11. Asßhole

2384 Words
A/N: I would just like to dedicate this chapter to MaryLou Zapla Piojo, @Idk, Madam Simplyweena, @Tulips, Agh Ejjs Gsgjj, Geegee and to Madam Anna Mernilo. Please enjoy reading. Xoxo Kabanata 11 Asßhole DAHAN-DAHAN na ibinaba ni Zelmira ang kanyang tingin para yukuin ang dalawang paslit na nakayapos sa binti niya. Sa higpit ng pagkakayakap ng mga ito sa binti niya ay hindi na siya makagalaw. Hindi rin lubos maintindihan ni Zelmira ang biglang pag-iiba ng emosyon n'ya lalo na ang ritmo ng kabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay kumikipot ang daanan ng kanyang hininga nang magtama ang paningin nila ng mga bata. The little girls’ eyes were full of longingness and hope at tila gumuguhit iyon ng hapdi sa puso niya. Bumilis ang tíbok ng puso niya sa hindi malinaw na kadahilanan. Para siyang pinagpapawisan pero nanlalamig naman ang kanyang mga palad. Nakatulos pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. "Momma, you're back! We missed you and your power hug and your smile and your voice, Momma. Cache always cried every night because she said she is hearing your voice in her dreams but when we wake up, you were still not with us." "Momma, where is my starfish? Because I missed you both a lot." Nagkatinginan si Cain at si Lolo Ignatius. Tumango si Cain bilang paghingi ng paumanhin then he rose from his seat to take away his nieces from the stunned woman. "Girls, girls, come here." Maingat na hinawakan ni Cain ang braso ng mga pamangkin at banayad na hinila para bumitaw ang mga ito sa apo ni Lolo Ignatius na sa hindi malamang kadahilanan ni Cain ay napagkamalang ina ng kanyang mga pamangkin. Mula nang iuwi sa kanila ni Cyrus ang mga bata ay ni minsan hindi nasaksihan ni Cain na naging ganoon kagaan ang loob ng mga ito sa isang estranghera. The twins are naturally distant and somehow unfriendly, dahilan kung bakit madalas si Cain na magbago ng yaya para sa mga ito. But look at now, kung makapulupot ang dalawa sa apo ni Lolo Ignatius ay para bang matagal nang kilala ng mga ito ang babae. At napagkamalan pa talaga itong ina ng mga pamangkin niya! Nag-squat si Cain sandali. "Look at the lady, girls. You seem scaring her." Dinaan sa tila biro ni Cain ang pagsuway sa mga pamangkin niya para tantanan ng mga ito ang apo ni Lolo Ignatius. "Daddy Doc, she's our Momma. She has Momma's voice." Giit ni Cache. "Is this your surprise for us, Daddy Doc because we behave like a really really good girl, right? We love your surprise, Daddy Doc, so so much. This is mine and Cache’s only wish from Santa last Christmas." The little girl said with precision. Puno ng positibo at maaliwalas na emosyon ang mukha ng dalawang bata. Nakatingala ang kambal kay Zelmira at tila walang balak na bawiin ang tingin sa kanya. Si Zelmira man ay hindi rin ibig alisin ang mga mata sa mga batang bisita nila. Kahit ang kumurap ay tila ba ayaw niyang gawin. The kids are an identical twins. Both adorable and cheerful. Pareho ang hugis at ang kulay ng kanilang mga mata, amber brown. Their eyes as pure and bright as the earth itself. Olive skin, natural light brown hair na tuwid at makinang. Identical pati ang istilo at haba ng bangs ng mga ito. Pati ang kanilang pangangatawan at tangkad ay halos magkapareho rin. Tila may taglay ang kambal na nagdudulot ng init sa puso ni Zelmira. Init na bumubulabog sa pagkatao niya pati na sa isang bahagi sa ilalim ng utak niya. The children voice alone drubbing something from the hollow corner of her brain. Ibig niyang pumikit at isipin kung saan niya narinig ang boses ng mga batang ito pero may pumipigil sa kanyang gawin iyon. "Momma, hug please. Hug..." The twins pleaded in unison. Pilit kumakawala ang dalawa mula sa pagkakahawak ni Cain para iabot ang maliliit na mga kamay kay Zelmira. “Pasensya ka na sa mga bata, Miss.” Kung hindi nagsalita ang lalaki ay may posibilidad na inabot na ni Zelmira ang kamay ng kambal para hilain sa isang yakap. Napakurap si Zelmira nang kusang lumipat sa lalaking bisita ang kanyang paningin. Magtama ang kanilang mga mata at hindi niya namamalayan na napahawak na siya sa kanyang dibdib. Her heart was thumping louder against her ribcage. Their handsome guest's mouth opened up slightly and was about to say something else to her when Zelmira took a step backward. Noon lang nito napagtanto na maging ang kanyang tuhod ay tila ba nanlalambot. Zelmira forced herself to withdraw her gaze from the stranger guest. Tumingin siya sa kanyang Lolo Ignatius para magtanong. "Ah, Lo, dito ho ba sila mag-o-overnight?" "Gano'n na nga, hija." Tumikhim siya dahil parang may pilit na bumabara sa lalamunan niya dulot ng tension sa sistema niya. "Sige ho, Lolo. Aakyat po muna ako para malinisan at maihanda ang guestroom sa itaas." Atubili si Zelmira na sumulyap sa kanilang bisita at sa mga batang kasama nito. "E—excuse me." "Kids, please go back to your seat," malumanay na pakiusap ni Cain sa mga pamangkin niya nang ayaw pa rin ng mga ito na tantanan ng tingin ang apo ni Lolo Ignatius na kasalukuyang umaakyat sa hagdan na yari sa kahoy. Both of the kids pouted as they followed what their Uncle told them to do. Bakas ang kabiguan sa inosenting mga mata ng mga bata. "Marahil ay kahawig ng apo kong si Zelmira ang ina nitong mga anak mo, hijo," ani ng matanda. "Zelmira? Is that her name, Sir?" Cain took a glance at the stairs only to feel an ounce of disappointment when he could no longer see the woman. Tuluyan na kasing nakaakyat sa ikalawang palapag ng beach house ang babae. Nag-ayos nang salamin ang matanda nang muling ibinalik ni Cain ang tingin dito. "Zelmira Olympia ang buong pangalan ng apo ko, hijo." Inulit na bigkasin ni Cain ang pangalan ng babae sa kanyang isip at kahit pigilan niya ay hindi niya maawat na muling balikan sa kanyang isip ang nakita niya kanina sa loob ng banyo. He saw Zelmira naked! Malinaw pa ring nakaguhit sa utak niya ang katawan nito, ang makinis nitong balat lalo na ang malulusog na dibdib nito na siyang hustong tumatak sa memorya n'ya. For Pete's sake! He seemed like a caveman who hadn't have a glorious naked woman to touched to. Nang madatnan niya sa loob ng banyo ang babae kanina ay biglang sumiklab ang init sa sistema niya. At kung hindi pa nito sinipa ang pinto pasara ay tiyak na mahuhuli ng paningin ni Zelmira ang paninigas ng umbok sa harapan ng pantalon niya. Well, totoo namang tigang ang p*********i niya dahil ang huling hawak niya sa katawan ng babae ay noong isang taon pa. It happened unexpectedly while he was on a wheelchair and injured. He f****d a beautiful woman with his fingers and tongue and that woman will surely be remembered by him for the rest of his life. "Umalis ako sa pulitika sa Salvatierra para maalagaan iyang apo ko." Ipinilig ni Cain ang ulo at hindi ipinahalata kay Lolo Ignatius na sa likod ng kanyang isip ay may umuusbong na pagnanasa para sa apo ng matanda. God! He could not just help it. "Where are her parents if you don't mind me asking, Sir?" Seryosong tanong ni Cain. "Sanggol palang si Zelmira ay pumanaw na ang kanyang mga magulang. Ang ama niyang si Oscar ay nag-iisa kong anak at si Zelmira lang din ang naiwan niyang anak. She's my only granddaughter, the only immediate family that's left in me kaya inako kong mag-isa ang pangangalaga riyan sa apo ko ng walang ano mang pagsisisi. Sa ibang bayan ko pa 'yan pinaaral. Wala akong naging problema sa pagpapalaki riyan sa apo ko maliban lang noong nagka-nobyo. Naging suwail na at ayaw nang makinig sa akin dahil tutol ako sa pakikipagrelasyon niya sa isang may asawang lalaki na abusador. Ang akala ko nga'y habambuhay na niya akong tatalikuran at iiwang mag-isa rito sa isla para ipagpalit sa lalaking kailan lamang niya nakilala." Mahabang hayag ni Lolo Ignatius sa noo'y hinanakit nito sa apo. "Ngunit kinalimutan ko na lamang ang hindi magandang nangyari noon. Ang mahalaga sa akin ay sa akin ay nabawi ko ang aking apo... ng buhay at hindi ang kanyang bangkay." Binundol ng kuryusidad si Cain sa sinabing iyon ni Lolo Ignatius. “Would you tell me what do you mean by that, Sir?” Sa likod ng makapal na salamin ng matanda ay malinaw na napuna ni Cain ang anino ng pagkahapis sa mga mata nito. Tila ba may binalikan na malungkot na aalala si Lolo Ignatius sa isip nito. “Alam mo, hijo. Nitong nakaraang taon lamang ay dumating ang isa pa sa pinakamalaking pagsubok sa buhay ko nang—” Ang tangkang pagkukuwento ni Lolo Ignatius ay nagambala nang bigla na lamang sabay na tumakbo paalis ng sala de bisita ang kambal at nag-uunahang umakyat sa hagdan para sundan sa itaas si Zelmira. “Cache! Cassia! Get back here!” Pigil ni Cain sa mga bata ngunit mas binilisan lamang ng mga ito ang pag-akyat sa hagdan. Napapamura na si Cain sa kanyang isip. “Aba’y sundan mo muna ang mga anak mo, hijo at baka mapaano ang mga iyan. Masyadong madulas ang hagdan at sahig sa itaas. Dios mio!” Sumunod si Cain sa itaas at kaagad niyang nahanap ang guestroom dahil sa nakabukas nitong pinto. Then he found his nieces saying something to Zelmira. Kaagad niya itong nilapitan at nag-squat sa harapan ng mga ito para masinsinang kausapin. “Cassia, Cache, leave the lady alone already. Hindi siya ang Mommy ninyo. She's Lolo Ignatius' granddaughter and the owner of this house and the island. I told you clearly that we're here for our short vacation and swimming which you'd love to do, remember?” Mahinahon na litanya ni Cain sa mga bata. “But, Daddy Doc, we can't be wrong po. We feel she's our Momma,” giit ni Cassia at nalukot ang cute na mukha nito. Samantalang si Cache ay nakatingala at nakasilip kay Zelmira na tahimik na nakatayo sa gilid ni Cain. Humugot ng malalim na hininga si Cain na tila lumalanghap ng karagdagang pasensya para sa katigasan ng ulo ng mga pamangkin niya. “Cache, Cassia, if you won't stop asserting that she's your mother, I think I have to cut this vacation short and we're going home tonight already. Hindi na tayo magsi-swimming at manonood ng mga starfish. Now, is that what you want, hm?” Akala ni Cain ay epektibo ang pananakot niya sa mga bata ngunit ikinabigla niya na biglang pumalahaw ang dalawa. Pagkapanabay ang malakas na pag-iyak ng dalawa na bumagabag sa dibdib ni Zelmira. Hindi na napigil ni Zelmira ang sarili at nakialam na siya sa usapan ng inaakala niya’y mag-aama. Zelmira certainly didn't know where did she got the courage to tapped Cain’s shoulder at higit sa lahat ay nakuha pa niya itong sitahin. “Imbes na dadahan-dahanin mo sa pakiusap ay dinadaan mo sa pananakot e.” Lakas-loob na sita ni Zelmira sa lalaki at lumatay sa mukha nito ang pagkasorpresa. Hindi lubos inaasahan ni Cain na papagitna ang isang babaeng ngayon lamang nila nakilala kung paano niya ibig pangaralan at didisiplinahin ang sarili niyang mga pamangkin. Her words and action offended him. Tumiim ang bagang ni Cain nang tumindig siya. Hinawakan at dinala ni Zelmira ang kambal sa bisig nito at kakatwang biglang tumahan ang mga bata. “Sa labas ka muna kung puwede lang. Iwan mo muna itong mga anak mo at ako na ang pagpapatahan. Ako na rin ang susubok na magpaliwanag sa kanila. Mukhang kulang lang ng paliwanag para sa kanila. Hayaan mo na ako na ang pagpakilala sa kanila sa sarili ko.” “What? Who do you think you are to do that?” Cain firmly told her. His baritone voice was loaded with dominance. Halos mahigit niya ang hininga sa stern na pagkakatitig ni Cain sa kanya. Ngayon lang napagtanto ni Zelmira na sobrang tangkad pala ng guest nila. He's something over six feet tall and his build is most likely to be peer to those international underwear male models na isang beses na nag-photoshoot sa Isla El Puerco. Zelmira could feel her palms sweating again and her chest pounding. Tensyonado na naman siya kahit wala namang ginagawa ang lalaki sa kanya. Subalit hindi na yata siya magiging komportable sa presensya ng lalaki pagkatapos ng insidente sa banyo kanina. Ang mahihiling na lang ni Zelmira na sana ay hindi magtagal ang stay ng guest nila sa isla. “Mahalaga ba ‘yon kung sino ako? Tsk.” Umismid si Zelmira. “Nagmamalasakit lang ako sa mga anak mo.” “You’ve got to be kidding me, woman. Ano ang gusto mong palabasin dito? Na inaargabyado ko ang mga pamang—‘tong mga bata? You're impossible. Pagiging pakialamera ang tawag diyan sa ginagawa mo.” Sinadya ni Zelmira na taliman ang pagpukol ng titig sa lalaki. “Pakialamera na kung pakialamera pero habang mag-i-stay kayo rito sa isla ay asahan mong makikialam at makikialam ako kung paano mo tatratuhin itong mga bata. Mukha ka kasing walang alam kung paano palubagin ang loob ng mga bata sa sitwasyon na kagaya nito. Aanak-anak ka pero ang ikli ng pasensya mo. Siguro maikli rin iyang ano mo...” Cain blinked in disbelief. “What the...” “Huwag kang magkakamaling magmura rito!” mababang banta ni Zelmira sa lalaki. “Bawal kang magmura at magsungit dito sa teritoryo ko. I'll make it as a golden policy from now on and while you're staying here. Bawat mura mo ay magmumulta ka ng ano... ng limang libo.” Binigyan siya ng nanunuyang ngisi ni Cain. “You’re an impossible woman indeed. Hindi ka lang pala pakialamera, mukhang swindler ka pa.” “Daddy Doc, what are you saying to our Momma? What is swindler po?” Masuyong hinawakan ni Zelmira ang mukha ng nag-uusisang paslit. “Forget about it, pretty little girl. Your Daddy is just trying to apologize for being an...” Sumulyap si Zelmira sa nakabusangot na si Cain at pasimpleng lumabi rito habang sinasambit ang salitang, “Assholé.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD