Kabanata 5
Nagtatago
THIRD PERSON’S POV
NAGMAMADALING bumaba ng hagdan si Cain ilang minuto lamang bago niya natanggap ang tawag ng taong inatasan niya na maghanap sa kinaroroonan ni Burmi Hermida.
It was crazy of him that he had to resort to desperate measures just to find that woman who he couldn't take off of his mind. At si Burmi Hermida ang susi para matunton niya ang babaeng nais niyang muling makita.
Batid ni Cain na mas marami pa siyang kailangan na asikasuhin na higit na mas mahalaga katulad halimbawa sa ipinapagawa sa kanya ni Don Salvador kaysa abalahin ang kanyang sarili sa paghahanap sa babaeng iyon na bukod sa kagustuhan niyang makita ito ulit para maisauli rito ang naiwan nitong isang paris ng hikaw sa opisina niya ay hindi na niya malaman sa kanyang sarili ang iba pang dahilan sa pagtataman niyang matunton ang estranghera na sa una ay napagkamalan pa niyang babae ng Dream Fortress.
Ang Dream Fortress ay isang ekslusibo at confidential na muog na nagsisilbing takbuhan ng mga lalaking nangangailangan ng panandaliang aliw. He found out about the prestigious prostitutión house from his half-brother Attorney Osiris.
Cain would rather pay a woman from Dream Fortress than having casual séx and relationships with some random woman out there na tiyak na malalagay na naman sa eskandalo at gulo ang buhay dahil kay Sefora Lechner.
Anak si Sefora ng nag-iisang pinsan ni Don Salvador na pumanaw na isang dekada na ang nakalilipas. Kasama nang lumaki ng magkapatid na Cain at Cyrus si Sefora.
Noon pa man ay hayagan nang ipinapakita ni Sefora ang pagtingin nito kay Cain ngunit para kay Cain ay hindi niya matututunan na suklian ang pagtingin sa kanya ng dalaga. Bagaman at walang official na relasyon si Cain at Sefora ay mahigpit ang pagkakabakod ng dalaga kay Cain and that made Cain a 'no girlfriend since birth' guy.
May nagugustuhan siyang ilang babae lalo na noong pumasok siya sa school of medicine ngunit parating nauudlot ang kanyang panliligaw dahil sinasabotahe ni Sefora sa lihim na pamamaraan nito.
Kaya naman nang malaman ni Cain mula sa kapatid niyang si Osiris ang tungkol sa muog ng mga primera klaseng babae ng Dream Fortress ay doon na siya nagkainteres na sumubok sa ganoong uri ng kalakaran to satisfy his needs as a man. And it was quite safe and less trouble because Sefora wasn't able to come near any of those women he had a one-night-stand with.
Hindi lang malaman ni Cain sa kanyang sarili kung bakit hindi matahimik ang isip at katawan niya mula nang makilala niya ang babaeng iyon and it frustrate him more sapagkat wala siyang kaalam-alam na impormasyon tungkol sa babaeng laman ng kanyang isip sa loob ng mahigit isang linggo na.
Mas inuuna pa niyang intindihin ang paghahanap sa estrangherang babae kaysa simulan ang ipinapagawa ni Don Salvador.
Ang proposal na iyon ni Don Salvador ay siyang matagal nang minimithi ni Cain. He couldn't deny that certain fact. Kung nagkataon na tumupad ang kapatid niyang si Cyrus sa ipinapagawa ng kanilang step-father dito ay malaki ang posibilidad na mapipilitan siyang iwan ang Placidia Viel Medical Center—ang ospital na itinatag ng ama ni Don Salvador at ang ospital kung saan nagsimula ang pangarap ni Cain na maging isang medikal na doktor.
Kung maipapamana ang ospital sa kanyang kapatid na si Cyrus ay hindi na niya masisikmura na ito ang maging 'Boss' n’ya. He would rather work as a doctor to an isolated barrio than staying in PVMC with his irritating brother bossing him around.
Pagkalabas ng kanyang bahay ay kaagad na sumakay si Cain kay Kudarat— ang kanyang sasakyan na Jaguar sports car na regalo ng kanyang amang si Don Jacobo Salvatierra III noong siya ay makapasa sa Physician Licensure Examination.
It was the very first expensive gift he accepted from his biological father.
Tumulak si Cain patungo sa restaurant ng mga Hermida. Tumagal ng mahigit beinte minutos ang kanyang biyahe.
“Good evening, Sir. Welcome to Hermida Grill and Lounge.” The female receptionist greeted him in a polite and friendly manner. “How may I assist you, Sir? Do you have any reservations?”
“I need a table please.” Walang balak na mag-dine in si Cain at ang layunin lamang niya sa restaurant na iyon ay ang makausap si Burmi Hermida subalit nagbago ang isip niya. Why don't he just try their foods? Tutal at naroon na rin naman siya at wala pa siyang hapunan.
“For how many, Sir? For two? I am sure may ka-date po kayo. We have a vacant table for two, non-smoking area by the window, Sir.” The receptionist excitedly offered. Namumula ang mukha nito habang titig na titig sa mukha at dibdib ni Cain.
Tumikhim si Cain, paraan upang indirect na sitahin ang receptionist na pasadahan ng tingin ang kanyang katawan. “No, Miss. Just a table for one. Wala akong kasama.”
Narinig pa ni Cain ang sorpresang pagsinghap ng receptionist subalit binalewala niya iyon. He was escorted by the receptionist to a vacant table.
“Will this be perfect for you, Sir?”
“Yes, thank you.”
May waiter na papalapit sa mesa ni Cain at bago pa magpaalam ang receptionist ay palihim muna itong tinanong ni Cain ukol sa inisyal na pakay niya sa restaurant na iyon.
“Is there any chance that I can talk to the owner?” Pormal na tanong ni Cain sa babaeng receptionist.
“Si Madam Bora po ba, Sir?” At dumikit ang receptionist sa kanya. “Sugar-baby ho ba kayo ni Madam Bora?”
Nagsalubong ang may kakapalang kilay ni Cain.
“Naku, Sir. Dapat ay dumerecho na lang ho sana kayo sa condo ni Madam at hindi na kayo nagpakita pa rito. Tiyak na mawawala na naman sa sarili 'yong anak ni Madam Bora na si Burmi oras na malaman niyon na pinapunta na naman dito ni Madam Bora ang boylet niya. Maeeskandalo na naman itong restaurant.”
“What are you talking about? I'm no one's boylet, Miss,” he firmly corrected, a deep frown on his forehead. “Si Burmi Hermida ang pakay kong makausap. Narito siya 'di ba?”
Napangiwi ang receptionist. “Ah. Hindi n’yo naman ho sinabi kaagad, Sir. Please wait for a moment, Sir. Tatawagin ko lang po si Ma'am Burmi. Can I have your name before anything else, Sir?”
“Cain...”
“Cain...?” mahinang umalon ang ulo ng receptionist. Nasa mukha nito ang panghihikayat at paghihintay sa karagdagang impormasyon.
“Doctor Cain Leandrus Salvatierra...”
Dahan-dahan na namilog ang mga mata ng receptionist. Tila ba may nahilang kalimbang sa utak nito nang ipakilala ni Cain ang sarili rito.
“Sinasabi ko na nga ba kaya pamilyar ang mukha ninyo.” Ang hindi makapaniwalang bulalas ng babae. Bakas ang matinding pamamangha sa mga mata nito.
Marahil kaya naging pamilyar siya sa babae ay dahil kailan lang ay kumalat ang mukha ni Cain sa social media pati na sa ilang tabloid nang makunan siya ng litrato sa isang event kasama ang isang female celebrity na kamakailan lamang ay napapaulat na kahihiwalay lamang sa showbiz boyfriend nito. Naituro pa siyang third party ngunit sa koneksiyon ng kapatid ni Cain na si Governor Jacobo the fourth ay mabilis na natupok ang issue na iyon. But the fact that Cain’s figure, probably his face has drawn a lot of attention from the people. Nagmarka sa mga tao ang kanyang mukha.
“And please do tell her that I have an important matter to ask from her. Thank you.”
The receptionist seemed have a difficulty to close her gaping mouth as she made her way to where Burmi Hermida was.
Habang pumipili sa menu si Cain ay nadi-distract siya sa ingay ng kalansing ng kubyertos mula sa taong mag-isang kumakain sa kasunod niyang mesa. Pati ang pagnguya nito ay rinig na rinig ni Cain. Isa pa naman iyon sa pet peeve niya, ang nag-iingay kapag kumakain.
“Would you like to order some drinks before the meal, Sir?” The waiter politely asked him.
“Bourbon and Blood will do.”
“Certainly, Sir. Excuse me.”
Ilang segundo lang matapos umalis sa harapan ng mesa ni Cain ang waiter ay narinig niyang nagsalita ang maingay na customer sa kasunod niyang mesa. Kahit wala itong ginagawa na nakakaapak sa pagkatao niya ay naiinis pa rin siya.
“Hey cutie, ‘yong hiningi kong toyo at calamansi sa kasama mo hanggang ngayon wala pa. Pasuyo naman please.” Palambing na suyo ng babae sa waiter and she was talking while her mouth was still food on it.
Cain’s jaw ticked. That was very unladylike. Bakit ganoon ang asta nito gayong naroon ito sa isang fine dining restaurant?
“I will get it for you, Ma'am.”
“Dagdagan mo na rin ng tatlong sili. Atsaka pasabi sa kaibigan ko na pakibilisan dahil kanina pa ako naiinip kakahintay sa kanya rito. Masisira ang figure ko kakamukbang ng mga kebab n’yo rito. Malulugi ang restaurant na 'to, bahala siya.”
“Saglit na lang daw po, Ma'am at nag-uusap pa sila ni Madam Bora.”
Hanggang sa dumating ang in-order na cocktail ni Cain ay wala pa ring humpay sa pag-iingay ang babae sa kasunod niyang mesa. Imbes na sitahin ito ay naisipan na lamang niyang lumpit ng ibang mesa. Iyong malayo sa maingay na customer na kung kumain ay parang hinahabol ni Kamatayan. Makailang beses pa itong dumighay.
“C—Cain?” Shock was written all over Burmi Hermida’s face when she saw him.
“Take a seat, Miss Hermida. May mahalaga lang akong itatanong saiyo kaya ako naparito.” Nananatiling pormal ang tono ni Cain.
Bantilaw na naupo si Burmi Hermida sa katapat na silya ni Cain. Palihim na iginagala ni Burmi ang paningin sa restaurant, she was searching for Persia dahil naroon ito. Ang hindi alam ni Burmi ay sumaglit sa banyo si Persia kaya wala ito sa kasunod na mesa kung saan sila naroon ngayon ng hindi nito inaasahang customer sa restaurant nila.
“Cain, if this is about us, kalimutan mo na iyon. I have moved on. In fact, I am already going on a date with another guy. Si Bram. He's a bank manager and—”
“I am glad for you and your new boyfriend, Miss Hermida ngunit hindi tungkol doon ang pakay ko rito.” He cut her off. Cain fished his wallet from his pants pocket and took out the heirloom earring from it.
Confused na napatitig si Burmi sa isang paris na hikaw na inilantad ni Cain. Pamilyar iyon sa dalaga.
“This belongs to your friend, I suppose,” he said, getting straight to the crux.
Kay Persia nga iyon! Iyon ang hikaw na hinahanap ni Persia na akala ng kanyang kaibigan ay naiwala lang nito sa loob ng sasakyan at condo unit ni Bali.
“How did you get that, Cain?”
“Hindi na mahalaga iyon, Burmi. Ang nais ko lang malaman ay kung saan ko maaaring puntahan ang kaibigan mo. I will return this to her personally.”
Tumikhim si Burmi. “Bakit pa? Puwede namang ibigay mo sa akin ang hikaw ni Pers— ng kaibigan ko at ako na ang magsasauli niyan sa kanya. Napakahalagang bagay ng hikaw na iyan sa kaibigan ko, Cain. Hindi iyan maaaring mawala sa kanya kundi ay babalatan siya ng buhay ng nanay niya ‘pag nagkataon.”
“It will be returned to your friend safely, Burmi but I wanted to give it back to her myself.” Giit ni Cain. “Just tell me where I could find her.”
Manghang napatitig si Burmi kay Cain dahil sa hindi maikakailang pananabik sa mga mata nito. “I—interesado ka ba sa kaibigan ko, Cain?” Burmi asked what was obvious.
“Yes.”
Laglag ang panga ni Burmi sa napakadirektang sagot ni Cain. He wasn't really the person who's beating around the bush.
“Burmi, listen. You know me and this would appear unlikely to be true but I am really interested to know your friend more. I wanted to see her again. To talk to her and more. Ngayon lang ako nawili ng ganito sa isang babae kaya nakikiusap ako saiyo ngayon na sabihin mo sa akin kung saan ko makikita ang kaibigan mo.” Cain was both pleading and demanding. His tone was kind of unguarded.
Ibubuka na sana ni Burmi ang bibig nang lumagpas ang tingin nito kay Persia na ngayon ay nakatayo sa likod nila. Hindi batid ni Cain na husto at malinaw na narinig ni Persia ang lahat ng sinabi nito. Maigting na umiling si Persia, bahagyang namumutla ang mukha nito.
At bago pa pumihit ang ulo ni Cain para sundan ang tinitignan ni Burmi ay nagmamadali nang bumalik sa CR si Persia na halos lumuwa ang puso sa dibdib sa sobrang kaba.
Ibinalik ni Burmi ang tingin kay Cain. “A—ang totoo niyan, Cain ay bumalik na iyong kaibigan ko sa Espanya.”
Maliban sa gulat ay bumagsak ang balikat ni Cain sa narinig.
“At kahit pa narito sa Pilipinas iyong friend ko ay hindi mo pa rin malalaman mula sa akin kung nasaan siya. Tama ka, Cain. Kilala nga kita at kung itutuloy mo pa rin kung ano man ang intensyon mo sa kaibigan ko ay hindi ko hahayaan iyon. Tama nang ako ang nakatikim sa kademonyohan ni Sefora ngunit hindi ako makakapayag na makakanti ng gagang iyon ang kaibigan ko dahil lang interesado ka sa kanya. Maraming pinagdadaanang mabigat na problema ang kaibigan ko, Cain. Brokenhearted iyon and there's a chance na maging allergic na iyon sa mga lalaki lalo na sa kagaya mong pinapaligiran ng mga babae. Kaya mas mabuti pang kalimutan mo nang nakilala mo ang kaibigan ko, Cain.”
Bigong nilisan ni Cain ang restaurant nang hindi man lang hinintay ang in-order niyang pagkain. Taas-baba ang kanyang dibdib nang makapasok siya sa kanyang sasakyan. His hand gripping the steering wheel ever so tightly. Kumukulo ang disappointment at iritasyon sa dibdib niya.
Ngayon nga lang may pumukaw na babae ng ganoon katindi sa atensyon niya pero wala pa man siyang pagkakataon na makaharap itong muli ay may mga sumasagabal na.
Marahil nga ay tama si Burmi na mas maigi na kalimutan na lamang niya ang isang beses na nakasama niya ang estrangherang babae iyon. Siguro naman ay madali lamang niyang magagawa iyon sapagkat hindi naman malalim ang pagkakakilala niya sa babae.
“BAKIT NARITO ang doktor na iyon, Burmi?” Nasa boses ni Persia ang pagkaaligaga nang sundan siya ni Burmi sa banyo ng mga babae.
“Lintik ka, Persia! Hinahanap ka ni Doc at nahalata ko sa mukha at tono niya na marubdob na pagnanais nitong makita ka ulit. Ano ba’ng pinakain mo kay Cain at ganoon ito kapursigidong makita ka ulit?”
Nag-init ng husto ang mukha ni Persia sa naging katanungan ni Burmi. Mabilis siyang bumalik sa lababo at nagmamadaling naghilamos.
Nuncang aamin siya sa mga kaibigan niya an minukbang siya ni Doc Cain nang gabing iyon. Mas nanaisin na lamang niyang lamunin siya ng lupa kaysa sabihin ang kanyang sikreto.
“I told him that you have gone back to Spain. Posible na hindi ka na niya hahanapin sa akin ulit pero kilala ko ang isang Cain Salvatierra, Persia. Hindi iyon titigil hangga't hindi ka niya natatagpuan para makuha ang ano mang kailangan niya saiyo. At sa tingin ko ay kailangan mo ring magpakita sa kanya ng huling beses dahil iyong hinahanap mong hikaw ay nasa kanya.”
“Ano?!”