Chapter 5

830 Words
"Papa," sita ni Charm sa ama kaya natigilan ito. "Matanda na sya unawin nalang po natin." "Oo nga naman, baka may sakit na kalimot na ang matanda." Sang-ayon ng Ina ni Charm bago kinurot sa gilid ang kaniyang ama na tawa parin ng tawa. "Ako nga ay hindi na makascore sa Ina mo dahil hindi na kaya haha." "Pa!" "Sige na, oo na titigil na." Nakataas pa ang dalawang kamay nito habang patuloy parin sa pag tawa. "Ma, si Papa tignan mo ayaw pasaway." Sumbong ni Charm bago bumaling kay Alfredo na tahimik lang. "Pasensya na po, pero Lolo ko nalang po kayo hehe." "Pero mayaman ako," pag amin ni Alfredo. Ngayon niya masusubok ang pamilya ng dalaga lalo na ang dalagang palaging ikwenekwento ng Lola Felicia niya. "Lolo, wala nga po kayong matirahan tapos sasabihin mo mayaman ka. Tapusin nyo na po ang pagkain ninyo at pag tapos ay mag pahinga na po kayo." Inis na pumasok ng silid si Alfredo. Kaylangan ay may maipakita siyang pera upang mas malaman pa ang magiging reaksyon ng dalaga. Inaasahan niyang bibigay ito at papayag na pakasal sakaniya dahil sa pera. Samantala si Charm naman ay nahiga na sa sala. Dahil sa ginagamit ni Alfredo ang silid niya ay nag titiis siya ngayon sa banig, imbis na nasa malambot siyang foam. Napaisip siya sa sinabi ni Alfredo. Mayaman ba talaga ito? Napailing sya at bumaling ng higa. Marahil ay dala nalang rin siguro talaga ng katandaan nito kaya nakakapag salita ng ganung bagay, baka imagination lang iyon ni Lolo Alfredo. Ito ang nasa isipan niya. Napabuntong hininga sya at tumayo upang kumuha ng beer na itinago pa niya sa ref. Ito ang madalas na gawin niyang pampatulog sa tuwing inaatake siya ng insomnia. Inaatake lang naman sya nito sa tuwing nalulungkot siya, at ngayon ay ito nga ang nararamdaman nya. Nalulungkot siya sa kalagayan nila. Nais niyang maiparanas sakaniyang pamilya ang ginhawa. Ngunit paano niya agad na maipaparanas 'yun kung hanggang sa pagtitinda nalang muna ang kaya niyang gawin? Alam niyang hindi ang pag patol sa mayaman ang sulosyon sa problema nila. Nais niyang may marating at maipag malaki. Nais niyang makapag tapos ng pag-aaral ngunit paano niya gagawin yun? Kapag huminto siya sa pagtatrabaho ay wala ng susuporta sa dalawa niyang kapatid. Maagang nagising si Charm. Kahit na pasado alas dose na ng makatulog sya ay bumangon na siya ng alas kwatro upang mag tungo sa pwesto niya sa palengke. Nagising na lamang siya na may kumot. Nag taka siya ngunit agad ding naisip na baka ang kaniyang ina ang nag lagay. "Mga suki!" "Hi." "Hi sir," bati niya sa binatang naging costumer rin niya nung isang araw. "Aga mo pala nag bubukas." "Opo, kaylangan para makaubos agad." Sagot niya bago inalok ang binata. "Ano pong hanap ninyo? May alimango po ako na fresh at kade-deliver lang." "Sige bilin ko na, ilan ba yan?" "Tatlo sir, at talaga namang malalaki." "Pakyawin ko na paninda mo," nakangiting wika ng binata. Hindi maitago ni Charm ang gulat sa kaniyang mga mata. "Talaga po sir?" "Huwag mo na akong tawaging sir, call me Angelo." "Sige po sir Angelo." Nahihiyang wika ni Charm bago binalot ang mga paninda na binili ng binata. "May boyfriend kana ba?" Nanigas sa kinatatayuan si Charm. Palagay niya ay may kapalit ang ginawa ng binata kaya mabilis siyang tumigil sa pag babalot. "Kapag may kapalit po sir Angelo wag na po, mag titiis nalang ako mag hapon." "Hindi yan ang ibig kong sabihin. I'm just curious, pero wala akong masamang intensyon." "Naku! Parehas lang yan iho. Lalaki din ako at alam ko ang karakas mo totoy." Si Alfredo na bigla nalang sumulpot. "Iha, tulungan na kita." "Lo, bakit po nandito kayo?" "Kasi naman nababagot ako sa bahay." Mabilis na sagot niya bago binalingan si Angelo na napayuko. "Ano iho? Bibili kaba o tatayo nalang diyan?" "Lo," nag mano si Angelo. "Pasensya na po. Wala naman akong intensyon na masama. Gusto ko lang po maging kaybigan ang apo ninyo," paliwanag pa ng binata. "Asawa ko sya," sagot ni Alfredo. "Ho?" "Ako matanda pero ikaw ang bingi." Napailing si Alfredo bago sumenyas kay Charm na sumakay nalang sa sinasabi niya. "Asawa ko sya, and age doesn't matter." "Apo mo nalang sya." Hindi makapaniwalang wika ni Angelo. Kumibot ang sentido ni Alfredo. Mas gwapo ako kapag nakita niya tunay kong anyo! Sigaw niya sakaniyang isipan. "Age doesn't matter nga iho." "It does," bumaling ito kay Charm na nakamasid lang. "Asawa mo talaga sya?" "Hindi. Lolo ko sya, pasensya na matanda na kasi." "Ah, okay. Hi Lo, my name is Angelo. Ang ganda mo ng apo ninyo." Nag mano pa si Angelo ngunit sinamaan siya ng tingin ni Alfredo. "Bawal manligaw," striktong sabi niya bago itinaboy si Angelo. "Pwede po ba sa bahay ninyo?" Pamimilit pa ni Angelo. "Hindi! Pag sinabi kong hindi dapat hindi!" Napasigaw na si Alfredo sa inis. "Lo?" "Aray ko ang balakang ko!" Palusot nya ng titigan siya ni Charm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD