Chapter 9

699 Words
"Alam nyo po bang child abuse ang ginagawa ninyo?!" Gusto man sampalin ni Charm si Alfredo ay napigilan parin niya ang kaniyang sarili. Naniniwala siya na kapag binastos at minaltrato mo ang isang matanda ay malaki ang balik nito sakaniya. "Child abuse? Bakit ilang taon kana ba? As far as I know kapag dise-otso pataas ang isang babae ay nasa tamang edad na 'to." Paliwanag ni Alfredo. "Harassment! Iyan ang pwede mong maging kaso dahil sa ginagawa mo. Kinupkop ko po kayo at iginagalang dahil mataas ang respeto ko sainyo, pero bakit po kayo ganito?" "Pakasalan mo ako." Walang emosyong sabi na naman ni Alfredo. "Bakit po ninyo ako pinipilit?" Nayayamot na si Charm ngunit nagagawa parin niyang maging mahinahon. Tinalikuran niya ang matanda ng hindi ito sumagot ngunit bago siya lumakad pauwi ay may binitawan siyang salita kay Alfredo. "May dalawang araw po kayo para humanap ng tutuluyan ninyo, pasenya na." Lahat na yata ng mura ay na sambit na ni Alfredo. Ginusto niyang umamin na sana na hindi talaga siya matanda ngunit 'di naman niya alam kung saan at paano uumpisahan ang pag amin. Nag ring ang phone na ikinatatago ni Alfredo kaya agad niya itong sinagot. "Nakausap mo na s'ya? Gusto ko na siyang makita, iho." "Bakit ba kasi gusto nyo sya?!" Hindi mapigalan ni Alfredo na sumigaw. "Dahil napakabait niyang bata. S'ya lang ang nakikita kong dapat para sayo. Babaeng hindi sasamantalahin ang yaman mo." Paliwanag ng Lola niyang si Felicia. "Sapat na 'yung naitulong mo sakanya! Hindi pa ba tayo madadala? Ganito rin ang sinabi ninyo sakin nung minsang may tumulong sainyo, pero ano? Sinamantala at ninakawan lang tayo." Tandang-tanda pa ni Alfredo ang babaeng ipinakilala sakaniya ng kaniyang Lola Felicia. Si Solen, mabait sa umpisa at kinuha lamang ang loob nila. Maging si Alfredo ay minuntikan nang mahulog sa mapanlinlang na dalaga ngunit mabilis niyang nahalata ang mga kinikilos nito. Huli na ng malaman nilang modus pala talaga nito ang nakawan sila. Simula nun ay naging mahigpit na si Alfredo, at naging maingat na. Nadala na s'ya at hinding-hindi na mag papalinlang pa. Gusto pa niyang mas makasigurado kay Charm. May sakit na ang kaniyang Lola Felicia kaya naman wala siyang lakas ng loob na tumanggi sa hinihiling nito. Sasama lang ang loob ng matanda at baka maaga pang mamatay dahil sa sama ng loob. Kaya naman ganun na lamang siya kabusisi na kilalanin pa si Charm. Nadatnan ni Alfredo ang pamilya ni Charm na nasa sala. Wala ang dalaga kaya naman inilibot niya ang kaniyang paningin sa maliit na tirahan ng mga 'to. "Lo, pang himagas po." Alok ng ama ni Charm. Tulad ng una at ganun parin naman ang pakikitungo ng mga ito sakaniya. Wala pang alam ang mga ito sa ginawa niya kay Charm. "Si Charm?" "Hindi pa s'ya umuuwi. Kanina ko pa nga siya hinihintay ang sabi kasi niya ay susundan ka daw." Ang ina ng dalaga ang sumagot sa tanong niya. "Pwede ko ba kayong makausap?" Seryosong tanong niya sa mag asawa. "Mga bata pasok na kayo sa silid at matulog. Maaga pa ang pasok bukas," utos ng ama ni Charm. Samantala ang dalaga naman ay hindi muna umuwi upang mag palipas ng sama nang loob. Saglit lamang s'ya dahil masyado na ang dilim. Papasok na sana siya ng makarinig siya ng usapan. "Alam mo Lolo kung totoo man ngang kaya mo siyang bigyan ng magandang buhay masaya kaming malaman 'yan, pero kasi hindi kami ang mag dedesisyon para sa anak namin." Natuptop ni Charm ang kaniyang bibig upang iwasang makagawa ng ingay. "Kahit na pati kami ay inaalok mo hinding-hindi namin ibibigay ang basbas namin sa taong hindi naman gustong makasama ng anak namin. Hindi kami masisilaw sa pera. Sabihin mo mang mataas ang pride namin pero, Lo. Hindi namin kayang sirain ang buhay ng anak namin. Wala kaming tutol kung gusto niya, pero kapag ayaw ng anak namin ayaw narin namin." Paliwanag ng ama ni Charm. Tuluyan ng naluha ang dalaga. Sukal man sa loob niya ay wala siyang hindi kayang gawin para sakaniyang pamilya, maging kapalit man nito ay ang buhay n'ya. "Payag na po ako." Tumitig siya kay Alfredo. "Payag na akong pakasal sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD