*******(CIAN’S POV)*********
Nagising ako sa hapdi ng aking tiyan. Nag-inat muna ako saka tiningnan ang aking cell phone to check messages from my colleagues. Napatda ako nang ma-realize kong mag-a-alas sais na pala ng gabi. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng sleeveless at maong na short. Pagbaba ko ng hagdan ay agad kong nasinghot ang niluto ni Liane sa kusina na mas nagpadagdag ng gutom ko. Nang nakalapit na ako ay saka lang nila ako napansin kaya agad lumuwag ang ngiti ng tatlo.
“Oh, sis, buti at gising ka na. Sakto lang at katatapos ko lang din magluto. Wait lang, ha? Ire-ready ko lang ang mesa,” ani ni Liane saka binilisan ang kilos.
“Tulungan na kita. Pasensya na kung napahaba ang tulog ko, ‘di tuloy kita natulungan." Inilapag ko na ang mga plato at kubyertos.
Pumasok sina Miles at Dwane sa kusina at tumulong sa paghain ng mga ulam.
“Wow! Grabe ang dami nito, ah! At mga favorites ko pa!” I took one shrimp and eat it. I really can’t help it, ang sarap. Marami na ring nakahain. May slices ng lechong baboy, iba't ibang sea foods, may tinolang manok at iba pa.
“Dito muna tayo mag-fiesta kasi nagpakita ka na. Susunod na lang ‘yung pabonggang treat mo sa fiesta sa Cebu pagkauwi natin next week,” ngiting sabi ni Miles.
“Sure kang lalantakan mo ang lahat ng ‘yan, sis? Masisirang panigurado ang diet mo niyan,” si Dwane na hindi maiwasang mamangha.
“Actually, bro, it’s fine to eat everything we want but in moderation. And that’s one of the secrets on how to stay healthy and sexy,” sagot ko sa kan'ya na may halong biro.
“Kaya pala mukhang palaki na kami ni misis ko nito kasi eat everything lang, walang moderation,” anito na tumatawang niyakap ang asawa.
“Masarap lang talaga magluto si Liane at alagang-alaga ka ng asawa mo kaya kayo nagkaganyan,” sabi ni Miles na nagsandok na. “Pasalamat ka at tin'yaga ‘yan mag- aral kasi panay tikim lang ang alam niyan dati, eh,” anito at tumawa.
Totoo nga naman, naturingang graduate nga si Liane ng HRTM pero puro tikim lang ang alam nito. Dati ako ang tagaluto noong magkasama pa kami ng apartment. Siguro gano’n talaga kapag nag-asawa na, kusang natutunan ang mga bagay-bagay.
“Nag-back up talaga ako ng culinary, sis. Paano kasi, panay ang request nito. Nakakahiya naman kung wala akong mailuto kahit isa, baka mamaya palayasin pa ako nito.” Kunwaring inirapan nito si Dwane pero ngumiti rin naman kalaunan at hinalikan nang pa-smack sa labi.
Nakakatuwa silang pagmasdang mag-asawa. Kung ‘di kaya ako umalis ng Pinas, may asawa na rin kaya ako ngayon? Malamang ‘di pa, ito nga’t may isang naiwan, eh, hanggang ngayon single pa rin kagaya ko. Hmm, matanong ko nga.
“Sis Miles, may manliligaw ka na ba?”
Bigla itong nabilaukan.
What’s wrong with my question? Binigay ko kaagad ang tubig ko.
“Huwag nga kayong magtanong ng ganyan sa harap ng pagkain, malas ‘yan,” tugon nito at muling itinuon ang atensyon sa pagkain.
“Kailan pa naging malas?” May naramdaman akong kakaiba dito sa isang 'to. Parang may something, puwes mapapaamin ko rin 'to soon.
“Ngayon lang. Nakasasama sa kalusugan ang pagtatanong ng kung anu-ano habang masagana kang kumakain. Kumain ka na nga lang nang marami,” anitong nagsandok ng sandamakmak na pagkain at inilagay sa pinggan ko.
Punong-puno na ang plato ko. She’s acting weird, I knew it. She must be hiding something now but I know how to kick her ass off for an awesome revelation. I then released a devilish smile.
“Bakit ikaw, sis, mayro'n na rin ba?” tanong ni Liane sa'kin.
Pati ako ay muntik na ring maubo sa tanong nito. Nakita kong ngumiti si Miles at tumaas ang isang kilay. Malamang sa isip nito ay nakangisi na at nagsasabi ng 'kwits’.
Tumikhim muna ako bago sumagot.
“Meron din naman, sis. Saka na lang ako ‘pag nauna na si Miles,” sabi ko at nilingon si Miles.
“Then you must run scared now since I am not yet in hurry. Better think it early if you really want to wait for me,” kunwari ay patay malisyang sagot ni Miles.
“Naku, Miles, kung babagal-bagal ka ay malamang ‘di mo na mae-enjoy ang ala 365 days da moves,” sabi ni Dwane na humagalpak nang tawa.
Pati kami ay nahawa na rin sa tawa nito.
“Bawal SPG, may foods sa harap. Magagalit si Papa Jesus,” pag-iiwas nito na halata namang namula.
Ganitong mga gatherings ang nami-miss ko sa mahabang siyam na taon. Ang ganitong mga usapan, ang malakas na tawanan, mga asaran at food trippings. May mga food sessions din naman kami sa Canada kasama ang mga workmates ko pero iba pa rin talaga sa Pinas lalo na kung childhood friends ang kasama. Hindi kana kasi mag-aalangan sa magiging kilos mo at sasabihin kasi kabisado na ng lahat ang galawan ng bawat isa. Sayang nga lang dahil kulang pa kami ng isa.
Nabanggit ni Dwane na nasa Batangas na nakatira si Mae, ang isa pa naming kaibigan. Gusto nga rin daw sana nitong sumama kaso pauwi na ang asawa nito galing business trip sa Bohol. Pero nagyaya raw itong bisitahin namin doon para magka-bonding, na-excite tuloy ako.
Malamang sa daldal ng babaeng ‘yon ay dapat na akong maghanda. Sana lang din ay hindi na iyon magbanggit tungkol sa nakaraan, sa mga nangyari no’ng umalis ako pagkatapos ng birthday nito, at lalong-lalo na sa isang taong hindi ko pa alam kung kaya ko nang makaharap.
Masasabi mang matagal nang nangyari ang masamang ala-alang iyon, subalit malaki ang naging parte nito sa pagkatao ko. Napatawad ko na ba talaga ang una at huling lalaking nagturo sa inosente kong puso kung paano magmahal at masaktan nang tudo? Ang tanging dahilan ng aking pag-alis at pagbangon sa ibang bansa, siyam na taon na ang nakaraan? Paano nga ba kung muli kong makaharap ang lalaking iyon, ang una kong pag-ibig na walang iba kundi ang pinsan nitong si Vaugn Zachareigh?
I heaved out a sigh and tilted my head.
Sa ngayon ay ayaw ko munang isipin ang posibilidad ng aming muling pagkikita. Ang gusto kong i-prioritize sa aking pag-uwi ay ang makapiling ang aking pamilya at mga kaibigan.