MARAMING SALAMAT MGA MADAM NA NARITO AT NAG-AABANG SA KUWENTO NI DOC CAIN. LOVE LOTS PO.
Kabanata 9
Isla El Puerco
Eleven Months Later...
NAPAPAILING SI CAIN dahil kinailangan pa niyang magkandaligaw-ligaw sa indoor jungle ng kanyang ama na si Don Jacobo. Lumamig na nga ang tsaa na hiningi niya sa isang kasambahay sa tagal ng paghahanap niya kay Don Jacobo.
Makailang beses na siyang nakapasok sa paboritong parte na iyon sa mansion ng kanyang ama subalit hindi pa rin niya masaulo ang pasikut-sikot roon.
Kung may listahan ng mga pambihirang bahay sa mundo ay tiyak na mangunguna at pag-uusapan ang mansion ng mga Salvatierra.
Extraordinary ang mansion na nakatayo sa mahigit limang libong square meter lot and the mansion covers almost three-fourth of the property. Ang sangkapat na loob ng mansion ay pina-renovate ni Don Jacobo noong mamatay ang esposa nito at ginawang indoor jungle bilang commemoration sa esposa. Isang Ecologist ang namayapang esposa ng Don na noo'y empleyado sa isang international non-governmental organisation.
"Pa..."
Nakahinga ng maluwag si Cain nang sa wakas ay natagpuan niya si Don Jacobo na nakaupo sa isang wooden bench sa ilalim ng isang bakuan gubat na puno. Tunay at hindi artificial ang mga halaman at puno sa loob ng indoor jungle ni Don Jacobo. Sa tulong ng mga eksperto ay nagawan ng paraan kung paano matutustusan ang mga pangangailangan ng mga buhay na bagay para maka-survive ang mga iyon.
Nagtaas ng tingin sa kanya ang matanda. "Narito ka na pala, hijo."
Nagmano at hinagkan ni Cain ang ama sa noo bago siya naupo sa espasyo sa tabi ng bangko.
"No'ng isang linggo pa kita pinatawagan kay Jake, Cain." Tukoy ng matanda sa eldest son nitong si Gobernador Jacobo.
Sumimangot ang matanda. “Aba'y halos hindi mo na ako madalaw-dalaw dito. Nitong taon ay tatlong beses ka lang nagpakita rito sa bahay at kailangan ka pang pilitin para gawin iyon." Bakas sa tono ng Don ang pagtatampo.
Sumimsim sa kanyang tsaa si Cain. Hindi nga siya nagkakamali at malamig na nga'ng talaga iyon but he still drunk it though to fill his stomach. Sa loob ng anim na oras ay crackers lang at gatas ang sumayad sa sikmura niya dahil naka-duty siya sa ospital magdamag. Pagkatapos naman ng shift niya ay dumerecho na siyang bumiyahe patungo sa bayan ng Salvatierra.
"I am truly sorry for that, Papa. Nabanggit ko naman noong huling dalaw ko sa inyo na masyado akong abala sa ospital at sa pag-aalaga sa dalawang pamangkin ko. Apektado ang oras ko lalo na dahil sa kasong isinampa sa dalawang bagong doktor ng Placidia Viel sanhi ng malpractice. Personal ho akong nakikipag-areglo sa tulong ni Osiris sa pamilya ng biktima." Mahabang pagpapaliwanag ni Cain sa ama.
Dume-kuatro ang kanyang mga binti at ipinatong niya sa ibabaw ng tuhod niya ang hawak na tasa ng tsaa.
Nasa poder ngayon ni Cain ang dalawang pamangkin na anak ng kapatid niyang si Cyrus na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Dati ay nasa kustodiya ng kanyang ina na si Cora ang kambal ngunit nang mag-umpisang magkasakit ang asawa nitong si Don Salvador ay iginiit ni Cora na sa Estados Unidos ipagamot ang Don imbes na sa sarili nitong ospital kaya naman ay ipinagkatiwala ni Cora kay Cain ang pangangalaga sa mga bata.
Bumuntong-hininga ang matanda at mahinang tumango bilang pang-unawa. "Tapos na ang suliranin mo sa ospital, hindi ba?"
"Fortunately yes, Papa."
The old man nodded sluggishly. "At bakasyon na rin ng mga pamangkin mo sa eskuwela." Dagdag nito.
"Gano'n na nga ho, Pa."
"Then I will send you and your nieces on a vacation." Deklara ng Don na ikinapilig ng ulo ni Cain.
"Hindi na ho kailangan, Pa." Malumanay na tanggi ni Cain bagaman at madalas siyang kinukulit ng mga pamangkin niya na mag-swimming daw sila ngunit hanggang ngayon ay hindi niya mapagbigyan ang hiling ng mga ito gawa ng hectic schedule niya sa ospital.
"Marahil ay natatandaan mo pa si Ignatius Puerco."
Hindi inaasahan ni Cain ang biglang pagbanggit ng kanyang ama sa taong iyon. "Hindi gaano, Papa pero natatandaan ko bukod sa siya ang Bise-Gobernador ninyo noong ikalawang termino ninyo bilang Gobernador ay sa kanya n'yo rin kinuha ang pangalan ng unggoy na iniregalo ninyo kay Osiris."
"Ciertamente, hijo." The old man chuckled softly. “Si Ignatius ay isa sa iilang amigo ko na kahit kailan ay hindi ako trinaydor at tinalikuran. He was a loyal El compañero even then."
"Bakit n'yo ho siya biglang nabanggit, Pa?"
Sumeryoso ang anyo ni Don Jacobo at nabahiran ng pag-aalala ang mga mata.
"Mayroong isla na ipinamana kay Ignatius ang kanyang mga ninuno at buhat nang umalis siya rito sa Salvatierra ay iyon na ang kanyang naging tahanan. Nakarating sa kaalaman ko na may taong pinagkakautangan si Ignatius at ngayon ay naniningil ito sa impulsibong paraan at tila inuutakan ang aking kaibigan. Hinihingi nito ang isla bilang kabayaran ngunit batid ko kung gaano kahalaga kay Ignatius at sa kasaysayan ng pamilya niya ang isla na iyon." Lumingon na nang tuluyan ang matanda kay Cain.
"Cain, makinig ka, hijo. Ibig kong puntahan mo si Ignatius. Gawan mo ng paraan na manatili sa pangalan niya ang propyedad ng isla at kung sakaling maisipan niya na ibenta, acquire it using my money but we will never take it from him. I want you to protect my friend from those greedy people who wanted to own his island in an approriate way.”
His father gave him a worried look. “And you should take a leave while you're helping my friend, hijo because your mind and body needs some rest. Alalahanin mo na ang trabaho ay hindi nauubos pero ang buhay ng tao ay may hangganan, Cain. Learn to rest while you're awake. Hindi ako papayag na saka ka lang pagpapahinga kung..." Nagpakawala ng malalim na hininga si Don Jacobo at piniling huwag nang ituloy ang sasabihin.
Napatungo na lamang si Cain sapagkat batid niyang walang saysay kung makikipag-argumento siya sa kanyang ama. Naisip din ni Cain na buhat noon ay ngayon lang humingi ng pabor sa kanya ang ama at mabigat sa loob niya na tanggihan ito.
"Mahina na ako, Cain at hindi na kakayanin ng katawan ko ang personal na puntahan ang kaibigan ko kaya saiyo ako umaasa, hijo. I need you to lend the help my friend needed on my behalf. I rely on you, hijo." Tinapik ng kanyang ama ang kanyang balikat. Naroon ang anino ng pananalig sa mukha nito.
Tipid na tumango si Cain at muling inilapit ang tasa sa kanyang bibig para ubusin ang tsaa na laman niyon ngunit halos maibuga na niya ang inumin na nasa kanyang bibig nang may inihirit si Don Jacobo.
“At maidagdag ko lang. Mayroon palang apo si Ignatius. Dalaga pa raw ayon sa nabalitaan ko and you're single, Cain. Why don't—”
“Pa, don't go there. Alam n’yo namang hindi maaari ang iniisip ninyo. I have an extending agreement with Don Salvador. Naka-oo na ako sa kanya na pakakasalan ko ang anak niya oras na mahanap ko ito.”
Nagkibit ng balikat ang matanda. “Ang sa akin lang ay baka mainip ka sa kahihintay sa anak ni Salvador. Puwede namang ipagkasundo kita sa apo ni Ignatius.”
Tinawanan na lamang ni Cain ang sinabi ng ama at tinuring na isang biro.
“ISANG LITRO po ng mantika.”
Agarang nagusot ang mukha ng tindera nang bumili roon si Zelmira.
“Wala! Walang mantika.” Walang pag-aalangan na sabi ng tindera kahit na naka-display sa tindahan nito ang bote-boteng mantika na kailangan ni Zelmira.
“Umalis ka rito baka mahawa pa sa kamalasan mo ang tindahan ko. Puwede ba, roon ka sa iba!” Pagalit na taboy ng tindera kay Zelmira.
Bagaman at hindi na bago sa kanya ang ganoong trato ng ilang tao sa bayan ay nanliliit pa rin siya.
Napayuko na lamang si Zelmira at isinuklob sa ulo ang hood ng kanyang jacket para itago ang mukha sa mga mata ng ilang napatingin sa gawi niya.
"Zelmira! Zelmira!"
Isinisigaw ng bulilit ang pangalan niya na nakita nitong namimili sa isa sa nakahilerang stool ng mga tindahan sa labas ng fish port.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Zelmira nang malingunan ang papalapit na kaibigan. Na-divert ang pagkasira ng mood niya dulot ng mataray na tindera nang makita ang kaibigan.
"Paruparo," tawag niya sa pangalan nito.
Si Paruparo ay vendor din sa labas ng fish port. May kondisyon itong tinatawag na dwarfism kaya sa edad nitong beinte-otso ay mukha itong bubwit sa elementarya. Mga pampaganda ang inaalok nito lalo na sa mga pasahero at mangingingisda na dumadaong sa pantalan na nagmula sa mga kalapit isla. Marami ring suki si Paruparo na mga empleyado sa mga brothel malapit sa fish port.
Isa si Zelmira sa nakatira sa isla at dalawang beses sa isang buwan kung magpunta siya sa bayan para mamili ng mga kailangan nila ng Lolo Ignatius n'ya katulad ng grocery at gamot ng matanda. Sa madalang na pamimili niya sa bayan ay naging kaibigan na niya si Paruparo.
“Itinaboy ka na naman ng mga pangit na ‘yon.” Wala man siyang ikuwento ay batid kaagad ni Paruparo ang nangyari.
“Sumubok lang ako baka makalusot pero wala talaga sa kanila ang pumayag na pagbilhan ako. Wala na kaming supply sa isla.” Malungkot na wika ni Zelmira.
Namumuhi at mailap kay Zelmira ang mga tao sa fish port dahil sa paniniwala ng mga ito na may nakabuntot na kamalasan sa pagkatao niya na nakakahawa sa sino mang malapit sa kanya. Samo’t saring masasamang kuwento ang naririnig niya mula sa mga tao tungkol sa kanya ngunit pilit na lamang niyang binabalewala ang mga naririnig sapagkat hindi naman niya masabi kung may katotohanan ang mga iyon. Wala rin naman siyang maaalala sa nakaraan kaya hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili.
Kalat sa kalapit-bayan ng Isla El Puerco ang kuwento-kuwento na si Zelmira ang malas sa buong angkan ng mga Puerco. Sa mismong araw daw kasi nang isinilang si Zelmira ay binawian din ng buhay ang ina nito. Nagdulot ng depression sa ama ni Zelmira ang pagkawala ng esposa dahilan para mag-suicide ito. Mayroon ding mga negosyo ang ilang kamag-anak nila na nagkandalugi na inuugnay sa kanya kaya simula noon ay iniignora na sila ng mga ito.
Naiwan si Zelmira sa pangangalaga ng Lolo Ignatius nito na noo’y isang pulitiko. Nag-focus ito sa negosyo sa isla ngunit ang plano nitong pagde-develop sa isla bilang resort ay hindi natuloy dahil sa nagantso ito ng developer na pinagkatiwalaan nito.
Ikinakabit lahat ng kamalasan sa katauhan ni Zelmira dahilan para kamuhian siya ng mga tao.
“Hayaan mo at ako na ang mamimili para saiyo. Bantayan mo muna itong puwesto ko saglit.”
Lumiwanag ang mukha ni Zelmira sa kabaitan ng kaibigan. Hulog ng langit talaga sa kanya si Paruparo.
"Nga pala, may bago akong produkto rito, Zelmira. Lotion atsaka sunflower oil. Trending 'to sa t****k, mare. Epektibo raw at tiyak na nakakaputi. Try mo 'to. Utang muna tapos kapag effective sa'yo ay saka mo ako bayaran. Kawawa na 'yang kutis mo sa madalas na pagbibilad sa araw sa isla," ani Paruparo na hinahanda nang isupot ang mga inaalok na produkto.
"Binabaon mo na ako sa utang nito, Paruparo." Pabirong umismid si Zelmira. "Matagal ko pa itong mababayaran. Alam mo naman na gipit na gipit kami ni Lolo Ignatius ngayon dahil sa nagastos niya sa pagpapa-opera sa mukha ko. Ginigitgit na kami ng inutangan niyang si Kapitan Ipyon. Namomroblema na ako lalo na't nakikita kong problemado rin ang Lolo."
Pabor kay Zelmira na nakakaluwas siya sa bayan dahil may napagsasabihan siya ng kanyang mga suliranin. Hindi kagaya sa isla na mga manok, ibon at kung hindi man ay mga rock formation ang tanging kinakausap niya. Pribadong pagmamay-ari ng Lolo Ignatius niya ang Isla El Puerco at nag-iisa lang ang nakatirik na bahay roon at iyon ang tinitirahan ni Zelmira kasama ang setenta y siete anyos niyang Lolo na si Ignatius Puerco.
Kung mayroon lang siyang ibang masusuyo na magbantay sa Lolo niya sa isla, marahil ay mapapadalas ang pagluwas ni Zelmira sa bayan. Doon kasi ay malaki ang tsansa na makahanap siya ng trabaho para naman ay kumita siya ng pera. Pera lang naman ang sagot sa kasalukuyan nilang problema ng kanyang Lolo nang sa gano'n ay tantanan na sila ng mga tauhan ni Kapitan Ipyon.
“Iniisip ko na nga na maghanap ng trabaho rito sa bayan, Paruparo,” nabanggit niya habang nilalabas sa maliit niyang pouch ang maikling listahan ng mga bibilhin. Marami pa silang kailangan sa isla ngunit prinayoredad lang ni Zelmira ang mga higit nilang kailangan gawa ng isang libo lang ang dala niyang pera.
“Puwede ba ‘yon, Zelmira? Kapag nagtrabaho ka ay maiiwang mag-isa sa isla ang Lolo mo. Delikado. Mabuti sana kung may mga kapitbahay kayo roon na maaaring tumingin-tingin sa matanda. Hindi naman puwedeng magbantay kay Lolo Ignatius ay ‘yong mga manok at ibon.”
“Iyon na nga ang inaalala ko. Kailangan naming mabayaran o kahit mabawasan man lang ang natitirang utang namin kay Kapitan Ipyon at mangyayari lang iyon kung magtatrabaho ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Paruparo. Hindi naman puwedeng tumunganga lang ako sa isla hanggang sa makuha ni Kapitan Ipyon ang pagmamay-ari ng buong isla.”
Binilang ni Zelmira ang pera para ibigay kay Paruparo. Umalis na rin ang kaibigan para ito ang mamili ng mga dadalhin niya sa isla.
Tatlong babae ang lumapit sa puwesto ni Paruparo na suki ng kanyang kaibigan. Hinayaan ni Zelmira na mamili ang mga ito sa mga pampagandang tinda ni Paruparo.
“Narinig kong sinabi mo kay Paruparo na balak mong magtrabaho.”
Nasorpresa si Zelmira nang kausapin siya ng isa sa tatlong suki ni Paruparo.
“Ah, iyon ba? Uhm, wala iyon. Nagbabalak lang ako pero hindi kasi puwede kahit gustuhin ko,” sagot ni Zelmira sa babae.
Kahit hindi niya tanungin ay alam niyang mga empleyado ng Blue Aquarium ang mga ito— isang brothel o bahay-aliwan sa bayan na iyon.
Malambing siyang nginitian ng babae. Lantaran nitong sinuri ang kabuuan ni Zelmira. “Ang ganda ng height mo, pang-modelo. Maganda rin ang hubog ng katawan mo, may laman pero seksi ang kurba. Ang balat mo, kulang lang sa lotion iyan. Tiyak na bebenta ka sa Aquarium, ‘day.”
Hindi mapigilan ni Zelmira ang ngumiwi ngunit wala siyang intensyon na i-offend ang trabaho ng mga babae sa Blue Aquarium.
“Sa susunod na Biyernes ay may dadaong na barko ng mga Koreano malapit dito sa pantalan. Malaki ang posibilidad na bibisita ang mga Oppa sa Blue Aquarium. Hindi bababa sa beinte mil ang posible mong kitain, ‘Day o baka mas higit pa lalo’t baguhan ka at no experience sa aking palagay. At dinig ko ay may atraso kayong malaking halaga kay Kapitan Ipyon. Puwes, sinasabi ko saiyo na maaaring malutas ang problema ninyo kay Kapitan Ipyon dahil matalik na kaibigan ng Boss ko si Kapitan. Tiyak matutulungan ka ng Boss ko.”
Tumangu-tango na lang si Zelmira kahit na ang kanyang isip ay bayolinte ang pagwaksi sa job offer ng babae. Sasakalin siya ni Lolo Ignatius kapag nalaman nitong may offer sa kanya na maging entertainer sa brothel.
“Alam mo naman ang Blue Aquarium. Kapag nakapagpasya ka na gusto mo ang offer ko, hanapin mo lang ako roon. Pearly ang pangalan ko.”
“S—sige, Pearly.”
Inasikaso ni Zelmira ang mga pinamili ng mga babae at nang bumalik ang kaibigan niyang si Paruparo ay mayroon na siyang benta na mahigit sa dalawang libo. Natuwa sa kanya si Paruparo kaya inilibre pa siya nito ng isang kilong lansones na madadala niya sa isla bilang pasalubong sa Lolo Ignatius niya.
Gamit ang bangkang de motor ay umuwi sa Isla El Puerco si Zelmira ng mag-isa. Nasanay na siyang maniobrahin ang bangka. Nga lang ay ayaw niyang inaabot siya ng dilim sa laot.
Tanaw na ni Zelmira ang isla na kanyang tahanan nang dumaan sa himpapawid sa tuktok niya ang isang magarang chopper. Sumunod doon ang kanyang paningin at namangha ngunit ang kanyang pamamangha ay napalitan ng ligalig nang matanaw niyang sa isla nila lumanding ang chopper.
Nagdulot ng kakatwang kaba sa dibdib ni Zelmira ang pagdating ng chopper.
Ano ang kailangan ng sakay na iyon sa Isla El Puerco?