“Sige, manong. Dumiretso na po tayo sa itaas,” sagot ni Jacob na nilingon ang bintana.
“No! Stop here. I mean, I want to take a walk para masulit ko naman ang pagpasyal ko. Dito na lang kayo kasi tulog na ang mga bata. We'll see each other na lang up there. You don't have worry because I'm used to travel alone.” Sa ilang taon ko ba namang nag-isa sa ibang bansa ay hindi pa ba ako masasanay sa pamamasya ng walang kasama?
Napanganga sila sa sinabi ko. Marahil ay nagdadalawang isip sila na iwanan akong mag-isa rito.
Si Mae ang unang nakabawi. “Pero, sis, wala kang local number. Hindi ka namin ma-contact mamaya.” Napatigil siya na tila may naalala. “Ay, oo nga pala! Teka lang.” Biglang may iniabot siya sa akin na kinuha pa niya mula sa isang back pack na nakalagay sa upuan. “Here, that’s JM’s phone. Bring it with you na lang. I'll call you later to update kung nasaan ka na and so you can trace us kung saan kami pumwesto, okay? Medyo mahirap kasi kung hahanapin ka pa namin doon dahil malaki ang park na 'to, to add pa na may mga bagong tayong buildings at mas marami na ang mga tao ngayon lalo na ro'n sa itaas,” paliwanag ni Mae sa akin. Nakuha ko naman kaagad ang punto niya kaya tinanggap ko ang cell phone ni JM.
Akmang bababa na sana ako nang may biglang tumayo at nagsalita.
“Sasabayan na kita, baka sakaling makasagupa tayo ng forever sa daan. Malay mo naman baka nandito na ang swerte natin, ‘di ba? At saka para ‘di rin boring ang pangunguha mo ng pictures. Mas mainam pa rin iyong may modelo ka, don’t worry free lang naman ang TF ko basta ikaw,” agad na sabat ni Miles at mabilis na kinuha ang bag nito. Natawa na lang habang napapailing sina Dwane at Jacob.
“Grabe, taas talaga ng self-confidence! Sige, guys, bye for now. See you later,” kaway ko sa kanila at lumabas na kami ni Miles. Pagkatapos ay humarorot na ang van paitaas.
“Hay, sa wakas!” malakas na saad ni Miles habang nag-inat.
“Ang ganda naman ng lugar na 'to, sobrang presko pa ng hangin,” puri ko sa paligid. Sinimulan ko na ang pagkuha ng pictures. Buti na lang at iniwan ko ang bag ko sa van dahil pwedeng-pwede lang akong mag-jogging paakyat mamaya na walang sagabal sa aking likosd. But as for now, i-enjoyin ko muna ang pagpo-photo shoot sa magandang kapaligiran.
Ilang sandali pa ay na-realize ko na parang ang tahimik ng kasama ko. Nilingon ko ang kinaroroonan niya. Kaya pala, busy rin siya sa pagkuha ng mga litrato gamit ang dala niyang sariling DSLR. Muli na naman akong napailing. Ang babaeng ito talaga! Akala ko ba gusto niyang maging modelo ko? Napapalatak na lang ako ng wala sa oras. Pero mabuti na rin ito para walang isturbo dahil kan’ya-kan’ya kami.
“Sis, bakit kaya walang vitamins sa mata rito?”
Kumunot ang noo ko. Anong vitamins naman ang pinagsasabi nito?
“Sayang ang lugar, maganda pa naman sana. Dapat may mga macho at gwapo rin dito. Gaya natin. Magaganda at naghahanap ng kahawak kamay habang naglalakad. Alam mo na, perfect for lover's lane,” patuloy na litanya ni Miles.
Ah! Ang tinutukoy pala niyang vitamins sa mata ay kalalakihang macho at gwapo! Pilya nga naman tagala!
“Eh, lover's lane nga naman talaga ‘tong dinadaanan natin. Anong tawag mo sa kanila” turo ko sa mag-jowang HHWW (holding hands while walking).
“Oo nga, ‘no? Ibig bang sabihin we don’t belong here? Oh my, sana pala hindi na lang sila nagpapauso ng mga ganito. Nakakasakit sila ng damdamin.”
“Ay sos! Problema pa ba ‘yan? Eh, 'di tawagan mo 'yung lover boy mo. Kala mo siguro ‘di ko napapansin ‘yung pagngiti-ngiti mo sa harap ng phone, ha? Hindi ka lang muntangang tingnan kun’di muntimang pa!”
Lumukot ang mukha niya sa sinabi ko.
“Hindi ko lover boy 'yon! Nafe-friendzone na nga lang yata ako nito, eh. Kung malasin ka nga naman sa pag ibig. Mag-hire na lang kaya ako, ‘no? ‘Yong temporary lang. Tama! Magha-hire na lang ako ng boyfriend tapos with inclusion na rin, s***h baby maker! ARAY!”
Binatukan ko nga.
“Hoy, sira-ulo kang babae ka! Pinaghirapan mong makapag-aral, ayusin ang buhay mo mula sa kahirapan, lumaking malinis ang dangal, tapos dahil sa kagustuhan mong magkaroon ng ka-holding hands ay sisirain mo na lang ang dignidad mo nang ganyan kadali? Moron!” asik ko kay Miles. Alam ko ang hirap na dinaanan niya noon para maitaguyod ang ina at ang sarili niya. Minalas kasi sila ng inay niya sa ama kaya nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral at nangarap kaya ngayon ay naging successful architect na si Miles.
“Suggestion lang naman. Magalit talaga agad-agad? Alam mo, mukha ka talagang manang!” Ngumisi ito pagkatapos ay tumakbo sa takot na muli kong mabatukan.
“At least seksi! Ikaw, sira-ulong desperada!” pahabol kong sigaw. Natawa na lang ako at napailing. Dahil wala na akong makakausap ay nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng mga pictures habang naglalakad paakyat.
Inilibot ko ang paningin sa mga taong nakakasabay kong naglalakad rin. Talaga nga namang mapapa-sana all ka na lang talaga. Ano ba ito? Nananadya ba talaga, o talagang nananadya lang talaga? Puro sweet lovers na lang ang nakikita ko sa paligid. Kaya pala gano'n na ang takbo ng utak ni Milensiya kanina. Nag-jog na lang ako paakyat para mabilis akong makarating sa toktok. Tagaktak na ang pawis ko pero feeling chill pa rin. Sanay na kasi akong mag-jogging kahit na nasa Canada ako. Minsan nagja-jogging lang din ako papuntang trabaho at pauwi ng apartment. Dagdag exercise ko na rin.
Napapansin kong may iilang napapalingon sa akin na mga lalaki at narinig ang kanilang pagsipol pero binalewala ko na lang.
Sa wakas ay narating ko na rin ang itaas. Napamangha ako sa nakita. The view was simply breath taking! Sakto namang paglingon ko ay tumawag ang numero ni Jacob sa dala kong cell-phone na bigay ni Mae. Nakarehistro roon ang pangalang Daddy. Well, I already thought it was Jacob. Who else pa ba ang tatawagin ni JM na daddy?
“Oh, sissy, nasaan ka na ngayon? Nakarating na si Miles dito kanina pa.” Tinig iyon ni Mae na agad na nagsalita mula sa kabilang linya pagpindot ko pa lang sa answer button.
“I’m already here. Kararating ko lang din dito sa toktok. Mga fifteen minutes muna, sis. Lilibutin ko lang sandali ang paligid, sobrang ganda kasi rito. Nakaka-excite,” nakangiti kong sabi ko sa kan'ya kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sayang naramdaman dahil sa aking nasisilayan ngayon, dahilan para manabik ako sa paglilibot.
Napansin kong biglang nawala ang atensiyon niya sa akin at tila may kinausap na ibang tao, may binanggit pa ito na “Oy, ‘cous! Nandito ka rin? Sinong kasama mo?” Sumagot naman ang kausap n’ya na ‘’wala ako lang mag isa. May ka meeting ako kakaalis lang. Napasyal kayo rito?”
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang busy ito sa pakikipag-usap sa tinig-lalaki na iyon. Gayun pa man, naramdaman ko ang kakaibang dulot ng tinig na iyon sa dibdib ko hindi ko lang mawari kung bakit.
“Sis, ete-text ko na lang sa’yo ang location namin, ha? Ikaw na lang ang bahala na maghanap sa amin dito kapag nagka-oras ka na,” balik na kausap sa alin ni Mae.
Agad naman akong tumango. Makakapaglibot na rin ako sa wakas.
“Okay, sis, copy that. I’ll be there later,” sagot ko at ini-off ang phone. Bakit kaya tila pamilyar ang boses ng lalaki na 'yon? Parang kinabahan ako. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay ipinagsawalang-bawala na lang ang estrangherong pakiramdam na lumukob sa dibdib ko ngayon. Ang mabuti pa, lilibutin ko na lang muna ang buong lugar saka ko hahanapin ang puwesto nila mamaya.
Unang beses kong makapunta sa lugar na ito kaya hindi ko mapigiling mapamangha habang inisa-isa sa pagtingin ang paligid. May ilang restaurants na puno ng mga tao, may kid’s corner at may playground na kasalukuyang pinaglalaruan ng mga bata. May pool sa bandang dulo, may mini stage at nagtutugtog na banda. May area rin na solemn style, at ang the best na area is 'yung pwesto na overlooking ang Taal Volcano. Although hindi s'ya iyong tipong malapit na malapit pero kitang-kita naman ang perfect view nito.
Binusog ko muna ang mata ko sa magandang tanawin bago naisipang hanapin na ang mga kasama ko. Sa dami ng mga tao ay ilang beses akong nagpapalibot-libot. Bawat nadadanan ko ay napapatingin sa akin, which is not new to me. I am used to catch men's attention noon pa man kahit ‘di ko sinasadya. Kahit noong high school pa lang ako hanggang nag-college ay marami na ang nanliligaw sa akin. Marami na rin akong naririnig na kesyo maganda raw ako, perfect sa modeling, mukhang artista at iba pa. Ipinagpasalamat ko naman 'yon pero minsan lang talaga ako napapasabak sa pageant lalo na kung school activity, pandagdag ng grades lang. Pero iyong mag-model? No, thanks. I still want a simple life instead. Sa Pilipinas lang din ako nakararanas ng ganitong klaseng atensiyon dahil sa Canada, kahit may iilang napapalingon sa akin ay mas marami sa kanila ang walang paki sa isa’t isa.
Finally, nakita ko na rin sila. Nakangiti silang lahat na nag-hihintay sa akin maliban kay Dwane at Jacob na tinatakpan ang mga mata ng mga asawa nila. Kumunot ang noo ko. Bakit kaya? Nang makalapit na ako ay inabutan ako ng tuwalya ni Nanay Rosa. Nagtaka man ay tinanggap ko na lang ang ibinigay niya. Pagtaas ko ng tingin ay saka ko lang napansin na may isang tao pa pala ang napasama sa grupo namin.
Binundol ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam na narito siya. Gusto kong gumalaw at magsalita pero tila biglang huminto ang mundo ko. Nanatili lang akong nakamasid sa kan’ya na may pamimilog ang mga mata.
It's Zach!
Tiningnan ko lang siya sa mata. Samo’t saring emosyon ang bumalot sa akin. Although may kislap at paghanga akong nakikita sa mga mata niya ay nag-abot naman ang mga kilay niyang nakatingin sa akin na tila naiinis. Bakit kaya ganito siyang makatingin sa akin ngayon na para bang galit?
Bahagya pa akong nagulat nang bigla siyang nagsalita.
“You really have the guts to walk everywhere with that look, huh? Or maybe you did that with a purpose.”
Agad kong nahuli ang pang-uuyam sa tono niya dahilan para tumaas ang kilay ko. Nagtaka ako sa kanyang tinuran, hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin.
“Ma’am Cian, magpalit ka muna ng damit. Hakab na hakab na po ang damit sa katawan mo at kitang-kita na ang kaseksihan mo dahil sa labis na pawis. Ito na ang bag mo, ma’am. Tara at sasamahan na kita sa CR. Bakitka po ba pawis na pawis? Mukha ka nang naliligo sa itsura mo,” mahabang saad ni nanay sa akin sabay abot ng bag ko. Saka ko lang napansin na parang kakaahon ko lang sa dagat dahil sa sobrang pawis ko dahilan para bumakat na sa katawan ko ang suot kong T-shirt. Buti na lang at perfect ang vital statistics ko dahil kahit papaano ay hindi naman ako napapahiya.
“Huwag na po kayong mag-ma’am sa akin, nanay. Cian na lang po. Pasensya na, nag-jogging kasi ako paakyat rito kaya ako pinawis nang sobra. Hindi ko naman namalayan na ganito na pala ang itsura ng katawan ko.”
Bahagya akong natawa sabay kamot sa ulo. Kaya pala tinakpan nila Mae ang mata ng mga asawa nila dahil sa akin. Sorry naman. Agad kong ipinulupot sa sarili ko ang tuwalya upang takpang ang aking dibdib.
“Ikaw talagang bata ka. Sa bagay, maganda rin naman ang katawan mo kaya wala silang maipintas. Kaso naglalaway ang mga kalalakihan kaya nararapat pa rin na maging maingat lalo ka na dahil napakaganda mong dilag. O siya, tayo na sa CR.” Tumayo na sana si nanay pero agad din namang natigilan nang biglang nagsalita ang isang baritonong boses.
“Ako na po ang sasama sa kan’ya, nana.” Nana ang tawag ng halos lahat sa kanila kay Nanay Rosa. Pero mas umagaw sa pansin ko ang malamig niyang pagkasabi niyon at walang anumang inayos ang pagkabalot sa akin ng tuwalyang hawak-hawak ko. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at mabilis na hinablot saka matulin na naglakad habang hila ako.
Gusto ko sanang magreklamo sa bilis niyang maglakad pero halos hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Loading ang isipan ko sa lahat-lahat. Kasama ko siya ngayon, unang pagkikita namin after nine years of being separated. But his facial expression made me more confused, parang galit siya sa akin.