4. Nawawalang Anak

2117 Words
Kabanata 4 Nawawalang Anak "Is this a C-section scar you have in your bikini line?" Kaagad na binundol ng kaba ang dibdib ko sa hindi inaasahang tanong na iyon mula kay Doc. I gulped unconsciously when I met his sternly questioning look. Kung ipapaliwanag ko lang ang reaksyon niya ngayon in a written way ay tiyak na may karugtong na bonggang interrobangs ang tanong niyang iyon. He made me come through oral and that was amazing and intense ngunit hindi hamak na mas intense ang pagkakatuklas niya sa peklat ko sa puson. At hindi siya nagkakamali sa hula niya dahil galing nga sa C-section operation ang peklat na iyon. "You're a mother..." he spoke, still in his disbelief state. Para maibsan ang kaba sa dibdib ko ay hinablot ko ang bote ng mamahaling alak na iniinom namin kanina. I chugged the alcohol straight from the bottle and I heard him muttered a cúss. "Ano'ng problema mo kung may anak ako?" Mapait kong tanong. His intense honey brown eyes still bore into me like I was a damn mystery he had a difficulty to get solve. Napahugot siya ng hangin ngunit ang confusion sa kanyang mga mata ay naroon pa rin. "Nothing, baby doll," he answered carefully. "There's nothing wrong with you being a mother. That's even wonderful to know but..." Nagsalubong ang mga kilay ko nang napahagod ito sa batok. "But the idea of you being a wife of another man... oh God! I am all dead and will goddamn burn in hell." Ewan ko pero ang kaba ko ay nasipa paalis sa aking dibdib at bigla ay parang nais kong matawa sa pagsimangot ni Doc Cain. He could be a dominating man in one moment then next he could appear cutesy like a lost puppy. I like how this doctor's behavior flip. I smirk. "I am not married." I told him. Muli akong uminom sa bote at mas marami kaysa sa kanina. Inayos ko ang pagkakatuwid ng aking gulugod at sinunod kong ayusin ang suot kong club dress na pinakialaman ko lang mula sa closet ni Bali sa flat n'ya. "Damn! Kinabahan ako ro'n ah. Akala ko ay may lalabagin na ako sa sampung utos ng Diyos." Rinig sa opisina ang pagpapakawala ni Doc ng buntong-hininga. It was a sigh of relief. "What the... What are you doing?" Nabigla ang gago nang kunin ko ang bag ko na iniwan ko sa swivel chair niya. "Preparing myself for leaving. Isn't it obvious, Mr. Doctor?" I answered and along with it, I give him a mocking smirk. "Baby doll, hindi pa kita pinapaalis. We're just starting our night. Ano 'to? Tinakam mo lang ako sa putahe mo pero wala ka rin palang balak na ihain iyan sa akin ng tuluyan? Babydoll, come on. Don't leave and let's enjoy more. Huwag ka namang unfair dapat magkainan tayong dalawa." "Nawala na ako sa mood, okay?" Sabi ko nang pairap. "Atsaka sa kalagayan mo ngayon na nariyan ka sa wheelchair, baka hanggang sitting position ka lang at ako pa ang iyong magtatrabaho. Hindi bale na kang oy. Wala akong sapat na lakas.” Palusot ko na lang ito para makaalis. Kailangan ko nang ibalik sa club ang kotse dahil si Bali ang malalagot nito sa step-father niya kapag nagkataon. "Alright. I feel insulted already." His jaw tightened. Ewan ko pero pakiramdam ko ay tinablan ako ng guilt nang mahimigan ko ang lungkot sa boses ni Doc. "Kung hindi ka na talaga mapipigilan then you're free to leave." He dismissed me subalit ramdam ko ang bigat ng titig niya sa katawan ko. "Kung hindi lang ako injured ay tiyak na pagsisisihan mong ininsulto mo ako." Hindi ko maitatanggi ang kagustuhan ng malaking parte ng utak ko na huwag umalis at tapusin ang naumpisahan namin pero hindi maaari na ang kaharutan ko lang ang susundin ko palagi. Huminga ako ng malalim at humakbang ngunit kasabay ng pagpreno ng mga paa ko ay ang pagkibot ng p********e ko. Discomfort invaded my body because I feel my juice gushing out from my womanhood. Hayop! Ang lagkit ng pakiramdam ko sa ibaba ko. Bago ako tuluyang nakaabot sa pinto ay napalingon ako sa rack malapit sa kinaroroonan ko. Kaagad ko iyon na nilapitan para kunin ang nakasabit na laboratory coat. Nakarating sa akin ang pagmumura ni Doc Cain nang ginamit ko iyon para punasan ang maselang parte ko. I done it hurriedly and faced him. Gumuhit ang talim sa kanyang mga mata. "What the hell did you just do, woman? You just had disrespected my fúcking uniform!" Napangiwi ako sa pag-asik niya. Kumabog ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay nag-ibang anyo bigla si Doc nang dahil lang sa pinakialaman ko ang white coat n'ya. "Ah... eh... Malalabhan pa naman 'yan, Doc. Ano ka ba?" Tinablan ako ng pagkaaligaga dahil sa masamang tingin sa akin ng Doktor. Initsa ko sa kanya ang white coat at nagmamadaling tinungo ang pinto. "You're evil! This coat has a significant value for me yet you damn used this to wipe your v****a with no remorse. Sira ba ang ulo mo?" he scolded me again. Ramdam ko ang galit sa mukha at boses niya na animo'y isang krimen ang ginawa ko sa lab coat niya. Inirapan ko siya. "Kung makasiraulo ka naman diyan parang hindi mo ako minukbang kanina ah. S'ya, s'ya. Alis na talaga ako. Let's just call it kwits. You made me so wet kaya patas lang. Ikaw naman ang dahilan kaya basa ako." Nagmura pa siya. Nakakapanindig balahibo ang boses niya. "Babye, Doc. Isipin mo na lang na panaginip lang ang nangyari sa madaling araw na 'to. Atsaka one more thing lang, Doc. Hihingin ko lang saiyo na sana ay huwag na huwag ka nang magpapakita sa kaibigan ko kahit kailan. Iisipin ko rin na hindi nangyari ito at hindi nagtagpo ang landas natin." Seryoso siyang nakatitig ng diretso sa mukha ko. Magkahugpong ang aming mga mata at habang dahan-dahan kong isinasara ang pinto ng kanyang opisina ay kumabog ng kakaiba ang dibdib ko. Malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa aking bibig nang tuluyan na akong nasa labas ng opisina ni Doc Cain. "Sana hindi na kita muling makita, Doc dahil kinakabahan ako sa t***k ng puso ko kahit na ngayon palang kita nakita." THIRD PERSON’S POV SUMAPIT NA ang umaga ay hindi na makuhang ipahinga ni Cain ang kanyang isip mula sa estrangherang pumasok sa opisina niya. Kaibigan ito ng babaeng pinangalanan nitong Burmi. If he's not mistaken, the person that the woman might be referring to was the lady he randomly met in a bar. Commitments and relationships are not Cain’s thing but one-night-stand is. At isa nga ang kaibigan ng estranghera sa naikama niya. Normal sa buhay ni Cain ang casual affair ngunit bago niya galawin ang babae ay malinaw muna nilang pinag-uusapan na na there's probably no strings attached and it would be casual séx para wala siyang pananagutan and vice versa. Kaya naman hindi niya lubos akalain na may susugod sa kanyang kaibigan ng naka-one-night-stand niya at kung kausapin siya ay kulang na lang ay tutukan siya nito ng shotgun at pikutin para ipakasal sa kaibigan nito. That woman is really something. Walang preno ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. She acted like a fierce lady although there was something noticeably lurking in her eyes. Lungkot. Mabigat na lungkot at natitiyak ni Cain na hindi siya nagkakamali sa nakita niya sa mga mata ng babae. Kaya naman ay ginawa niya ang makakaya niya para gumaan ang atmosphere sa pagitan nila kanina ng babae. He admitted that he was truly interested in that woman. Naabala ang malalim na pag-iisip ni Cain tungkol sa babaeng nakasama niya sa nagdaang gabi nang may kumatok sa kanyang opisina. “Tito Salvador.” Kaagad niyang binati ang bagong dating. Si Salvador Plancarte ay ang esposo ng kanyang inang si Cora Tan. His mother has been married to that filthy rich old man since Cain was only four years old. Step-father niya si Salvador ngunit malayo ang loob sa kanya ng matanda kaya milagro na maituturing na naligaw ito sa opisina ni Cain nang gano'n kaaga. “Ano ang nangyari saiyo?” Bungad na tanong ni Salvador nang makitang wheelchair ang inuupuan ni Cain. “Sprained ankle, Tito. Nadisgrasya lang noong Sabado nang ipasyal ko ang kambal.” Kahit hindi maayos ang relasyon ni Cain sa kanyang step-father ay hindi pa rin nawawala ang hustong paggalang niya rito. Ang kambal na tinutukoy ni Cain ay ang mga anak ni Cyrus— ng kanyang half-brother. Cyrus is younger than him for two years. Sa kanilang dalawa na anak ni Cora Tan sa pagkadalaga ay si Cyrus lang ang legal na in-adopt ni Don Salvador Plancarte habang si Cain ay nananatiling gamit ang apelido ng kanyang biological father na si Don Jacobo although hindi siya lumaki sa poder ng tunay na ama. Tipid lamang na tumango ang matanda at naupo sa isang silya sa harapan ng kanyang desk. “Ano ho ang maipaglilingkod ko sa inyo, Tito?” Sumeryoso ang matanda. “Mahalagang bagay, Cain. Ito’y may kinalaman sa tatlong mahahalagang bagay sa akin.” Nang-uunawang tumangu-tango si Cain. He leaned toward his desk and paid attention to whatever his stepfather has about to tell him. Tiyak na mahalagang bagay iyon dahil hindi sasadya sa opisina niya si Don Salvador kung simpleng bagay lang ang pakay sa kanya. “Ang tatlong bagay na tinutukoy ko ay una’y itong ospital. Bukod doon ay may kinalaman din itong pag-uusapan natin sa kapatid mong si Cyrus at sa...” The old man paused for awhile. “At sa isang taong pinagkakautangan ko ng malaki.” Lubhang nagkainteres si Cain. “Sino ang taong tinutukoy mo, Tito?” Nag-iwas ng tingin sa kanya ang matanda. “Ang aking anak, Cain.” “Anak n’yo? But you don't have any... I meant it in a biological way, Tito.” “Mayroon, hijo. Nagkaroon ako ng anak sa anak ng isang trabahador namin sa hacienda noon. Nakita ko pa ang sanggol na babae nang ipinanganak ito ngunit isang linggo matapos ipanganak ni Preciousa ang aming supling ay umalis siya sa bayan namin. Nangibang bansa ayon sa huling balitang nakuha ko.” “At bakit sa akin ninyo ito sinasabi, Tito?” Ibinalik sa kanya ni Salvador ang tingin. “Si Cyrus ang unang nakaalam tungkol sa anak ko kay Preciousa bukod kay Cora. Nagkaroon kami ng kasunduan ng kapatid mo na siya ang maghahanap sa anak namin ni Preciousa. Nangako siya kapalit ng pangako kong ipapamana ko sa kanya ang kalahati ng ospital na ito at ang kalahati ay sa anak ko.” Gumuhit ang pait sa dibdib ni Cain. Nagseselos siya sa oportunidad na nakuha ni Cyrus mula sa kanilang ama-amahan. “Ngunit hindi tumupad si Cyrus sa kasunduan namin at matapos mag-uwi ng mga batang dagdag abala kay Cora ay bigla na lamang naglaho. That man is a disappointment! Limang milyon pa man din ang ipinagkatiwala ko sa kanya sa pangako niyang dadalhin sa akin ang tunay kong anak ngunit tila dinaya ako ng kapatid mo.” Nananatiling tahimik si Cain sapagkat hindi niya mahulaan kung saan tutungo ang usapan nila ni Don Salvador. “Ang dahilan kaya sinasabi ko ito saiyo ay dahil iaalok ko saiyo ang sana’y kasunduan namin ni Cyrus.” Hindi napigilan ni Cain na magsalubong ang kilay. Even though he doesn't say a word, Don Salvador would probably see the disinterest in Cain’s face. He's one hell of a busy man at saan siya kukuha ng oras para hanapin ang nawawalang anak ng ama-amahan niya? “Tulungan mo akong mahanap ang anak ko kay Preciousa, Cain. I... I need to see my daughter before I leave this world. At kapag natupad mo ang ipinapagawa ko ay iiwan ko sa pangalan mo ang karapatan sa ospital na ito kasama na ang kalahating porsiyento sa hacienda de Plancarte. Iyon ay mahahati sa inyo ng anak ko kay Preciousa.” Lubhang nabibigla si Cain sa mga naririnig at nalulula sa mga alok ni Don Salvador. And this hospital, mahalaga ito sa kanya. Simula nang maging ganap siyang doktor ay sa hospital na iyon na nakalaan ang puso at loyalty ni Cain. “Susubukan ko, Tito.” Iyon lang ang nasabi niya sapagkat hindi pa niya gaanong naa-absorb ang tungkol sa ipinapagawa ni Don Salvador. “Hindi mo susubukan, Cain kundi ay gagawin mo nang may karampatang dedikasyon. I want my daughter, Cain. Siya na lamang ang immediate family na mayroon ako. At ipagkakatiwala ko saiyo ang paghahanap sa aking anak at oras na mahanap natin siya ay nais kong pakasalan mo siya. Kayong dalawa ang magiging legal na tagapagmana ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD