Chapter 3

731 Words
"Mga bata!" Saway ni Charm sa dalawa niyang kapatid na nadatnan niyang ginugulo si Alfredo. "Aray ko!" Napahawak sa balakang si Alfredo at pakuwareng may iniindang sakit. "Nabali yata ang balakang ko." Agad naman itong nilapitan ni Charm at inalalayan. "Pasensya na po kayo sa dalawa kong kapatid Lolo." Kumibot na naman ang sentido ni Alfredo. "Ate Charm isinumpa sya!" Sigaw ng nakababatang kapatid ng dalaga. Napakunot naman ang nuo ni Charm. "Anong sinasabi mo?" Tanong niya. "At kaylangan ng halik mo kaya halikan mo na si Kuyang Lolo!" Segunda ng isa pa niyang kapatid. Nanlaki ang mata ni Charm. "Lolo pasensya na po kayo sa mga kapatid ko." Nahihiyang hingi ng paumanhin ni Charm bago binitbit ang dalawang kapatid niyang kinukulit parin s'ya. Natatawang umiling si Alfredo. Paniwalang paniwala niya si Charm at ang pamilya nito kaya mukang magiging successful ang mission niya. Kapag mahuli man siya ay nalaman na n'ya ang katotohanan. At least mapoprotektahan na niya ang kaniyang Lola Felicia, at maniniwala na ito sakaniya. "Kayong dalawa makinig nga kayo sakin." Panimula ni Charm sa dalawa niyang kapatid na kanina lang ay ginugulo si Alfredo. "Sabi kasi n'ya totoo ang fairytale. Isinumpa siya ng diwata upang maging Lolo," nakasibing paliwanag ng bunso. "Elementary na kayo naniniwala parin kayo sa ganiyan? Imbis na pag-aarala ang inaatupag ninyo ay si Lolo Alfredo ang kinukulit ninyo. Unawin nyo nalang siya dahil may edad na si Lolo Alfredo. Huwag kayong basta naniniwala. Ano bang sinabi ko?" "Walang Cinderella sa tunay na buhay. Walang prince charming na mag liligtas satin sa kahirapan kundi sarili lang natin." Ang panganay na kapatid ni Charm ang sumagot. Itinatak niya ng maaga sa mga kapatid n'ya na dapat ay mag pursige ang mga ito sa pag-aaral dahil mahirap ang buhay. Kahit pagiging janitor ay hinahanapan na ng dukomento na pinag tapusan. Kaya lagi niyang sinasabi at pinapaalala na kahit anong mangyari ay igagapang niya sa hirap ang dalawang niyang kapatid makatapos lamang ang mga 'to kahit highschool. "Sige na, maligo na kayo at matulog ng maaga. May pasok pa kayo bukas," utos n'ya sa dalawang nakababatang niyang kapatid. "Masyado mo namang tinatakot ang dalawa anak." Napalingon si Charm sa ama niyang kanina pa nakikinig sa pangangaral niya sa dalawa. "Mas mabuti na pong sabihin ang katotohanan sakanila kaysa po mag sinungaling tungkol sa mga napapanuod nila. Kasi wala naman po talaga silang aasahan kundi sarili nila. Sa panahon po natin ngayon ay bibihira na ang makahanap ng lalaking matino. Karamihan puro tambay, magaling lang sa panliligaw pero wala pa namang kakayahan." "Masyado mo namang pinag kakaitan ang sarili mo anak." "Ayaw ko lang po kasi na maging ako mangarap pa ng gising. May tamang panahon po para sa mga ganyang bagay, pero sa ngayon ay sa pamilya muna natin ang focus ko." Paliwanag ni Charm bago tumayo na upang mag linis narin ng katawan. Malansa ang amoy niya dahil sa mga isdang itinitinda n'ya. Samantala ang binata namang si Alfredo ay nais naring maligo dahil init na init na siya sa kaniyang suot. Hindi na siya nakatiis at agad na lumabas. Hindi s'ya nag pakita sa magulang ng dalaga maging sa dalawang kapatid ni Charm. "Lolo?" Pinanlakihan niya ng mata ang bata. "Sinong nag sabing Lolo ako?" Bigla itong ngumawa. "Isusumbong kita sa Mama ko!" "Sumbong mo, pake ko?" Natigilan siya ng mapansing may mga nakatingin sakanya. "Apo," pasimpleng sabi niya bago hinawakan sa braso ang bata. "Saan ba may ilog rito?" Tanong pa niya bago inabutan ng limampiso ang bata. "Pambili mo lollipop." Panunuhol pa niya. "Dun banda," turo ng uhuging bata. "Sige, umuwi kana. May nangangain ng bata rito dalian mo!" Pananakot pa ni Alfredo kaya yung uhuging bata ay agad na kumaripas ng takbo. Walang tao sa ilog na napuntahan niya kaya naman mabilis niyang inalis ang pekeng balat niya at tanging short na lamang ang itinira. Mabilis siyang sumisid. Ilang segundo siyang nakalubog ngunit pag ahon ay nagulantang ng mahahip ng kaniyang mata ang dalagang si Charm. Agad siyang lumubog ngunit mas kinabahan siya ng biglang tumalon ang dalaga. Malas! Sigaw niya sakanyang isipan. Kaagad siyang tumungo sa gilid upang umahon na. Dinampot niya ang kaniyang mga hinubad. Napasulyap siya kay Charm at napakunot ang nuo. Napailing siya bago sumigaw sa dalaga. "Miss yung dede mo bakat!" Sigaw niya bago kumaripas ng takbo. Gusto pa sana niyang mag babad ngtunit hindi na maaari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD