CHAPTER 3

1386 Words
It was indeed a sumptuous dinner. I then volunteered to fix the mess. Miles assisted me by separating the left overs and I took the dishes for washing. After few minutes she went back to her room and went out. The couple is in the sala watching TV. I saw Dwane preparing something in the mini table. I shook my head and smiled, really old habits die hard.  After couple of minutes, I went back to the sala and saw three bottles of beer. Seriously? Three bottles talaga? May plano pa ata ang mokong na si Dwane na maglasingan ng magdamag. Hindi ko alam kung selebrasyon pa ba ‘to o naghanda na rin para sa walang katapusang interogasyon. I better prepare now, knowing this man. He won’t stop unless he will be satisfied with his pagiging ‘chismoso’ thing. “Bro, what's that? That looks strange to me,” turo ko sa wine. “That’s disinfectant, sis. I'm telling you, that can ruin everything. From mind, mouth and reputation. Lalo na kung si Dwane ang nagpapainom, naku, ‘wag ka!” seryosong sagot ni Miles na hindi man lang kami tinapunan nang tingin.  Nagse-cell phone ito at naka-de kwatro pa sa pagkakaupo sa sopa. “Hon, ang bilis naman. Kakakain lang natin. Mamaya na lang ‘yan, busog pa tayong lahat, eh,” protesta ni Liane. “Tama! Tama! Bukas nalang ‘yan, oy. Kasasabak ko lang sa masarap na kainan tapos tutunawin mo naman agad. Tawag nga nang tawag si Mae, oh, excited na. Pinapaluwas na nga tayo bukas kaya roon na lang, bro, ano ba ‘yan!” kontra na rin ni Miles.  Natawa tuloy ako. Parang ayaw rin ata nito na masalang sa mainit na usapan. Malamang ay takot mabisto. Iba kasi itong si Miles kapag lasing. Umiiyak, naghe-hysterical at kung anu-anong isinisiwalat. Hindi talaga ito mahirap paaminin, kaya malamang ay may pinaglalabanan ito sa tindi kung makatanggi. “Hoy, iba ang ngayon at ang bukas,” nakangising sagot pa ni Dwane. 'Aba at 'di talaga maawat ang isang 'to,' kantiyaw ng isip ko. “Ilan na nga pala ang anak ni Mae ngayon?” tanong ko. Wala na talaga kasi akong balita sa kanila simula nang umalis ako. Nagbalik lang nang tumawag ako sa kanila lately para mangumusta. Kaya ‘di na tuloy ako inundayan at pinabakasyon.  Malapit na rin kasi ang fiesta sa probinsya namin sa Cebu kaya ‘di na rin ako nakatanggi, tapos nag-conduct na rin daw ito ng reunion sa batch namin noong high school. Nagulat nga rin ako dahil sa bagong bili kong beach ang venue, paano kaya nalaman ng mga ito na nakabili ako ng beach? Well, knowing province, mabilis lang naman talaga kumakalap ang balita. No matter how big or small it is, significant or not. “Tatlo na, sis. Business tycoon ang napangasawa niya. Engineer at may pag-a-aring kompanya. Parang automobile company ba 'yon? At ito pa, ubod nang guwapo!” sabi ni Liane na animo'y kinikilig. So, na-meet na n'ya pala. Napangisi naman ako nang makitang lumukot ang mukha ng asawa nito. “Mas guwapo pa naman ako do'n,” ngusong sabi ni Dwane at tumalikod.  At nagtampo pa talaga, ha?  Nagpigil nang tawa si Liane at kinindatan ako sort of saying ‘kaloka at nagmaktol na’ “Syempre naman, hon! Magpakasal ba naman ako sa iyo kung hindi, ‘di ba?" paglalambing naman ng asawa at yumakap mula sa likod habang nakangising-aso.   Kahit ngayon talaga ay walang pinagbago ang dalawang ‘to. Mula pa noong college ay magkasintahan na sila. Saksi sila sa buong istorya ng epic fail na love story namin ni Zach, gano’n rin ako sa kanila. Pati sa mala-aso’t pusa na awayan ng dalawa. Mga paglalambing at pag-aaruga nila sa isa’t isa. Ang mga drama ni Dwane at panunuyo. Palibhasa kasi na spoil na nito si Liane kaya mas ito pa ang nauunang manuyo kahit si Liane pa ang may kasalanan, ang kagandahan lang ay 'di nila pinapalipas ang gabi nang magkaaway. Hay, mapapa ‘sana all’ ka na lang talaga, eh. Napahinto kaming tatlo nang makita naming solong tumungga sa baso si Miles. Akala ko ba ayaw uminom ng isang 'to? Tapos ngayon ay kusang loob na. Ay, malamang umiiwas lang ‘to sa nakitang ka-sweetan ng kaharap. Tiningnan ko siya, nakangiti habang busy sa kanyang cell phone. Ewan ko talaga sa babaeng ‘to. “Akin na nga ‘yan at nauhaw rin akong bigla,” sabi ko at kinuha ang baso. “Nakakauhaw talaga kapag nasa harap ng sweet lovers, ‘di ba, Miles?” pang-aasar ni Dwane. “Whatever,’” sabi nitong 'di inaalis ang mata sa cell phone.  Paminsan-minsan nama’y nakita ko itong ngumingiti na animo’y nagpipigil ng kilig. “Tig-iisang bote na lang kaya tayo, total naman ay hindi umiinom si Liane at nang matapos na ‘to? Kailangan ko pang-i-video call ang labidabs ko baka kanina pa ‘yon naghihintay sa’kin, eh,” sabi ko na siyang nagpaangat sa mukha ni Miles.  Kunwari ay busy-busyhan ako sa wine pero kitang-kita sa gilid ng mata ko na napanganga silang tatlo. “Weh, 'di nga!” sabayang bigkas pa nilang tatlo. "Bakit? 'Di ba possible ‘yon? Sa tagal ko ro'n imposibleng ‘di ako magka-jowa, no? Sa gandang dilag kong ‘to?” pinaninindigan ko na talaga ang pagsisinungaling. “Eh, ba’t ‘di mo sinabi?” sabi ni Miles. “Eh, kasi nga din po, ‘di lahat ng bagay ay pinagsasabi. Katulad mo,” tumaas ang gilid ng labi ko pagkasabi ko sa huling linya.  Agad itong nag-iwas ng tingin. Ayon, sapol! “Yeah, got it!” sabi ni Dwane na binabasa ang reaction ni Miles. “Don’t be so mean naman to Miles, of course dalaga ‘yan, eh. Ayaw niyo bang magka-lovelife siya? Don’t worry, sis, I’m with you,” si Liane na tumabi kay Miles. “Of course we do. Kaya nga ipakilala mo na siya sa amin, sis, we will behave,” ani ni Dwane at ginaya ang aso na nagpapaawa sa amo.  Natawa na lang ako. Ngumiti kasi si Miles nang mapakla. Mabuti na ‘to at na-transfer ang topic kay Miles at baka kung ano pang kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko. It's true naman na may mga manliligaw rin ako sa Canada, one of them is Troy. He’s handsome, well-built ang katawan, successful rin sa buhay and in fact he’s every woman’s dream. He is perfect actually. Sa muli kong pagbabalik ay kailangan ko nang pakawalan ang malupit kong desisyon. Kaya habang narito pa ako sa Pinas ay kailangan kong isipin nang maraming beses ang aking magiging pasya. Natapos din kami sa wakas at medyo tipsy na akong umakyat sa kwarto. Si Miles naman ay pinagtulungang buhatin ng mag-asawa sa kwarto nito. Nadale ang ale, pero sayang at ‘di napaamin. Gumagaling na ata sa pagtatago ng sekreto ang babaeng ‘yon. Okay then, better luck next time. Gano’n talaga ang buhay ‘di lahat kaya mong makuha with just one snap.  Humiga na ako at nag-set ng alarm, 4:00 o'clock in the morning. Good luck sa biyahe pa-Batangas. Nagulat ako nang tumunog ang alarm. I have to extend fifteen minutes for recovery dahil medyo masakit pa ang ulo ko pati na mata. Nang mahimasmasan ay nag-inat muna ako at ini-off ang aircon, malamigin pa naman ako at need ko mag-heater sa pagliligo. I checked my phone at may iilang chat and unanswered calls ‘yon.  It’s all from Troy.  'Hi Babe, been missing you here. Work isn’t productive without you. I need vitamins for my eyes and heart every day and now I guess I badly need to be checked by a doctor, I’m dying love.' Mayroon pang,   'Hey baby, please keep in touch with me, I’m worried big time. Are you okay there? Please update everytime.' Sa dami ng chat nito’y ‘di ko na lang inubos basahin baka abutan pa ako ng alas-sais bago matapos. Medyo clingy talaga si Troy kahit damulag. Maalaga at mabait. Magaling din itong magluto from different cuisines down to pastries. Mas mataas ng kaunti ang rank nito sa akin sa work, at sabi-sabing mapo-promote na naman daw ulit ito. Pero kahit pa man gano’n ang rank nito ay napaka-humble at easy-man lang.  Mas matangkad pa ito sa'kin. Marami nga ang nagsabi na bagay raw kami at parehong tindig modelo. Tanging ngiti lang ang laging isinukli ko sa kanila. Maalaga lang din talaga kami sa sarili kaya siguro gano’n. Nireplyan ko muna ito bago ako naligo. Sinabi ko rin na nasa Maynila pa ako at bibiyahe kami papuntang Batangas para maglakwatsa. Binilisan ko ang pagligo at nag-prepare sa mga gamit ko. From day use to night use, swimming and mountain outfit. Mga OOTD sa lakwatsa. Saka ko na lang ibibigay sa kanila ang pasalubong ko kapag pauwi na kami ng Cebu. Nang makumpleto na ang aking dadalhin ay bumaba na ako. Nakita kong ready na rin sila at nagkakape.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD