Chapter 6

676 Words
Ang hirap mag panggap! Ang hirap ng kalagayan ko! Ito ang isinisigaw ng isipan ni Alfredo ngayon habang walang imik. Pinaupo muna siya ni Angelo at Charm dahil sa pakunwaring pag inda niya sa kaniyang balakang. "Lolo naman kasi," bakas ang pag-aalala sa muka ni Charm. "Bakit naman kasi sumunod pa kayo dito? Dapat po sainyo mag pahinga nalang, para kapagt tuluyan na ninyong na bawi ang lakas nyo ay makapamasyal na po kayo ng maayos. Makakalabas rin naman po kayo, pero hindi pa sa ngayon." Kahit na pinapagalitan sya ni Charm ay malambing at mahinahon parin ang boses nito. "Tama po si Charm, Lo." Sabat ni Angelo kaya naman agad na uminit ang ulo ni Alfredo. Napapalatak s'ya at tumingin sa binatang balak manligaw kay Charm. "Umaano ka pa rito iho? Umuwi kana," utos niya. Mas gwapo naman ako lamang na lamang ng sampong paligo! Ngunit sa isipan lang ni Alfredo niya nasasabi ang saloobin niya. "Ang attitude pala ng Lolo mo." Napa kamot sa batok si Angelo bago nag paalam na kay Charm. "Salamat Charm, bukas pakyawin ko ulit." Napakunot ang nuo ni Alfredo. Sinuri niya ng tingin ang binata bago pasimpleng nilapitan. "Mayaman ka?" Curios na tanong niya. Ngunit gamit parin ang pang matandang boses. "Mommy and Daddy ko lang." "Mayaman nga," bulong pa ni Alfredo. Baka nga kaya nag papaligaw din si Charm ay dahil sa mayaman ang binata. Ito ang pumasok sa isip ni Alfredo. Mukang tama nga ako. Turan pa niya sakaniyang isipan bago napangisi ng palihim. Nanghihinayang s'ya na ginagamit lang ni Charm ang ganda nito sa panloloko ng tao. "Bakit mo nga pala pinapakyaw ang paninda ko?" Napasulyap si Alfredo sa dalaga. "Kasi nag papa-feeding kami sa mga bata." "Ang bait nyo naman pala." Nakangiting wika ni Charm bago inabot ang mga nakaplastic. Ngunit masyado itong madami kaya naman tinulungan na niya si Angelo. "Paano ako? Masakit balakang ko," pag si-sinungaling ni Alfredo. Natigilan si Charm. Hindi naman niya pwedeng iwan nalang basta ang pinaniniwalaan niyang matanda. Napabuntong hininga s'ya bago humingi ng pasensya kay Angelo. "Next time nalang sasama ako sa feeding program ninyo." "Sige, asahan ko yan. Pwede ba akong dumalaw sa bahay ninyo?" Sasagot na sana si Alfredo upang pigilan si Angelo ng mabilis na sumagot si Charm. "Oo naman. Wala kaming pinipiling bisita, always welcome kahit maliit lang bahay namin. Si Lolo Alfredo pala pag pasensyahan mo nalang, may edad na kasi." Baka malaglag ang panty n'ya kapag nakita niya tunay na itsura ko. Inis na wika ni Alfredo sa isipan niya. Kumaway na si Angelo kay Charm, at nang tuluyang makaalis si Angelo ay si Alfredo naman ang hinarap ng dalaga. "Lo, sa susunod po wag nyo na ako susundan dito." Kasi ayaw na nabubuking! Ito ang isinisigaw ng isipan ni Alfredo. "Bakit naman iha?" Nag titimping tanong niya. "Kasi delikado po dahil matanda kana po." "Mayaman sya diba? Gusto mo ba siyang maging nobyo Charm?" Lumamig ang boses ni Alfredo. Nanlaki ang mata ni Charm ng marinig ang boses ni Alfredo na biglang nag iba. "Marami na yatang dumi sa tenga ko hehe." Sinundot sundot pa ni Charm ang tenga niya at bahagyang tinaktak. "Nakakarinig ako ng kung ano-ano." Muling ibinalik ni Alfredo ang boses niyang pang matanda. "Kaya ba ayaw mo sakin? Kasi matanda na nga ako, mahirap pa." Hindi alam ni Charm ang isasagot niya. Hindi kasi siya makapaniwalang sinasabi ito ng matandang inampon niya. "Hindi naman po sa ganun, Lo. Wala sa estado ng buhay yan, pero kasi po. Naisip mo man lang po ba na apo mo na ako? Mahirap kami oo, at talagang lahat gagawin ko para maiahon sa hirap ang magulang at kapatid ko, pero hindi po ako mapag samantalang tao. Iniisip nyo po ba na papatulan ko si Angelo kasi bata sya at mayaman? Hindi naman po ako ganun." Napahiya si Alfredo tila ba na guilty siya sa ginagawa niyang pag bibintang sa dalaga. "Pakasalan mo ako." "Ho?" "Basta pakasalan mo ako, tapos ako na bahala sa future mo hanggang sa magiging mga apo mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD