"Sigurado kaba sa bagay na 'yan anak?" Nag aalala ang magulang ni Charm sa ginawa niyang pag kupkop sa matandang nakita niya sa daan.
Inaakala niya na matanda talaga ang tinulungan n'ya. Ngunit lingid sa kaalaman niya ay nag babalat kayo lamang ang binata. Isa talaga itong mayaman at gwapong lalaki na kauuwi lang galing ng America. Nakiusap lang ang kaniyang Lola Felicia na mag tungo sa lugar nila Charm upang pakasalan ang dalaga.
Ngunit hindi payag si Alfredo sa bagay na hiniling ng kaniyang Lola. Sa panahon ngayon ay bibihira na ang taong mabait at walang pagnanasa sa salapi. Kaya naman nakaisip si Alfredo ng magandang plano, at ito nga ay ang mag panggap bilang matanda. Balot ang katawan niya at habang mukha naman niya ay may pinaka nakapatong na pekeng balat para mag muka siyang kulubot.
Pinipilit nalang rin niya ang sariling mag boses matanda dahil mabilis siyang mahahalata kapag hindi siya nag ingat. Gusto niyang patunayan sa Lola niya na pera lang ang magiging habol sakanila ng pamilya ni Charm.
Ang Lola kasi ni Alfredo ang nag bigay ng puhunan sa dalaga. Para sakanya ay sapat na ang ginawa ng Lola niyang pag tulong bilang kabayaran sa ginawa rin naman nitong pagmamagandang loob. Ngunit hindi 'yun ang gusto ng Lola niyang si Felicia. Nais nitong maging asawa ni Alfredo si Charm dahil sa mabilis na nakuha ng dalaga ang puso ng Lola niya dahil sa kabaitan nito.
Walang magawa si Alfredo kundi ang sumunod. Ang tanging kinakabahala lang niya ay ang mahuli agad siya. Dapat ay doble ingat s'ya sakanyang mga galaw upang mas makilala pa ang pamilya ni Charm lalo na ang dalaga.
Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito. Pakunwaring nanghihina siya upang maawa ang mga ito at kupkupin siya ng tuluyan.
"Kawawa naman po kasi si Lolo, baka mapano siya sa daan. Wala na daw siyang pamilya. Kapag malakas na siya ay maari naman na siguro siyang bumalik kung saan man siya tunay na nakatira."
Napapikit ng mariin si Alfredo. Hanggang ngayon naiirita parin siya sa pag tawag ng Lolo sakanya. Sa gwapo niya ay habulin siya ng babae sa manila. Maayos rin ang pangangatawan niya dahil palagi siya sa gym.
"Malabo naman ang nais mo anak. Hindi naman tayo charity, maging tayo ay kapos at hikahos sa pang araw-araw.
Hindi naman sa nag dadamot tayo, pero ikaw lang ang inaalala namin."
"Kaya ko naman po, sapat pa naman ang kita ko sa araw-araw. Ayoko lang po kasi pabayaan nalang siya. Ako na ang mag aalaga sakanya kaya wala po kayong dapat na intindihin." Paliwanag ni Charm bago napalingon sa kwarto kung saan ay pinahiga muna niya si Alfredo.
"Desisyon mo naman 'yan, sige. Ayaw lang namin na madagdagan pa ang pasanin mo anak. Kapag nahihirapan ka na sabihan mo lang kami ng ama mo."
Napatango si Charm sakaniyang ina. "Puntahan ko lang po," paalam niya bago pumasok sa kwarto.
Mabilis na nag kunwaring tulog si Alfredo.
"Lolo," tawag ni Charm.
Kumibot naman ang sentido ni Alfredo bago sumagot. "Yes, iha?"
Gusto niyang matawa sa pag papanggap niya. Tiyak na pag balik niya ng manila ay pag tatawanan siya ng mga kaybigan niya.
"Ano pong pangalan ninyo?"
"Alfredo," tipid na sagot niya.
"Nais nyo po bang mag pTalit ng damit?"
"Branded ang mga damit ko iha," napaubo pa siya kunwari. "Kahit ano nalang pala." Mabilis na bawi niya ng maalalang hindi nga pala siya pwedeng mag inarte.
"May pinag lumaan ang namatay kong tito, baka kasya pa sayo. Tignan ko lang, maiwan muna kita." Paalam ni Charm bago lumabas.
What?!
Hindi makapaniwalang reklamo ni Alfredo sa isip niya. Isipin palang niyang pasusuutin siya ng damit ng namatay ay kinikilabutan na siya.
Naiinitan na siya sa pekeng balat na nakasuot sakanyang mukha. Gusto na niyang sumuko ngunit naisip niyang sayang naman ang effort niya. Naumpisahan na niya ang plano kaya hindi na siya maaring umatras.
Gusto niyang protektahan ang kaniyang Lola Felicia sa mga taong mapag samantala. Sa panahon ngayon ay hindi na basta makikilala kung sino ang dapat pagka tiwalaan.
Hindi sapat ang pinapakitang kabitan ni Charm para kay Alfredo. Madali lang maging mabango at mabait kapag kaharap ang isang tao, pero oras na nakatalikod na siya ay hindi na n'ya alam ang maaring gawin ng dalaga.
Tumayo si Alfredo upang mag inat ng katawan.
"Lolo?!"
Agad na tumakbo palapit sakaniya ang dalawang bata na kapatid ni Charm at inalalayan siya.
"Baka po mabalian kayo ng balakang. Sabi po ni ate ay mag pahinga labg kayo," wika ng mas matanda.
"Sh*t," bulong niya bago napahilot sa sentido.
"Ano po yung sh*t Lolo?" Takang tanong pa nito kaya agad siyang nag isip ng palusot.
"Wala yun mga apo," nandidiri man siya ay tiniis nalang ni Alfredo. Sobrang bata pa niya para magka apo. "Tawagin ninyo akong Kuya Alfredo," bulong niya sa dalawa.
"Pero dapat po igalag ka namin kasi Lolo kana."
"Sinong nag sabing Lolo ako?"
"Hindi ka po Lolo talaga?" Manghang tanong ng dalawa.
"Ang totoo kasi ay isinumpa ako ng isang diwata."
Dahil sa pagiging desperado ay kung ano ano na lamang ang naisip na palusot ni Alfredo.
"Sabi ko sayo totoo ang fairytale!" Pagmamalaki pa ng bunsong kapatid ni Charm.
"Oo, totoo sila. Isinumpa ako ng isa sa mga diwata at ang sabi niya ay kinakaylangan kong manatiling ganito ngunit wala siyang sinabi kung paano ako makakabalik." Paliwanag pa niya.
"Halik! Isang halik ang makakapag pawala ng sumpa. Sabi sa napanuod namin ay halik palagi ang nakakapag alis nun Kuyang Lolo."
Pwede na ang Kuyang Lolo kay Alfredo payag na siya sa ganung tawag.
"Halik ni ate Charm!" Segundo ng bunso.
Napailing na lamang si Alfredo. Mukang hindi nga talaga magiging madali ang mission na pinasok niya.