8. Masalimuot

2827 Words
Kabanata 8 Masalimuot SA NAKALANTAD NA MGA mata ng nag-iisang babae na naroon ay kitang-kita ni Persia ang nakaguhit na disgusto at galit roon. “Bring that woman inside.” Mariin ngunit mababang utos ng babae sa mga tauhan nito bago tumalikod. Tila hindi nito masikmura ang tignan ang mukha ni Persia. “Stay away from me! Ano ba? Sinu-sino kayo? Javier! Javier, ano ang nangyayari? Damn it, Javier!” Hindi alintana ni Persia ang pananakit ng kanyang lalamunan sa tigas at lakas ng pinapakawalan ng boses nang sapilitan siyang hatakin ng dalawang armadong lalaki papasok sa lumang bahay. Wala siyang kaide-ideya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay naipasok siya sa isang action movie na may konseptong Mafia o terorista. Sino ba ang hindi nayayanig sa takot kung mapapaligiran ka ng isang dosenang mga kalalakihan na may mga armas at mayroong nakakakilabot na awra? “Pútangina! Magdahan-dahan kayo. Babae ‘yan!” galit na sita ni Javier sa mga humahawak kay Persia subalit nginisihan lamang ito ng mga armadong lalaki. Ang isa sa mga ito ay lumapit sa likuran ni Javier at malakas na binundol ang likod ni Javier gamit ang siko nito. “Estupido! Ano ang silbi para maging marahan kami rito sa babaeng dala mo gayong alam mo namang sa kamatayan din ang bagsak nito! Itigil mo iyang kabobohan mo, Acuesta.” Muling nagtamo ng buntal ng siko si Javier mula sa lalaking balbas sarado. Hirap man ay sinubukan pa rin ni Persia na ipihit ang ulo para tumingin kay Javier na ngayon ay napipilipit na sa sakit. “Javier, kakilala mo ang mga ito? Ano ang ibig niyang sabihin na alam mo na mangyayaring ito? Pinagkatiwalaan kita. Hayop ka! Nilinlang mo ako! Ipinahamak mo ako. Pinaniwala mo akong makikita ko ang mga anak ko! Pananagutan mo ang lahat ng ito, Javier!” Bulyaw at iyak ang nagagawa ni Persia sa mga sandaling iyon. “Persia, patawarin mo ako.” “Hudas ka! Hayop!” Tuluyan nang naipasok sa malaking lumang bahay si Persia ng hindi niya kilalang mga kalalakihan. Isinara ang double door ng entrada at naiwan si Javier sa labas at binabantayan ng dalawang armadong kalalakihan. Isang maling galaw lang ni Javier ay sabog ang bungo nito dahil sa nakaambang mga de kalibre na baril mula sa mga tauhan. Samantalang sa loob ng bahay ay dere-derechong umakyat sa ikalawang palapag ang babaeng amo ng mga armadong lalaki. Mag-isa itong umakyat sa librerya. Bago bitbitin si Persia ng mga lalaking nakahawak sa kanya ay sandali silang tumigil. Naglakad patungo sa harapan ni Persia ang isang lalaking matangkad. May suot itong sombrero na yaong makikita sa mga cowboy character sa mga pelikula. Isa pa sa napansin ni Persia sa lalaki ay ang peklat sa kaliwang kilay nito na ang haba ay umabot pa sa bahaging nasa ilalim ng mata nito. Kinilabutan si Persia sa presensya at titig ng lalaki sa kanya. “Wala kang gagawin at sasabihing hindi maganda kapag humarap ka kay Senyora kung ayaw mong mapaaga ang trabaho namin sa paglilibing saiyo. Maliwanag ba, sweetheart?” Mabilis na iniwas ni Persia ang mukha nang tangkang hahaplusin iyon ng lalaking nasa harapan n’ya. Tumiim ang mukha ni Persia. “Ano ang kailangan n’yo sa akin? Is this abduction? Puwes, isang dosena kayong mga hunghang at hangal dahil wala kayong mapapalang ransom money mula sa pamilya ko! Just let me go, okay? Hindi ako tutubusin ng pamilya ko dahil... dahil wala akong importansya sa kanila. Nagsasayang lang kayo ng panahon sa akin.” Ngumisi ang lalaki. Pumalatak din. “Kung malalaman mo lang ang limpak-limpak na salaping naghihintay saiyo ay hindi mo iisiping ibaba ang sarili mo, hija.” “Wala akong alam sa sinasabi mo kaya pakawalan n’yo na ako. Ano ba? Kung nasaan man iyang limpak-limpak na salaping sinasabi mo, puwes saiyo na. Isaksak mo sa baga mo at pakawalan n'yo ako!” “May pagkaarogante rin pala ang iyong asta, hija. Mana ka sa ama mo!” Natigagal si Persia. A—ama ko? Hindi makapaniwala niyang sambit sa ilalim ng kanyang isipan. Ibig sabihin ay kilala ng taong ito ang kanyang ama? Impit na dumaing si Persia nang lumapat sa mukha niya ang likod ng palad ng lalaki. He slapped her ruthlessly. Her face bled dulot ng pagsugat ng bato mula sa suot na singsing ng lalaki. Nagbagsakan ang luha ni Persia at nanlisik anb kanyang mga mata nang pukulin niya ng tingin ang lalaking sumampal sa kanya. “Iakyat n’yo na ang babaeng ito kay Senyora,” utos ng sumampal sa kanya sa mga kasama nito. Muli ay kinaladkad si Persia ng mga kalalakihan paakyat ng konkretong hagdan. Maligasgas siyang itinulak papasok sa isang nakabukas na silid. “Iwan n’yo na siya rito,” ani ng babaeng nakatakip ng itim na face mask ang kalahating mukha. Nakaharap ito sa bintana. Mariing pinalis ni Persia ang luha mula sa kanyang mukha ngunit nangatal ang kanyang mga labi nang may mantsa ng dugo na dumikit sa palad niya. Matalim ang titig na ipinukol niya sa likuran ng babae. Wala siyang kaide-ideya kung sino ang babaeng iyon na tinatawag na Senyora ng mga armadong kalalakihan. “Sino ka? Ikaw ba ang ina ni Cyrus? May kinalaman ka ba kung nasaan ang mga anak ko?” Garalgal ang tinig ni Persia. “Wala akong obligasyon para ipakilala saiyo ang aking sarili. Hindi ka naparito para magkakilalanan tayong dalawa. That would be a búllshit thing to do,” wika ng babae bago pumihit paharap kay Persia. Nagtama ang kanilang mga mata at matamang sinasalo ni Persia ang nanlulupig na titig ng babae sa kanya. Base sa tinig nito ay naipagpalagay ni Persia na may edad na ito. “Kung ayaw mo akong makilala, fine with me pero sasabihin ko pa rin saiyo na ako ang ina ng kambal na dinala ni Cyrus dito sa Pilipinas. Babawiin ko ang mga anak ko. Kung iniisip mo na maghahabol ako sa anak ninyong si Cyrus, mapanatag po kayo na hinding-hindi ko iyon gagawin. Hangga’t nabubuhay ako ay hindi ko tatangkain na mag-demand ng sustento mula kay Cyrus. Hindi po ako manggugulo sa pamilya ninyo kung sakali man na iyon ang iniintindi ninyo basta ibigay n’yo lang po ang mga anak ko sa akin.” Keeping her hard gaze, the woman walked closer to where Persia was standing ngunit nagtira ito ng dalawang metro sa pagitan nilang dalawa. Umahon sa sistema ni Persia ang kuryusidad na masilayan ang mukha ng babaeng kaharap niya ngunit batid niyang kahit makiusap siyang tanggalin nito ang takip sa mukha nito ay imposibleng susundin nito ang kagustuhan niya. Cyrus’ mother obviously doesn't like her and it was fine with Persia. It is not as if she was born to please people who don't like her though. “Naipa-DNA ko na ang kambal...” umpisa ng babae na hustong ikinabigla ni Persia. Napamaang siya sandali. “DNA? Bakit? Para sa anong dahilan?” Nagkibit ng balikat ang kausap niya. “Tinitiyak ko lang na hindi ako nililinlang ng anak kong si Cyrus. I am glad with the accurate results. Si Cyrus nga ang ama ng mga anak mo. He is one step closer to our triumph but that boy chose to deceive me.” “Hindi ko maintindihan ang tunay na pakay ninyo sa akin.” Nanunuyang tumaas ang kilay ng babae. “Bueno, nakatitiyak naman ako na wala ka nang pagkakataon na maihayag sa publiko ang katotohanan. I will tell you a secret then, woman.” Tumalikod ang Senyora at umupo sa office chair na nasa likod ng malaking working desk. Halos lahat ng mga muwebles at chandelier sa silid na iyon ay mga vintage na. “Sino ho ba talaga kayo?” “I am sure na mas magiging interesado kang malaman ang tungkol sa katauhan mo kaysa sa kung sino ako. And to begin with, I need you to meet my husband, Salvador Crisostomo Plancarte.” Sumunod ang mga mata ni Persia sa itinurong family portrait ng Senyora. “He's a multi-millionaire businessman and an investor. Maliban pa sa dating propersyon niya bilang surgeon ng sarili niyang ospital. Salvador is the sole inheritor of the Crisostomo and Plancarte clan.” “Hindi ko siya kilala.” Ang tapat na wika ni Persia though she already heard that name from Javier awhile ago. Na ito ang stepfather ni Cyrus at ibig sabihin lang niyon ay ang ina nga ni Cyrus ang kaharap niya ngayon. “Salvador is your biological father. Puwes ngayon kilala mo na siya.” Pinanlamigan si Persia sa rebelasyon na iyon ng Senyora. Umiling-iling si Persia. “Ma’am, please. Hindi ho talaga ako interesado na makilala ang asawa n'yo o sino man sa pamilya ninyo. Ang mga anak ko lang po ang sadya ko. Alam ko po na nasa inyo si Cache at Cassia kaya nagmamakaawa ho ako sa inyo. Ibigay n’yo na lang po sa akin ang mga anak ko.” Sumamo ni Persia sa basag na tinig. “Nonsense,” sambit nito sa magaspang na tono. “Kung ako saiyo ay hindi ko na tatangkain na makuha ang mga bata. Madadamay sila sa masalimuot na kapalaran na naghihintay para saiyo.” “Damn! Ano ba talaga ang pakay n’yo sa akin ha?” asik ni Persia. “To answer that, well, I need your presence and cooperation once we're going to devolve the name of the inheritor from your father's last will and testament. At huwag kang mag-alala, oras na maisalin sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian ni Salvador ay may pagkakataon kayong mag-ama na makita ang isa’t isa. Iyon nga lang ay sa huling pagkakataon na.” Nagtaas-baba ang dibdib ni Persia dulot ng galit na sumulak sa kanyang sistema. She was trapped. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng librerya at pumasok ang lalaking naka-cowboy hat na sumampal sa kanya kanina. “Tiago, tiyakin mong hindi makakawala ang babaeng iyan sa silid na ito. Itali ninyo nang hindi makatakas.” Atas ng Senyora sa tauhan. “Areglado, Senyora.” Saglit na lumabas ang lalaking tinawag na Tiago at pagbalik nito ay kasama na nito ang dalawang kasamahan. May bitbit na lubid. Nabalot ng tili ni Persia ang buong librerya habang puwersahan siyang itinatali ng mga tauhan. Ngayon lang siya natakot para sa kanyang sarili sa tanang buhay niya. Tinakpan din ng bandana ang kanyang bibig para manahimik siya. Inilagak siya ng mga tauhan sa isang maagiw at maalikabok na sulok ng librerya. Ang Senyora at si Tiago ay nanatili sa loob ng librerya, nag-uusap. Si Tiago ay nakaupo sa office chair. “Aayusin ko na ang huling plano natin sa lalong madaling panahon. Malapit na nating makamtan ang tagumpay.” Pinanood ni Persia kung paano hatakin ni Tiago ang Senyora patungo sa kandungan nito. “At malapit na rin kitang maangkin ng buong-buo at walang kahati, Cora.” Kagyat na pumikit si Persia bago pa man niya makita ang malaswang pagtatalik ng dalawa sa mismong silid na kinaroroonan niya. Halos masuka siya sa ginagawa ng dalawa. PERA. Iyon ang pinag-ugatan ng masalimuot na kapalaran ni Persia sa kamay ni Senyora Cora. Kapalarang hindi sana niya mararanasan kung wala lamang siyang koneksiyon kay Salvador Plancarte— ang tunay niyang ama. Ang taong ni minsan sa buhay nuya ay hindi niya narinig ang pangalan. Lumaki si Persia sa paniniwalang yumao na ang kanyang tunay na ama dahil iyon ang sinasabi sa kanya ng kanyang inang si Preciousa. Ngayon nauunawaan na ni Persia kung bakit itinago ni Preciousa ang tungkol sa tunay niyang ama. Sa pakagay niya ay pinoprotektahan lamang siya ng ina sa mga sakim at hangal ang bitukang mga tao na nakapaligid sa kanyang tunay na ama na walang ibang hangad kundi kamkamin ang kayamanan ni Don Salvador. Tatlong araw nang nakagapos si Persia sa librerya ng silid. Pinapakawalan lamang ang kamay niya sa tali sa tuwing hahatiran siya ng pagkain na mula nang ikulong siya ay tatlong beses lang din siyang binigyan ng panglaman ng sikmura. Nanghihina na si Persia sa hirap ng kalagayan niya. Halos oras-oras ang kanyang pag-iyak sa awa niya sa kanyang sarili at sa pananabik sa mga anak niya. Pumapalahaw siya sa tuwing naiisip niya na hindi na niya muling masisilayan at mayayakap si Cache at Cassia. “Persia...” isang madaling araw ay nakapuslit sa librerya si Javier na inakala niyang iniligpit na ng mga tauhan ni Senyora Cora. “Javier,” nanghihinang binuksan ni Persia ang mga mata. Naaninag niya ang bulto ni Javier. “Shh. Huwag kang gagawa ng ano mang ingay. Itatakas kita rito. Ilalabas kita sa bahag na ito. Patawarin mo ako, Persia. Patawarin mo ako.” Kinalagan siya ni Javier. Maingat ito sa paglaslas ng lubid na nakatali sa mga kamay at paa ni Persia. “Javier, paano ka nakapasok dito? Ang akala ko ay pinatay ka na nila.” “I made a way to save myself, Persh. Mula nang magkakilala kami ni Senyora Cora ay hayagan na itong nagpapakita ng motibo. Cora is a nymph cougar. Paiba-iba ang lalaking magugustuhan nito at nagkataon na nagamit ko ang atraksyon niya sa akin para pagkatiwalaan akong muli. I deceived her through seduction.” “Oh God, Javier!” naiiyak na sambit ni Persia nang tuluyang naalis sa katawan niya ang makakapal na lubid na halos humiwa na sa kanyang balat. Lasing ang mga tauhan ni Cora dahil isa sa mga ito ang nagdiriwang ng kaarawan ng nagdaang gabi kaya nasilip iyon na pagkakataon ni Javier para itakas si Persia. Sa likod ng lumang mansion dumaan si Persia at Javier. “Hindi ko kabisado ang lugar na ito ngunit wala akong alam na ibang daan palabas maliban sa underground tunnel.” Nagririgodon ang labis na takot sa dibdib ni Persia. “Tara na, Javier. Utang-na-loob.” Pagmamakaawa niya. Wala siyang nais na sayangin na segundo. Sa bawat naaapakang tuyong dahon at sanga ni Persia o Javier na naglilikha ng tunog ay nagdudulot iyon ng karagdagang sindak sa dibdib niya. Sindak na baka may makakita sa pagtakas nila. Sa ilalim ng lupa sa likod-bahay ay may natunton silang tila imbakan. Iyon ang daan patungo sa underground tunnel na tinutukoy ni Javier. 3 feet lamang ang taas ng tunnel at hindi gaanong maluwag kaya hindi mapapadali ang paglabas nila roon dahil kinakailangan nilang gapangin ang nasa kalahating kilometrong haba ng tunnel bago makarating sa dulo niyon. “Huwag kang titigil, Persia.” Hikayat ni Javier sa kanya dahil talagang hinang-hina na ang kanyang katawan. Inilagay ni Persia sa kanyang isip na naroon sa dulo ng tunnel ang mga anak niya nang sa ganoon ay mapapalakas ang kalooban niya. Ilaw mula sa dalang lighter ni Javier lamang ang liwanag na tanging gumagabay sa kanila. Napahagulhol si Persia nang sa wakas ay nagtagumpay silang makalabas sa tunnel. Agos ng tubig ang sumalubong sa kanila. Tila sila napadpad sa isang gubat. “Kailangan na nating makaalis sa bayan na ito bago pa sumikat ang araw, Persia. Kaya mo pa ba?” “Oo. Oo, Javier.” Binagtas nila ang masukal na gubat. Nasusugatan ng tinik at dawag ang kanyang mga paa ngunit hindi iyon alintana ni Persia. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar na iyon ng buhay. Makalipas ang sampung minutong paghahanap nila ng exit ng gubat ay nasindak sila sa narinig na mga yabag ng kabayo. “Maghanap kayo ng maigi. Walang ibang pupuntahan si Acuesta at ang bihag maliban sa gubat na ito.” Napauklo si Javier at Persia sa gitna ng nagtataasang damo. “Javier, ano ang gagawin natin?” napapaiyak na sabi ni Persia. “Fúck! Persia, listen. Mas maigi siguro na maghiwalay tayo. Sa ibang panig ako dadaan para iligaw ang mga tauhan ni Senyora Cora. Kapag narinig mong malayo na saiyo ang mga yabag ng kabayo ay hudyat na iyon para saiyo na tumuloy. Hanapin mo ang kalsada, Persia. Iligtas mo ang sarili mo.” “J—javier...” “Sumunod ka na lang, Persia. Please, gawin mo ito para sa sarili mo. Do it.” Dumaloy ang luha sa pisngi ni Persia nang bitawan ni Javier ang kanyang kamay. Sinunod niya ang instruksyon na ibinigay ni Javier. Napaigtad siya at impit na napahagulhol nang sunud-sunod na putom ng baril ang narinig niya sa direksyon kung saan tumakbo si Javier. Nang mawala na sa kanyang pandinig ang ingay ng mga yabag ng kabayo ay nagsimula na siyang tumakbo patungo sa kasalungat na direksyon. Tumagal ng mahigit isang oras ang paghahanap niya sa labasan ng gubat ngunit bigo pa rin siya. Hanggang sa makarating siya sa isang mas malaking ilog na agresibo ang daloy ng tubig. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumuong sa ilog para makapunta sa kabilang ibayo na tila may payak na baryo. Ngunit sa pagtatangka ni Persia na makatawid ay aksidente siyang nadulas sa malumot na bato at natumba. Tumama ang kanyang ulo sa bato dahilan para kagyat siyang panawan ng malay-tao at matangay ng bayolinteng agos ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD