Chapter 11

724 Words
Alam ni Alfredo na maninibago talaga si Charm ngunit wala siyang magagawa dahil ito ang pinili ng dalaga. "Ibabab nyo na lamang ako dito." Utos n'ya sa driver kaya naman agad nitong ihininto ang sasakyan. Sinundan lamang s'ya ng tingin ni Charm at hindi parin kumikibo hanggang ngayon. "Mauna kana sa bahay may mga aasikaso naman sayo dun kaya hindi mo kaylangang mag worry. Mawawala muna ako at wala pang kasiguraduhan kung makakabalik agad. May mga a-ayusin ako." Paalam pa n'ya sa dalaga. "Akala ko ba--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Charm. "Sige na manong," utos niya. Hinintay niyang mawala sa paningin niya ang kotse kung saan nakasakay ang dalaga. Maya-maya pa ay dumating na ang kotse na susundo sakaniya patungo sa mga kaybigan niyang matagal na siyang hinihintay. Hindi na kasi siya maaring mag panggap pa sa dahil malalaman ng Lola Felicia niya ang ginawa n'ya. Tiyak na magagalit ang matanda at baka maitakwil pa s'ya. Kaya naman naisip n'ya na tama na ang pag papanggap. Uuwi siya sa bahay ng nasa totoong katauhan na ngunit hindi muna mag papakilala sa dalaga. "Bro!" Nakipag fist bump sakaniya si Lenard. "Welcome back, Lolo." Napahalakhak si Jared at Lenard. "Hindi ninyo alam ang hirap na dinanas ko mapanindigan lang ang ginawa ko." Inis na sabi ni Alfredo bago lumagok ng alak na nasa baho. "Uhaw na uhaw na ako," dagdag pa n'ya. "Sino ba kasing nag sabi sayo na gawin mo 'yun?" Naiiling na tanong ni Jared bago sya sinalinan ulit ng alak. "At tsaka malalaman mo rin naman kung ano ugali n'ya kaya you don't need to do that," sabat ni Lenard. "Nagawa ko na at success naman. Actually, kakaibang babae talaga si Charm," sagot n'ya. Nag titigan ang dalawa niyang kaybigan na tila ba nag uusap sa mata. Alam ni Liam an iniisip ng mga 'to. "Mali kayo ng iniisip," agad na sabi n'ya. "Hindi ko gusto si Charm. Malambing s'ya at mabait, tapos matulungin s'ya sa magulang at honest. Kaya lang hindi parin sapat 'yun para sakin." "So, pinayagan mo s'yang pakasalan ka kahit na alam mong pera lang ang habol n'ya?" Tanong ni Jared. Napatango si Alfredo. "Bro, you're inlove!" Tinuro pa s'ya ni Lenard. "Kilala kita," dagdag pa nito. "Hindi ikaw 'yung tipo nang tao na nag to-tolerate. Galit ka sa magnanakaw, galit ka sa gold digger so, bakit?" "Kasi tao parin naman ako na marunong maawa." Simpleng sagot ni Alfredo na ikinatahimik ng dalawa. "Sure ka 'yun lang ang naging dahilan? Malay ba namin kung gusto mo na pala s'ya e, halos mag i-isang buwan Kan tumira sakanila." Sinaam n'ya ng tingin si Jared. "Tigilan mo ako," walang emosyong sabi n'ya. "Fine," tinaas ng kaybigan niya ang dalawa nitong kamay upang ipakitang suko na. "Aalis na ako," paalam n'ya bago tumayo. "See you tomorrow." Tumango lamang ang dalawa sakanya. Mabilis niyang pinabarurot ang kotse na hiniram n'ya kay Jared. Ibabalik na lamang niya ito kinabukasan. Kabado si Charm. Bumaba siya sa napaka laking bahay na tila ba palasyo. Mayaman nga talaga pakakasalan niya. May sumalubong sakanyang mga katulong at bahagya pa siyang yinukuran kaya naman yumukod din s'ya. "Seniora hindi mo po kaylangan gawin 'yan," wika ng mayordoma. "Ayos lang po sanay na po ako sa probinsya." "Iha!" Napalingon si Charm sa matandang tumawag sakaniya. Napakurap kurap pa s'ya dahil kilala n'ya ang matanda. "Paano pong--" "Ako nga, iha. Salamat naman at nahanap ka ng apo ko," wika pa ng matanda bago s'ya binigyan ng yakap. "Sabik na sabik talaga akong makita kang muli, at maipakasal ka sa apo ko." "Po?" Naguguluhan si Charm. "Sino pong apo?" Takang tanong pa n'ya. Ang alam n'ya kasing pakakasalan niya ay ang inaakala niyang matanda na si Alfredo. "Si Alfredo," sagot nito sakaniya. "Pero matanda--" Natigilan si Charm ng may binatang iniluwa ng pinto. "S'ya ang tinutukoy ko ang aking apo na si Alfredo." Nakaturong sabi ng matanda sa binata. "Ang kilala ko pong Alfredo ay ang matandang inalagaan ko at kinupkop." Hindi makapaniwala si Charm. Gwapo kasi at matipuno ang pangangatawan ng binata na itinuturo ng matandang si Felicia. "Mag papaliwanag ako." Sagot ng binata bago tumitig kay Charm. "Iisa lang kami ng matandang kinukop mo." "Ano bang sinasabi mo Alfredo?" Maging si Lola Felicia ay hindi makapaniwala. Nanlaki ang mata ni Charm sa nalaman. "Bakit mo ginawa 'yun?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD