Kaagad na tinakpan ng dalagang si Charm and dibdib niya ng tuwalya. Hindi na s'ya nag tagal pa sa paliligo. Matapos lamang siyang sigawan ng binatang si Alfredo ay kaagad na siyang umahon. Hindi man lang niya na enjoy ang paliligo.
"Bastos." May inis sa boses ni Charm habang nag lalakad pauwi sa kanilang bahay. "Sino kaya ang binatang 'yun?" Hindi niya mapigilang tanong sa sarili.
Wala kasi siyang alam na kabataan o iba pang binata na naliligo sa ilog ng ganitong oras. Kaya nga pinili niyang maligo ng hapon dahil alam niyang sya na lamang ang tao.
Hindi man lamang niya nakita ang mukha ng binata. Tanging matipunong katawan lang nito ang nasilayan niya.
Napabuntong hininga na lamang siya.
Hindi na lamang niya iisipin ang nangyari ngayon, at wala narin siyang balak ipaalam sa magulang nya ang nangyari.
Mag kukumagkag lamang kasi ang nga ito at mag aalala sakaniya. Ayaw na niyang ma-stress pa ang dalawang matanda.
"Iha."
Agad siyang napalingon kay Alfredo.
"Bakit po Lolo?"
"Tila ikaw ay malungkot, may problema ba?"
Pakunwaring tanong pa ni Alfredo. Mabuti na lamang ay mabilis siyang nakapag palit ng hindi nahahalata ng magulang ni Charm. Akala kasi ng mga ito ay nasa silid lamang siya at nag papahinga.
"Kasi po may bastos sa ilog kanina!"
Napangiwi si Alfredo. Dahil ang tinutukoy ng dalaga ay walang iba kundi siya lang rin naman.
"Iba na po talaga ang tao ngayon mga bastos na," reklamo pa ng dalaga.
"Oo nga iha," sang-ayon niya. "Sa susunod kasi ay mag i-ingat ka upang hindi ka nasisilipan."
Natigilan si Charm at napakunot ang nuo. "Pero wala pa po akong sinasabi. Paano po ninyo nalaman na--" Mabilis niyang pinutol si Charm sa pagsasalita.
"Sabi mo'y bastos kaya halatang sinilipan ka." Palusot ni Alfredo bago pinatong ang kamay sa buhok ng dalaga at ginulo ito. "Sige na, bihis kana."
Napatango ang dalaga. Nakahinga ng maluwag si Alfredo ng umubra ang palusot niya sa dalaga. Kamuntik na siyang mabuking dahil sa hindi nya pag i-ingat sakanyang salita.
"Kuyang Lolo!" Hinihingal na lumapit ang bunsong kapatid ni Charm sakanya.
"Bakit? Sinong humabol sayo at hingal na hingal ka?" Tanong pa nya.
"Kasi po nakahanap na ako ng makakapag alis ng sumpa!" Napapalakpak pa ito.
"Oo nga po Kuyang Lolo!" Segunda ng mas matanda bago siya hinatak ng mga ito sa kamay.
"Saan ninyo ako dadalhin? Hingalin ako," palusot pa ni Alfredo.
"Kasi po nag tanong kami sa mga kapitbahay namin kung sino yung matanda narin na gaya mo ang walang asawa." Paliwanag ng mas matanda sa bunso.
Napakamot sa ulo si Alfredo. Umaasa parin nga pala ang mga ito na totoo ang inembento niyang kwento.
No choice si Alfredo. Kaylangan niyang sakyan ang mga kapatid ni Charm upang manatili ang sekreto nya.
"Sino naman nahanap nyo?" Takang tanong n'ya dahil curious din sya.
"Si Lola Bayag po." Sabay na sagot ng dalawa. "At kaya po Lola Bayag ang tawag sakanya ng mga tao kasi mahilig po sya dun," paliwanag ng bunso na tinanguan naman ng isa.
Kamuntik ng mapahagalpak ng tawa si Alfredo pero napigil niya. Mabibira kasi ang fake skin niya sa mukha.
"Ilan taon na?" Takang tanong pa nya.
"Seven po at tsaka zero."
"Kayong mga bata kayo masama yang sinasabi ninyo. Ang babata nyo pa alam na ninyo ang bayag?"
"Kasi po naririnig namin sa--"
"Ano na naman ang gingawa ninyong dalawa? Ano bang sabi ko? Sabi ko wag kukulitin si Lolo Alfredo."
Biglang nag si takbo ang dalawa ng sumulpot ang ate nila.
"Ang mga batang yun talaga!"
"Bayaan mo na," sita niya kay Charm. "Sino ba si Lola Bayag?" Takang tanong niya na hindi parin maka-move on sa sinabi ng dalawa.
"Balo na si Lola Bayag, pero kaya lang naman siya tinawag sa ganung nickname dahil sa sinasabi niyang mahilig sya sa bayag, pero mabuting tao si Lola." Paliwanag ni Charm. "Sumisilim na, pumasok na po tayo." Pag-aaya pa nito bago sya hinawakan sa braso at inalalayan.
Tatanggi pa sana siya ngunit naisip niya na baka makahalata na 'to sa pag iwas niya. Maging ang pag e-english niya ay pinipigilan na nya.
"Kain na."
Nilagyan sya ni Charm sa plato ng kanin at ulam bago ito hinalo. Hinipan din ito ng mabait na dalaga upang hindi siya mapaso.
"Ako na, salamat." Nahihiyang inagaw niya ang kutsara sa dalaga. "Matanda lang ako pero hindi ako baldado," sambit pa nya.
"Sige po," ngumiti sakanya 'to bago nag simula naring kumain.
"Lolo wala kaba talagang pamilya?" Pag u-usisa ng Ina ni Charm.
"E, apo? Wala ba?" Segunda naman ng ama nito.
Hindi agad nakasagot si Alfredo. Anong palusot kaya ang maaari niyang sabihin upang maniwala ang mga ito sa tigilan siya sa pag ta-tanong.
"Isinumpa siya!" Sabat ng bunso.
Mabilis itong sinaway ni Charm. "Pasensya na," nahihiyang wika ng dalaga.
"Totoo ang sinabi ni Kuyang Lolo ate. Kaylangan lamang niya ng isang halik, at maaaring si Lola Bayag ang mag pabalik sakanya sa normal na katauhan." Segunda ng isa pang kapatid ni Charm.
Naibuga ni Alfredo ang kanin at ulam na nginunguya na niya.
"Iyan kasi napakadadaldal ninyong dalawa. Nasamid tuloy ang Lolo," pinanlakihan ni Charm ng mata ang dalawa niyang kapatid. Habang pinupunasan si Alfredo ay kinakausap nya ito. "Pasensya na Lolo. Ang mga bata kasi naniniwala pa sila sa magical place, fairy at sa mga prince and princess."
"Ikaw ba hindi?" Hindi niya napigilang mag tanong.
"Ako?" Mahinang natawa si Charm. "Hindi e, haha. Kasi naman sa reyalidad walang ganun. Kahirapan ang mararanasan sa tunay na buhay. Walang lalaking darating at sasabihing pakakasalan ako, tapos happy ending na. Bata palang ako mulat na ako sa hirap ng buhay."
"Paano kung pakasalan kita iha?"
Ang ama naman ni Charm ang nasamid at naibuga ang iniinom nitong tubig.
"Seryoso kaba Lolo? Parang hindi na nga yata tumatayo ang manoy ninyo," natatawang sambit ng ama ni Charm.