Chapter 8

880 Words
At kanino naman ako makikipag date?! Gulat na tanong ni Charm sakaniyang isipan. Nakauwi na sila ngunit hindi parin niya binubuksan ang bigay ni Alfredo. Sobrang nag tataka lang kasi siya kung saan nakakuha ng pera si Alfredo? Ngayon tuloy ay tila ba naniniwala na siyang mayaman nga si Alfredo. Ngunit bakit naman nito gagawing mag panggap bilang mahirap? Napailing s'ya at iwinaksi sa isipan ang naiisip. Malabong mangyari ito ang isa pang isinisigaw ng utak ni Charm. Iniwan muna niya sa kama ang box, pumasok siya sa banyo upang maligo. May sariling banyo si Charm sa loob ng kaniyang hindi naman kalakihan na kwarto. Inalok na kasi ng kaniyang magulang ang kwarto ng mga 'to para kay Alfredo. Napansin narin siguro nila na nahihirapan si Charm sa sala matulog. Ang bahay nila ay hindi buong sementado. Half body lang 'to at tanging kwarto lang ni Charm ang medyo napaayos. Dahil narin sa dalaga ang anak nila ay kinakaylangan na talagang may sarili itong kwarto bilang privacy narin para kay Charm. Mabilis lamang siyang natapos bago naupo sa kama. Pinatutuyo niya ang kaniyang buhok ng magawi ang tingin sa box. Napakunot ang kaniyang nuo. Familiar sakaniya ang mamahaling tatak ng sapatos. Tuluyan n'ya itong binukasan, at hindi nga siya nag kamali. Napakaganda na ay napakamahal pa nito. Tumayo siya at lumabas bitbit ang pares ng sandalyas na binili ni Alfredo. "Lo!" Kaagad na napatingin si Alfredo. Nakatitig lamang siya kay Charm na palapit na sakaniya. "Kanino mo po kinuha ang sadalyas na 'to? Masama po ang manguha ng gamit na hindi naman satin. Malaking halaga po ang presyo nito. Ituro po ninyo kung saan nyo nakuha at sasamahan ko kayong humingi ng pasensya." Paliwanag pa ni Charmaine. "Para 'yan sayo." "Lo, masama ang manguha ng hindi po natin pag mamay-ari." Paliwanag ni Charm. "Huwag kanang maarte iha. Pansin ko na buka na 'yang gamit mo kaya naman renegaluhan na kita." Palusot ni Alfredo bago naningkit ang mata. "Pero ayoko talaga dun sa manliligaw mo." "Manliligaw? E, nakikipag kaybigan lang naman po yung tao." "Kunware lang yan, pero tigan mo rin kung talaga bang ang hangarin ay maganda." "Mamaya mag kita tayo sa ilog na madalas mong paliguan may aaminin ako sayo." Matapos sabihin ni Alfredo 'yun ay umalis na siya. Pumasok s'ya sa silid upang makapag pahinga. Samantala si Charm naman ay naligo na upang mawala ang malansang amoy ng isda na kumapit sa katawan niya. Matapos maligo ay nag paalam muna siyang lalabas upang mamasyal at makapag pahangin narin. Nais makipag kita ni Alfredo sa ilog ng masilim silim na ngunit is Charm ay hindi ito sineseryoso. Pabalik na sana siya upang alamin kung luto na ang ulam nila ng may makita niya si Angelo sa tapat ng bahay nila. "Charm!" Masayang lumapit ito sakanya. "Ipinag tanong ko ang bahay ninyo, para nga pala sayo." Inabot nito ang sandalyas. Hindi mamahalin ang sandalyas na binili ni Angelo. Napansin rin kasi ng binata na sira na ang ginagamit ni Charm kaya naman agad siyang bumili. Ngunit dahil nahuli niya ang gusto ni Charm ang pagiging simple ay hindi rin siya namili ng mahal. "Bakit ba ang daming nag bibigay ng sadalyas sakin ngayon?" Napailing na lamang si Charm. "Pasok ka," alok niya sa binata. "Salamat." "Sakto kakain na kami dito kana lang mag hapunan." Alok pa ni Charm bago sumenyas sa kaniyang ina na kumain na sila. Patayo na sana siya ng mapansing wala parin si Alfredo ng bigla itong sumulpot. "Kain na, Lo." Alok ni Charm bago naupo na ulit at sinimulang kumain. "Nanliligaw kaba sa anak ko?" Diretsahang tanong ng ama ni Charm. "Pwede po ba?" Nahihiyang tanong ni Angelo. "Hindi!" Si Alfredo ang sumagot. Natigilan ang lahat at napatitig kay Alfredo. "Ibig kong sabihin ay hindi pa maari. Kasi marami pang obligasyon si Charm," paliwanag pa ni Alfredo. "Kahit naman anak nahihirapan ka samin e, hindi naman namin kayang pati 'yang lovelife mo mawalan ng saysay. Kaya kung saan ka masaya ay dun narin kami," sagot ng Ina ni Charm. "Handa po akong tumulong." Alok ni Angelo bago ngumiti kay Charm. Mas lalong uminit ang ulo ni Alfredo. "Ako din handang tumulong." Sabat pa n'ya bago sumulyap kay Charm. "Seryosohin naman ninyo ako!" Napasigaw na si Alfredo ngunit pang matanda parin ang boses niya. Padabog siyang tumayo at lumabas. Bahala na kung susundan siya ni Charm sa ilog, basta sawa na siyang manatili sa mahirap na kalagayan nila Charm. Gusto na niyang makabalik sa manila. Dun ay binabalak niyang mag patuloy sa pag papanggap kapag naisama niya ang dalaga. Nauubusan na siya ng oras nag babanta na kasi ang Lola Felicia niya na ito na mismo ang tutungo sa bagay ng dalaga at mag aalok ng kasal. Kasal na hanggang sa abot ng kaya niya ay pipigilan n'ya kaya pilit siyang humahanap ng butas. "Lolo gabi na po." Dumating si Charm! Nakaramdam ng tuwa si Alfredo ngunit hindi niya ito pinahalata. Lumapit siya sa dalaga. "Pakasalan mo ako. Mayaman ako, may mga negosyo at kaya kayong bigyan ng magandang buhay." "Ano po bang tingin ninyo sakin?" Malungkot na tanong ni Charm. "Babaeng nangangarap na maging mayaman," diretsahang sagot ni Alfredo. "At ako ang tutupad nun." Hinapit niya ang bewang ni Charm at mabilis na hinagkan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD