Kabanata 6
Nakaw na Kustodiya
PERSIA PERCIVAL'S POV
HINDI KO namamalayan na may mga luha na palang dumadaloy sa aking pisngi habang pinapanood ko ang ang magkakaanak na masayang nagpi-picnic sa isang parke. Those are my family that I haven't seen for more than six years now.
Nagising lang ako ngayong araw na gustung-gusto kong puntahan dito sa bayan ng Binayagan ang pamilya ko at dito ko nga sila natagpuan sa parke ng bayan.
Naroon ang step-father ko, ang dalawang nakababatang kapatid ko at si Mama.
Kahit pinapairal ko ang kaarogantehan at katigasan ng puso ko noong nasa poder pa ako ni Mama kasama ang bago niyang pamilya ay hindi ko kailanman maitatanggi sa puso ko na miss na miss ko na sila lalo na si Mama. Mahal na mahal ko si Mama kahit na hindi maganda ang pinagsamahan namin noong bago ako umalis patungong Espanya kasama si Cyrus.
Nakahanap si Mama ng bagong pag-ibig sa katauhan ng isang guro na si Tito Ernest noong nasa first year high school ako. My mother's husband was my teacher then at biyudo ito noong nagkakilala sila ni Mama Preciosa.
Mayroong isang anak si Tito Ernest sa namatay nitong esposa—si Aster at dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Umpisa pa lang ay hindi na kami nagkakasundo ng step-daughter ni Mama.
Aster and I have a lot of things in common. Pareho kaming maldita, we're both overly competitive in so many aspects and we're jealous kahit sa ano mang bagay. Palaging may tunggalian sa pagitan naming dalawa kaya iyon ang dahilan kung bakit may gap sa pagitan namin ni Aster.
Matalino si Aster at aktibo sa paaralan noon and I always got mad whenever she went home and bragged about every award and achievement she had got. Minsan ay kumakain sila sa labas at naiiwan ako sa bahay because I didn't like to celebrate her achievement together with her.
Hanggang sa umabot ako sa punto na lahat ng sarili kong achievement ay mag-isa ko na lamang na ipinagbubunyi.
Iyon din ang dahilan kung bakit lumaki akong lumalayo ang loob ko kay Mama dahil nga ay nasanay ako na kaming dalawa lang sa buhay at nasa akin ang buong atensyon niya but everything fell differently the day she met Tito Ernest and Aster.
Nagkaroon ako ng mga kahati sa pagmamahal at atensyon ng sarili kong ina at iyon ang nahirapan akong unawain noon. They built their own home and since then, I couldn't feel the belongingness anymore. Lalo pa akong naitsapuwera sa pamilya noong nagkaroon na nga ng sariling anak si Mama at Tito Ernest.
I wipe off the tears using the back of my hand before I return my gaze at my family. Mayroon din silang kasamang dalawang bata na kahit ngayon ko lamang nakita ay alam kong mga anak ni Aster.
May mga apo na rin pala si Mama bukod sa mga anak ko.
Naninikip ang dibdib ko habang nasasaksihan ko kung paano asikasuhin at lambingin ni Mama ang mga bata na sa tantya ko ay ka-edaran lang ni Cassia at Cache. Kung kasama ko lang ang kambal ko ngayon ay tiyak na matutuwa si Mama na makita sila.
Cache and Cassia... where could Mommy find you my babies?
Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol sa loob ng kotse. I feel like my heart was being ripped into tiny pieces. Walang araw na hindi ako nagkakaroon ng emotional breakdown.
Sana mahanap ko na kung saan itinatago ni Cyrus ang mga anak ko. Pakiramdam ko ay nababawasan ang buhay ko sa bawat oras na dumadaan na wala pa ring nangyayari sa paghahanap ko. Para na akong mababaliw sa tuwing sumasagi sa isip ko na hindi maayos ang kalagayan ng mga anak ko. Baka hinahanap nila ang yakap ko, ang boses ko, ang presensiya ko lalo na sa tuwing matutulog sila.
Oh Christ! Please bring me wherever my children are. Please. Please. Please!
Umalis na ako sa parke na iyon at napagpasyahan kong dumaan sa lumang kapilya sa bayan namin kung saan kami madalas na magsimba ni Mama noon.
Through silent praying, I am trying to release my deep emotion and sadness I feel. Iniyak ko ang lahat sa Kanya. With all the faith that is in my heart, I told Him my painful situation and I believe He will be moved and He will give me what I ask for.
I dried the tears from my face before I make the sign of the cross. Tumayo na ako para umalis sa kapilya nang kusang huminto ang aking mga paa nang tumapat ako sa confession booth.
Dinaga ang aking dibdib nang marinig ang taong nagsasalita sa loob ng kubol.
"Buddy, paimporma na lang kay Doc na natunton ko na ang eksaktong address ni Preciosa Percival na ngayon ay gamit na ang apelido ng asawa nitong si Ernest Aldana ngunit itutuloy ko pa rin ang pagkakalap ng impormasyon tungkol sa anak niya. Pagsisikapan kong maghanap ng impormasyon at litrato sa lalong madaling panahon ng sa ganoon ay mas mapadali ang pagtunton natin sa taong ipinapahanap sa atin ni Doc."
Pakiramdam ko ay para akong lumutang sa ere nang takbuhin ko palabas ang kapilya at pabalik sa loob ng dala kong sasakyan na as usual ay hiniram ko kay Bali.
Kagagaling ko lang sa taimtim na pagdarasal pero heto ako't hindi mapigilan ang pagdulas ng masasamang salita mula sa aking bibig dala ng labis na nerbyos. Pinangunahan ako ng takot at wala akong tapang para komprontahin ang taong nasa loob ng confession booth.
Wala akong ibang kakilala rito sa bayan namin na kapareho ng pangalan ni Mama na siyang pakay ng kung sino mang tao na iyon at partikular nga na si Mama talaga ang sadya ng taong iyon dahil sa pangalan ni Tito Ernest na binanggit din nito.
Hindi ako mapakali. Nilingon ko ang bukas na pintuan ng kapilya at nagbabalak na sana akong bumaba ulit ng kotse para balikan ang taong nasa loob ng confession booth ngunit naantala iyon nang tumunog ang phone ko.
"B—bali, hello?"
"Nasaan ka na? Ano, pauwi ka na ba rito sa Maynila? Narito sa condo ko si Javier and he brought a good news, Persia."
Si Javier ay ang half-brother ng kaibigan kong si Bali. He is a Private investigator who works for attorneys in civil and criminal cases. Nang malaman ni Javier mula kay Bali ang tungkol sa problema ko sa paghahanap kay Cyrus at sa mga anak ko ay walang pagdadalawang-isip na nag-alok sa akin ng tulong ang lalaki. Ng libre.
"S-si Cache at Cassia... Bali, makikita ko na ba ang mga anak ko?" Namuo ang luha sa mga mata ko at pakiramdam ko ay may tumiwalag na tinik sa dibdib ko.
"Yes, Persh. Yes! There is already a high chance you'd see your children. Mag-usap tayo nina Javier pagbalik mo. Sinusubukan ko na ring tawagan si Burmi para pumunta rin dito. Please drive safe, okay.”
Ligtas akong nakabalik sa condo ni Bali makalipas ang apat na oras na biyahe mula sa bayan kung saan ako lumaki. Javier's face lights up upon seeing me walking into the living room. Mag-isa itong naroon at nanonood ng football game.
"Persh..."
"Javier, tell me. Saan ko maaaring puntahan ang mga anak ko? Pupuntahan ko sila ngayon din. Samahan n'yo 'ko, utang-na-loob. Kukunin ko ang mga anak ko." Mangiyak-ngiyak na sumamo ko sa lalaki.
Both my hands are clutching against his black shirt. Hindi na ako makapaghintay na makuha ang mga anak ko mula kay Cyrus. They are mine. My children are mine and they belong to me.
"Tumahan ka muna, Persia. Of course I am going to help you. I will do my utmost just to bring your children back to you katulad ng ipinangako ko saiyo." Banayad na ani Javier. His face is slightly red while he is gazing down at me. Umalon ang kanyang Adam's apple nang titigan ko ng derecho ang kanyang mga mata.
"Naniniwala ako saiyo, Javier. Magtitiwala ako saiyo kaya utang-na-loob, dalhin mo na ako kung saan dinala ni Cyrus ang mga anak ko." Hagulhol ko.
Tumakbo kaagad ako kay Bali nang makita ko ito. "Dadalhin ko ang starfish na stuff toy ni Cache, Bali. Palagi niyang yakap 'yon e at hindi iyon nakakatulog ng mahimbing kapag wala ang laruan n'ya. Si Cassia, sanay 'yon na hinahaplos ang kanyang noo bago matulog. Baka walang gumagawa niyon sa kanya. Iritable si Cassia at tupakin baka... baka hindi maunawaan ng nagbabantay sa kanya iyong ugali ng bata. Ako lang ang nakakaintindi sa mga anak ko kaya dapat nasa akin sila 'di ba, Bali? Mababawi ko na ang mga anak ko, 'di ba?" Mahina akong napapailing habang humihikbi dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon. Those kind of thoughts scaring the hell out of me.
Giniya ako paupo ni Bali sa mahabang couch at masinsinang kinausap. "Persh, listen okay?" Sumulyap si Bali kay Javier at ilang sandali pa ay naupo ang lalaki sa couch na nasa tapat ko.
"Persh, bago ang lahat ay itatanong muna namin saiyo kung gaano mo kakilala itong si Cyrus Tan na ama ng mga anak mo?"
Ikinabigla ko ang naging tanong ni Bali. She was cautious with her words ngunit bakas sa mga mata ng kaibigan ko ang pag-aalala.
"Bakit n'yo tinatanong? Sa sitwasyon ko ay hindi ko na para intindihin si Cyrus, Bali. That sonofabitch can go to hell for all I care. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay matunton ang kinaroroonan niya dahil babawiin ko ang mga anak ko."
"But you have no idea who that man really is, Persia."
Bumaling ako kay Javier na mayroong gusot ang noo tanda ng pagkalito.
"Anim na taon kong nakasama sa Zaragosa si Cyrus kaya bakit ninyo kekwestyunin ang pagkakakilala ko sa taong 'yon?" I don't understand these people for asking me that which is for me is an irrelevant matter. "What are you guys trying to tell me? Just let me know already please."
Nagtitigan ang magkapatid na Javier at Bali na tila inuudyok ni Bali ang lalaki na isatinig na ang mga nais sabihin.
Sandali pa ay ibinalik ni Javier sa akin ang tingin nito. He let out a soft sigh before opening his mouth to speak again. Ako naman ay bumilis ang pintig ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa malalaman ko wala pa man.
"Cyrus Liander Tan Plancarte ang totoong buong pangalan ng lalaking kinakasama mo sa Espanya, Persh."
"Plancarte what? Where does that surname came from? Tan ang ginagamit na apelido ni Cyrus. Iyon ang nakalagay sa lahat na dokumentong hawak n'ya. He's thirty-three and he was already an orphan since he was eight. Patay na ang mga magulang n'ya. Nakabase na siya sa Spain noong twenty-four pa lamang siya."
Muling bumuntong-hininga si Javier bago kumuyom ang bagang. "Sa lahat ng sinabi mo ay iyong edad lang ng gagong iyon ang natumbok mo, Persia. Hindi ulila si Cyrus Liander Plancarte. His mother is alive and Cyrus is legally adopted by his mother's husband who is a licensed surgeon then na ngayon ay isa na ring mayaman na negosyanteng nagmamay-ari ng ekta-ektaryang farm sa Katimogang Luzon at ng isang kilalang ospital dito sa Maynila—ang Placidia Viel Medical Center."
"Placidia Viel Medical Center?" Ngayon ko lang napansin na dumating na pala si Burmi. "Doc Cain is one of the doctors in that private hospital." Kapagkuwan ay deklara ni Burmi.
Kumabog ang dibdib ko na tila tinambol ng malakas nang banggitin ni Burmi ang pangalan ng doktor na iyon. I don't understand myself why hearing his name affects me so much. Tila may nayayanig sa kaibuturan ko kapag naririnig ko ang pangalang Doc Cain.
At kaya pala pamilyar sa alaala ko ang ospital na binanggit ni Javier ay dahil kay Doc Cain.
Just holy shìt! It is where I met that hot doctor.
"Doc Cain?" Javier mimicked. Ipinilig nito ang ulo. "Well, that name quite sounds familiar," anito pa.
Tumikhim ako. "Ituloy mo na ang sasabihin mo tungkol kay Cyrus, Javier. I wanted to know his current whereabouts."
Tumango ito sa akin. "Ang pinupunto ko nga rito ay lumabas sa inisyal na imbestigasyon ko na pekeng mga dokumento ang gamit ng lalaking iyon kapag naroon siya sa Espanya."
I balled my fist as I muttered a cúss. I have no idea that Cyrus are really faking his identity. Ni hindi man lamang ako nagduda na huwad ang mga personal na impormasyon niyang sinasabi nito sa akin.
"At isa pa sa kailangan mong malaman ay ang marital status ni Cyrus. He is a married man, Persh. Ikinasal si Cyrus Plancarte sa Tavira sa bansang Portugal pitong taon na ang nakararaan. Pinay ang asawa nito na ipinanganak at lumaki sa Portugal. Ang pagkakaroon ng asawa ni Cyrus ay hindi lamang lihim saiyo kundi pati na rin sa pamilya nito na narito sa Pilipinas. Sikreto ang kanyang kasal sa hindi ko pa malamang kadahilanan."
Doon na ako pinanlamigan at halos pangapusan ng hininga. I wasn't aware that I am already fidgeting in my seat until Bali takes my trembling hands. Si Burmi ay lumapit sa likod ko at masuyong hinawakan ang balikat ko.
Mapait akong natawa para sa sarili ko. Sa pagiging alipin ko sa kasinungalingan ng taong iyon sa loob ng anim na taon.
Kaya pala... kaya pala mula nang dalhin ako ni Cyrus sa Espanya ay tatlong beses sa loob ng isang taon lang ito naglalagi sa bahay. His longest stay beside me was when I have gone through the In vitro fertilization procedure in Madrid.
Sa ganoong pamamaraan kami nagkaroon ng mga anak ni Cyrus. I never go to bed with him sa loob ng anim na taong nakilala ko siya but I always treated him as a partner at lahat ng rason at palusot niya ay inuunawa ko sa kadahilanang tumatanaw ako ng utang-na-loob sa kanya. He told me he wanted a child of his own at pumayag ako sa mga plano niya as long as I am safe away from home. He gave me a roof over my head when he brought me to Spain. Tumupad siya sa mga pangako niya at nagkaroon din ako ng magandang trabaho kahit nasa bahay lang ako.
Maayos naman ang lahat sa pagitan naming dalawa hanggang sa may nakarating sa aking balita na may kasamang babae si Cyrus sa isang hotel sa Madrid na nag-ugat ng madalas naming pagtatalo noong nakaraang buwan dahil hindi niya iyon itinanggi.
Maybe that woman he was with in Madrid is his... wife? Fúckingshit!
"Pero, Javier iyong mga anak ko... Ang ibig mo bang sabihin ay posibleng naroon sa Portugal ngayon si Cyrus kasama ang mga anak ko? Mali ba ang impormasyon na nakuha ko sa Spain na narito sila sa Pilipinas?"
"Cyrus is missing, Persh. He returned to Madrid alone last week at huli itong nakita sa isang casino kasama ang asawa nito ngunit bago ito naglaho na parang bula ay nakauwi pa ito sa Pilipinas dala ang isang kambal."
Napaluha ako sa narinig. "Oh God! That's my Cassia and Cache, Javier. Narito nga sila."
"Oo, tama ka, Persia narito nga sila at kasalukuyang nasa pangangalaga ni Mrs. Cora at Don Salvador."
Hindi na ako mapakali sa upuan ko. Gusto ko nang tumakbo palabas at humarurot patungo sa kinaroroonan ng mga anak ko.
"But, Persia you have to regard this fact that Cyrus' family has no idea about the children's mother. Walang sinabi si Cyrus sa mga ito na may kinalaman sa mga nangyari sa Espanya."
"Magpapakilala ako, Javier. Magpapakilala ako at sasabihin ko ang totoo. Lahat gagawin ko para mabawi ang mga anak ko. Javier, please!"
"You are able to do that, Persh pero kasi..." Bumaling ako kay Bali. "Ayon sa nalaman ni Javier ay inaangkin na ng ina ni Cyrus ang mga bata. The grandmother is stepping on the way and she is kind of a stumbling block para makuha mo ang mga bata dahil pati kay Cyrus na ama ng mga anak n'yo ay ayaw nang ipaubaya ang mga ito noong sumubok si Cyrus na ibalik sa Spain ang mga bata. Makapangyarihan at masalapi ang asawang Don ng ina ni Cyrus kaya mahihirapan tayong makuha si Cache at Cassia kahit pa idaan natin sa legal na proseso, Persh."
"That's bullshit! That's bullshit! Nasa akin ang karapatan ng mga anak ko dahil ako ang tunay nilang ina." Maligasgas akong tumayo. "Kailangan kong makausap ang ina ni Cyrus para ipaalam sa kanya na buhay pa ang ina ng kambal kaya walang dahilan para kunin niya sa akin ang kustodiya ng mga anak ko! Hindi ako papayag na basta na lamang nilang angkinin si Cache at Cassia! Akin ang mga anak ko kaya babawiin ko sila."
Sumunod sa akin si Javier. “I can bring you to her, Persh.”