CHAPTER 4

1816 Words
“Here you are. Mag-almusal ka muna bago tayo umalis, sis,” yaya ni Dwane sa akin nang maispatan niya akong nakababa na ng hagdan. Nakaupo ito sa sopa habang nagbabasa ng newspaper. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nakita ko si Lianne sa kusina na parang nagbabalot na ng pagkain habang si Miles naman ay nasa labas na, bitbit ang tasa ng kape habang may kausap sa cell phone. Umiling siya. “Thanks but no thanks, bro. Kung may malapit na drive thru rito, baka pa-drop na lang upang doon nalang tayo bibili,” sabi ko sabay sulyap sa relo sa aking bisig. Halos mapanganga naman ako nang mapagtanto ang oras sa wrist watch ko. It's almost five thirty in the morning already! “So, ready everyone?” biglang sigaw ni Miles na nakatayo na pala sa may pintuan. “Let’s go habang ‘di pa nakalabas ang haring araw.” Ibinaling nito ang tingin sa kan’ya. “How about you? Okay kana, sis?” tanong ni Miles sa akin. Ngumiti ako at agad na tumango. “Yup! okay na. Gorang-gora na nga oks.” Na-excite tuloy ako na muling makagala sa Pinas lalo na’t makikita ko na rin sa wakas ang isa ko pang kaibigan na si Mae. “Sis Liane, ikaw?” ani ko habang nilingon ang kusina. “Yep! Yep! Yep! Lez gow na!” masiglang sagot ni Lianne sa akin saka nagmamadali na lumabas mula roon. “Hey! Slow down, Hon! Let me carry all of that. Baka mapano ka pa,” saway ni Dwane sa asawa na patakbong tinungo ang sasakyan. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan ang kaibigan. Hindi lang pala ako ang excited rito. Pumorma na kami ni Miles sa likod samantalang sa harap naman pumuwesto ang mag-asawa, katabi ni Lianne si Dwane na siyang nagmamaneho ngayon. Sa pagkakaalam ko ay tatlong taon na ang mga itong kasal sa simbahan. Talagang nalungkot ako sapagkat hindi man lang ako nakadalo sa espesyal na araw ng mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy nasaksihan ang kasiyahan sa mukha nila sa mismong araw na iyon. Ilang sandali pa ay binaybay na namin ang daan. Ang ganda ng biyahe namin at namangha ako sa bawat nakikita ko sa paligid. Kay tagal ko na nga talagang nawala sa Pinas, dahil naninibago ako ngayon pero sobrang nakaka-miss ang ganito. Mabuti na lang at ‘di kami napasubong masyado sa traffic kaya mas mabilis ang itinakbo namin. Habang iginala ko ang mga mata ay nasilayan ko ang mga bagong tayong malls at parks, mga commercial buildings, hotels at iba’t ibang establishments na wala pa sa pwestong iyon noon. “Kumusta naman ang hangover natin, sis? Ang dami mong sinabi kagabi, ah! ‘Di ko na nga maintindihan ang iba. Tapos may pinangalanan ka pang boylet, sayang lang dahil hindi ko naman kilala. Sabi mo pa nga, one sided love lang at kung anu-ano pang kaek-ekan ang isiniwalat mo. Grabe ang tudo ng iyak mo, Dai! Sobrang heavy ng drama!” pagsisinungaling ko kay Miles. Masubukan ko ngang pag-tripan ang isang 'to ngayon. Mukhang naging effective naman ang mga sinabi ko dahil napahinto ito sa pagtipa sa laptop at namilog ang mga mata. Tila ba ay inaalala nang mabuti ni Miles ang ikinuwento ko tungkol sa nangyari kagabi. Miles just chuckled. Pagkatapos ay napailing na lang at muling ibinalik ang mga kamay sa pagtipa. “I don’t think so. Mamangka ka pa, sis. I knew it!“ sabi nito saka kampanteng ngumisi. “Sira ka pala, eh! Totoo kaya ang sinasabi ni Cian, sis! Kinarga ka na nga namin, eh. Sa kaiiyak mo pa nga ay nakatulog ka na lang. Sino ba kasi ‘yon upang halos maglulupasay kana kagabi?” maganang sakay ni Liane sa akin. Our eyes met and winked to each other habang taglay ang pilyang ngiti sa aming labi. “Weh, 'di nga! Sure kayo? Seryoso?“ Halata sa mukha nito na hindi pa rin naniniwala. “Oo nga! “Di ba, Hon? Remember how she looked so miserable last night?” lingon ni Lianne kay Dwane at masuyong hinimas ang braso ng asawa. Kaloka. Marunong na rin pala ang mga 'tong magsinungaling. O sadyang pati sila ay na misteryohan na rin siguro kay Miles. Pinigilan kong mapangiti. “Ewan ko sa inyo,” sagot na lang ni Miles na parang sumusuko. Si Dwane naman ay napatawa nang makita ang reakisyon ng mukha ni Miles. Para kasi itong uneasy at pinagpawisan. Mabilis na inilihis ni MIles ang usapan. “Well, tumawag nga pala ako kanina kay Mae. Sabi niya, magbi-birthday raw bukas ang panganay niya. FYI, inaanak nating lahat 'yon. Pati kana, Dai!” baling niya sa akin. “Dahil kahit nasa malayo ka isinali ka pa rin ng babaeng iyon sa listahan. Siyempre, magaling mangutong sa mga galing abroad ‘yon, eh!” Natawa ako sa huling sinabi niya. “Wow! Magandang balita iyan. Mukhang may part two pa pala ang naudlot na confession kagabi,” sa wakas ay sabat ng pinaka-bully na si Dwane. Kumindat pa ito kay Miles. Hindi pinansin ni Miles ang pagsisimula ni Dwane sa kan’ya. “At! Invited lahat ng kamag-anak ni Mae,” patuloy pa rin ni Miles saka ngumisi sa'kin. “And I pretty guess that you already know what I mean,” may diin ang pagkabigkas niya na tila may ipinahihiwatig bago tumawa nang nakakaloko. Bigla naman akong kinutuban na parang may mangyayaring ‘di ko inaasahan. Sandaling napaisip ako. Ibig bang sabihin, kung lahat ng relatives ang invited, so there could be a possibility na a-attend din si Zach sa pagtitipon na iyon! Wait, bakit ganito ang nararamdaman ko? Palihim na hinilot ko ang dibdib. This is supposed to be a happy vacation for me. Oh, my! Not now, please. Ayaw ko namang umatras baka kung ano pa ang iisipin nila. After all, nine years na rin naman mula nang lumayo ako and they might be anticipating na okay na ako ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang kwestyunin ang sarili ko. Am I really okay after all these years? Kay daming tanong na pumasok sa isip ko na nagpatahimik sa akin, Gaya ng, kumusta na kaya ito? How does he look like? Is he already married? At kung ilang anak na kaya ang mayroon si Zach ngayon? Am I ready to face him again? How to react in front of him? Ipinilig ko nalang ang ulo ko to skip those thoughts in my mind. He is no longer my business anymore, so why bother thinking? “Oh, natameme ka na riyan? Akala mo ikaw lang ang marunong, ha?" pang-aalaska ni Miles. Tumawa pa ito nang nakakaloko na parang nagwagi sa isang malakasang bangayan. “Wala, may naalala lang.” Ops! Wrong answer Cian! Mas lalong napangisi si Miles sa aking naging sagot. 'Naku magigisa ka talaga kapag 'di ka nag-ayos Cian!' lihim na sermon ko sa sarili. “Ehem! Sinong naalala mo, sis? Si Baby Zach mo ba?" salo ni Dwane na may himig din ng panunukso ang tono. 'Iyan na nga ba ang sabi ko, eh! Isip-isip ka pa ng idadahilan, Cian! BILIS!' muling kantiyaw ng isip ko. “Nope. Ofcourse not. And why should I?” nagtunog defensive na naman tuloy ako. At bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng i-topic, ay ang Zach na iyon pa! “By the way, nakalimutan mo palang mag-stop sa drive thru!” mabilis na paalala ko kay Dwane. “ Ayan kasi puro ka chismis, eh. Kahit kailan talaga napaka-chismoso mo. 'Di ka na nahiya sa asawa mo, oh. Nilamangan mo na,” palusot ko. Mabuti na lang at naalala ko ang drive thru kaya naiba ko ang topic. Ngumiti lamang si Dwane at napakamot, samantalang bumunghalit naman ng tawa si Liane dahil sa sinabi ko. Agad namang huminto sa isang malapit na drive thru si Dwane. Hay, thank you, Lord! Nakalusot na rin ako sa wakas. Nilingon ko si Miles, subalit busy na naman ito sa laptop nito. Agad kong nilantakan ang order ko. Saka ko lang naramdaman ang gutom nang masinghot ko ang amoy ng steak at hot choco. Habang nasa biyahe ay nakatulog na sa harap si Liane habang si Miles naman ay nakasandal na at pumikit. Nilingon ko ang bintana, puro berde na ang kulay ng paligid. I guess probinsya na ang tinatahak namin. Na-miss ko tuloy ang Cebu, doon kasi simple lang ang pamumuhay. Sa isang public school lang kaming magbabarkada na nagtapos. Ang buhay namin doon ay umiikot lamang sa bukid at sa dagat. Pero kahit ganoon ay masaya at magaan ang pamumuhay ng mga tao roon, gawa na rin siguro ng kasipagan. Libre lang din ang pagtatampisaw sa mala-berde't asul na dagat na puno ng sea shells, iba’t ibang uri ng mga isda at iba pang mga lamang dagat. Sa bukid naman ay presko at malamig ang hangin. Makikita at maririnig ang huni ng iba’t ibang uri ng ibon. Klase-klase ang mga prutas na tumutubo lang sa kung saan-saan na pwedeng pitasin kahit kailan mo gusto. Marami ring mga gulay na nakatanim kaya hindi na problema ang pang-ulam. Lahat puro sariwa. Kada weekend ay sumasama ako kay mama sa bukid at tumatambay sa puno ng bayabas o 'di kaya ay sa kaimito umaakyat, mahangin kasi roon at magaan sa kalooban. Kabaligtaran sa buhay sa siyudad. Lahat ng kilos ay nakasalalay sa pera. Almost everything works through money. Naisip kong umidlip muna dahil dinalaw na ako ng antok. Kapag magising ako mamaya at ‘di pa kami nakarating ay ako na muna ang hahalili kay Dwane sa pagda-drive. Pareho kasi kaming lahat na kulang sa tulog. Kawawa naman ang mokong na 'to kahit bully. “Bro, iidlip na muna ako sandali, ha? Sabihin mo lang kung gusto mo ng backup sa pagda-drive para makapagpahinga ka rin,” sabi ko sa kan'ya pero iwinasiwas lang nito ang kanang kamay sa ere. “Hindi na, sis. Kayang-kaya ko na 'to. Malapit lang naman ang pupuntahan natin. Besides, sanay din naman ako sa puyatan. Sige na matulog ka na muna riyan. Huwag ka lang mag-atubiling sabihin sa'kin mamaya ang napanaginipan mo tungkol kay Zach, okay?” ngumisi ito at talagang kumindat pa. Napailing na lang ako sa kapilyuhan nito. Humirit pa talaga. Such a clever bully. Kahit pilit kong baliwalain ang panunukso ni Dwane ay naramdaman ko pa rin ang pag-init ng mukha ko sa sinabi niya. Puro na lang Zach nang Zach ang naririnig ko sa araw na 'to. Iba kasing talaga ang turibyo na ito kapag nasimulan na ang panunudyo, wala nang balak na tantanan ako. I am sure na pagkagising ko, may part two na naman ito. “Makatulog na nga lang at baka saan pa aabot ang usaping ito.” Narinig ko pa ang pagtawa ni Dwane dahil sa sinabi ko. Sumandal ako at inayos ang dala kong neck pillow saka nag-headset. Nagpatugtog ako ng love song pagkatapos ay pumikit na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD