman?” He bit his lip sexily and I nearly grimace on him. Playboy, indeed! He’s damn beautiful but I won’t forget the reason why I’m doing this… to make them all pay.