10. Yapos Ng Kambal

1701 Words
Kabanata 10 Yapos ng Kambal KINSE MINUTOS bago tuluyang nakalapit sa baybayin ng Isla El Puerca ang bangka ni Zelmira at base sa pagkakatanda ni Zelmira ay nasa limang minuto na ring nakakaalis ang chopper na kanina'y lumapag sa kanilang isla. Naghatid lang marahil ang chopper ng kanilang panauhin. Mag-isa niyang ibinaba sa bangka ang mga pinamili mula sa karatig-bayan. Sa pagmamadali na makarating kaagad sa bahay nila ay hindi na siya nag-abala na ipusod ang kanyang palda na siyang nakasanayan niyang gawin para hindi iyon mabasa ng tubig-dagat. Hinayaan ni Zelmira na isayaw ng ihip ng hangin ang kanyang buhok habang naglalakad sa pinong buhangin na may nakakalat na iba’t ibang uri ng seashells. Nasa mahigit beinte-sinko metro pa ang layo ng bahay nila mula sa dalampasigan. At kahit tangkain niyang magmadali sa paghakbang ay hindi niya magawa palibhasa'y may kabigatan din ang kanyang mga bitbit. "Sino kaya ang mga dumating?" Napapaisip siya habang nakasulyap sa dalawang palapag na beach house na itinuturing niyang tahanan. Mayroong umahon na pag-asa sa dibdib ni Zelmira sa kini-kinita na baka dating kaibigan ng Lolo Ignatius niya ang kanilang panauhin. Naniniwala si Zelmira na totoo iyong mga kuwento sa kanya ni Paruparo na mayroong mayayaman na kaibigan ang kanyang Lolo. Matagal nang dinadalangin ni Zelmira na sana'y isang araw ay maalala si Lolo Ignatius ng kanyang dating mga kaibigan at malaman ng mga ito ang naghihirap nilang sitwasyon. Sana ito na iyong araw na 'yon. "Mukhang malayo ang pinanggalingan ng mga bisita namin. Baka galing ibang bansa. Sana may chocolate na pasalubong." Napahagikhik si Zelmira. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling nakatikim ng masarap na tsokolate. Bagkus na sa entrada ng beach house ay napagpasyahan niyang sa likod-bahay dumaan. May pinto roon na konektado sa kusina. Nakakahiya naman kung sa harap siya dumaan at makaharap niya ang bisita nila na basa ang kalahati ng kanyang bestida. Hindi siya presentable. Idagdag pang amoy araw na rin siya. Kailangan niya munang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Nang maihatid sa kusina ang kanyang mga dala ay dali-dali siyang kumuha ng pamalit na damit galing sa sampayan sa likod-bahay. Napakamot siya sa kanyang ulo nang walang makitang underwear niya roon. Hindi naman kasi siya nagbibilad ng underwear sa labas ng kanilang bahay. Bahala na at magagawan naman niya iyon ng paraan mamaya. Bumalik na sa loob si Zelmira. Dumerecho siya sa loob ng banyo at isa-isa nang hinubad ang mga saplot. Sa unang buhos niya ng tubig sa katawan ay nagulantang ang pagkatao niya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. “Pútang...” bulalas na sumabog mula sa bibig ni Zelmira at tila siya hinila paupo sa inodoro at panandaliang nakalimutan ang wastong paghinga. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. “Holy shít! I didn't... I'm...” Marahas na umakyat ang sindak na mga mata ni Zelmira sa taong nagbukas ng banyo ng walang babala. Natuod ito sa nakabukas na pinto at katulad niya ay hindi malaman ang gagawin. “Miss, I'm sorry.” Tumikhim ang lalaki. “Hindi ko alam na may tao.” Paumanhin nito ngunit hindi kagaya kay Zelmira, ang lalaki ay kay bilis na nakahuma sa gulatan nilang dalawa. Pomormal na ito kaya naman ay nakakuha ng tiyempo si Zelmira na mapamaang sa mukha ng lalaking nasa harapan niya. Palihim niyang nahigit ang hininga. The man is strikingly handsome in more ways than one. His eyes were the color of honey brown. Apologetic yet intense— intensely looking at her naked body, partikular sa malulusog niyang súso! “H—hoy, ano ba? ‘Yong mata mo!” tiim bagang na sita ni Zelmira. Tumikhim itong muli at binawi na ang tingin. “I didn't mean to...” Bago pa man makapagpaliwanag ang estranghero ay naabot na ni Zelmira ang pinto gamit ang kanyang paa. Walang pag–iingat na sinipa niya iyon para sumara. Si Cain na nasa labas ng banyo ay napausal ng malutong na mura dahil natamaan ang kanyang mukha sa marahas na pagsipa ng babae sa pinto. Mahigit dalawang oras ang itinagal ng biyahe nila sa himpapawid bago nakalapag sila sa Isla El Puerco. Mainit naman ang pagtanggap ni Ignatius Puerco kay Cain at sa kasama niyang mga pamangkin at sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay nag-excuse siya sandali upang magbanyo. Kanina pa nais pumutok ng kanyang pantog. Ang hindi lang inaasahan ni Cain ay may madadatnan siyang babae sa loob ng banyo na itinuro ni Ignatius. “Miss, hindi ko sinasadya,” he defended himself. “Hindi sinasadya pero kung makatitig ka sa súso ko, kulang na lang ay sakmalin mo! Manyak! Mamaya ka talaga sa akin!” Dinig ni Cain ang matigas na pagbabanta ng babae mula sa loob ng banyo. Damn it to hell! He wasn't even aware that he was giving the unknown woman that kind of look. Basta napatanga na lamang si Cain nang makita ang mukha ng babae lalo na ang hubad nitong katawan. It's... it's heaven. Damn! Napailing na lamang si Cain sa naisip na kahalayan. It made him want to cringe at the sudden thought towards Ignatius’ granddaughter. Hindi niya intensiyon na maganap ang ganoong tagpo. Napalingon si Cain sa nakabukas na exit door sa may bandang kusina at doon na lamang niya naisipan na umihi sa labas. “Kumusta ang Papa mo, hijo? Chickboy pa rin ba?” Natatawang tanong ng matanda. Nagpatuloy ang usapan ni Cain at Ignatius nang makabalik siya ngunit hindi niya maialis sa isip ang babae sa banyo kanina. He doesn't feel uncomfortable anymore. “Hindi na ho, Sir. Since her legal wife had passed away ay tuluyan na ring itinigil ni Papa ang pambababae,” ang tapat na kuwento ni Cain. Hindi lang kilalang mayamang pulitiko noon ang ama ni Cain na si Don Jacobo Salvatierra the III. Bantog din ang pangalan nito dahil sa pagkakaroon nito ng mga kept woman at naanakan pa nito. Isa lang ang lehitimong anak ni Don Jacobo at ang asawa nitong si Donya Mia Paz at iyon ay ang panganay nilang kapatid na si Jacobo ngunit ang anak ng Don sa labas ay nasa isang dosena na ang bilang. Hindi pa accurate ang bilang na iyon ayon kay Don Jacobo. Anito ay mayroon pa itong ibang anak sa mga nakarelasyon nito na pinili na lamang na huwag magpakilala sa kanila. “Kayo, Sir? Kumusta ang buhay n’yo rito sa isla?” Habang gumugulong ang usapan ni Cain at Ignatius ay behave lang na magkatabing nakaupo sa pang-isahang bamboo couch ang kambal na si Cache at Cassia at tila matatandang nakikinig sa kanila. Hindi gumagawa ng ingay ang mga bata. Nakakamangha na marunong tumupad sa kanilang usapan ang kanyang mga pamangkin. Likas na malilikot ang mga pamangkin ni Cain. Madaldal at minsan ay may katigasan talaga ang ulo lalo na si Cassia na madalas ang tantrums. Nang hingin ni Don Jacobo ang pabor sa kanya na dalawin ang kaibigan nitong si Ignatius Puerco ay masinsinang kinausap ni Cain ang kanyang mga pamangkin. Hindi masukat ang excitement ng mga ito nang sabihin niya na magbabakasyon sila sa isang magandang isla ngunit hindi kinaligtaan ni Cain na ibilin at paalalahanan si Cassia at Cache na mag-behave ang mga ito gawa ng wala silang makakasamang babysitter na tutulong kay Cain na magbantay sa mga ito. Their nanny supposedly joined them on that trip ngunit isang araw bago ang biyahe nila patungo sa Isla El Puerco ay nagkaroon ng emergency ang nanny ng kanyang mga pamangkin at kinailangan nitong umuwi sa probinsya nito. Kaya naman ay labis ang pakiusap ni Cain sa kambal na magdahan-dahan sa kakulitan ng mga ito at ayaw na niyang magka-injury ulit dulot ng kapliyahan ng mga ito. Masaya si Cain na mukhang naintindihan ng mga bata ang pakiusap niya. “Walang katumbas ang kapayapaan na natatamasa ko rito sa isla, hijo. Payak man ang aming pamumuhay dito pero hindi ko makakayang ipagpalit pa sa ano mang karangyaan sa ciudad ang buhay na mayroon ako sa islang ito.” Kita sa mga mata ng matandang Puerco ang katapatan sa sinabi. Pinili ni Cain na hindi agarang ihayag sa matanda ang totoong layunin niya sa isla kung bakit ipinadala siya roon. Ang sinabi lamang niya kay Ignatius ay inirekomenda ng kanyang ama ang Isla El Puerco para sa kanilang bakasyon. “To be honest, my eyes instantly fell in love in this island the moment I saw the paradise while we were on the chopper, Sir. Tama nga ang Papa. Wala ngang itulak-kabigin sa islang ito. Tiyak na mag-i-enjoy ang mga bata rito and so do I.” Masayang tumango ang matandang Puerco. “Natitiyak ko iyan saiyo, hijo. You can stay here as long as you want. You are our first visitors this year at ipanatag mo ang loob mo dahil toddler-friendly itong isla. Ligtas na maglaro ang mga anak mo sa baybayin. At huwag kang mag-alala, hijo dahil habang kayo ay naririto ay matutulungan ka ng aking apo para magbantay sa mga anak ko. I'm sure they're a handful to look after.” Ngumiti na lamang si Cain at hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na iwasto ang akala ni Ignatius na hindi anak kundi mga pamangkin niya ang mga batang kasama dahil sa babaeng dumating sa sala de bisita. “Zelmira, apo. Nariyan ka na pala.” “Oho, Lo. K—kanina pa ho. Naligo po ako saglit kaya hindi kaagad ako nagpakita,” ang magalang na sagot ni Zelmira kay Lolo Ignatius. Bahagyang nakatungo ang kanyang ulo. Tensiyonado si Zelmira nang humarap sa kanilang mga panauhin. Ramdam niya kasi ang mainit na titig ng kanilang panauhin sa kanya. Nag-iinit ang pisngi niya sa ideyang mas naunang nakita ng kanilang bisita ang hubad niyang katawan kaysa sa malaman ang pangalan nito. “Zelmira, ito ang ating mga bisita—” Ang tangkang pagpapakilala ni Ignatius sa mga bisita kay Zelmira ay naudlot nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nagmamadaling nagsibabaan mula sa kinauupuan ng mga ito ang kambal na si Cassia at Cache. Bumakas ang matinding gulat sa mukha ng lahat nang tumakbo ang kambal patungo kay Zelmira at ubod ng higpit na yumapos sa binti niya. Naestatwa si Zelmira. “Momma...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD