14. Humagod

1790 Words
Kabanata 14 Humagod PAGKATAPOS NG engkwentro nilang iyon ni Doc Cain ay nahirapan na si Zelmira na pawiin ang ngitngit sa dibdib niya para sa kanilang bisita. Binalak pa niyang kausapin si Lolo Ignatius para magsumbong at siraan dito ang doktor nilang bisita pero kaagad ding nagbago ang kanyang isip dahil tiyak na mauungkat ang dahilan kung bakit nakapagbitaw ng ganoong salita si Cain sa kanya. Mas mamatamisin na lamang ni Zelmira na pukpukin ang sarili kaysa hayaang malaman ni Lolo Ignatius na tila siya nasisiraan ng bait nang ialok niya ang sariling katawan sa doktor na 'yon. Hindi niya mapatawad ang sarili kung bakit hinayaan niyang ibaba ng gano'n ang kanyang sarili sa harapan ng kanilang bisita. Minsan talaga ay siya mismo ang nagpapahamak sa kanyang sarili at totoo iyon dahil kung matino siya mag-isip ay hindi siya maaaksidente at hindi mabubura ang kanyang alaala. Kung mabuti ang mga desisyon na nagagawa niya ay hindi sana siya nagdudusa ngayon sa pakiramdam na para bang ang laking kasalanan ang nagawa niya noon at pinagbabayaran niya ngayon. Sumaglit na lamang si Zelmira sa silid ni Lolo Ignatius para tiyaking komportable ang pagkakahiga nito at nag-good night siya't lumabas na pagkatapos. Nasa itaas na ang kanilang mga bisita. Alas otso trese na ayon sa wall clock nila. May bumubulong kay Zelmira na silipin sa itaas ang kambal dahil pakiramdam niya ay gagaan ang kalooban niya kapag nakita niya ang ngiti ng mga bata ngunit pinaalalahanan niya ang kanyang sarili na wala siya sa lugar na maya't maya ay maaari niyang makasama si Cassia at Cache. Nakakabastos naman iyon sa ama ng kambal kung magiging clingy siya sa mga bata. Sa huli ay lumabas na lamang si Zelmira at pumunta sa likod-bahay kung saan may silid doon na nakakonekta sa bahay nila. Naisipan niya na mas magkakaroon ng saysay ang oras niya kung igugugol niya iyon sa resonableng bagay kaysa hayaan niya ang sarili na lunurin ng inis. Inilabas ni Zelmira mula sa mga plastic na kahon ang mga materyales na karaniwan niyang ginagamit sa mga seashell crafts. Ang paggawa ng jewelries at pagdedesinyo ng rattan bag at purses ang pinagkukunan ng maliit na kabuhayan ni Zelmira. Dahil ilag sa kanya ang taumbayan ay karaniwan niyang ipinapasa ang mga produkto niya kay Paruparo at sa ina nito para sila ang magbenta sa mga turista. Hindi gano'n kalakihan ang kita sa ginagawa niyang iyon dahil hindi naman mataas ang demand ng kanyang produkto. Masaya na si Zelmira kung makakaubos siya ng dalawang dosenang rattan bag o purse sa buong isang buwan para may budget sila sa grocery nila ni Lolo Ignatius. Inabot na ng pasado alas onse si Zelmira roon at hindi pa rin niya gustong magpahinga kahit batid niya na kailangan niyang bumangon ng maaga bukas para asikasuhin ang kanilang mga guest pati na rin si Lolo Ignatius. Nasa panglimang rattan bag na siya na lalapatan niya ng desinyo gamit ang iba't ibang uri ng seashell nang mapahinto bigla si Zelmira dahil sa pakiramdam na parang may nanonood sa likod n'ya. Dahan-dahan siyang lumingon at marahas na napasinghap nang makitang may tao ngang nakatayo sa pintuan na ngayon ay nakabukas na. Si Doc! Kagyat na tumiim ang labi ni Zelmira sa presensya nito. "Bawal ka rito. Alis!" Paasik na taboy niya rito at inirapan ito ng bongga. "Why are you treating your guest so rudely? Where does the hospitality go, Miss?" Mahinahon at pormal na anito na para bang hindi nito sinaktan ang damdamin niya kanina sa pamamagitan ng matatalas nitong mga salita. "Aba malay ko sa'yo. Ikaw 'yong doktor, bakit sa akin mo hahanapin ang hospital?" Sarkastikong turan ni Zelmira at binawi ang tingin dito para sana ibalik ang atensiyon sa ginagawa. But damn it to hell! His mere presence just ruined her concentration already. "Don't go sarcastic on me, lady." Tila nagsesermon ang tonolado ng boses nito. Narinig niya ang paghakbang nito na nagdulot ng pagkaaligaga sa kanya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Nanlilisik ang mga mata ni Zelmira at labis ang ginagawa niyang pag-kontrol sa galit upang hindi iyon sumabog dahil kung hindi ay mabubulabog ang buong kabahayan. "Lumabas ka rito sabi!" Mababa ngunit nanggagalaiting sabi ni Zelmira ngunit imbes na makinig ay tuluyan pang lumapit si Cain sa kinaroroonan niya. Nakasalampak siya sa sahig at bahagyang nakabukaka ang posisyon ng kanyang pagkakaupo. "What are these for? You're selling it?" Kuryusong usisa ni Cain habang sinisipat ang mga produkto na natapos niya. Umikot pa ito para tignan ang ilan pang obra ni Zelmira kagaya ng mga jewelry at house decor na gawa rin sa seashell na hindi niya naibenta dahil walang nagkaka-interes na bumili kaya ginawa na lamang na palamuti sa silid na iyon. "Oo, binibenta ko ang mga iyan kaya huwag mong papakialaman." Iritableng usal ni Zelmira at sa hindi sinasadya ay napaangat ang kanyang mukha para sundan ng tingin ang pigura ni Cain. Nakasuot na ito ngayon ng drifit t-shirt na kulay itim na hapit sa katawan nito na tila itinutuldik ang bawat umbok na muscle sa katawan at braso nito at ang pang-ibaba naman ay khaki shorts. Ang linis nitong tignan kahit madilim ang kulay ng suot nitong kamiseta, bagay na bagay iyon sa morenong balat nito. It made him look more masculine and arrogant. Nalalanghap din ni Zelmira ang taglay na pabangong nakaakap sa katawan nito. Hindi matapang sa pang-amoy ang scent nito, halatang malinis. Lakas makaguwapo kung hindi lang sana may pagka-antipatiko ang ugali. "You've finished this one like almost three months ago. Hmm nakareserba ba ito sa isang buyer kaya narito pa rin?" Patuloy na pagtatanong ni Cain kahit mariin naman na pinagtatabuyan na niya ito. Malalaman nito kung kailan natapos ang obra na iyon dahil nilalagyan iyon ng petsa ni Zelmira sa kaliit-liitang detalye. Umirap si Zelmira ngunit nakuha pa rin niyang sagutin ang katanungan ng lalaki. "Walang may nagkakainteres na bilhin iyan kaya nakatengga lang 'yan d'yan." Inip niyang tugon. "You're probably selling it in a wrong market that's why no one is interested to purchase this one. Magkano ba ang benta mo rito?" "Two-fifty." "You're kidding me," hindi makapaniwalang anas ni Cain. "Two-fifty pesos for this masterpiece which consist of one of the rarest seashell in the world?" Napahinto na si Zelmira at takang tinignan si Cain kung nagbibiro ba ito ngunit nang ibaling nito ang mukha sa kanya ay purong kapormalan ang naroon sa mukha nito. "These are small conus gloriamaris you put in this masterpiece. It's popularly known as the glory of the sea. Again, its type is one of the rarest seashell in the world and most desirable single species tapos sa murang halaga mo lang ibinibenta." Naningkit ang mga mata ni Zelmira. Nagbunyi ang kalooban niya sa nalamang impormasyon pero ang tanong, may katotohanan kaya ang mga pinagsasabi ng lalaking ito? At nawindang nga si Zelmira at tuluyang nabura ang pagdududa niya sa sunod na sinabi ng doktor. "Clean it and I'm going to buy it." Deklara nito nang walang pagbibiro sa mga mata. Napatayo si Zelmira. "Talaga? Gusto mong bilhin 'yan?" Tila kay daling nabura ang kinikimkim na inis ni Zelmira sa lalaking kaharap. Tipid na tumango si Cain. "I'll get anything you have here and sum up the overall price then inform me. Isama mo na rin 'yang mga bag na ginagawa mo. Ipangpapasalubong ko sa pamilya ko pag-uwi namin." "Oh, my God!" Impit na napatili si Zelmira at natangay ng sobrang galak ang kanyang katinuan kaya wala sa loob na napayakap siya sa leeg ni Cain habang lumulukso sa tuwa. Hindi niya alintana ang pagkuskos ng dibdib niya sa matipunong katawan ni Cain. Samantalang may pumigil kay Cain na suwayin si Zelmira. May madilim na anino ang pilit bumabalot sa katinuan niya at sinasabing lasapin niya ang epekto ng pagkakadikit ng kanilang mga katawan ng babae. Epekto na maipagpapalagay niyang mainit at nakakapanghibo. Yes, the meaningless grinding of Zelmira's big bréasts against his chest was definitely making him feel damn hórny. "Hayup ka, Doc! Totoo nga na ang bait mo pala! Jackpot!" Pagbubunyi pa ni Zelmira nang bigla na lamang siyang napahinto at napamaang nang may matigas na bagay sa ibabang parte ng katawan ni Cain ang nasagi ng kanyang puson. Napamulagat si Zelmira at napatitig sa mga mata ni Cain nang mapagtanto ang bagay na nasagi at nakiskis niya. Iyon ay walang iba kundi ang pagkalálaki nito. Tila napapasong napalayo si Zelmira sa katawan ni Cain at bahagyang namutla dahil sa kumagat na kahihiyan sa kanyang sistema. "Oh f—fúck!" Tila biglang nahapo si Zelmira at nag-iwas ng tingin kay Cain. Nauutal siya bigla at hindi malaman ang gagawin. Iniisip niyang tumakbo pero may pumipigil sa mga paa niya. "Parang 'yon lang namumutla ka na." Nakangising saad ni Cain na nagpahigit sa kanyang hininga. Ano'ng parang 'yon lang? What she unconsciously did was inappropriate and audacious tapos sinasabi nitong 'lang' lang 'yon? Nagpakawala pa ng marahang tawa ang doktor na labis na ikinapula ng mukha ni Zelmira. "Relax, Zelmira. Kung mamutla ka naman diyan parang hindi mo pinahawakan sa akin kanina iyang—" "Cállate!" Wala sa loob na asik niya. (Translation: Shut up!) "What have you just said?" Takang tanong ni Cain. "W—wala! B—bahala ka na riyan. Matutulog na ako." Hindi maiangat ni Zelmira ang mukha para itago ang pamumula niyon. Nagmamadali niyang tinungo ang nakabukas pa ring pinto para bumalik sana sa loob ng kanilang bahay nang mapasinghap siya sa alistong paghuli ni Cain sa braso niya. "There's no need to rush and escape, Zelmira. Listen, ang totoo niyan kaya kita hinanap ay makikisuyo sana akong magpaluto ng pagkain saiyo. I'm famished," anito. Gutom na ito? Aba! Wala pang apat na oras mula nang maghapunan sila ah. Napangiwi si Zelmira nang biglang maalala niya ang sinabi ni Cassia na malakas daw kumain ang doktor na ito. Mukhang hindi nga nagsisinungaling ang bata. "Can you do that for me? Don't worry, magbabayad naman ako." Naghugis peso sign bigla ang mga mata ni Zelmira. "Sige. Walang problema pero hanggang prito at instant noodles lang ang alam ko." "That's okay. Sa baybayin lang ako. Ihatid mo na lang sa labas kapag nakapagluto ka na. May dala akong alak, baka gusto mo rin akong samahan." Naging mahina at malumanay ang boses ni Cain. Parang may dumaloy na kuryente sa balat ni Zelmira nang dumiin at humagod sa braso niya ang hinlalaki ni Cain bago nito binitawan ang kanyang braso. Nauna na itong umalis at naiwang tulala si Zelmira habang mas nagiging marahas ang pagkakagulo ng mga paruparo sa tiyan niya. A/N: Pa-try lang po. Huhuhu 30 comments muna bago ang kasunod na Kabanata Rated SPG. Paranas naman po ng maraming comments para ganado magsulat ng espege. HAHAHA Lol
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD