Kabanata 12
Minura
"Halika kayo." Pag-anyaya ni Zelmira sa mga bata nang lumabas ang tatay ng mga ito sa silid na iyon. Walang pag-aalinlangan namang binigay ng mga ito ang kamay sa kanya.
Kahit may kabigatan ang kambal ay sinikap ni Zelmira na kargahin ang mga ito paisa-isa para paupuin sa gilid ng kamang inaayos pa lamang n'ya.
Wala mang gumamit sa silid na iyon ay kampante si Zelmira na malinis at walang masisinghot na alikabok ang mga guest nila. Parte na kasi ng pang-araw-araw na buhay ni Zelmira sa isla ang linisin ang bawat sulok ng kanilang beach house. Sa gano'ng gawain madalas niyang iginugugol ang oras sa isla dahil wala naman siyang gaanong pinagkakaabalahan doon.
Madalas nga siyang biruin ng Lolo Ignatius niya na hamak na mas presentable pa kaysa sa entablado sa teatro ang sahig nila lalong-lalo na sa itaas na palapag dahil sa kintab at dulas niyon.
Walang kapintasan na makikita sa bahay nila kung sa kalinisan lang ang pag-uusapan. Nga lang ay may isang gawaing-bahay talaga na hindi nakakasundo ang pagkatao ni Zelmira at iyon ay ang pagluluto.
Ani Lolo Ignatius ay marunong naman daw siya sa kusina noon dahil ang kanyang Lolo mismo ang nagturo sa kanya kung paano magluto ngunit kasamang nabura sa memorya ni Zelmira ang abilidad na iyon which she found hugely strange at first. Naniniwala siya na sa kanyang kondisyon ay hindi naman siguro kailangan na pati ang mga kakayahan niya noon, lalo na ang mga kinahiligan niyang gawain like her hobbies and talents ay makakalimutan n'ya rin kagaya sa mga alaala niyang naglaho dahil sa kaso n'ya bilang may amnesia.
Masuyong tinitigan ni Zelmira ang mga bata para kunin ang buong atensiyon ng mga ito. Nag-squat siya sa harapan ng mga ito para kahit papaano ay magkapantay ang kanilang mga tingin.
"Hi." Zelmira was not aware that she was giving the kids the softest and the sweetest smile she could ever offer. "What are your names?" she asked the kids who are staring at her face interestingly.
"I'm Cassia, Momma."
"Cache po ako, Momma."
"Cassia and Cache... Ang gaganda ng pangalan n’yo. Eres muy hermosa, mamacitas.” Ang mga hindi karaniwang salita na bigla na lamang dumulas mula sa bibig ni Zelmira bilang paraan niya para lambingin ang kambal na nasa kanyang harapan.
Her grandfather attested that those words that sometimes she was unusually able to speak are Spanish. Maraming instances na kusang lumalabas sa bibig ni Zelmira ang mga salitang Español nang hindi niya namamalayan.
Makailang beses na rin niyang narinig sa kanyang indistinct na panaginip ang dalawang tao na tila nagtatalo gamit ang ganoong uri ng lenggwahe.
Ang sabi lang ni Lolo Ignatius ay baka alaala iyon noong kabataan niya na maaaring nais bumalik. Anito ay baka ang Tiya Sandra at Tiyo Jolo iyong napakinggan niyang nagtatalo sa kanyang panaginip— sila ang mag-asawang minsan ay nag-aruga rin noon sa batang ulila na si Zelmira bago tuluyang nailipat kay Lolo Ignatius ang kustodiya ni Zelmira no’ng limang taong gulang na ito.
“Somos hermosas porque tu eres hermosa, Momma.”
(Translation: We are pretty because you are pretty, Mommy.)
Napasinghap si Zelmira at namangha sa hindi niya inaasahan na pagtugon ni Cassia.
At ang mas ikinamangha pa ni Zelmira ay malinaw niyang naintindihan ang sinabi ng bata.
“Me... I'm pretty?” She almost giggles.
The adorable twins hummed in chorus as a response while they were nodding their heads. Si Cache ay nilobo pa ang loob ng bibig habang bahagyang nakanguso ang natural na mamula-mulang labi.
“Mamacitas, listen okay. May itatanong ako sa inyo ha? Uhm, bakit n’yo ako tinatawag na Momma?” Marahan ang pagkakasambit ni Zelmira sa tanong na iyon.
Kumislap ang banayad na kayumangging mga mata ng kambal.
“Because of your voice, Momma.”
Zelmira couldn't find uncertainty from Cache’s answer.
“My voice?” Tumikhim si Zelmira at ngumiti. “Ang exciting naman n’on. May kaboses ako at ‘yong Mommy pa ninyo.”
Ganoon na lamang ang ipinagpalagay ni Zelmira. Hindi naman siguro imposible sa mundong ibabaw na may dalawang magkaibang tao ang magkapareho ng boses. Kung hindi siya nagkakamali ay mayroong mga baklang entertainer sa bar sa karatig-bayan na gumagaya ng mga boses ng mga celebrity singer.
“But how about the face, Mamacitas? Do I look like your Momma, too? Do we have the same face, nose, eyes, lips, hair?” Muling tanong ni Zelmira at pinanatiling masigla ang boses.
The twins suddenly went silent and their lips were pouting cutely.
Binuksan ni Zelmira ang mga bintana sa silid na iyon kanina kaya malayang nakakapasok ang hangin sa loob. Isinasayaw ng ihip niyon ang bangs ng mga paslit. Si Cassia ay panay hawi sa buhok nitong tumatakip sa mata nito while Cache doesn't seem to care at all. Basta nakatitig lang ito sa mukha ni Zelmira na tila may hinahanap na malaking kasagutan doon.
Halos mahigit ni Zelmira ang hininga nang umabante ang maliliit na katawan ng kambal at biglang sabay na humawak sa magkabilang pisngi niya ang mga palad nito.
“Tu... tu cara no es la misma que la de mi Momma,” ani Cache sa humihinang boses. Sadness tugged at their eyes which lessened the cheerfulness she had seen in them just a moment ago.
(Translation: Your face is not the same as my, Mommy.)
Sinundot naman ng konsensya ang puso ni Zelmira dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng mga mukha ng kambal.
“My face is not the same as your real Momma because I am not her, Mamacitas.” Sinubukan ni Zelmira na ipaliwanag sa mga bata iyon dahil ramdam niya na kailangan niyang ipaunawa sa mga bata na mali ang inaakala ng mga ito.
Pakiwari niya’y matagal nang hindi nakikita ng kambal ang ina ng mga ito kaya gano’n siguro ang pananabik ng mga ito na makita ang kanilang Mommy.
Sa opinyon din ni Zelmira ay magkahiwalay ang Mommy at Daddy ng mga bata pero hindi niya masabi kung kasal ba ang lalaking iyon sa ina ng mga bata o marahil ay hiwalay na?
Mukhang mahal na mahal ng kambal ang nanay nila, palatandaan lang na mabuti itong magulang.
Kung hiwalay man ang mga magulang ng mga ito ay hindi na masosorpresa si Zelmira kung malalaman niya na nasa Daddy ng kambal ang problema. May katangian ito na kapagdaka’y ayaw niya. Mukhang masungit, bugnutin at arogante.
“Don’t be sad, Mamacitas.” Masuyong hinawakan ni Zelmira ang maliliit na kamay ng kambal na nasa kanyang mukha. Inalo niya ang mga ito ng masuyong ngiti. “Cassia, Cache, I may not be your Momma but I can be your friend and you can call me whatever you want while you are staying in this island. Well, how's that, Mamacitas?”
Sa sinabi niyang iyon ay muling bumakas ang sigla at tuwa sa mukha ng kambal.
At doon nag-umpisa ang matibay na kaugnayan ni Zelmira sa guest nila sa isla.
SUBALIT mayroong hindi natutuwa sa instant mother-daughter bond ni Zelmira at ng kambal.
“I think we should talk to make things clear, Miss.”
Kasalukuyang kumukuha ng unan si Zelmira sa stockroom na naka-imbak sa isang cabinet doon nang mahanap siya ni Cain.
Lagayan ang cabinet na iyon ng mga beddings, tuwalya, bathrobs, unan, toiletries at kung anu-ano pa na maaari nilang ialok sa mga bisita.
Hindi man natuloy ang orihinal na plano noon ni Lolo Ignatius na ipa-develop ang Isla El Puerco para maging island resort ay may pagkakataon pa rin na tumatanggap sila ng guest na nais magbakasyon sa naturang isla. Kaya naman ay naka-stuck ang mga iyon sa cabinet for their guests' basic amenities.
Bilang pagpapakita ng galang ay nagawang harapin ng pormal ni Zelmira ang lalaking bisita.
“Klaruhin mo na ang nais mong klaruhin, Sir. Makikinig ako.”
Pinigilan niya ang mapakurap habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Guwapo at talagang malakas ang dating nito. Iyon ang katotohanan na hindi niya maikakaila sa kanyang sarili.
Kaya lang ay medyo nabawasan ang karisma points nito kay Zelmira kaninang sinungitan siya nito at tinawag na pakialamera at swindler.
“Magsalita ka na, go! Dahil pagkatapos mo ay may sasabihin din ako sa’yo.”
He smirked uninterestingly. “Sinabi sa akin ng mga bata na pumayag ka raw na tawagin nilang Mommy at gusto kong malaman mo na hindi ako pabor doon.” Tumiim ang prominenteng panga nito at tumitig ng mariin sa mukha ni Zelmira na nagpataranta sa mga kulisap sa kanyang tiyan.
Wala siyang naalala na lalaking nagpataranta sa kanya ng ganoon sa isang titig lang.
O marahil nga’y mayroon noon pero sa kondisyon niya ay wala nga siyang maalala kaya itong kababalaghang nangyayari sa sistema niya dulot ng lalaking nasa harapan niya ngayon ay pawang bago sa kanya.
“Hindi naman ako ang nag-insist na tawagin nila akong Momma.” Katwiran ni Zelmira. Hindi niya mawari kung saan niya kinuha ang tapang niya para makipagpaligsahan sa titigan kay Cain.
“Hindi ko kasalanan na napagkamalan akong Mommy nila dahil lang sa kaboses ko raw ang Momma nila. Kinausap ko na nga rin sila kanina, 'di ba? Nilinaw ko na ako si Zelmira at hindi ako ang Mommy na inaakala nila. Sabi ko friends kami tapos bahala sila kung ano itatawag nila sa akin at walang kaso sa akin iyon. At ‘yon nga, nagkasundo ang mga anak mo na Momma ang itawag sa akin. Parang arte-arte na lang ganoon at natutuwa ako na masaya ang mga anak mo.”
Sa haba ng explanation ni Zelmira ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cain. His stares alone are intimidating.
“Oh paano? Gusto mo bang bawiin ko iyong sinabi ko sa mga anak mo? Sasabihin ko ba sa kanila na pinagbabawalan mo akong tawagin nilang Mommy?” Naroon ang paghahamon sa tono ni Zelmira.
Biglang napabawi ng tingin si Cain at nagtagis ang bagang habang may tila pinipigil na masamang salita sa loob ng bibig nito.
“Hindi ka makasagot,” ani Zelmira na halos mapangisi. “Ibig sabihin ay ayaw mo rin. Alam mo, sa tingin ko ang dali lang pasayahin ng mga anak mo. Hindi ako magulang pero ang maipapayo ko lang sana ay huwag mong gawing komplikado ang mga bagay-bagay sa paligid ng mga bata.”
“Komplikado my aßs!” Napaismid ito. “Ako pa ang sinabihan mo niyan gayong ikaw ang lumikha ng komplikasyon na 'to. You let the kids believe they have a mother at paano kung masanay sila saiyo?”
Napipilan si Zelmira. Nais niyang bumuwelta pero naunahan siyang magsalita ni Cain.
“For Pete's sake, Miss! Isang linggo lang kami sa islang ito kaya hindi ako sang-ayon na masyado mong ilalapit ang sarili mo sa mga bata. Don't you get my point, do you? I don't want them to get attached emotionally to a stranger like you!” Tanda ng galit nito ang pagbakat ng litid sa leeg nito.
Napalunok si Zelmira at lumambot ang ekspresyon. Nauunawaan niya ang pinanggalingan ng lalaki. Nauunawaan niya na pinoprotektahan lang nito ang damdamin ng mga anak nito.
“Fine. Naiintindihan kita at ang pinupunto mo.” She let out a sigh as a sign of dismissing the argument between them. “Sisikapin kong huwag ma-attach sa akin ang mga anak mo pero hindi ibig sabihin niyon na susungitan ko na sila para layuan ako. No way! Daddy ka nila kaya ikaw ang may responsibilidad na alalayan ang mga anak mo. Atsaka matanong ko nga pala. Nasaan ang Mommy nila? Hiwalay ba kayo? Tinakasan ka? Sinukuan ka 'no? Masama siguro ang ugali mo.”
“Fúck you, no!”
Napamaang si Zelmira sa solidong mura ng lalaki sa kanya. Napakurap-kurap siya.
“M—minura mo ako? Minura mo ako sa loob ng pamamahay namin? Anak ka ng...!”
Pero bakit ganoon? Imbes na buweltahan niya ito ng mas matinding mura ay nakaramdam pa siya ng kakaibang kilabot sa kaibuturan ng pagkababáe niya. Parang... parang nakakaturn-on ang pagmumura ng lalaki. Hindi namamalayan ni Zelmira na napakuyom na ang mga palad niya.
“Daddy! Daddy Doc!”
“Momma, Daddy Doc! Come down here! Come down! Por Díos! The grandpa here just collapsed!”
ANG LUTONG NG F*CK YOU MO, DOC CAIN HAHAHAHAHA HUMANDA KA DAHIL RERESKBAK 'YAN SI ZELMIRA/PERSIA. LOL