Chapter 7

824 Words
"Seryoso ako." Walang magawa si Charm kundi ang malito lay Alfredo. Matanda na 'to at ulyanin. Ito ang tanging tumatakbo sa isip n'ya. Kaya naman imbis na patulan ay tinawanan na lamang n'ya si Alfredo at sinang-ayunan ng wala sa loob n'ya. "Kapag po inabutan nyo pa birthday ko next year," pag-bibiro pa ni Charm. "Maupo na nga po muna kayo mukang inaatake na naman kayo ng sakit na kalimot." Inayos na ni Charm ang kaniyang pwesto at nilinis upang makapag sara na. Nag text narin siya sa nag dedeliver sakaniya ng mga paninda na mag dala bukas. Maaga siyang naubusan ng paninda ngayon kaya naman tuwang-tuwa ang dalaga. Habang si Alfredo ay nayayamot dahil tila ba hindi s'ya sineseryoso ni Charm. "May banyo ba rito iha?" Pakunwaring tanong pa niya. Tinuro naman ni Charm ang banyo na nasa bandang dulo. "Kaya po ba ninyo?" Nag-aalalang tanong pa niya bago inalalayan si Alfredo na tumayo. Tumango ito sakanya bago lumakad patungo sa banyo. Naupo si Charm at binilang ang kinita niya ngayon. Inawas na niya ang pambayad niya sa ide-deliver bukas upang makapag simula ulit sa puhunan. Kinuha niya ang notebook na pinaglilistahan niya ng lahat. Puhunan, pangkain, panggastos at pansuporta sa gamot ng kaniyang Ina. Maluha-luhang tinitigan ni Charm ang mga 'to. Wala na naman matitira sakanya kahit pambili man lang ng nais niya. Napatitig s'ya sa sandalyas niyang bumubuka na. "Didikitan ko nalang," sambit niya sa sarili bago napabuntong hininga. Tingin niya'y mukang kaya pa naman ito ng pandikit kaya ganun nalang ulot ang gagawin n'ya upang may magamit. Tsaka na lamang niya isisingit ang pag bili kung talagang kaylangan na niya. Imbis kasi na ibili ng pangangaylangan para sa sarili ay idadagdag na lamang niya para sa pambaon ng dalawa nakakabatang kapatid. Ganito siya kabuting anak at kapatid. Inuuna ni Charm ang pamilya bago ang kaniyang sarili, minsan ay iniiyak na lamang niya ang lahat at sinasarili ang problema. Kaylan man ay hindi s'ya nakita ng pamilya niya na lumuha o nag reklamo. Palagi niyang iniisip na napaka laki ng utang na loob n'ya sa kaniyang mga magulang kaya wala siyang karapatan na mag reklamo. Ang pagiging mahirap nila ay hindi kasalanan ng kaniyang magulang. Hindi ganun ang mindset ni Charm. Alam kasi niyang mahirap din ang dinanas ng mga magulang niya ngunit nagawa parin sila nitong palakihin bilang isang mabuting tao. Pinahid ni Charm ang kaniyang luha at napangiti. Binabalak niyang mag abroad upang mas makatulong pa, at mai-provide ang pangangaylangan ng pamilya niya. Kahit na domestic helper ay papasukin niya. Ito ang isa pang pinag i-isipan ni Charm ng mabuti. Ngunit hindi pa niya mapag desisyonan dahil sa humahanap pa siya ng tiyempo na ipaliwanag ito sa dalawang matanda. Labis na malulungkot ang mga 'to kaya naman ayaw niyang mabigla ang mga ito. Napakamot sa batok si Charm ng mapansing ang tagal ni Alfredo. Sinubukan niyang tumungo sa banyo at ng makarating ay kaagad siyang kumatok. "Lolo?" Walang sumagot kaya naman kumatok ulot s'ya. "Lo, uuwi na opo tayo." "Kanina pa ako nasa labas iha." Kamuntik ng mapalundag sa gulat si Charm ng biglang may kumalabit sakaniya. "Saan po ba kayo galing?" Tanong ni Charm. "Diyan lang sa tabi-tabi." Palusot ni Alfredo kahit ang totoo ay kanina pa niya pinag mamasdan si Charm na lumuluha. Hindi naman talaga siya nag banyo. May kinausap lang s'ya para sabihin na maayos naman ang kalagayan n'ya. Nag tatanong na kasi ang mga kaybigan niya kung kaylan ba siya titigil sa kalokohan n'ya. Maging ang Lola Felicia n'ya ay hinahanap na siya ngunit gumawa na naman siya ng palusot. Tinatanong nito si Charm sakanya, at minamadali siya na pakasalan ang dalaga. Ngunit hindi niya masabing nasa poder na nga s'ya ng dalaga. Dahil oras na malaman nito ang ginagawa niya ay mapapatalsik siya at ipapataon sa kamotehan. Napapatunayan na ni Alfredo paunti-unti ang ugali ng pamilya ni Charm, at maging si Charm mismo. Tingin niya ay namali siya ng panghuhusga sa dalaga. Sobrang na gui-guilty si Alfredo kung totoo man na nga s'ya. "Tulungan na kita mag bitbit niyan iha." Alok n'ya bago akmang aagawin ang bitbit nitong timaba ng tumanggi ang dalaga. "Kaya ko naman po kaya bayaan na ninyo ako, Lo. May dadaanan lamang po ako pwede nyo po ba akong hintayin?" Mabilis na napatango si Alfredo. "Oo naman." Tumigil ito sa botikang nadaanan nila. "Bibili lang po ako ng gamot," paalam pa nito bago siya iniwan. Nagawi ang tingin ni Alfredo sa sandalyas ni Charm. Napailing s'ya bago umalis sa pwestong pinag iwanan sakanya ng dalaga. Kaagad siyang humanap ng mall upang mabilhan ang dalaga ng bagong sandalyas. Mabilis na nakabili ng branded na sandalyas si Alfredo. Sinukat lamang niya sa tingin ang size ni Charm. "Kanina pa po akong nag hahanap sainyo!" Hindi niya pinansin ang sinabi ng nag-aalalang si Charm. "Isuot mo kapag nakipag date kana," wika ni Alfredo bago inabot ang box na pinag lalagyan ng sandalyas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD