Kabanata 7
Nasa Peligro
THIRD PERSON'S POV
"ANO ANG balak mo kapag nakuha mo na ang mga anak mo, Persh?" Pagbasag ni Javier sa katahimikan sa loob ng sasakyan nito.
Binabagtas nila ang daan na hindi pamilyar kay Persia. Mahigit isang oras na siguro ang itinatagal nila sa daan at hindi pa rin sila nakakarating sa patutunguhan. Makailang beses na ring nagtanong si Persia kay Javier kung saan ang eksaktong lokasyon ng kanilang pupuntahan ngunit ang tanging sagot lamang ng lalaki ay malapit na sila.
"Babalik pa ba kayo sa Zaragosa o dito na kayo titira sa Pilipinas?" Dagdag katanungan ni Javier.
Bumuntong-hininga si Persia at napatingin sa labas ng glass window ng sasakyan. "Wala ng dahilan para bumalik kami ng mga anak ko sa Spain, Javier. Pagkatapos ng lahat ng nalaman ko tungkol sa totoong katauhan ni Cyrus ay tuluyan ko nang inalis sa utak ko ang posibilidad na magkaayos kaming dalawa. Pero para sa karapatan at responsibilidad niya sa mga anak namin ay hindi ko iyon ipagkakait sa kanya kung sakaling hahabulin n'ya. Siguro ay uuwi na lang ako sa bayan namin, Javier at itataguyod ko ng mag-isa ang mga anak ko. Wala akong hindi kakayanin para sa kanila."
"You know what, Persia? Ikaw lamang ang natatanging babae na hinahangaan ko ng husto at hindi iyon magbabago."
"How so? What have you seen in me to think that way." Napalingon si Persia sa kasama at napailing. Saglit naman siya nitong sinulyapan para ngitian bago ibinalik ang tingin sa kalsada. She could not offer him a smile.
Tumikhim ang lalaki. "I could still remember the first time I laid my eyes on you, Persh. It was the night after your college graduation and you preferred to celebrate it in my sister's apartment. Ako ang tinawagan ng landlady noon dahil nabubulabog na ninyo ang ibang tenants dahil sa ingay ninyo. Lasing ka no'n katulad din ni Bali at Burmi. Sa inyong tatlong nalasing noon ay saiyo ako nahirapan sa pag-asikaso at pagpapatahan. Naroon pang hindi mo namamalayan na naibuga mo na pala sa akin ang hinanakit mo. You overshared some of the personal things that I think I don't have the permission to listen to."
"Anak ng baklang bayawak! That is so embarrassing!” she exclaimed. “Bakit naman ngayon mo lang ipinaalam sa akin ang mga kagagahan ko noong gabing iyon?"
Naumid bigla si Persia sa paggunita ni Javier sa alaalang iyon. It was one of those bittersweet memories from the past which she cannot set right.
Iyon ang isa sa mga araw na nais niyang baguhin kung mayroon lamang siyang pagkakataon. Dahil imbes na umuwi siya sa bahay nila pagkatapos ng kanilang graduation ay mas pinili ni Persia noon na hindi umuwi at nakipag-inuman sa kaibigan niyang si Burmi at Bali na mga kaklase na niya noong kolehiyo.
After college, both Bali and Burmi moved to Manila to stay there for good while Persia ran away from home and went to Spain with the man she had barely knew.
Marami siyang pagkakamali sa nakaraan na kung may pagkakataon lamang ay ibig niyang baguhin ngunit sa isang banda'y hindi lalawak ang pang-unawa niya kung hindi siya sinubok ng panahon. Lahat ng nangyari sa kanya sa nakalipas na mga taon ay paraan lamang ng Diyos para patatagin siya. Those God's trials have a prupose and that is to prepare her for a higher and bigger things. Hindi nga siya nagkamali dahil sa maikling panahon lang ay naging ina na siya at buhat noon ay dahan-dahan na niyang naiintindihan ang mga ginagawa o sinasabi ng Mama Preciousa niya noon na sa pag-aakala niya’y makakasama sa kanya.
Kung sakaling hindi napadpad si Persia sa Espanya at nagkaanak doon ay tiyak hanggang ngayon ay wala pa rin siyang inaalagaang iba sa kanyang dibdib maliban sa sama ng loob sa sarili niyang pamilya na aaminin niyang siya rin ang lumikha para sa sarili niya.
“Wala kang dapat na ikahiya sa akin because in the first place, it is me who really wanted to know you deeper, Persh.”
“What do you mean?”
Naramdaman ni Persia ang pagbagal ng takbo ng sasakyan ngunit ang mas ikinagitla niya ay nang abutin ni Javier ang kaliwang kamay niya.
“Javier?” she looked puzzled. Bagkus na sitahin ay binawi na lamang ni Persia ang kanyang kamay mula sa lalaki dahil hindi siya komportable roon. Javier is not a stranger to her but him holding her hand without her permission seemed inappropriate.
Tila ba may pader na kusang pumagitna sa pagitan nilang dalawa. Pader na hindi naman umalsa noong gabing isang total stranger na doktor ang kasama niya. It made her confused why she let that hot stranger doctor did some sensual things to her sa unang beses na pagtatagpo ng kanilang mga landas. Samantalang ay simpleng paghawak ni Javier sa kamay niya ay parang naghimagsik na ang kalooban n’ya.
“Persia, sa tingin ko ay panahon na para ihayag ko itong nararamdaman ko.” Tuluyan na ngang itinigil ni Javier ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi kadiliman ang bahaging kinaroroonan nila subalit madalang ang dumadaan na sasakyan.
“I love you, Persh. Matagal ko na itong itinatago at akala ko’y malilimot kita nang umalis ka pero ngayong bumalik ka ay napagtanto ko na mas tumindi pa ang pagmamahal ko saiyo. Alam ko wala ako sa tiyempo para sa pagtatapat na ito pero ayaw ko nang itago pa ito saiyo.”
“Javier...”
“Just listen to me, Persh. Gusto kitang alukin ng kasal. Nakahanda ako at buong-puso kong tatanggapin ang mga anak mo basta tanggapin mo lang ang pag-ibig ko. Marry me, Persh. Be my wife at ako na ang bahala saiyo at sa mga anak mo.”
Nayayanig ng husto si Persia sa mga deklarasyon ng kapatid ng best friend n’ya. She was too stunned to speak. Her brain was too shocked to produce a proper response.
“Javier, please. You're right. Wala ka nga sa tiyempo. Ginugulat mo ako masyado sa mga pasabog mo. Pero kasi... Javier, kasi kahit siguro sa ibang pagkakataon mo sinabi ito, sa palagay ko ay hindi ko pa rin kayang ikonsidera ang proposal mo. I am sorry, Javier. Marami akong plano sa buhay namin ng mga anak ko pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na maikasal o makipagrelasyon sa iba.” Persia spoke what was in her heart. Even if she executed her lines the softest and most careful way she could, she would probably hurt Javier one way or another.
Gumuhit ang sakit sa mukha ng lalaki nang mag-iwas ito ng tingin sa kanya. Kinurot siya mg guilt kahit pa naging tapat lang naman siya.
She was about to say something more to at least comfort Javier after pain covered his face ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon dahil muli nang pinausad ni Javier ang sasakyan.
Hanggang sa makapasok sila sa isang dambuhalang gate ay hindi na muling umimik si Javier.
“Dito na ba, Javier?” Iginala ni Persia ang paningin sa labas ng glass window. Lumang property ang kinaroroonan nila. Sa tipid na ilaw sa paligid ay pinagmasdan niya ang nakatayong bahay sa harapan nila. Sa exterior design ng bahay na bato ay madaling naipagpalag ni Persia na panahon pa ng mga Kastila nang itayo iyon.
“Ito ba ang bahay ng Mama ni Cyrus? This is weird. Akala ko ay sa isang magarang mansion mo ako dadalhin. Nandiyan ba sa loob ang mga anak ko?” Walang humpay na salita ni Persia. Gustuhin man niyang bumaba na ay hindi niya magawa dahil hindi pa rin binubuksan ni Javier ang pinto sa tagiliran niya.
When she glanced at Javier, she was able to read the profound hesitation across his face.
“Javier, bumaba na tayo,” untag niya sa kasama na tila lumalim ang iniisip.
Napukaw ito at tahimik na napausal ng mura. His gestures begun to confused Persia.
“Javier, what's...”
“Fúck! Fúck! Persia, I'm really sorry. I'm sorry. Hindi dapat kita dinala rito.” Ang hindi maunawaang sabi ni Javier. Gumuhit na rin ang takot sa mga mata nito. Tila hindi na ito mapakali sa driver seat.
“Javier, ano ba’ng nangyayari saiyo? Bakit hindi pa tayo bumaba? Ibig ko nang makaharap ang ina ni Cyrus. Javier, hindi mo alam kung gaano ako nananabik na makasama ulit ang kambal ko. Please, Javier. Umayos ka naman please.”
Javier kept on muttering cússes. “Hindi maganda ang kutob ko rito, Persia. Ayaw kitang mapahamak kaya umalis na tayo. Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat saiyo.”
Namilog ang mga mata ni Persia nang muling binuhay ni Javier ang makina ng sasakyan nito ngunit bago pa man nito mapaandar iyon ay bumukas na ang double front door ng lumang bahay sa harapan nila.
Natigilan si Persia nang iniluwa ng entrada ng bahay ang nasa sampung armadong kalalakihan hanggang sa ilang segundo pa’y lumabas din ang isang babaeng may takip ang kalahating mukha.
Dinumog ng takot ang sistema ni Persia nang lumapit sa sasakyan nila ang mga armadong lalaki at puwersahan silang pinababa.
Sumulyap si Persia kay Javier na may malaking katanungan sa mukha.
A/N: Punta agad tayo sa exciting part para naman mabuhay ang dugo ng mga abangers ni Doc Cain at Persia #TeamCainPP Lol