Chapter 10

817 Words
"Tatapatin na kita." Seryosong sabi niya habang nakatitig kay Alfredo. "Hindi kita gusto iyan totoo. Wala talaga akong hangad kundi mapabuti ang pamilya ko. Hindi ko kaylangang mag sinungaling sayo. Napaka-impokrita ko naman kung sasabihin kong gusto kita at hindi pera mo ang hangad ko. Ibahin mo ako sa mga babaeng nakasalamuha mo kasi ako kaylangan ko ng pera para may ipangtustos sa dalawa kong kapatid. Kaya kung niloloko mo lang po kami, pwedeng tigilan nyo na po." Hindi alam ni Alfredo ang sasabihin niya. Ngunit imbis na mainis sa nalamang pera ang dahilan kaya ito pumayag ay wala siyang inis o galit na naramdaman. Masaya sya na naging matapat ang dalaga, para siyang nababaliw. Apektado na siya maging ang kaniyang puso dahil sa awa. Kinukumbinsi ni Alfredo na awa lamang ang nararamdaman niya sa dalaga at sa pamilya nito. "Pasok na tayo masyado ng gabi." Alok nito sakanya bago naunang pumasok sa loob ng bahay kung saan nag hihintay ang magulang ni Charm. Walang tutol ang magulang ni Charm nag sinungaling siya. Hindi n'ya sinabing pera lang ang nais kay Alfredo para hindi mag hirap ang kalooban ng dalawang matanda, at isipan na binili lamang siya para guminhawa ang pamumuhay nila. Ito ang hindi papayagan ni Charm na mangyari. Ayaw niyang sisihin ng kaniyang ama't ina ang mga sarili nila. "Sasama na po ako bukas sakaniya. Upang maayos ang mabilisang kasal, at pag tapos ay agad ko po kayong kukunin." Pangako ni Charm sa dalawang tumatangis na matanda. "Iiwan mo na kami anak," masama ang loob ng kaniyang ina. "Ma, hindi totoo 'yan. Kukuhanin ko po kayo, pangako. Hintayin nyo lamang po ako. Huwag na po kayong mag isip ng kung ano. Mahal ko po si Alfredo," dagdag pa niya. Napahagulhol ng malakas ang kaniyang ama't ina. Sino nga ba naman kasing magulang ang gugustuhin pakasal ang anak nila sa matandang lalaki? "Hindi ko lubos maisip na sakaniya kalang pala babagsak anak." "Pa," hinawakan niya ang kamay ng ama. "Sarili ko na po itong desisyon." "Alam kong marami na ngayon ang nagiging practical, pero anak hindi kami payag sa ganun. Hindi namin kayang ipagkait sayo ang kaligayahan." "Mama, tahan na po. Tumigil na kayo nahahawa na ako e," pinahid ni Charm ang kaniyang luha. "Ang hirap po maging mahirap sa totoo lang. Kayan- kayanan tayo. Minimaliit, tinatapakan, hinuhusgahan. Kaibahan kapag mayaman ka at may sapat na pera. Ire-respeto ka, titingalain, pakikisamahan ng maganda." "Irerespeto namin anak ang desisyon mo. Buhay mo 'yan wala kaming magagawa kundi ang mag payo lamang." "Salamat, Papa." Sinigurado muna ni Charm na tulog na ang magulang niya bago natulog. "Babalik ka ate!" "Ate balik ka!" "Anak ingat!" "Mahal ka namin!" Ito ang isinisigaw ng pamilya nito habang umaandar palayo ang kotse na sumundo sakanila. Kumakaway pa siya hanggang sa mawala na sa paningin niya ang mga ito. "Hindi ko maipapangako na mamahalin ka, pero ipapangako ko na gagampanan ang pagiging asawa ko sayo at aalagaan ka hanggang sa mamatay ka." Nasamid si Alfredo sa sinabi ni Charm. Tila yata nasobrahan sa pagiging honest ang dalaga. Nasulyapan niya na natawa ang driver kaya pinanlakihan n'ya ito ng mata. Alam ni Manong Almario ang tunay na katauhan ni Alfredo ngunit nasabihan na agad n'ya itong mag panggap kaya naman hindi sila nahalata ng dalaga. Wala pa siyang balak na mag reveal, pero naiisip narin n'ya itong gawin. Hahanap lamang siya ng tiyempo upang maisagawa ng maayos ang pag re-reveal sa dalaga na tinitiyak niyang labis na magugulat. "Matagal pa ang byahe kaya mag pahinga ka muna." Tumango naman ito bago ipinikit na ang mata. Sa labas lang naman dapat ang tingin niya ng hindi sinasadyang mapasulyap siya sa dalaga at titigan ito. Maamo ang mukha, mapula ang labi at natitiyak niyang malambot ito. Hindi nga lang niya masyadong nadama ang labi ng dalaga ng halikan n'ya 'to. Ang mapupungay nitong mata ay talaga namang nakakabighani. "Sir, baka matunaw." Pasimpleng panunukso ng driver nila na si Almario. "Ano pong sabi ni Lola? Mabuti at napigilan nyo siyang bumiyahe." "Akala ko nga ay binabalak mo pang mag isang buwan, baka hindi ko na mapigil ang Lola mong makulit." Napangiti si Alfredo. "Sabik na sabik siya sa babaeng apo. Ako lang po kasi ang nag i-isa nilang inaasahan nila dahil ako lang naman ang anak. Kaya siguro ganun na lamang ang pananabik niyang may iba pang makasama, at makasama ko. Iyong babaeng mapag kakatiwalaan niya kaya ganun na lamang siya kadesperada." "Muka naman siyang mabait," turo ni Almario sa dalagang si Charm. "Hindi ko pa po sigurado, pero napaka totoo niyang tao. Maging ako hindi ko alam kung bakit ko pa itinuloy na pakasal sakaniya." Wala sa sariling sabi ni Alfredo. "Parte pa nga ba 'yan ng plano at pag papanggap mo, o may iba nang ibig sabihin ang mga ngiting 'yan?" "Hindi ako nakangiti." Napairap si Alfredo at mabilis na inalis ang ngiti sakaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD