Napatawa ako nang makitang nagkukumahog sa pagbaba ang mga paslit, lalo na ang bunso na nahihirapan sa paghakbang sa bawat baitang. Halatang alagang-alaga ang mga ito. Sa itsura pa lang na ang tataba at ang kikinis. Kinagigilan ko nang sobra ang anak ni Maena babae dahil tabachingching ito at mamula-mula pa ang cheeks.
“Oh, dahan-dahan lang!” sigaw ng ina ng mga ito.
Nang makalapit na ang mga ito sa amin ay agad na nag-bless ang tatlo kina Miles, Dwane at Lianne. Pagkatapos ay lumingon sila akin na may pagtatanong ang inosente nilang mukha.
“Siya si Tita Cian n'yo. Ngayon niyo lang nakita si tita kasi sa malayo siya naninirahan. Naalala niyo ‘yung nasa movie na napanuod natin? Iyong lugar na maraming snow. Kakauwi lang niya ngayon kaya say hi to Tita Cian at mag-bless kayo.”
Naaliw ako habang pinagmamasdan ang tatlo na mariinng nakikinig sa sinabi ng kanilang ina at ang pag ‘wow’ nila nang marinig ang sinabi ni Mae na snow. Napangiti ako nang agad na tumalima ang mga ito at lumapit sa akin.
“Hi, Tita Cian!” sabay na sabi ng tatlo sa akin.
“Hello mga langging!” Sa halip na magpa-blessed ay yumuko ako at nagpa-kiss sa aking cheeks. Ang ko-cute naman ng mga batang ito, nakakagigil talaga. Sigurado akong ‘di ako mahihirapang paamuhin ang mga ito dahil lapitin talaga ako ng mga bata simula pa noong elementarya pa ako. Ako pa nga ang tagabantay ng mga pinsan ko dati, eh. Naging involve rin ako noon sa mga organisasyon na may kinalaman sa mga bata. “Sinong may gusto ng ice cream?” tanong ko sa kanila. Ito ang pinakamabilis na paraan sa paghuli ng loob ng mga bata. Agad namang sumagot ang tatlo sa akin habang nakataas ang kanilang mga kamay.
“Me po, tita!” paulit-ulit nilang sigaw habang bakas sa mukha ang kasiyahan.
“Good! Mamayang after lunch ay ibibili ko kayo. Okay ba? What else do you want?” tanong ko ulit. Nakita kong nag-isip sila ng isasagot.
“Abe! Abe!” sagot ng bulilit na bunso. Nilingon ko ang ina nila nang may pagtatanong.
“Jollibee raw,” nakatawang sagot nito.
“Ah! Jollibee! Wow, that’s yummy!” sang-ayon ko naman sa paslit.
“I want a new toy, tita!” sagot naman no’ng pangalawa.
“Okay! Counted!”
“Ayan na!” tumatawang sabi ulit ni Mae.
“Damihan niyo pa kids. Maraming pambili 'yang si Tita Cian n'yo,” kantiyaw ni Miles na karga-karga na pala si bunso. Hinahalik-halikan nito ang leeg ng bata kaya napapahiyaw ito sa kiliti.
“Ano ba ang mga pangalan nitong mga anak mo, sis? Baka gusto mong ako na ang magbinyag ng pangalan ng mga ito? O kahit palayaw lang. Kulas, Doming at Lukrisya. Ano okay ba?”
Naningkit ang mga mata ni Mae at umirap sa akin.
“'Lang'ya ka talaga. Ilang buwan ko kayang binuo ang mga pangalan ng mga iyan tapos bibinyagan mo lang ng pang sinaunang ninuno. 'Yung panganay ko, siya si JM. Iyong pangalawa naman ay si MJ, tapos ito namang si bunsoi ko ay si MM,” proud na sabi nito.
“Huwaw! Ang hirap nga naman ng mga pangalan. Inabot ka pa talaga ng ilang buwan sa lagay na 'yan?” sobrang lakas ng tawa ko.
“Naku 'wag mo nang tanungin ang meaning ng bawat pangalan ng mga iyan, sis. 'Pag nagkataon ay baka mapapahingi ka lang notebook para i-spell ang mga iyon,” si Dwane na nasa sahig kalaro si MJ.
“Tama! Kaya 'wag mo 'kong ismolin, magaling kaya ako sa larangang 'yan. O siya, kain na muna tayo. Pinahanda ko na kanina pa ang mga paborito n'yo. Mamaya ay aalis naman tayo, ipapasyal ko kayo sa mga tourist destinations dito.” Tumayo si Mae at napatiuna na sa kusina. Sumunod naman kami sa kan'ya.
“'Yan ang gusto ko sa asawa mo, Pare. Alagang-alaga kami sa tuwing nagagawi kami rito,” sabi ni Dwane kay Jacob. Ngumiti naman ang huli.
“Oo nga, eh. Kaya sobrang suwerte ko rin sa kan'ya. 'Yon din siguro ang dahilan kaya tumataba na rin kaming lahat dito lalo na ang mga bata. Sige, Pare, akyat muna ako sandali para magbihis, ha? Mauna na kayo sa kusina. Bababa rin ako kaagad.”
Tumango si Dwane at umakyat na rin sa taas si Jacob. Kan'ya-kan'ya na kami ng upo. Maraming nakahandang pagkain at halos presko ang mga prutas na nakikita ko sa mesa nila.
“Mamaya sa pinakasikat na tourist destination dito sa Batangas tayo pupunta. Samantalang bukas naman ay sa bahay muna tayo, birthday kasi ni JM. Gusto ko rin sanang magpatulong sa inyo kasi alam kong masarap kayong lahat magluto,” malumanay nitong sabi na parang nagpapaawa.
“Oo na! Hindi mo na kailangan pang magpaawa. Mukha nito,” nakairap na sabi ni Miles. Pabirong hinampas din naman agad ito ni Mae kaya nagtawanan silang dalawa.
“Marami ka bang bisita bukas?” tanong ni Liane. Lumakas ang t***k ng puso ko sa tanong na iyon.
“Family ko lang, tapos side ni Jacob at friends ni JM. Patatawagan ko pa mamaya kay Jacob para ma-inform sila. Most of them kasi nasa Maynila. So, probably pang dinner na lang iyong gathering kasi malayo-layo rin itong Batangas, eh.”
“Sige. Walang problema iyan. Pero napaisip lang ako. Hindi ba parang umuwi lang yata ako rito para maging kusinera mo?” pabirong sabi ko kahit pa kinakabahan sa isiping pupunta rito ang pamilya sa side ni Mae.
Lumukot ang mukha ni Mae at nginusuan ako.
“Hoy, grabe ka! Hindi naman. Nagkataon lang talaga,” depensa naman niya kaagad.
“Biro lang. So, mamaya pagkagaling natin na maglakwatsa ay manggo-groceries na kaagad tayo para bukas.” Nilingon ko si LIane. “What do you think, sis?”
“Yep! Game!” sang-ayon naman kaagad nito.
“Thank you mga sissy and bro!” Tumayo si Mae at niyakap kaming isa-isa.
“Drama mo, umalis ka nga riyan,” asik ni Miles kay Mae na nasakal sa yakap nito habang kumakain. Natawa ako nang muntik pa itong mabulunan, marahil ay napahigpit ang yakap nito sa leeg ng isa. Binigyan naman agad ito ng tubig ng salarin.
“Tse! Lab you, sungit!”
Nagtawanan na lang kaming lahat.
I started to prepare my belongings. I put inside the bag my DSLR camera, cell phone, extra shirt, towel, and bottled water. Mae said we will go first to St. Martin Church then right after we will straight to Taal Volcano. I wore a white sleeveless with black stripes on its sides and black signature leggings. Then white sneakers for my feet. Nagdala na rin ako ng blazer to cover up my sleeveless shirt mamaya pagpasok namin sa church. I prefer these outfit kasi mas komportable ito para sa mahabang lakaran at gusto kong mag-trek sa taal.
Lumabas na ako. Inantay ko sila sa sala. Lumabas na si Miles, naka-leggings din ito at white plain T-shirt. May dala din itong maliit na backpack. Sumunod na lumabas ay sina Liane at Dwane tapos sina Mae at Jacob at mga bata. Kitang-kita sa mga mukha nila ang excitement.
“Nana, hurry! Let’s go na!” tawag nito kay manang.
“Jusme namang mga batang ‘to, oo! Nandito na po,” narinig kong sagot ni manang na sumulpot mula sa kung saan. May dala-dala itong bag at dumeritso sa kusina. Sa muling paglabas nito roon ay may bitbit na naman itong malaking plastic bag na sa hula ko ay ang baon naming pagkain.
“Ako na po niyan, manang,” sabi ni Miles na kinuha ang malaking plastic bag. Tumalima naman ito at nagpasalamat.
“Hi, Tita Cian! Are you excited too?” sabi ni Mj sakin na nakangiti.
“Yes baby boy. Super! And guess what? I am going to take pictures there including you,” ani ko sabay kindat sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata nito.
“Wow! I like taking pictures too!” tuwang-tuwa na sambit ni MJ. Ginulo ko ang buhok nito at inakay ito palabas. Kinarga ko naman si MM. Ang cute talaga ng batang 'to. Parang 'yung nasa mga commercial ng baby bath soap. Tapos nadagdagan pa ang ka-cutetan ng batabg ito dahil sa kulot nitong buhok.
“Guys nariyan na raw sa labas iyong van na gagamitin natin. Huwag na tayong magkan’ya-kanyang pick up para mas maganda at masaya ang biyahe natin. Don’t worry three thousand lang naman ang renta ko kasi kaibigan ni Jacob ang may-ari no'n.” paliwanag ni Mae.
“Nice! Kung okay na ang lahat, sige arat na!” masigla kong sigaw.
Nagkan’ya-kan’ya na kami ng puwesto sa van. Sobrang ingay namin, akala mo naman kung saan pupunta. ‘Di nagtagal ay bumiyahe na kami para sa unang destinasyon.
Nahinto lang kami sa kanya-kanyang kulitan nang mag-park ang sinasakyan naming van sa labas ng isang luma ngunit malaking simbahan. Kahit sabado pa lang ay marami nang dumadayo at nagsisimba. Sa bagay ay oras-oras naman kasi ang schedule ng ganitong klaseng mga simbahan. Isa-isa kaming lumabas ng sasakyan.
“Hey, you little toddlers! Keep quiet as we get inside, okay? Behave and pray. We won't stay long that's why be patient and stay in nana's side until all are done praying. Understood?” malambing na paalala ni Mae sa mga anak. Karga nito si MM samantalang hawak naman ni Nanay Rosa ang dalawang lalaki.
“Yes, mommy!” sabay tango naman ni MJ. Kinausap muna ni Jacob ang driver. ‘Di nagtagal ay lumingon sa amin at kalaunan ay nagpaalam na sa driver. Nang makalapit na ito ay sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng simbahan.
Dumiretso na ako sa unahan kasi mas makakapanalangin ako nang maayos nang walang sagabal sa mata lalong-lalo na sa paligid. Medyo kaunti pa ang nakaupo at may iilan ding palabas na. Nang makapuwesto na ako nang maayos ay sinimulan ko nang manalangin.
‘Lord, una po sa lahat ay maraming salamat po sa biyayang tinatamasa ko ngayon at sa mga darating pa. Sa tahanan na aking tinutuluyan, sa lahat ng opportunities and chances. Thank you rin po for guiding me and my family all the time. Thank you also for keeping me strong and enlightening me especially in confusing times and in the midst of trials. I am sorry for my mishalves. I am sorry for the times that I forgot to pray and communicate to you. I am sorry if there were times that I disobey your will without me realizing it. Please have me my conscience every now and then nang sa ganoon ay hindi ko na maulit gawin ang mga kasalanang nagawa ko na.
Please use me to help other people who are asking for a helping hand. I will never get tired of saying this Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Iniaalay ko po sa inyo ang lahat ng mangyayari sa hinaharap. Maraming salamat po sa buhay na ipinagkaloob mo po sa akin. I love you Lord, amen.'
Pagkatapos kong magdasal ay tumayo na ako. Hinintay ko na lang muna sila sa labas ng pinto ng simbahan. Nilibang ko muna ang sarili ko sa pagkuha ng mga litrato gamit ang dala kong DSLR at bumibili na rin ako ng iilang pangpasalubong ko sa Cebu lalo na sa mga lolang malapit sa akin gaya ng bracelets na may pendant na krus. Unti-unti na rin kaming nakumpleto kaya may mga kausap na ako sa labas. Huling lumabas sina Mae at Nana Rosa. Binalikan na namin ang sasakyan at tinahak ang papuntang sa lugar kung saan tanaw ang taal volcano. Gaya kanina ay naglaro na naman ulit kami ng card. Maging ang mga bata, si Nana rosa at ang driver nina Mae ay nagpatuloy na rin sa pagre-record ng video ulit. Napatawa naman kami nang makita naming nahiya si Nana sa pagsasayaw nang minsang nahuli niya kaming pinapanood sila.
Dahil sa pagkalibang namin sa paglalaro ay hindi na namin namalayang nakatulog na pala ang mga bata pati na ang ibang mga kasamahan namin. Sabagay malamig rin naman kasi rito sa loob at mukhang naka-full ang aircon.
“Papasok na po tayo, Sir Jacob,” wika ng driver na siyang ikinahinto namin sa paglalaro.
Nakita ko ang pagpasok namin sa isang park subalit binabagtas pa namin ang daan paakyat. May mangilan-ngilan akong nakikitang mga tao na naglalakad sa labas. Mga mag-asawa at magkasintahan, may buong pamilya rin. At may iilan ding kumukuha ng pictures sa paligid. Dahil mapuno ang paligid ay feeling ko maganda ang lugar na ito para mag-jog-walk papuntang itaas at kumuha ng mga pictures kaya isang ideya ang pumasok sa isip ko.