13. Ialok Ang Sarili

2817 Words
Kabanata 13 Ialok Ang Sarili "LO... Lolo!" Zelmira wanted to scream but something obstruct the passage of her voice. Her heart froze and her stomach turned icy when they found the unconscious old man on the floor. Sa magkabilang gilid nito ay ang dalawang bata na tila ginigising si Lolo Ignatius. "Daddy Doc, help the grandpa please." Ang naiiyak na sabi ng kambal. Takot ang naroon sa mga mata ng mga ito. Sa labis na panic at pag-aalala ay hindi makuha ni Zelmira na umaktong wasto. Pakiramdam niya ay may sumabit na mabigat na bagay sa kanyang mga paa na pumipigil sa kanyang lapitan si Lolo Ignatius. Calmly and silently, Cain went to the old man and with all his might and strength, he carried Lolo Ignatius up. Napakurap si Zelmira. "Where's his bedroom?" tanong nito. Doon natauhan si Zelmira at napagtanto na para sa kanya ang tanong na iyon. Sinikil niya ang pagkataranta at nagsimulang kumilos. "D—dito." Nauna siyang humakbang para igiya si Cain patungo sa silid ni Lolo Ignatius na naroon lang sa unang palapag ng bahay. Maingat na nailapag ni Cain ang matanda sa higaan nito. Patuloy ang pag-iyak ni Cassia at Cache. Nagmamadaling lumabas si Zelmira para kunin ang kanyang cellphone sa silid niyang nasa itaas nang marinig niyang nagtanong si Cain na nagpahinto sa kanya sa pag-akyat sa hagdan. "Hey, where are you going?" He was frowning. Hindi napansin ni Zelmira na maging ang kanilang bisita ay nakalabas na rin sa silid ni Lolo Ignatius. "Si Paruparo... tatawagan ko ang kaibigan kong nasa bayan para magsama siya ng doktor dito sa isla. Kailangan ng Lolo ng doktor," aniya habang hindi namamalayang wala ng kulay ang kanyang mukha sa kabila ng pilit niyang pag-akto na kalmante. May pumapatak na ring luha sa kanyang pisngi na si Cain lang ang nakakakita. The edges of his sculpted lips quirked. "Hindi na kailangan. You just have to do me favor." "Ha?" "Bumalik ka muna at kunin ang mga bata. Ipasyal mo sandali sa dalampasigan si Cache at Cassia. They got so worried witnessing how your grandfather collapsed." Nagsalubong ang mga kilay ni Zelmira. "Nagbibiro ka ba? Inuutusan mo akong mamasyal sa dalampasigan gayong walang malay ang Lolo ko at kailangan niya ng doktor! Nababaliw ka ba?" Hindi nakontrol ni Zelmira ang pagtaas ng kanyang boses. Sa kabila ng nakakapagpabagabag na sitwasyon ni Lolo Ignatius ay nagkaroon pa ng puwang ang inis sa dibdib ni Zelmira para sa lalaki. Ismid ang isinukli ng lalaki sa kanya na nagpakulo ng tuluyan sa dugo niya. Nagngalit ang ngipin ni Zelmira nang talikuran siya nito para lapitan ang kinaroroonan ng mga dala nito bagahe. Binuksan niya ang kanyang bibig at aktong bubulyawan ang walang konsiderasyong bisita nang mapamaang siya sa gladstone bag na ngayon ay bitbit na ng isang kamay nito. Mariing napalunok si Zelmira nang humarap itong muli sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. "Teka... D—doktor ka?" Her brows rose in a surprised arc. Tipid na tumango si Cain bilang kumpirmasyon. Ngayon lang nagkaroon ng sense kay Zelmira kung bakit Daddy Doc ang tawag ng mga bata rito. Inakala niya nang una ay palayaw lang iyon ng lalaki at nakasanayang itawag dito ng kambal. "Sandali," pigil ni Zelmira kay Cain at hinuli niya ang braso nito. Halos mapakislot ang labi ni Zelmira sa laki at tigas na taglay ng braso nito. Kagyat naman siyang napabitaw nang tumiim ang titig ni Cain sa kamay niyang nakahawak sa braso nito kanina. Ang talim ng titig nito na tila ba binibigyan siya ng babala na wala siyang karapatan na basta hawakan na lamang ang lalaki. Well, okay fine! Siya na ang untouchable. Tsk. "Sigurado ka bang doktor ka? Nasaan ang lisensiya mo?" Parang nagdududa pa si Zelmira. "Tsk. Kunin mo na lang ang mga bata at hayaan mo akong suriin Si Mr. Puerco." “Pero—” “And stop saying anything. Ayaw ko na nasasayang ang oras ko.” Supladong putol nito sa hirit niya. Wala nang mapagpipilian si Zelmira kundi sundin ang sinabi ni Cain at ipagkakatiwala rito ang Lolo Ignatius niya. Dinala niya sa ligtas na parte ng dalampasigan si Cassia at Cache at upang libangin ang mga isip nito ay sinabi niyang maglalaro sila. Paunahan ang kambal na maghanap ng anim na paris ng shell na magkakauri at game din naman ang mga paslit. Mababa na ang araw ng mga sandaling iyon at maya't maya ang sulyap ni Zelmira sa kanilang bahay. Pinipigil lamang niya ang maging emotional dahil kasama niya si Cache at Cassia. Nangyari na ang isang bagay na pinakakinatatakutan ni Zelmira—iyon ay ang tamaan ng karamdaman si Lolo Ignatius. Iyon ang halos araw-araw na alalahanin ni Zelmira. Kulang-kulang isang oras ang ibabiyahe patungo sa karatig-bayan kung nasaan ang ospital. Matagal nang hindi nakokonsulta ng doktor si Lolo Ignatius sapagkat mariin palagi ang pagtanggi nito tuwing isusuhestiyon niya ang bagay na iyon. Iniisip kasi nito ang perang magagastos kahit na hindi nito iyon isinasatinig. Said na said ang ipon sa bangko ni Lolo Ignatius noong nakaraang taon nang dinala nito si Zelmira sa bansang South Korea para ipaayos ang nasira nitong mukha dulot ng aksidente noong lumiyab ng bangkang sinasakyan nito pabalik sana sa Isla El Puerco. Nabaon pa sila sa utang kay Kapitan Ipyon para ipangtustos sa therapy at gamot ni Zelmira. “Do not get near the sea, Mamacitas.” Paalala niya sa kambal at sinuklian siya ng ngiti. Umupo sa buhangin si Zelmira dahil nakaramdam siya ng panghihina. Huminga siya ng malalim at tumingala sa kalangitan upang sa ganoong paraan ay maipabatid niya sa nasa Itaas ang dinadalangin ng puso niya. Iyon ay walang iba kundi ang panatilihing ligtas at malakas si Lolo Ignatius. “Kahit huwag na muna ako, Lord. Kaya kong isantabi ‘yong palagi kong sumamo sa inyo na ibalik ang alaala ko basta pagalingin n’yo lang ang Lolo,” taimtim na panalangin ni Zelmira sa kanyang isip. Wala sa loob na nakapa niya ang pendant ng kanyang leather chord chain necklace. Isang paris iyon ng hikaw na ibinigay sa kanya ni Lolo Ignatius noong bumalik sila sa Isla El Puerco matapos ang kanyang matagumpay na plastic surgery. Itinuturing niyang gabay ang isang hikaw na ‘yon. Madalas siyang dinadalaw ng hindi magagandang scenario sa kanyang panaginip at sa tuwing magigising siya ay awtomatiko niyang kinakapa ang hikaw na iyon para pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi namamalayan ni Zelmira na kumawala na ang mga luhang sinisikil niya. Namamalayan na lamang niyang umiiyak siya nang may maliliit na kamay ang humaplos sa kanyang pisngi upang punasan ang luha niya. “Cassia, Cache...” “Momma, why your tears are falling?” Inosenteng tanong ni Cassia. Si Cache ay inilipat sa ulo niya ang maliit na kamay at banayad na hinagod ang kanyang buhok. “Are you hurting, Momma that's why you're crying? Where does it hurt po, Momma? We will kiss it po so that the pain will disappear.” It was Cache. Napakurap-kurap si Zelmira. Hindi niya lubos na inaasahan na magagawa siyang aluin ng dalawang bata sa murang mga edad nito. Hindi niya mapigilan na mapahikbi habang marahang tumatawa. “No, no, Mamacitas. I am okay. I am just a little bit worried about my Lolo but I'll be okay. I'll be okay because I already have sweet friends like you who comfort me. Muchas gracias, Mamacitas.” “Don’t be sad and worried, Momma because mi hermana and Cassia will be here to dry your tears. We don't want our Momma sad and hurt because we're going to be sad too.” Kinuha ni Zelmira ang mga kamay ng paslit at pinagsalikop sa gitna ng mga palad niya. “Okay, I'm not gonna be sad, Mamacitas because I always want to say you happy and smiling.” Tumangu-tango ang dalawang paslit. “But if ever you feel hurt, Momma, please tell us and we're going to tell Daddy Doc so that he will bring you to his hospital and treat your pain.” “He will do that, Momma because Daddy Doc is the best doctor and he cures people's pain and he saves lives. He's like a superhero.” She drew a smile on her face, a smile that shows her hopes and faith in that strange hot doctor. Hindi man niya ito kilala ay may nag-uutos sa kanya na pagkatiwalaan ito. “He's very nice but he's greedy for food.” Natawa si Zelmira sa random na bagay na iyon na naihayag ni Cassia. Hindi niya namamalayan na bahagyang gumaan na ang loob niya. “YOUR BLOOD pressure is abnormally low, Sir. Iyon ang nakikita kong dahilan kaya bigla kayong nawalan ng malay,” he informed the old man minutes after he regained his consciousness. “I'm gonna get you a blood sample para maipasuri ko sa laboratoryo pagpunta ko sa bayan. Have you kept some of your previous clinical test results, Sir? Maaari ko bang makita?” Umiling-iling si Lolo Ignatius at huminga ng malalim sapagkat nakakaramdam pa rin ito ng pagkahilo. “Wala. Hindi na kailangan, hijo. May iniisip lamang akong problema nitong nakaraang mga buwan kaya hindi ako nagkakaroon ng wastong pahinga lalo na ang aking isip.” Cain nodded. Isa nga sa mga sanhi ng low blood ang emotional stress kaya naniniwala siya roon pero hindi ibig sabihin niyon na makakampante na si Cain na hanggang doon na lamang ang sanhi ng biglang magkawala ng malay-tao ni Lolo Ignatius. Mabuti nang nakasisiguro siya nang sa ganoon ay maaga itong makatanggap ng karampatang medikasyon kung sakali. “Si Zelmira, nasaan ang aking apo?” Nanghihina ang boses ng matanda kasabay ng natural na garalgal niyon dulot ng katandaan. “Nasa labas ho, Sir. Pinasamahan ko muna ang mga bata sa dalampasigan nang sa gano'n ay maibsan ang pag-aalala nila saiyo.” Mahinahong paliwanag ni Cain. Napahinto siya sa pag-aayos ng mga kagamitan niya nang mapalingon siya sa bintana kung saan matatanaw ang kambal kasama ng apo ni Lolo Ignatius. Tila gumagawa ng linya o hugis ang mga ito sa buhangin gamit ang mga bato o marahil ay shells na marami sa dalampasigan ng isla. “Ano ang unang impresyon mo nang una mong nakita ang aking apo, hijo?” Alisto ang pagpihit ng ulo ni Cain upang ibalik ang tingin kay Lolo Ignatius. “Ano ho?” Narinig naman niya ang katanungan nito, ang problema nga lang ay hindi niya inaasahan na mauusisa siya ng ganoon ng matanda. “You heard me, hijo. Please I want an honest answer.” Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Lolo Ignatius. Cain cleared his throat. “Well, I can see your granddaughter a pretty lady, Sir but based on our brief conversation, I can also say that she's not that nice to your guests. Or maybe she was only not nice to me.” Ang tapat na salaysay ni Cain ngunit hanggang doon lang ang kaya niyang sabihin dahil baka masibak siya ng itak ni Lolo Ignatius kung sasabihin niya ang nalalabing impression at paglalarawan ni Zelmira sa utak niya. Katulad ng malalaki at mapipintog nitong dibdib, ang pamatay na kurba nito lalo na ang malaking balakang nito. Walang maaaring makaalam na nakatatak na sa isip ni Cain ang ilang segundong pagkakatitig niya sa hubad na katawan ni Zelmira. Paismid na napangisi si Lolo Ignatius. “Ang ibig mong sabihin ay sinusungitan ka ni Zelmira? Gano'n ba, hijo?” Cain smirked. “Ganoon na nga ho, Sir. Pinagbabawalan pa niya akong magmura habang narito ako sa isla ninyo. She'd fine me a five thousand pesos for each expletives I'd utter just in case. She's something else.” Naiiling na sabi ni Cain. “Hindi sanay sa mga lalaki ang apo ko, hijo kaya magpasensiyahan mo na. Atsaka alam mo ba, hijo na noong kabataan namin ng Papa mo ay madalas din siyang sinusungitan ni Mia Paz. Iyon pala’y malalaman namin na malakas pala ang tama ni Mia Paz sa tatay mo. Minsan kasi ay dinadaan sa kasungitan ng mga babae ang pakikitungo nila sa lalaki nang sa gano'n ay hindi mapaghalataan na nagkakagusto sila sa huli.” Nabura ang ngisi ni Cain. “Ano ho ang ibig ninyong sabihin, Sir? Do you think your granddaughter instantly like me that's why she acted somehow impolite towards me?” Kahit nakahiga ay nakapagkibit ng kanyang balikat ang matanda. “May posibledad naman, hijo. Ang ganda mong lalaki at malaki ang tantiya na magkagusto saiyo iyang apo ko.” “And that's fine with you?” “Why not? Binata ka’t dalaga ang aking apo. Kung kayo ay magkakatuluyan ay mas mananaig ang pagkakaibigan namin ni Jacobo.” Idinaan pa rin sa galang ni Cain ang pagsalungat sa ideya na iyon. “I don't want to be mean by any means, Sir ngunit malabo ho iyong mangyari dahil nakapangako na ho ako sa isang tao na papakasalan ko ang kanyang unica hija.” Nakakaunawang tumango ang matanda. “I understand that, hijo at siguro ang mahihiling ko na lamang saiyo ay ang magkasundo kayo ni Zelmira habang naririto kayo sa isla. Be friends and be more patient with her, hijo. May mga pagkakataon lang talaga na hindi makontrol ni Zelmira ang init ng ulo n’ya kaya ngayon palang ay nais kong ipaalam iyon saiyo nang sa gano’n ay mas maunawaan mo ang paiba-iba ng ugali ng aking apo.” “I can assure you that, Sir.” “Call me Tito Ignatius, hijo. Iyon ang tawag sa akin ng mga kapatid mo.” Nakangiting tumango si Cain at tuluyan nang ibinalik sa gladstone bag ang kanyang mga kagamitan. “Take some rest, Tito Ignatius. I'll check up on you from time to time. Ayoko ring mag-alala ang Papa oras na malaman nitong masama ang lagay ninyo. Baka kapag nalaman no’n ay bigla na lamang pumarito bitbit ang mga kapatid ko. Surely this whole island will be in chaos if ever my siblings came here.” “I don't mind at all, hijo. You're all free to visit us here and set this whole Isla El Puerco in chaos.” Nagtawanan ang dalawa. “MAGKANO?” Ikinagulat ni Cain ang biglang paghigit sa kanya ni Zelmira patungo sa isang sulok at palihim siyang kinausap kinagabihan pagkatapos ng kanilang hapunan. “Magkano? What are talking about, woman?” he asked in confusion. Nagsisiksikan sila sa isang sulok ng kusina at hindi alintana ni Zelmira na magkadikit na halos ang dibdib niya at ang dibdib ni Cain. “Nasabi na ng Lolo na regular mong imo-monitor ang kalusugan niya habang naririto kayo sa isla kaya nais kong malaman kung magkano ang singil mo? Baka mamaya ay kagaya ka rin ni Kapitan Ipyon na sa kaunting halaga lang ay kinukuhang kabayaran itong buong isla. Gusto kong makasigurado na sa huli ay hindi mo kami uutakan. Wala pa man din akong malawak na kaalaman sa mga legal proceedings na iyan. Bobo ako pagdating sa bagay na 'yon dahil burado ang alaala ko kaya utang-na-loob, Doc, huwag mong kunin itong isla.” “Of course not...” “Pagsisilbihan na lang kita sa kahit anong paraan mo nanaisin. Gawin mo akong alipin mo habang naririto ka sa isla. Wala akong pera na maibabayad saiyo kaya serbisyo ko na lang ang ipangbabayad ko please. Please, Doc.” Tama nga si Lolo Ignatius na paiba-iba ang mood ng apo nito. “Hindi naman ako naniningil—” Muling pinutol ni Zelmira ang ibig sabihin ni Cain. Tila nagiging impulsibo ang akto at pananalita nito. “Mas hindi ako mapapanatag kung sasabihin mong libre ang pagsuri mo sa Lolo,” giit nito na tila aligaga na. Hanggang sa halos mapugto ang hininga ni Cain nang biglang hinuli ni Zelmira ang kanyang kamay at inilapat sa pagkababáe nito. “Ito na lang, Doc. Puwede mong kuning kabayaran itong kabibe ko basta ipangako mo lang na maayos ang lagay ng Lolo Ignatius ko at makakasama ko pa siya ng matagal. Please, Doc. Take my offer.” Mas idiniin pa ni Zelmira ang palad ni Cain sa harapan ng pagkababáe nito. She could feel the veins in his hands clenching. Humugot ng hininga si Cain hanggang sa marahas niyang binawi ang kamay kay Zelmira. He gave her the sharpest glare he could give to someone. “No! I am fúcking turning down that insane offer, Zelmira! For God's sake! Kung ganiyan ka kababaw na babae at kung gusto mong ipamigay sa kung kani-kanino lang iyang katawan mo, puwes humanap ka ng ibang lalaking papatol diyan sa kabaliwan mo at huwag ako. You disappointed me. You disappointed me by disrespecting yourself!” Naitulos si Zelmira sa sulok na iyon matapos ang masasakit na sinabi sa kanya ni Cain. Sinubukan niyang hamigin ang sarili ngunit sa huli ay natagpuan na lamang niyang umiiyak siya dahil tagos hanggang sa buto niya ang mga sinabi ni Cain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD