“Good morning, passengers. This is your captain speaking. First, I would like to welcome you everyone on Leftwing Flight 84A. We are currently cruising at an altitude of 32,000 feet at an airspeed of 400 miles per hour. The time is 6:25 am and the weather looks good. We are expecting to land i n Manila approximately 25 minutes ahead of schedule. Later, we’ll get a great view of the city as we descend. I’ll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight.”
Dahan-dahang ibinaba ni Cian ang binabasang libro pagkarinig n'ya sa sinabi ng piloto at nilingon ang bintana nang sinasakyang eroplano. Malapit na raw silang mag-landing kaya pinasadahan n'ya nang tingin ang ibaba. Pinakiramdaman n'ya ang sarili kung may nakapa ba siyang excitement, subalit lungkot at kaba lang ang mayro'n dito. For the past nine years, never in her plans na isama ang Pilipinas sa kanyang bucket list sa mga bibisitahing bansa para mag-unwind.
Nang lumapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan ay agad siyang naghanda sa sarili. Kinuha niya ang mga gamit at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto ng arrival area.
Kita n'ya mula sa malayo ang kanyang pangalan na iwinagayway ng isang matangkad, maputi at balingkinitang babae na sobrang lapad ang ngiti. Katabi nito ay ang matipuno at guwapong lalaki, nakaabrisyete rito ang isa ring maputi at magandang babae. Pareho silang nakangiti habang nag-aabang sa kan'ya. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmasdan ang mga ito at napagtanto niyang may nakatago palang pananabik sa kaloob-looban niya. Nang malapit na siya ay agad siyang tumakbo at tinawid ang pagitan nila saka yumakap sa mga ito.
“Cian! Gosh! Sobrang ganda mo na, ah! Akala ko'y si Ivanna ‘tong magandang dilag na naglalakad," may halong tili na sabi ni Miles. "Parang model lang ang peg, sis!" Mababanaag sa mukha nito ang pagkamangha.
“Welcome home, sis! It’s been a while," ngiting sabi ni Dwane. "Mag-isa ka lang ata?” patuloy nito na may halong panunudyo at nagkunwaring inilibot ang mga mata sa paligid.
“’Yan na. Magpakita ka rin kasi minsan para hindi mo kami masakal sa yakap mo," si Lianne na maluha-luha na rin sa tuwa.
Mas hinigpitan naman ni Cian ang yakap sa mga ito at tumawa. God, how she missed these people so much!
“Tama na nga ‘yan. Dito pa talaga kayo mag-drama, ha?" si Miles na umeksena. "Hoy, Liane, may bukas pa naman! Bitawan mo na ‘yan at tatadtarin pa natin ng chika si Cian pagkauwi sa bahay. Ano nga pala ang sa atin diyan?” pakindat pang tanong ni Miles na ang tinutukoy ay ang bagahe niya.
“Transparent lingerie lang nakayanan ko, sis, eh. Pasensya na,” sagot niya habang pigil ang pagngiti.
“Ay, talaga? Bukal sa loob na pagbigay ba talaga 'yan, sis? Saan ko naman puwedeng gamitin 'yan? 'Tsaka tuwing takip-silim lang?” pagmamaktol ni Miles.
“Oy, maganda kaya ‘yan, sis. Pwede ring gamitin 'yan sa pool doon sa probinsya natin. Sa paliguan ni Kaloy,” tukoy ni Liane sa kalabaw na alaga ng tauhan ng mga ito.
“Ewan ko sa inyo. Talaga pang pinagkaisahan ninyo agad ako, ha?” nakangusong sabi ni Miles at sumibat.
“Hoy, teka lang! Dito ka muna, baka ito na ang pag-asa sa naunsyami mong love life,” biro ni Dwane at nagtawanan silang lahat. “Akin na ‘yan, sis. Ako nang maglalagay sa likod.” Dinala nito lahat ng gamit niya saka lumipat sa driver’s seat pagkatapos.
Katabi nito ang asawa na si Liane at tumabi naman siya kay Miles na busy sa laptop nito. Habang nasa biyahe ay puno nang tawanan sa loob ng sasakyan.
“Kain muna tayo, guys, ha? Mag-a-alas nuwebe na, eh. Bilis ng oras. Doon muna tayo sa resto, Honey,” malambing na sabi ni Liane sa asawa saka tumawag sa cell phone at narinig kong nagtanong kung ready na ba.
“Ay, iba rin! May resto na pala kayo? Ano na ang kasunod niyan, mga condo?” pabirong wika ni Cian.
“Nagsalita ang pinsan ni Dora the Explorer! Ikaw nga ‘tong parang si Magellan, eh, kakalibot sa buong mundo. Ilang bangko na ba ang puno ng savings mo? Tapos balita ko, may binili ka raw na beach sa atin sa Cebu?” wika ni Dwane.
“Talaga? ‘Di ko ata alam 'yan, baka naman fake news ‘yan?” aniya at tumawa.
“Hindi ka pa rin nagbabago, sis. Magaling ka pa ring magtago. Kaso lang, sa amin ay wala kang maitatago. ‘Yang si Miles nga rin, marami nang naipundar ‘yan. Tatlong malalaking bahay at ang gaganda pa. May condo unit din ‘yan dito sa Maynila,” ani ni Liane.
“Ganyan talaga kapag walang jowa, kayang bilhin ang lahat maliban sa lalaki. Ba’t kaya gano'n, ‘no? Kung gaano ka ka-successful sa karera ay siya namang kalugmok ng love life mo?” saad ni Miles at kinindatan siya.
“Oh! ‘Wag kang ano riyan. Ayaw kong ma-hot seat, I’m deadly tired!” birong iwas niya.
Humagalpak ito nang tawa sa sinabi niya.
Sakto namang dumating na sila sa resto nina Liane. Maganda ito at malaki. Namangha siya, animo’y mga mayayaman ang karamihang pumapasok dito. Naka-set up na lahat pagpasok nila. Nakangiting binati naman sila ng mga tauhan nito.
“Ang ganda naman ng resto mo, sis! At saka mukhang masasarap ang mga sini-serve ninyo,” aniya at umupo. Inilibot niya ang paningin sa paligid.
“Credits to me,” proud na sabi ni Miles.
“Thanks, sis. Yeah, Miles did all the designs. Galing nga niya, eh, sapagkat talaga namang pumatok. Meron din kaming dalawa pang branches nito na siya ang nag-design, nasa Cebu at Ilocos. Kain na tayo. Tikman mo 'yan, I’m sure you’ll like it lalo pa’t specialty namin 'yan dito,” turo ni Liane sa cheesy roasted clams.
Tama nga ito. Masasarap ang mga nakahain sa mesa nila. Sila munang tatlo ang nauna dahil tumulong pa si Dwane sa pag-take ng orders sa counter. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa nagyaya na siyang umuwi sa bahay ng mga ito. Sa haba ng biyahe niya ay gusto na muna niyang magpahinga. Bumalik na si Dwane sa mesa at may dalang supot dahil sa bahay na lang daw ito kakain. Umalis din sila agad.
Nagpa-drop si Miles sa isang sikat na mall dahil may bibilhin daw ito at magta-taxi na lang pauwi. Pagkarating nila sa bahay nina Dwane at Liane ay iginiya agad siya ng mag-asawa sa magiging silid niya. Malaki ang bahay nila. Maluwag at magkahalong glass at modern wood type halos buong bahay. May malawak na harden sa harap. Nagbihis muna siya at humiga na. Sa hapo at pagod ay agad siyang nakatulog.